My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"

10.1K 261 195
By dyosathewriter

Hello to assye08 (Eyssa Octaviano). This chapter is for you. Thanks for always supporting Aldus and Gracie ❤ -- Dyosa

*******************************

ASHLEY

ROBERT ALDUS MET my gaze. So intently.  From where I was standing, I can see his dreamy eyes smiling at me.

Pati na rin ang kanyang handsome smiley grin.

My heart was beating fast. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa sobrang kaba.

He was here. When he said he couldn’t.

He was here. He was here. God, I wanted to cry.

He bit his lower lip and his sexy lips curled up in a slow lazy smile.

I inhaled a sharp breath, taking his sight inside of me. All of him.

Hello, sexy dreamy eyes. I missed you. So, so much…

Bobby smiley grinned and playfully wiggled his eyebrows at me. Pagkatapos ay kinindatan ako.

Inismiran ko siya and stuck out my tongue at him. I saw him laugh dahil umalog ang mga balikat niya. Pagkatapos ay itinuon na ang tingin sa nagsisigawang audience sa harapan.

“Wala na, nakindatan na. Lusaw na ang galit,” tukso ni Miranda sa akin.

I threw a sideways glance at her. “Like fucking duh.” Then I rolled my eyeballs while smiling.

Miranda giggled like a happy child. “Words, Ashley Grace,” nakangiti niyang saway sa akin.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Robert Aldus. They were clapping their hands dahil tinatawag na si Jacob Maravilla.

Nilingon ako ni Bobby at nginitian habang pumapalakpak siya. Lumabi ako at kunwari ay tiningnan siya nang masama. Lumuwang ang ngiti niya na marahil ay naaaliw sa ekspresyon ko.

But hey, I was serious.
Nagtatampo pa rin ako.

“Alam mong darating siya?” tanong ko kay Miranda.

Tinatawag na ngayon ang iba pang teammates nina Bobby, including Kevin Perez.

“Narito na sila nang sabihin sa ‘kin ni Cobi. Nagpasundo raw si Bobby kasi hindi rin naman daw siya mapakali sa bahay knowing na mag-isa ka lang dito at galit ka sa kanya,” esplika ni Miranda habang pumapalakpak. “But he went to the e-library first kasi may kailangan siyang tapusing report sa school bago nagtuloy rito at sumama kina Cobi.”

Medyo kinilig ako sa kwento ni Miranda. But I wanted to hear it from Bobby himself. Gusto kong siya ang magsabi niyon sa akin at baka sakaling malusaw nang lahat ang tampo ko sa kanya.

Fucking duh. Ang arte-arte mo, Ashley Grace, kastigo ko sa sarili.

Diniretso ko ang tingin kay Robert Aldus. Nilingon din niya ako. He smiled at me but I remained poker-faced. I even crossed my arms above my chest.

Maya-maya ay nakita kong nagpapa-picture na silang lahat sa stage. May mga wacky poses silang ginawa. Nagtawanan at nagpalakpakan silang lahat pagkatapos.

Isa-isa nang bumaba mula sa stage ang mga Roaring Lions alumni at members. But he remained standing there.

Licking his lower lip. Watching me with his sexy dreamy eyes.

“Ayan na siya,” kinikilig na sabi ni Miranda. “E-exit frame na ako. Pupuntahan ko sina Jacob para sabihing huwag na kayong istorbohin para magkausap na kayo. Bati na kayo, ha? Sayang ang gabing ito kapag ilalaan n’yo lang sa pag-aaway at tampuhan,” malambing pang sabi ni Miranda. “When you should be spending quality time with each other.”

I sighed. “Okay. See you later na lang.”

Nang makaalis si Miranda sa tabi ko, dahan-dahang lumapit sa kinatatayuan ko si Robert Aldus.
He forced me to meet his gaze and held it so intently.

