ASHLEY
THE GUY’S HOODED eyes stopped at me and shamefully and intently met my gaze.
Bahagya akong napalunok.
I knew him, of course.
He was the lead vocalist of the band Holy Smoke and a graduate of HFU seven years ago.
Si Rome del Mundo.
THE Rome del Mundo.
Sino ba ang hindi nakakakilala kay Rome del Mundo? Halos lahat ng mga kabataang mahilig sa alternative at pop rock ay nahuhumaling sa bandang Holy Smoke.
Almost everybody knew the band Holy Smoke. Ako lang yata ang hindi nakakakilala sa kanila dahil hindi naman ako mahilig sa mga banda. Mas gusto ko ang mga balladeers.
“THE BAND HOLY Smoke is a Filipino rock band composed of Rome del Mundo as the lead vocals, songwriter and guitarist, JP Relucio as lead guitarist, Danrill Fabre as the bassist and Leroy Tinio on drums and all hailed from Holy Family University. The group was formed eleven years ago in the school-grounds and after-class jam sessions. And since they were all Holyians, Rome, who was then (and now) leader of the band, named theirs as the ‘Holy Smoke’. The band, now currently tagged as the ‘Pambansang Banda ng Pilipinas’ is hailed as the most influential band in the country. The band has gained several quadruple platinum award on the sales of their albums and has won numerous awards from different award-giving bodies. Their recent sold-out concert in a jam-packed People’s Arena was their latest conquer of victory in the Philippine music…” malakas na pagbabasa ni Miranda sa isang article sa Shining Holyian.
The article was written by Annie Dizon-Zamora sa latest issue ng Shining Holyian bilang pagkilala sa guest of honor ng HFU Centennial Celebration.
Ibinaba ni Miranda ang Shining Holyian newsletter sa mesa. “Oh, well, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Holy Smoke?” aniya.
“Ako,” singit ko bago pa nakasagot si Minnie, ang secretary ng council, na may malaking crush sa isa sa mga miyembro ng banda.
Lahat ay napatingin sa akin. Si Lance ay napangiti. Na-a-amuse marahil siya sa mataray kong pagsagot.
“Come on, Ash…” ani Minnie then rolled her eyeballs at me.
Ginantihan ko siya ng pag-roll ng eyeballs. “Eh, sa talaga namang hindi ko sila kilala gaano man sila kasikat. Just because they’re—“ I gestured a quite-unquote sign with my fingers, “Super sikat, means I have to know them. Nakikita ko sila sa TV, yes, but I don’t really know their names. At kung sino o ano sila sa music scene. Hindi ako mahilig sa mga banda at bandista. Sorry not sorry,” medyo mataray kong sabi.
Pabiro akong inirapan ni Minnie na ikinangiti ko. “Ah, basta, ako super fan nila. I love my Leroy, the drummer. Shit, ang angas lang niya kapag nagda-drums siya. And siya ang madalas na ka-collaborate ni Rome sa pagko-compose ng mga kanta nila. Kaya lang may girlfriend na siya. Si Rome lang ang walang GF sa grupo,” pagbibigay pa ni Minnie ng impormasyon.
But I did not mind that fucking information whether or not that Rome or Leroy were single. Wala akong pakialam sa kanila.
Sa iisang tao lang ako may pakialam.
Kay Robert Aldus Gallego. Ang lalaking inookupa ang isipan ko.
Paano ay nag-away na naman kami kahapon sa telepono. Sinabi niya kasi na hindi raw siya makakapunta sa Centennial celebration dahil marami pa siyang gagawin.
Iniwan na naman niya ako mag-isa.
“Walang GF si Rome? I thought meron. ‘Yung manager ng band nila?” Si Miranda iyon.
“Nag-break na sila, like mga four months ago,” sagot ni Minnie. “Medyo ugly nga ‘yung break-up kasi dinemanda ng girl si Leroy at si Leroy ang kinampihan ni Rome instead na ‘yung girlfriend—I mean, ex-girlfriend niya.”
