My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance

18K 435 373
By dyosathewriter

Hi to Ms. Alona Suzhanne Gerona (KayllieGerona in wattpad). Akki Eliseo says hi 😘. Pinalabas ko siya para sa 'yo. Maraming salamat sa suporta. You've been promoting Aldus and Gracie's love story thru your FB posts. 😍

Hi to RaquelMercado370 whose son, Clihde Marshal, is celebrating his 7th birthday today, December 9, 2017. Happiest birthday to you, Clihde Marshal! 🎁🎂🎈🎉. You've got a unique name. Thanks to your dad 😊.

And last, thank you to Ms. Reginah Seminiano (regseminiano in wattpad) for the calligraphy above. I appreciate the effort. But more than the calligraphy, I would like to thank you, from the bottom of my heart, for your support since day one, when I only had about 5k (?) reads on my first story (Lucas & Stasha's love story) here in wattpad and just a hundred followers. But now, my friends' list is growing. Thank you, Reg!

Thank you, guys sa support, especially sa mga silent readers. Sana isang araw ay marinig ko rin ang mga thoughts ninyo. 😍
I love you all! Hashtag Happiness ❤--- Dyosa

**************************

ASHLEY

"ASHLEY GRACE, LOOK out!" narinig kong sigaw ni Miranda na siyang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Panic was obvious in her voice.

Nanlaki ang mga mata ko.

Dahil pagliko ko ay isang kotse ang pasalubong sa amin.

Bumusina ito ng sunod-sunod sa amin. Nasilaw ako sa headlights nito.

Mababangga kami...

Iyon ang huli kong naisip.

Kaya naman mabilis kong kinabig ang manibela pakaliwa bago pa man kami bumangga sa kasalubong naming kotse.

Nakita ko ring kinabig naman ng driver ang kotse niya pakanan.

Sa bilis ng reflexes ko ay nagawa kong hindi kami bumangga sa kasalubong naming kotse. Pero dahil sa biglaan kong pagkabig pakaliwa sa manibela ay isang malakas na kalabog ang narinig ko.

Nauntog ang gilid ng ulo ni Miranda sa salamin ng bintana.

"Shit!" malakas kong bulalas at agad na naipreno ang sasakyan. "Shit! Shit!"

Agad akong tumingin kay Miranda. Hawak-hawak niya ang side ng ulo na nauntog.

Good thing my reflexes were fast.

And good thing we were both wearing our seatbelts.

Kung hindi, malamang ay hindi lang pagkauntog ang pwedeng mangyari kay Miranda.

Oh, God. Malalagot ako sa buong gang kapag nagkataon.

Hindi ka pa ba lagot ngayon dahil nasaktan si Miranda, Ash? pananakot ng isang parte ng utak ko.

Inalis ko ang seatbelt ko at agad na humarap kay Miranda.

"God, are you okay?" natataranta kong tanong. Fear was evident in my voice. Nanginginig ang buong katawan ko pero hindi ko iyon inintindi.

Si Miranda kaagad ang inintindi ko.

She was shaking, too. Nakita ko ang pag-inhale-exhale niya na parang pinapaalis niya ang kabang nararamdaman sa dibdib.

"Are you okay?" nagpa-panic kong tanong at sinipat ang buong katawan niya.

Hindi ko alam kung ano ang una kong hahawakan sa kanya. Ang braso ba niya? Ang balikat?

Fuck shit! I did not know.

Basta ang alam ko, lagot ako sa buong gang kapag may nangyaring hindi maganda kay Miranda.

Naglabas ng isang malalim na buntong-hininga si Miranda. "I'm okay. Nauntog lang naman ako," aniya at hinimas ang ulo. "Kinabahan lang ako..."

Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo. "Ikaw, okay ka lang ba?" concerned niyang tanong.

Hindi ko maiwasang ma-touch at ma-guilty na rin para kay Miranda. Siya na nga ang nasaktan ay ako pa rin ang inaalala niya.

"Okay lang ako..." sagot ko pero naagaw ang atensyon ko ng driver ng kotseng makakabanggaan sana namin.

Galit na galit ang mukha ekspresyon ng mukha niya.

"Shit! Shit!" sunud-sunod kong mura.

Napatingin din si Miranda sa direksyon ng mga mata ko.

"Hala..." ang naibulalas niya na halos pabulong na lang na lumabas sa labi niya.