Pinagmasdan ko siya, mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata niya. He had lost a little weight. May konting eyebags na sa kanyang mga mata. Siguro dahil sa sobrang puyat.

Pinansin ko ang suot niya. Gray v-neck t-shirt. Dark maong pants. Sneakers. Black sportswatch--the one I gave him kasi alam kong bagay sa kanya.

Simpleng kasuotan lang ng isang lalaki pero nadala niya nang maangas na maangas. So manly.

So tall and gorgeously handsome.

O, akala ko ba galit ka sa kanya? Balak mo pa ngang karate-hin, ‘di ba? tukso ng sub-conscious mind ko.

His both hands were inside his backpocket while slowly walking towards me.

While I was here waiting with butterflies in my stomach at mga dagang naghahabulan sa dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Napahawak tuloy ako sa kwintas na suot ko.

Ganito ba talaga ang feeling kapag nakita mo ang taong gusto mong makita dahil sobrang mahal mo siya?

When he stopped in front of me, leaving a little space between us, he just stood there.

And looked at me, scanning my face. And then he inhaled a sharp breath. Parang inubos at pinagsawa ang nostrils niya ng scent ko.

“Hello, my Gracie. I come in peace…” he said in a soft and sexy drawl.

I felt the warmth from his voice. It spread through my body.

I felt home.

God, I really, really, effing missed him.

Hindi ako kumibo. Basta nakatingin lang ako sa kanya.

“I come in peace,” ulit niya. “Me and…” Kinapa niya ang likuran at harapang bulsa. Then he scratched the back of his head and smiled boyishly. “Just me lang pala.” Sinundan niya iyon ng gwapong smiley grin.

I remembered the very first time he went to our house. He also said that he came in peace--kasama si Winnie the Bear.

Gusto kong mapangiti pero pinigilan ko. Gusto ko pang magmaganda.

I crossed my arms over my chest. “What are you doing here?” nakaarko ang isang kilay na tanong ko.

He put his hands inside his pocket. “I believe I was invited by the school. They sent me an invitation. And besides, gusto mong narito ako, ‘di ba?” malambing niyang sabi. “So here I am.”

Gusto mong narito ako. So here I am…

Inulit-ulit ko iyon sa utak ko. May kilig na hatid iyon sa puso ko.

“Pa’no ‘yung exam mo sa Anatomy? Nakapag-review ka na ba?” concerned kong tanong.
Concerned naman talaga ako sa studies niya. Minsan lang nauunahan ako ng pagtatampo.

“Hindi pa.”

Kumunot ang noo ko. “Pa’no na?”

He just shrugged his shoulders. Parang walang pakialam samantalang ako ay concerned na concerned.

“Kapag hindi ka nag-review, bibigyan mo ang professor mo ng dahilan para ibagsak ka,” seryoso kong sabi. Nangangaral ang tono ko.

“Hayaan mo na,” he said nonchalantly. “Mas ayokong bigyan ka ng dahilan para isipin mong balewala ka na sa akin at sa buhay ko. You are everything to me, my Gracie.”

Oh, fuck shit. Sino ba ang hindi matutunaw ang puso rito?

I pouted my lips at pagkatapos ay inismiran siya. “Asshole,” mahina kong sabi. Pinaparinig ko pa rin ang tampo sa boses ko.

His lips curled up in a sexy smile. “I know I am.” His dreamy eyes even twinkled with amusement.

“Ikaw ang pinaka-asshole na boyfriend sa sangkatauhan,” maarte kong sabi habang naka-pout ang lips. Alam kong malapit na akong bumigay.

Sino ba ang hindi bibigay sa dreamy eyes at ka-sweet-an ng lalaking ito?

He laughed quietly. “Alam ko.”

Umismid ako. “Tch…”

“Halika nga rito.” Pautos pero ang lambing nang pagkakasabi niya.

I took a step back. “Ayoko nga,” mataray kong sabi. “Naiinis pa rin ako sa ‘yo.”