Umismid lang ako. Wala akong pakialam sa lovelife ng Rome del Mundo na iyon. Hindi ko naman siya kilala at wala akong balak na makilala pa siya.
SO, THIS IS that Rome del Mundo, naisip ko habang nakatingin sa lalaki.
Iyong lalaking kanina lang ay pinag-uusapan namin nina Minnie at Miranda sa council’s office.
Now I knew him. Of course. Bilang lead vocalist ng isang sikat na banda sa Pilipinas.
Agad na lumapit si Lance sa babaeng handler ng banda. “Hi, Miss Rica. I am Lance Villarosa, and these are my council,” ani Lance sabay turo sa amin. “Welcome to HFU.”
“Hi, Lance. I am Rica, the band’s handler. And these are the Holy Smoke boys. Say, hi, boys.” Nilingon ni Rica ang band members.
“Hi,” the band members said in chorus.
But Rome del Mundo smiled at me, in particular. Pagkatapos ay sumaludo.
Mataray na pinagtaasan ko lang siya ng isang kilay matapos kong salubungin ang tingin niya. Mas Malala pa sa poker-face ni Lucas Agoncillo ang ibinigay ko sa kanya.
Wala ako sa mood sa ganito. Mainit ang ulo ko dahil sa lover’s quarrel naming ni Bobby.
May kurot na naman sa puso akong naramdaman nang maalala ko si Bobby.
Pero hindi pinansin ni Rome ang pagtataray ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. His hooded eyes intense and never breaking our eye contact.
Nakipaglaban din ako ng titigan sa kanya. Hindi ko kailangang matakot sa kanya dahil lang sikat siya at tinitilian. Hindi naman ako isa sa mga tumitili sa kanya.
He stopped right in front of me. I should be flattered dahil sa akin siya talaga lumapit samantalang apat kaming mga babae ang nakapila.
But I was not. Pake ko sa kanya?
He narrowed his eyes on me. Parang may isang bagay na pilit na inaalala.
“Do I know you from somewhere?” His voice was raspy. Husky. Parang kagigising lang at nagsalita agad.
Bedroom voice, as they would call it.
I cocked an eyebrow at him. “No, you don’t,” mataray at walang kangiti-ngiting sagot ko.
His bandmates at the back snorted. Maririnig mula sa kanila ang impit na pagtawa na parang nang-aasar dahil parang ipinahiya ko si Rome del Mundo.
Ang isang Rome del Mundo.
But I did not feel guilty. Pasensya siya. May pinagdadaanan ako, eh.
Kumibot-kibot ang labi ni Rome na tila nangingiti pero pinipigilan lang. And a lot of girls would find that smile sexy. But not to me.
Iisang sexy smile at smiley grin lang ang kilala ko. Doon lang ako patay na patay.
Hinapit ako ni Miranda sa beywang. Alam kong sinasaway niya ako sa pagtataray ko kay Rome. Maybe she felt it was uncalled for.
“I’m sorry. I just thought you are somebody I know of...” sabi ni Rome. I heard the sincere apology in his raspy voice.
Hindi na ako sumagot. I just rolled my eyeballs, showing my impatience.
Kaya si Lance na ang sumalo sa awkward moment na iyon. “Ang mabuti pa ay samahan na namin kayo sa Office of the President para sa courtesy call ninyo.”
“THIS LAST SONG for our first set is our cover for The Police’s Every Breath You Take. It is included in our album na kalo-launch lang namin last week. Sana ay magustuhan ninyo…” ang mahabang sabi ni Rome del Mundo sa stage.
Nasa open grounds ng campus naka-set-up ang stage. Nakisama naman ang panahon dahil maliwanag ang buwan at naglabasan ang mga bituin sa langit.
Tulad na lang ng paglalabasan ng mga babaeng sumisigaw sa banda nina Rome sa stage. The band was no doubt, famous.
Kami nina Miranda at ng buong council ay nasa tagong parte ng gilid ng stage. Si Minnie at Annie kasi ang host ng event at nakasuporta ang buong council sa kanila.