Pareho kaming natakot sa ekspresyon ng mukha ng lalaki. At pareho kaming napapitlag ni Miranda nang bayuhin ng lalaki ang hood ng sasakyan ko.

"Hey!" malakas na sigaw ng lalaki. Nasa late thirties na ito.

Napalunok ako. Hindi ko malaman ang gagawin ko.

"Shit! Pa'no ba 'to?" nalilito at natataranta kong sabi.

"Bababa ako..." ani Miranda.

Agad ko siyang pinigilan sa braso. "No. Baka kuyugin ka niya--"

Iyon ang madalas kong mabasa o mapanood. Hindi ka dapat agad na bumaba ng sasakyan sa ganitong pagkakataon lalo pa at babae ka o nag-iisa.

Tumingin ulit si Miranda sa lalaki na nakapameywang na ngayon. Salubong na salubong ang mga kilay niya.

"Nag-iisa lang siya kaya hindi niya ako makukuyog. And besides, we have to apologize. Tayo ang may kasalanan sa nangyari. Tayo ang mali roon."

Isa sa mga magagandang katangian ni Miranda ay hindi siya marunong mang-iwan sa ere. Alam ko namang ako lang ang may kasalanan dahil ako ang may hawak ng manibela. At wala ako sa sarili habang nagda-drive.

Pero 'tayo' kung i-refer niya ang pangyayari at hindi 'ikaw' lang.

How can you not love a Miranda dela Cruz?

At may kasalanan ako sa kanya ngayon dahil muntik ko na siyang maipahamak at mailagay sa peligro.

Bago ko pa muling mapigilan si Miranda ay nabuksan na niya ang pinto sa side niya at bumaba ng kotse. Ibinaba ko ng konti ang salamin para marinig ko ang pag-uusap nila.

Hindi ko magawang bumaba ng kotse dahil sa takot na baka sisihin ako ng husto ng lalaki.

"Hi, Sir. Good evening--morning--" sabi ni Miranda nang makalapit sa lalaki. "Pasensya na, Sir--"

"Alam ba ninyong one way lang ito?" sigaw ng lalaki kay Miranda.

Agad akong napatingin sa street sign. The man was right. One way nga lang ang daan.

Maling-mali kami.

Napa-faceplam ako. Kasalanan ito ni Robert Aldus. Kung hindi sa kanya, malamang ay payapa ang damdamin ko.

Lalo tuloy sumidhi ang kagustuhan kong huwag siyang makita pa.

"Sir, pasensya na po talaga..." hingi ng paumanhin ni Miranda. "Hindi po kasi nakita ng kaibigan ko na one way kasi hindi po namin kabisado ang daan. Pasensya na po talaga, Sir," esplika pa ni Miranda sa mapagkumbabang boses.

"Magaling pong driver ang kaibigan ko, Sir," patuloy ni Miranda nang hindi kumibo ang lalaki. Pero mukhang unti-unti nang nawawala ang galit niya dahil na rin sa mahinahon at mapagkumbabang tinig ni Miranda.

"Pero sa pagkakataong ito, aaminin ko pong kami ang may kasalanan bilang one way pala itong pinasok naming daan. Sorry na po talaga, Sir. Humihingi po kami ng paumanhin. Pasensya na po sa malaking abala na ito sa inyo--"

Kung ako lang siguro mag-isa at hindi ko kasama si Miranda, lalo pa sa estado ng damdamin ko ngayon, baka inaway ko rin pabalik ang lalaki kahit na mali ako. Lalo pa at pagalit niyang binayo ang hood ng kotse ko.

Pero dahil mahinahon at malumanay na humihingi ng paumanhin si Miranda ay naging mahinahon na rin ang pakiramdam ko.

Bumuntong-hininga ang lalaki. "Do you know that I am with my wife and she is four months pregnant now? God, if our cars both--" Hindi na nagawang maituloy ng lalaki ang sasabihin at napahilamos sa na lang sa mukha.

Pagkatapos ay tumingin sa direksyon ko. Marahil ay nagtataka siya kung bakit hindi ako na mismong driver ang humaharap sa kanya.

Nanginginig pa rin kasi ako hanggang ngayon.

Napasinghap si Miranda at agad na naitakip ang kamay sa bibig.

Ako naman ay ganoon din. At agad na binalot ako ng sobrang guilt. Hindi ko masisisi ang lalaki kung magalit sa amin nang sobra.