“Sshh… Tama na ‘yan. ‘Wag na tayong mag-away. Halika na rito.”

Sinimangutan ko siya. “Bakit ba kasi?” asik ko sa kanya.

Hug kita saka kiss kita,” he fondly said. “Na-miss kita, eh.”

Then he took a step towards me and held me captive in his arms.

To my most comfort zone. Inside his hug.

And this was fucking home for me.

“Na-miss kita. Sobra…” bulong niya at masuyo akong hinalikan sa tuktok ng ulo ko. “Hindi mo lang alam na hirap na hirap ako kasi gusto ko lagi kitang yakap at kasama.” Hinalikan niya ako sa noo. “Sa bahay ka na kaya namin tumira?” he joked.

Same here, Robert Aldus. Kaya nga naghuhuramentado ako kapag hindi kita kasama, sabi ko sa isip.

“Jerkkk!” kunwari ay galit kong sabi. “Pupunta ka rin lang pala, ginalit mo pa ako.”

“Sshh… Let me just hug you…” He gently kissed the top of my head.

“Nakakainis ka,” parang batang pagmamaktol ko.

“Sshh… Yakap na kita. ‘Wag ka nang maingay,” masuyo niyang saway. In his familiar soothing sexy drawl.

My head was on his chest. Naamoy ko ang pamilyar niyang amoy na sobrang na-miss ko.

“Kailangan ko pang magalit para lang…”

“Sshh… Sshh… Sshh…” he cut me off.

Marahan ko siyang pinalo sa dibdib. “Sshh, sshh ka pa r’yan! Sini-sshh mo na ako. Karate-hin kita r’yan, eh.”

He chuckled softly and planted a soft kiss on my forehead. “Because I was still thinking and weighing things. Tulog o ikaw. Anatomy o ikaw. Group project o ikaw?”

He sighed. Bahagya niya akong inilayo sa kanya para tingnan sa mga mata. “Wala, eh. Importante ka sa akin kaysa sa pagtulog.”

Did my heart just fucking flutter with those kilig words?

Yes. It fucking did.

“Kung importante ako sa ‘yo--“

You are my everything, my Gracie,” he said softly and with full of fondness. “Lahat ng ginagawa kong ito ay para sa inyo. I want you all to be proud of me. Na nakapasa ako sa med school hindi dahil anak ako ng mga sikat na doctor kundi dahil deserve ko ang bawat pasadong markang nakuha ko. Kasama kita sa lahat ng pangarap at plano ko sa buhay. 'Wag mo sanang kalimutan 'yun.”

Sabi nga ni Miranda, wala na. Nalusaw na lahat ng tampo at galit ko dahil sa mga salita ni Robert Aldus ko.

I fondly touched his cheek with my free hand. “Anong oras ka uuwi?”

He kissed my hand. “Hanggang sa kung anong oras mo akong gustong kasama.”

Napangiti ako. “Forever?”

His dreamy eyes smiled back. “Then forever it is, my Gracie,” malambing niyang sabi.

Lumabi ako. “Hmp! Baka mamaya magmadali ka na naman.”

Marahan siyang umiling. “Hindi. Todo na ‘to.” He waved his fist in the air.

“Nag-review ka na ba?”
concerned kong tanong. Ayokong mabigyan ang professor niya ng dahilan para maibagsak siya.

“Hindi pa. Just stock knowledge. Kung hindi umubra, babawi na lang ako sa susunod. I hope that my bully girlfriend wouldn’t get angry with me the next time.”

I laughed out loud. K-in-arate ko siya sa tiyan. “Asshole! Bully ka d’yan,” natatawa kong sabi.
“Baka mamaya tulugan mo na naman ako.”