At dahil nakabuntot ako kay Miranda the whole time, kasama nila ako sa gilid ng stage.
Tapos na ang torch relay at lighting ng Centennial Flame. Suot ng mga athletes ang HFU jerseys nila. Jacob Maravilla was the one who lighted the Centennial Flame.
Kasunod niyon ang concert ng Holy Smoke. Pagkatapos ng first set nila ay ang pagpapakilala na sa mga previous alumni ng HFU na nagbigay karangalan sa unibersidad.
Kasama na ang Roaring Lions. Pero alam kong walang Robert Aldus Gallego na pupunta. He was incognito.
I felt so empty. I sighed and just watched Rome del Mundo sing their latest single—the cover of an old song by The Police.
Rome was a good singer. Pang-rock band talaga ang boses niya. His voice, husky and raspy it may seem, was versatile.
“Every breath you take…“ pagkanta ni Rome.
Napangisi ako at napailing. Isang linya pa lang sa lyrics ay nagsisigawan na ang mga babae.
But in fairness, marami din silang mga lalaking fans na talagang addict sa mga kanta nila.
“Every move you make… Every bond you break, every step you take, I’ll be watching you…”
Maraming sumasabay sa pagkanta ni Rome sa audience.
I was just watching him and his band perform. My arms were crossed over my arms. Pero madalas pa ring sumasagi sa isipan ko si Bobby.
“Every single day , every word you say…”
I just wished he was here. Para kasingsaya na rin ako ni Miranda. Na hindi man sila magkadikit ngayon ni Jacob dahil nasa kabilang side si Jacob kasama sina Andrew at Ryan at iba pang mga alumni athletes, at least, aware siyang naririto ang boyfriend niya at mamaya lang ay magkakasama sila.
Hindi tulad ko. Nganga. Wala ang boyfriend. Nagsusunog ng kilay sa pag-aaral.
At least pag-aaral ang inaatupag at hindi naglalandi sa ibang babae, singit ng mahadera kong sub-conscious mind.
“Every game you play, every night you stay, I’ll be watching you…”
Para akong nagising sa mahimbing napagkakatulog dahil nakita ko na lang na papalapit sa direksyon ko si Rome habang kumakakanta.
“Oh, can’t you see?” pagkanta niya. Pagkatapos ay may dinukot sa inside pocket ng suot na coat.
It was a red rose. Maliit lang at hindi pa gaanong nakabuka.
Then he gave it to me.
“You belong to me. My poor heart aches, with every step you take. Every move you make…”
Literal na nanlaki ang mga mata ko. But he just gave me a wide smile while still singing. Hindi pa rin niya inaalis ang kamay niyang may hawak sa rose sa harapan ko.
So, I accepted the rose.
Shit. I blushed. Fuck shit I did.
“Thank you…” Panandalian siyang tumigil sa pagkanta para sabihin iyon. Then he playfully wiggled his eyebrows at me.
Pagkatapos ay sumaludo sa akin at nagpatuloy sa pagkanta habang bumabalik sa gitna ng stage.
Naiwan akong dumbstrtuck sa kinatatayuan ko habang hawak ko ang rose na bigay ni Rome.
Ayon sa kwento ni Minnie kanina tungkol sa banda, kilala talaga si Rome sa pagbibigay ng rose sa mga babae kapag kumakanta ito sa mga concert at gig. Madalas ay sa panghuling kanta sa gabi raw nito iyon ginagawa.
Nag-aagawan at nagkakandarapa ang mga babae sa rose na binibigay ni Rome.
“Ash, ang ganda mo! Ang haba ng hair mo… Nakakainggit ka!” tili ni Minnie sa tabi ko.
Tumingin ako sa rose na hawak ko. Pagkatapos ay kay Minnie. “Huh? Bakit?”
“Ano ka ba? Dapat ma-flatter ka. Binigyan ka ni Rome del Mundo ng rose!” mabilis na sagot ni Minnie.