Patakbong lumapit si Miranda sa side ng passenger seat ng kotse ng lalaki. Hindi ko na gaanong marinig ang sinasabi niya sa taong nasa passenger seat pero base sa nakikita kong actions at hand gestures ni Miranda, alam kong humihingi siya ng paumanhin.

Kitang-kita sa mukha niya ang guilt.

Kaya naman nilakasan ko na rin ang loob ko at lumabas na ako ng kotse. Napatingin sina Miranda at ang lalaki sa akin nang bumaba ako ng kotse at lumapit sa kanila.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa aming dalawa ni Miranda. Siguro ay nagtataka kung bakit naka-pajama bottom si Miranda at ako ay naka-red dress.

"Sir, sorry..." mapagkumbaba kong hingi ng paumanhin. Hindi ko gawain ang manghingi ng sorry pero simula nang maging kaibigan ko si Miranda ay nagagawa ko na rin.

"Hindi ko po kasi kabisado ang daan...one way pala..." I continued.

Natuto na rin akong gumamit ng po at opo simula nang maging kaibigan ko si Miranda.

Miranda was the most influential person in my life. At hindi ko gugustuhing may mangyaring hindi maganda sa kanya.

Mabuti na lang at gising na gising ang aming guardian angels at sinagip kaming dalawa.

Lumapit din ako side ng passenger seat. I saw a woman sitting. Nakaalis na ang seatbelt niya at nakahawak siya sa tiyan niya.

"Ma'am, I'm sorry... I'm so sorry..." Pumiyok ang boses ko.

Pakiramdam ko kasi ay pinagsasakluban ako ng langit at lupa sa mga nangyayari sa akin ngayon.

Parang hindi aligned ang stars and universe ko.

No, they fucking were not.

Nagsinungaling sa akin ang boyfriend ko.

Tinanggap niya ang pakikipag-break ko sa text.

At muntik ko nang maipahamak ang girl best friend ko.

Saan ka pa?

Puro kamalasan ang nangyayari sa buhay ko.

"Ma'am, Sir, patawarin n'yo na kami..." sabi pa ni Miranda
Binuksan ng babae ang pinto ng sasakyan at akmang bababa sana siya nang mabilis siyang alalayan ng lalaki.

Hindi ko na namang maiwasang maalala si Bobby. Ganyan din siya ka-attentive sa akin lalo na sa pagbubukas ng pinto ng kotse para sa akin.

Bobby again? naiirita kong saway sa utak ko.

Hindi ko na siya dapat na maisip pa.

Break na kami.

Malamang ay naroroon na naman iyon sa ex niyang nag-iinarte at ni hindi man lang naisip na umalis kami ni Miranda nang walang paalam.

Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magkasama kami ni Miranda sa disoras ng gabi at hindi kami ma-contact?

Mag-aaalala kaya siya?

Napaismid ako. Baka nga hindi niya alam na wala kami pareho ni Miranda sa bahay dahil busy siya sa kaaalo sa ex-girlfriend niyang nananakot na magpakamatay.

Takutin ko rin kaya siya na magpapakamatay ako?

Agad akong napailing. That was not my thing. Dahil sa dami ng hirap at pasakit sa kalooban na dinanas ko, hindi ko kahit kailan tinangkang tapusin ang buhay ko.

Because for me, life was beautiful no matter how hard it was.

Napabuntong-hininga ako. Ayoko ng isipin. Sumasakit lang ang dibdib ko. Lalo pa kapag nalaman ko ang totoo na hindi siya nag-aalala para sa akin.

"Girls, I'm fine. Don't worry about me. I'm just quite shaken..." sabi ng babae na ngumiti pa para siguro hindi na kami ma-guilty pa. "Totoong mali kayo pero pareho naman kayong magaling na driver dahil mabibilis ang mga reflexes ninyo," sabi pa ng babae.

""Eh, Ma'am, kumusta po si baby?" nag-aalala pa ring tanong ni Miranda. Masuyo niyang hinipo ang tiyan ng babae. "Baby in the tummy, sorry..."

Lumuwang ang ngiti ng babae sa naging aksyon ni Miranda. Para kasing bata si Miranda. Nakamasid naman sa amin ang asawa nito. Wala na ang galit na ekspresyon sa mukha.

"I think and feel that my baby is fine. Hindi naman naipit or something ang tiyan ko kanina. Kinabahan lang ako kasi akala ko magkakabanggan tayo," paliwanag ng babae.