“Eh, ‘di gisingin mo na lang ako,” mabilis niyang sagot. “Sinasanay ko pa kasi ang sarili ko sa pagpupuyat nang husto. Hindi naman ako sanay noon na walang tulog nang mahigit twenty-four hours.” He pinched my nose the Robert Aldus way. “That’s why even if my heart says that I want to be with you, my body just can’t. Lalo na ang mga mata ko. Pumipikit talaga s’ya.” He kissed my forehead. “Just bear with me, please?”
malambing niyang pakiusap.

I looked directly in his eyes. “I’ll try. Sinanay mo rin kasi akong lagi kang nasa tabi ko, eh. Nahihirapan akong mag-adjust.”

He cupped my face. “We’ll make it through. Because you love me and I love you so much, we’ll make it through, okay?”

I smiled. Pagkatapos ay marahang tumango.

He kissed my forehead. Pero pagkatapos ay kumunot ang noo. “Bakit may hawak kang rose?”

Napatingin ako sa hawak kong rose. “Ah, bigay ni Rome del Mundo. ‘Yung lead vocalist ng Holy Smoke,” esplika ko.

“Alin? Banda ng mga kantang walang kwenta?” naiirita niyang sabi.

Pinalo ko siya sa dibdib. “Hoy! Legit sila. Super sikat nga sila, eh. Hindi sila banda na tulad ng sa ex ng ex mo.” Sinundan ko ng nang-aasar na tawa ang sinabi ko.

He tsked. “Sige, mang-asar ka na naman. Ang hilig mong mang-asar tapos ikaw naman ang nauunang mapikon kapag inasar kita pabalik.”

Isang malakas na hagikgik lang ang isinagot ko. May katotohanan naman kasi ang sinabi niya.

“Itapon mo na nga ‘yan,” naiirita niyang utos.

“Why? Sayang naman.” Kinilatis ko ang rose. They were super red.

“Dapat lang na itapon ‘yan. Wala siyang karapatang bigyan ka ng rose. Ako lang ang may karapatan dahil ako ang boyfriend mo,” asar niyang sabi.

“Boyfriend kong tinutulugan ako?” pang-aasar ko pabalik.

“Yes. ‘Yung boyfriend mong inaaway mo lately. ‘Yung boyfriend mong sinisigawan mo sa telepono.”

I threw my head back and laughed. Luminga ako sa paligid. At nang makita kong wala namang nakatingin sa amin ay kinintilan ko siya ng isang mabilis na halik sa labi. “Sorry…”

There. Nag-sorry na ako.

He swiped his tongue to his lower lip. He liked my kiss. I could bet my life on that. “Saka ‘yung boyfriend mong head over heels in love sa ‘yo na kahit hindi pa nakakapag-review sa exam ay sumugod sa HFU para lang sundan at makasama ang nagmamaldita at nagtatampong girlfriend,” biro pa niya.

Lalong lumakas ang tawa ko. And when I stopped laughing, I pinned him with my gaze. “I love you,” madamdamin kong sabi.

His dreamy eyes twinkled. “I love you more, Ashley Grace. Everything I do, I do it for you.”

“Naks naman, Parang kanta ‘yun, ah.”

“Yes, Bryan Adams.”

“Sige nga, sample nga ng pagkanta sa sintunadong boses d’yan,” I prodded him. “Gusto kong marinig ang malamig na sintunadong boses mo.”

He cleared his throat exaggeratedly. Wala siyang kiyeme mapagbigyan lang ako. “Don’t tell me, it’s not worth fightin’ for. I can’t help it, there’s nothin’ I want more. You know it’s true. Everything I do, I do it for you…” And then he bowed his head after.

I clapped my hands. At nagmuwestra ako ng hands down sa kanya habang tawang-tawa sa sintunado niyang pagkanta. “Isang malaking yes para sa ‘yo!”

He laughed. “Partida pa ‘yan, ha? Sintunado pa ako pero na-fall ka na sa ‘kin. What more kung kasingganda ng boses ni--“

“Rome?”