“You said, he does it randomly in every gig or concert, ‘di ba? Anong nakaka-flatter d’un?” walang pakialam kong sabi.
“But this is different,” ani Minnie. “Pinuntahan ka niya na para bang pinili ka niya when you are not even in the audience. Nasa gilid ka na pero sinadya ka pa niya rito. Samantalang apat tayong babae rito. Ikaw na talaga, Ash. Inggit ako,” nakalabing sabi ni Minnie. “At si Rome del Mundo ‘yun.”
Oh, well... I just shrugged my shoulders.
But it was quite flattering kung ganoon nga.
BAGO PA MATAPOS ang kinakanta ni Rome ay umalis na ako sa kinatatayuan ko at umupo sa isang monobloc chair sa isang gilid ng stage, malapit na hagdan.
Sina Miranda at Lance ay nag-uusap at nagbibigay ng instructions kina Annie at Minnie paglabas nila mamaya sa stage pagkatapos ng kanta ni Rome.
Ilang sandali pa ay lumabas na sina Minnie at Annie. Ibig sabihin ay tapos na ang pagkanta ni Rome. Boses na ng dalawa ang naririnig ko.
Miranda and Lance were still talking. So I just absentmindedly stared at the rose.
Kumusta na kaya si Bobby? tanong ko sa isip. Siguro ay tulog na iyon. O kaya ay nagre-review.
O kaya ay may pini-flirt na ibang babae, another part of my mind was playing devil’s advocate.
Napasimangot ako. Subukan lang niya. Hindi birong karate at mura ang matatanggap niya sa akin.
“There you are....”
That familiar raspy voice.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Rome na nakangiting papalapit sa kinauupuan ko.
Everybody in the area was looking at him. Magnet siguro talaga siya ng tingin.
Then he stood in front of me. Nakatingala ako sa kanya. He was average tall. Not Jacob or Bobby-like tall.
Rome smiled at me. “We weren’t formally introduced a while ago, Miss. I am Rome del Mundo, You are?...” He offered his hand to me.
Gusto kong umismid. Masyado siyang adelantado para sa akin. Pero dahil guest of honor siya, ayoko siyang pagsupladahan.
Tumayo ako. “I’m Ash,” pakilala ko sabay ang matipid na ngiti.
We then shook hands. Rome made it longer than necessary but I just did not mind it.
Napatingin ako sa hawak kong rose. “Thank you for this…” sabi ko pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin kay Rome.
His hooded eyes met mine. “You’ll be the only girl who’s going to receive a rose from me tonight. The only one.” He then smiled as if proud na proud sa sinabing iyon.
Nagtaas ako ng isang kilay. “Should I be flattered?” Mataray ang pagkakatanong ko niyon.
He laughed quietly. There was an amused look in his eyes. Na imbes na mainis sa sinabi ko, parang naaliw pa. “It’s not flattery, Miss Ash. It’s the truth.” Nagkibit-balikat siya. “So, it’s up to you.”
“Oh-kay. Sabi mo, eh,” walang interes kong sabi.
He chuckled.
Napasimangot ako. “May nakakatawa ba sa sinabi ko?”
Napakamot si Rome sa ulo at pagkatapos ay napaiing. Pero naroroon sa labi ang pigil na ngiti. “Nothing. I just find your reaction… amusing. It’s kinda cute and appealing—‘yung pagtataray mo. Are you really sure, we don’t know each other?”
Napatingin tuloy ako sa mukha niya. He looked familiar, yes. Eh, kasi ba naman nakikita ko siya sa TV. But other than that, wala akong matandaan.
O hindi lang ako interesado sa tulad niya kaya hindi ko siya naalala kung sakali mang nagkakilala na kami?
“No, Rome. We haven’t met before. Sure ako d’on.”
He cocked his head on one side and stared at me with a smile on his lips.
“Rome!”
Sabay pa kaming napatingin sa tumawag sa kanya. It was their drummer. Hindi ko lang natandaan ang pangalan.