Iyon din ang akala ko kanina.

"Sorry po talaga, Sir..." Tumingin ako sa lalaki at pagkatapos ay sa babae. "Ma'am... Promise po sa susunod ay mag-iingat na talaga ako sa pagmamaneho."

"Sir, sorry po..." sabi ni Miranda at hinimas ang lalaki sa braso. "'Wag na po kayong magalit sa amin."

"Hindi na siya galit. Sobrang nag-alala lang talaga siya para sa akin," salo ng babae sa asawa niya at masuyong tiningnan ang lalaki.

At sa ilang hindi mabilang na beses ay naalala ko na naman si Robert Aldus ko.

Hindi mo na siya Robert Aldus, Ash... paalala ng mahadera kong sub-conscious mind.

Muli ay naroroon na naman ang punyal na nakatarak sa dibdib ko na nagbibigay ng sakit at pagdurugo ng puso ko.

Para kasing ang hirap paniwalaang wala na kami ni Bobby.

Kanina lang ay tuwang-tuwa siya dahil sinabihan siyang 'gwapo' ni Ah Ma.

He was smiley grinning--so handsomely.

And then the next thing I knew, we already broke up.

Sa text lang.

Pagod na ako, Ash. Ayoko na.

Napalunok ako at biglang nanubig ang magkabilang-gilid ng mga mata ko.

Ayoko ng umiyak. Pagod na rin ako sa kaiiyak.

MATAPOS KAMING MAGPAALAM sa mag-asawa at masigurong hindi nasaktan ang babae at ang ipinabubuntis nito ay bumalik na kami sa kotse.

We exchanged numbers with them. At nasabi ko na kung magkakaroon ng problema ay tawagan lang ako. That I can help because my boyfriend's family was all doctors.

Pero hindi ko sinabing ang mga Gallego ang family of doctors na iyon.

Slip of the tongue.

Huli na nang ma-realize kong hindi ko na pala siya boyfriend at wala na akong karapatang ipagmalaki pa iyon.

Pero hindi ko na iyon nabawi pa sa mag-asawa.

Sa ibang doctor ko na lang siya siguro ire-refer kung sakali.

Pagsakay namin ng kotse ay pareho kaming naglabas ng isang malalim na buntong-hininga ni Miranda at bigla ay naalala kong nauntog nga pala siya nang malakas kanina.

Hindi ko siya gaanong inintindi dahil naka-focus ako sa paghingi ng paumanhin sa mag-asawa.

"Okay ka lang ba? Nauntog ka--"

"Okay lang ako," mabilis na sagot ni Miranda. "Don't worry about me."

"Pero nauntog ka kanina at malakas..." Hinipo ko ang parte ng ulo niya na nauntog kanina at nakapa ko ang isang malaking bukol. "Shit! Shit! Mira, ang laki ng bukol mo sa ulo--"

"Kasi nga nauntog ako kaya nagkabukol," mapagpasensyang esplika ni Miranda maski na hindi na iyon dapat pang iesplika sa akin.

Siguro dahil alam niyang tuliro ako at wala sa sarili kaya lahat na lang ng bagay ay ipinaliliwanag niya.

"Nahihilo ka ba? Nasusuka?" natataranta kong tanong. Iyon kasi ang alam kong epekto ng malakas na pagkakauntog.

"Ash... Ash..." mahinang saway ni Miranda sa akin.

But I was already panicking. Bigla kong naisip ang buong gang. Si Lucas. Si Tres at lalo na si Jacob na sobrang kung aalagaan at protektahan si Miranda.

Lagot ako sa kanila. At iniisip ko pa lang ay nagdadala na iyon ng panic sa buong katawan ko. I was starting to shake again.

"Dadalhin kita sa hospital--" Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa manibela. "Kailangang madala ka sa hospital--"

"Ash, calm down--"

"Dadahilhin kita sa emergency. Putang ina, saan ba ang pinakamalapit na hospital? Putang ina!"

I was hysterical.

"Ashley Grace... Hey--"

Tumingin ako kay Miranda at sa nanlalabo kong paningin dahil sa luhang namuo sa mga mata ko. "I need to know you're okay. Magagalit sa akin ang buong gang. Baka lumayo kayo sa akin kasi puro trouble na lang ang dala ko sa inyo. Baka magsawa na kayo sa akin. Baka mapagod na rin kayo sa akin kasi kung si--"

And then I cried.