Agad na nagsalubong ang mga kilay niya. “Pucha! ‘Wag mo nga akong ikumpara r’on. Hindi kami magka-level. Boses ni Cobi ang gusto kong sabihin at hindi boses ng kung sino.”

“Hindi kayo magka-level dahil singer siya at basketball player ka?”

Kung bakit naman kasi ayoko pang tigilan ang topic tungkol kay Rome.

“Hindi 'yun. Hindi kami magka-level sa puso mo. Itapon mo na nga ‘yang rose. Hawak-hawak mo pa ‘yan. Ang roses lang na bigay ko ang dapat mong hawakan,” naiinis niyang sabi.

I giggled. “Ang sungit mo.”

“Sumusungit talaga ang tao kapag pagod at walang tulog.”

Lumakad ako patungong trash can sa gilid ng hagdan habang hindi nagbibitiw ang mga kamay namin ni Bobby. Mabilis kong itinapon doon ang rose.

“Ay, shit!” bulalas ko nang maramdaman kong may tumusok sa hintuturo ko. Marahil isang tinik sa stem ng rose na hindi naalis.

Robert Aldus tsked kasabay ang pagsasalubong ng mga kilay. “Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Nasaktan ka tuloy. Sinabi na kasing ‘wag kang tatanggap ng rose na galing kung kanino lang. Dapat galing lang sa ‘kin.”

I pouted my lips at inismiran siya. “Para kang ano,” natatawa kong sabi. “Nagseselos ka ba?”

“Ano sa tingin mo?” he dared me. His dreamy eyes were serious.

I pursed my lips. “Nagseselos.”

And I thought of it as endearing.
He looked so adorably cute.

“Mabuti alam mo,” aniyang nakasimangot.

“Ang sungit mo. Hindi bagay sa ‘yo!” nakangiti kong sabi.

Kinuha niya ang kamay ko at in-examine ang daliri ko. May konting dugo na lumabas mula roon. Parang tusok ng maliit na karayom lang naman.

Then I was shocked when he put it inside his mouth. Pagkatapos ay sinipsip ang konting dugo na naroroon.

“Aldus, that’s gross!” nanlalaki ang mga matang sabi ko.

“I don’t care,” parang batang matigas ang ulo na sabi niya. Then he examined it again. “Ayan, wala na."

I wrinkled my nose. Hindi ko akalaing gagawin niya iyon. “Ang gross.”

He looked at me. At ngumiti na parang isang pilyong bata na may ginawang kalokohan at hindi nahuli. “May dugo mo nang dumadaloy sa katawan ko. Hindi na tayo pwedeng maghiwalay Forever na tayo.”

Forever. I loved that word.

“Sabi nila, walang forever,” biro ko.

“Sabi lang ng mga bitter ‘yun. May forever at tayo ‘yun. Nasipsip ko na ang dugo mo. Hindi na tayo pwedeng maghiwalay pa.”

I cocked ay eyebrow at him. “At sino ba ang maysabing maghihiwalay tayo?” mataray kong tanong.

He smiley grinned. He loved what I said.

Bumuntong-hininga ako. It was with contentment. “Sinasanay mo na naman ako sa ganito…”

“Anong ganito?”

“’Yung ganito. ‘Yung sweet ka. ‘Yung everything I do, I do it for you ang drama. ‘Yung mga ganitong drama na pagsugod sa kung saan ako naroroon para lang maiparating mong importante ako sa ‘yo.”

“Eh, ‘di masanay ka. Gagawin ko naman hanggang sa susunod na lifetimes natin ang mga ito.”

I pouted my lips exaggeratedly. “Masanay… Hmp! Tapos pag wala na ang hirap mag-move-on.”

“Anong wala na?” kunot-noo niyang tanong.

“’Yung hindi ka na ganito--“

“Sshh… Tigilan mo ’yang pag-iisip ng ganyan. Hinding-hindi mangyayari ‘yan.” Niyakap niya ako nang mahigpit at hinalikan sa noo.