Sumenyas ito na dalawang daliri malapit sa bibig. Nagmumuwestrang maninigarilyo.
“Tawag ka na…” May pagtataboy sa boses ko.
He tsked. He muttered ‘istorbo’. Then he shifted his eyes on me. “I’ll go…”
“Okay.”
“Nice meeting you, Miss Ash. Until we meet again…” malambing na sabi ni Rome. Yumukod siya.
“Nice meeting you, Rome.” May dismissal sa tono ko.
Because I knew the likes of Rome del Mundo. Akala nila, por que at sikat sila, they were God’s gift to women.
Fucking duh. Hindi ako kabilang sa mga babaeng iyon.
Pagkaalis ni Rome ay hinila ako ni Miranda sa gilid ng stage. “Roaring Lions basketball team na ang tinatawag,” aniya.
Lumabi ako. “Wala naman d’yan si Robert Aldus ko,” nagmamaktol kong sabi.
Miranda just smiled.
Nakita ko na may mga ibang lalaki na na nasa stage. Iyong iba ay may mga edad na. Marahil sila iyong higher batches ng Roaring Lions. Nakilala ko ang dalawa na siyang nakatabi namin sa upuan noong championship game.
“And now, let’s call on the batch of Roaring Lions that gave us the four-peat championship last season!” sigaw ni Annie.
Lalo akong nakaramdam ng lungkot. Dapat kasama si Bobby sa tatawagin. Pero mas pinili pa niyang mag-aral sa Anatomy.
Intindihin mo na lang si Bobby, Ash, paalala ko sa sarili.
“Let’s start with their team captain, the El Kapitan, Ryan Torres!” anunsiyo ni Annie.
Nakita kong umakyat ng stage si Ryan Torres at nakipag-high five sa mga alumni ng basketball team na naroroon.
“Next on the list is one of the formidable trio of this batch. The bedimpled and gorgeously handsome, Andrew Rufino!” sigaw ni Annie. “For your information, Andrew Rufino made sure na dapat kasama ang mga adjectives na iyon kapag ipinakilala siya,” natatawang dagdag ni Annie na ikinatawa ng lahat.
Umakyat si Andrew sa stage na parang isang politicong nangangampanya. Panay ang kaway niya sa audience.
Napangiti ako. It was good to see Andrew Rufino again. He was still the same makulit na si Andrew.
Pero nakaramdam din ako ng lungkot. Dapat kasama si Robert Aldus ko rito. Alam kong kapag tinawag na si Andrew na isa sa mga formidable trio, kasunod nang tatawagin si Bobby.
Fucking shit. I wanted to cry.
“Next on our list is also one of the formidable trio…”
I sighed.
Robert Aldus Gallego, kunwari ay sabi ko na lang sa isip para maaliw ko ang sarili ko.
“Our formidable small forward, Robert Aldus Gallego!”
Nanlaki ang mga mata nang marinig ko ang pangalan ni Bobby. Napatingin ako kay Miranda. Nakangiti lang siya. At pabirong itinaas-baba ang mga kilay.
And then I saw him.
My Robert Aldus Gallego.
Nakikipag-high five siya sa mga kasamahan sa stage.
He was here! Fucking duh!
And then his eyes searched for me. Parang alam niya kung nasaan ako.
He was always like that. Alam niya kung saan niya ako makikita kahit na nasaang lugar pa kami na para bang may nagtuturo sa kanya sa kinaroroonan ko.
Robert Aldus met my gaze. So intently. From where I was standing, I can see his dreamy eyes smiling at me.
Sexy dreamy eyes.
Pati na rin ang kanyang handsome smiley grin.
My heart was beating fast. Parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sobrang kaba.
He was here. When he said he couldn’t.
He was here. He was here. God, I wanted to cry.
He bit his lower lip and his sexy lips curled up in a slow lazy smile while our eyes holding each other's gazes.
I inhaled a sharp breath, taking his sight inside of me. All of him.
Hello, sexy dreamy eyes. I missed you. So, so much…