So hard. Siguro ay dahil takot na takot.

Pakiramdam ko ay tinalikuran na akong buong mundo.

Kawawa. Nag-iisa.

Bobby left me.

Ang nanay ko na hindi ko alam kung saan naroroon ay iniwan na rin yata ako.

And then the gang. They might get tired of the troublesome Ashley Fucking Grace.

Nakakapagod ba talagang mahalin ang isang tulad ko?

When all I wanted in my whole life was someone who will love me with who I am--flaws and all?

Nagbago naman na ako, ah?

Miranda pulled me into her arms and hugged me tight. "Ano ka ba? Wala gan'on..." Her tone was reprimanding. "Hindi sila magagalit sa 'yo. Hindi matatapos ang friendship nating lahat dahil lang nagkabukol ako. Hindi kami magsasawa sa 'yo. Hindi kami mapapagod sa 'yo, Ash..." She said with so much conviction.

Eh, bakit si Bobby napagod na sa akin?

Iyon ang gusto kong itanong sa kanya pero pinili ko ang huwag na lang magsalita.

Tears were running down on my cheeks.

Bahagya niya akong inilayo sa kanya. Then she looked at me with so much fondness and compassion in her eyes.

"I love you, Ashley Grace," aniya at ngumiti ng kanyang charming smile. "Whatever it is that's bothering you, please know in your heart, that it shall all pass. What doesn't kill you makes you stronger..." Then she wiped the tears on my cheeks.

Miranda dela Cruz. My human handkerchief.

"Don't cry na..." sabi pa niya. "Kung may tampuhan man kayo ni Bobby, walang gusot ang hindi nadadaan sa mabuting pag-uusap. Talk when you have both cooled your heads off."

Marahan akong tumango. Pero nakasibi pa rin ako sa pagpipigil ng luha.

Hindi lang naman kasi tampuhan ang sa amin ni Bobby.

We already broke up. Paano ko ba uumpisahang sabihin iyon kay Miranda nang hindi iiyak ng balde-balde?

"Don't leave me..." sabi ko sa garalgal na boses.

Nakikiusap. Nagmamakaawa.

"I won't. I am here to stay. And I will always be your friend no matter what."

Napalunok ako. It was an assurance and a promise I will forever hold on to.

Hindi si Miranda ang sisira sa pangako niya.

Hindi tulad ng isang Robert Aldus Gallego.

Sabi ni Miranda ay pag-usapan ninyo muna ni Bobby ang problema sa pagitan ninyo, sabi ng suwail kong utak.

But I shut that thought off.

Pagod na si Bobby. Umayaw na siya.

That was it. Hindi ko kahit kailan ipinilit sa isang tao ang sarili ko.

"Are you sure you're fine?" paninigurado ko.

She smiled. "I am perfectly fine. May bukol lang ako. Pero hindi ako nahihilo at hindi ako nasusuka. Hindi ako kailangang itakbo sa emergency ng hospital," she assured me.

"Ako mismo ang magsasabi sa 'yo at magpapatakbo sa hospital kung sa tingin ko ay hindi ako okay."

Tumango lang ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon.

Miranda held my hand and squeezed it. "Just... just drive safely, okay? Kung pwede nga lang mag-substitute sa 'yo sa pagda-drive, ginawa ko na. Kaso hindi naman ako marunong mag-drive."

Iyon ang isa sa mga hindi natutunan ni Miranda. Jacob wanted to buy her a car. Gusto rin ni Jacob na matuto siyang mag-drive.

But Miranda chose not to. Bakit pa raw gayong marami siyang kaibigan na handa siyang ipag-drive?

Tumingin ako sa relo ko. It was past one o' clock in the morning. Hindi ko kahit kailan inakala na makakasama ko si Miranda sa isang road trip.

"Kumain ka na ba?" concerned niyang tanong. "Gusto mong bumili tayo ng french fries?"

She knew it was my comfort food.

I sighed. "Yeah. Pero maghanap muna tayo ng convenience store para makabili ng yelo at malagyan ng ice pack 'yang bukol mo."

Bigla kong naalala ang convenience store namin ni Bobby. Kung saan nagsimula ang lahat. Doon ko kaya dalhin si Miranda?

Nah. It would be heartbreaking memory trip down the lane. Doon ko unang niyaya si Bobby na maging kami.