“Hmp! Nangyayari na nga.”

“Sshh… Nasa adjustment period pa kasi ako. Please bear with me.” Idinuyan niya ako sa yakap niya. Nagpadala naman ako.

Pagkatapos ay humiwalay ako sa kanya. “Sana nagdala ka ng notes  mo sa Anatomy para ma-review kita.”

“Meron akong dala.”

Pinandilatan ko siya at k-in-arate sa tiyan. “Aha! At balak mo talagang mag-review lang habang kasama ako.”

Natatawang hinimas niya ang tiyan. “Hindi, nagpasundo ako kay Cobi. Kaya nakatulog ako maski saglit sa byahe. I am using my time wisely. Tapos saka na ako magre-review sa sasakyan on the way home. Baka kasi magmatigas ka at ‘wag akong pansinin maski na lumuha pa ako ng dugo kaya nagsabi ako kay Cobi na baka sa kanya ako sumakay ulit pauwi. Hindi ako nagdala ng sasakyan. Mahirap mag-drive kapag inaantok.” Naglungkot-lungkotan siya. “Mabuti pa si Cobi hindi nagagalit kapag tinutulugan ko sa byahe.”

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. “Ah, eh, ‘di ‘dun ka na sa Cobi mo. Tutal may existing bromance naman kayo n’un.”

Hinila niya ako at malambing na niyakap. “Ayoko nga. Hindi ako kayang pasayahin ni Cobi tulad ng kung paano mo ako pinapasaya.” He then wiggled his eyebrows insinuating something playful.

“Ang perv mo! Kailan ba tayo huling nag-dessert?”

Pinindot niya ako sa ilong. “Ikaw ang perv. Wala naman akong binabanggit na dessert, ah.”

Natawa ako nang malakas at hinampas siya sa braso. “Jerk!”

He laughed out loud habang nakayakap nang mahigpit sa akin. “Hay, ang Gracie ko…” malambing niyang sabi.
“Sobra-sobra kitang na-miss. Nakaka-stress kapag nag-aaway tayo. Mahal na mahal kita."

It was true. Maski na ayokong umiyak ay naiiyak na ako kapag may lover’s quarrel kami.

“Kailan nga tayo huling nag-dessert?”

“Twenty-one days and a half kung hindi pa matutuloy ngayon,” pilyo niyang sabi.

I thought for a moment. Palaging nauuwi sa away ang nakaraang twenty-one days and a half namin. Nakaramdam ako ng panghihinayang. It could have been like this had I had been more understanding and patient with his schedule.

“Twenty-one days and a half? Bilang na bilang, ah,” tukso ko.

“Syempre dessert ‘yun. Masarap ‘yun.” His dreamy eyes gleamed with naughtiness.

Kinurot ko siya sa tiyan. “Pervert! Walang dessert… Re-review-hin kita.”

Napakamot siya sa likod ng ulo. “Pucha… Ang hirap n’un.”

“But I can give you a passionate kiss everytime you give me a correct answer sa mga tanong ko about Anatomy.”

He narrowed his eyes on me. He looked excited. “Kahit hindi sa lips?”

“Kahit hindi sa lips, Robert Aldus,” I said in a flirty note.

I missed this guy so much that I could give him a passionate kiss right here. Right now.

He flashed me his handsome smiley grin. “Now, that’s what you call Anatomy.”

Bago pa ako nakasagot ay tumunog ang cellphone ko. I tsked. Nakakaistorbo kung sino man ang nag-text. Malamang ay hindi ito si Miranda o Cobi. Sila mismo ang nagsabing hindi kami pwedeng istorbohin.

Kumunot ang noo ko when I opened the text message. It was from unknown number.

I was right when I said I know you from somewhere. Hindi naman kasi madaling makalimutan ang tulad mo – Rome del Mundo.

What the fuck? 

Continue Reading

You'll Also Like

273K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
21.5M 701K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...