Let's have fun and make crazy things together... pangungumbinsi ko pa sa kanya noong nagdadalawang-isip siya.

But he agreed to it.

And when Kate comes back into his life, I should be out of his life--pronto.

And now Kates was back in his life. Hindi madaling kalimutan ang dalawang taon kasama si Kate. Kumpara sa ilang buwan sa akin.

Kaya umayaw na siya.

So I should be out of his life now.

Permanently.

"I WANT A large Freezee, Kuya. I want to freeze my brain out..." narinig kong sabi ng cute na boses ng batang babae.

Maski paano ay napangiti ako. Pasado ala una na ng madaling araw pero heto ay may isang batang babae ang gising pa para bumili ng Freezee, isang frozen and flavored drink na popular sa convenience store na ito. At mukhang tino-tolerate ng kuya niya.

Mabait ang kuya kung ganoon.

Her voice was a little familiar. Parang kilala ko.

Sabagay, pare-pareho lang naman ang boses ng mga little girls. Ang dalawang pamangkin nga ni Bobby ay parang magka-boses din.

Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. I will surelly miss those two little girls. Pwede ko pa kaya silang maka-bonding ngayong wala na kami ni Bobby?

Nasa counter na kami noon at kasalukuyang nagbabayad ng yelo na binili namin pati na ang hotdog bun.

"It's past one in the morning, Fib. And I don't understand myself why I gave in to your whims," sagot naman ng isang lalaki na tila kasama nito.

Lalong kumunot ang noo ko.
Pamilyar din ang boses ng lalaki.
Pamilyar na pamilyar. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Because you love me, Kuya..." the little girl replied smugly.

"Ha! Ha!" sabi ng kasama nitong lalaki sa nang-aasar na boses.

Pamilyar na boses.

"Who told you that?" dagdag pang-aasar pa nito sa bata gayong naririnig naman ang fondness sa boses.

"Everybody!" the little shrieked. She was confident.

"They're just kidding you. Naniwala ka naman..." pang-aasar pa ng lalaki.

Napangiti ako. Hindi nga ako maaaring magkamali sa boses na iyon.

I knew that 'mapang-asar' voice. That one cocky voice that was full of confidence.

"Kuya! Nakakainis ka..." nagmamaktol na sabi ng batang babae. "Isusumbong kita kay Grandpa."

"Entonces hacerlo, Fib. No me importa. Do it. I don't care. Grandpa won't believe you, anyway. Ako ang kakampihan niya."

Ang pagsasalita ng espanyol ang lalong nagpakumpirma ng hinala ko. Pati na rin ang magandang rapport ng magkapatid na ito.

Sinenyasan ko si Miranda na siya na pupunta lang ako sa bandang likuran namin. Naroroon kasi ang machine ng Freezee, katabi ng hotdog buns.

Tumango lang si Miranda at siya na ang nagbayad ng binili namin.

"Awww! Hashtag sad life..." narinig kong sagot ng batang babae sa maarteng boses.

Napangiti ako. Kasing-cute din ng batang babae ang mga pamangkin ni Aldus.

Robert Aldus again, Ashley? pang-aasar ng isang parte ng utak ko.

Nang makita ko ang mag-kuya ay nakaharap sila sa Freezee machine. May hawak na malaking plastic cup ang lalaki habang sumasalok sa Freezee machine ng isang strawberry-flavored frozen drink.

"Akki..." tawag ko.

Unang lumingon sa akin ang batang babae. "Ate Ash!" excited niyang sabi sabay takbo palapit sa akin.

"Hi, Phoebe!" excited kong sabi kay Phoebe at niyakap ito.

Nakita kong binitiwan ni Akki ang hawak nitong plastic cup maski hindi pa puno at ipinatong sa isang side. Pagkatapos ay lumingon siya.

He was wearing a simple round neck white shirt and a black denim shorts na nakatupi ng maliit na tupi ang dulo. He was wearing a printed slip-on sneakers.

Dahil nakita kong naka-short siya, dumako ang tingin ko sa legs niya. Akki's legs were firm and compact. Siguro dahil football player siya.

Pagkatapos ay umangat ang tingin ko sa mukha niya.

His lips were curved in a half-smile. And his gray eyes were amused.

Yes, Akki Eliseo had gray eyes.

Akala ko nga noong una ay gumagamit siya ng contact lens. But he said it was natural.

Phoebe had gray eyes, too. Mga matang namana nila sa kanilang lolo na si Elias Eliseo, isang old rich spanish.

Noon pa man ay kilala na ang pamilya Eliseo.

His hair was tied in a man bun. Nasa tuktok ng ulo niya ang maliit na bun. Mahaba na ang buhok niya kaya nagagawa na niyang maitali ito.

Hindi lahat ay nagagawang maging maangas sa man bun. May binabagayan ito nang hindi magmumukhang marumi at gusgusing tingnan.

And Akki Eliseo pulled this kind of hair style off.

As in.

He was so ruggedly looking but so gorgeously handsome in his own way.

But Bobby was more handsome--

Oh, shut the fuck up, Ashley Grace. Huwag mo ng ikumpara pa ang ex mo sa kaibigan mong si Akki.

Ex?

Bobby was already my ex. I broke up with him and tinanggap niya iyon nang walang pag-aalinlangan.

I let out a long sigh. There was this familiar pain in my chest again.

As I was appraising Akki, he was appraising me back. Pinasadahan niya ako ng tingin sa suot kong red dress. Pero kumunot ang noo niya nang magtama ang paningin naming dalawa. Nakita siguro niya ang namamaga kong mga mata.

"Hi, Akki..." nakangiting bati ko sa kanya.

"Hi, Ash," ganting-bati niya. Tumingin siya sa sports watch na suot niya. "What a chance meeting you here. But what the hell are you doing here at this hour?" hindi-makapaniwalang sagot niya.

Tumingin siya sa likuran ko na parang may hinahanap. "Kasama mo si Gallego?"

Don't say bad words, Akki... Gusto sanang sabihin.

Pero hindi na lang ako sumagot.

"Yeah, where's Kuya Bubba?" Phoebe asked cusiously. Alam nga naman nila na kung nasaan ako ay naroroon din si Bobby.

Pero hindi na ngayon.

It was no longer Team AshBy. Just Ashley. Or him, just Bobby.

Or worse, Team KateBy. Or Team BoTe.

Ewww. Yuck.

Magsama silang dalawa.

Do you really mean it, Ashley Grace? tanong ko sa sarili ko.

No. Mas maganda pa rin ang Team AshBy. Pero wala na akong magagawa kung napagod na ang ka-teammate ko sa akin.

I swallowed hard to keep my emotions at bay pero mukhang hindi iyon nakaligtas kay Akki.

Pero bago pa siya nakapagsalita ay lumitaw na sa tabi ko si Miranda dala ang isang plastic ng ice tubes at hotdog buns sa kabilang kamay.

"Let me help you," mabilis na sabi ni Akki at kinuha ang plastic ng ice tubes sa kamay ni Miranda. Nilibot niyang muli ng tingin ang likuran namin. I knew he was looking for Bobby.

"Si Miranda nga pala. Best friend ko and--"

"Jacob's gilrfriend," mabilis na pagsu-supply ni Akki pagkatapos ay ngumiti kay Miranda. "Finally, we are formally introduced."

The smile showed his nice perfect set of white teeth. I always believed he would pass for a toothpaste endorser.

"Si Akki Eliseo..."

"Of course, I know him," sabi naman ni Miranda. "SBU's football superstar, one of NUAP's famous players. First grandson of Elias... pronounced as Eh-Lee-Yas not El-Yas... Eliseo, the country most-sought-after jeweler."

"Wow. Just wow," ang tanging nasabi ni Akki. He was obviously in awe of Miranda's trivia about him and his family.

Hindi naman kaila sa rival school namin na SBU kung gaano ka-smart si Miranda. Kinatatakutan ng itong kalaban sa inter-university academics contests.

"And this is Phoebe, Akki's younger sister. Si Ate Miranda, best friend ko."

"Hello, Ate Miranda, do you know something about me, too?" Then she followed her own joke with a giggle.

"Of course. You are Phoebe Eliseo. Akki's super duper cute younger sister. And member of this elite tea cup club."

Phoebe giggled. Halatang nagustuhan ang sinabi ni Miranda. Miranda had this way to charm everybody.

"Oh, come on, Miranda, she's not cute. She's annoying," nakangiting pang-aasar ni Akki sa kapatid.

Tumingin si Phoebe kay Akki at inirapan ito. "Hashtag triggered."

Akki just laughed quietly. Kami naman ni Miranda ay napangiti.

Napansin ko ang isang lalaking matangkad at malaki ang katawan na nasa likuran ni Akki. Ito ang tipo ng lalaking bouncer sa isang bar at kadalasang umaawat sa gulo sa mga bars.

Ito na ang kumuha ng Freezee sa machine. At nang magkatinginan sila ni Akki ay tumango lang si Akki at tumuloy na ito sa counter.

Alam kong siya ang bodyguard nina Akki--more specifically ni Phoebe.

Nabanggit ni Akki na may constant kidnapping threats sa kanila lalo na kay Phoebe.

Katulad din sa pamilya nina Jacob, lalo na sa mga malilit pa niyang mga pinsan.

Kaya sa murang edad, alam kong pinatuturuan na silang proteksyonan ang sarili nila.

That was the downside of belonging to A-lister family names like the Santeliceses and Eliseos.

"Seriously, what the two of you doing here without your boyfriends--or even the wards--in tow? At saan ninyo gagamitin ang napakaraming ice tubes na ito?" Inangat niya ang kamay na may hawak ng plastic ng ice tubes.

Nagkatinginan kami ni Miranda. At ako na ang hinayaan niyang sumagot.

"Just...road tripping..." alanganing sagot ko.

Akki's eyebrows furrowed. "Road tripping without your boyfriends? Mabuti at pinayagan nila kayo?" nagdududang sabi ni Akki.

Nagkatinginan ulit kami ni Miranda. Walang sumagot sa amin.

Nagpapasalamat akong dumating muli ang bodyguard nina Akki dala ang tatlong Freezee. Inalok kami ni Akki pero tumanggi kami.

"Freezee! I love it!" tili ni Phoebe. "Ate Ash, did you know that our next month's tea cup party theme will be superheroes. And I think I'll be the Supergirl."

Superheroes. Hindi na ako makakapunta pang muli sa tea cup party na iyon. I will going to miss it.

"Then, I'll be Black Widow..." sagot ko. "Black... and Widowed..."

Black Widow. Bagay sa akin. Nagluluksa ako sa pagkamatay ng lovelife ko.

Akki cocked an eyebrow at me. Hindi nakaligtas sa kanya ang underlying meaning sa sinabi ko. Lalo pa at kanina pa niya hinahanap si Bobby.

Hindi pa nga naman niya akong nakitang hindi kasama si Bobby.
Ngayon lang. At alam kong may hint na siya kung bakit.

"Sige na, mauuna na kami..." paalam ko. Kukunin ko na sana ang plastic ng ice tubes sa kanya pero agad niyang iniwas ang kamay niya.

"I'll walk both of you to your car," seryosong sabi niya.

Pagkatapos ay hinarap ang kapatid. "You're good, Fib? May gusto ka pang bilhin?"

Umiling si Phoebe. "Nothing more, Kuya. I've got Freezee."

Pagkatapos noon ay lumabas na kami sa convenience store kasunod ang bodyguard nila.

Inihatid niya kami ni Miranda sa sasakyan namin at sina Phoebe at ang bodyguard ay sumakay na sa kotse niya.

Akki's car was a high-end and new model black Maserati.

"Promise me, Akki, na hindi mo sasabihin sa ibang tao na nakita mo kami. Lalo na sa--kanila..."

Hindi siya sumagot.

"Promise me..." pangungulit ko.

"Is there something wrong, Ashley," he asked instead. Pagkatapos ay napakamot sa likod ng ulo. "Mierda!" he said, a curse word in spanish. "Why am I asking you if there something wrong when I clearly see that there is something wrong. Hindi mo kasama si Bobby. Instead, it is Miranda you're with--in a pajama bottom and you in a red cocktail dress. Of course, there is something wrong."

"Just don't ask," pakiusap ko. "And please, promise me na hindi mo sasabihin sa iba o sa kanila na nakita mo kami ni Miranda."

"I can't," he said.

"Promise me," pagmamatigas ko.

Ilang segundong naglaban kami ng tingin. Alam kong may determinasyon sa mga mata ko.

"Give me one good reason why I should not tell them," pagmamatigas din niya. He can be so stubborn.

"Basta."

"'Basta' is not a good reason. I can't accept that. No. Can't do."

"I thought you are my friend, Achilles Eliseo!" nakasimangot kong sabi.

"I am your friend, Ashley Lim. That's why I am concerned about you and Miranda."

Tumingin siya kay Miranda. "Where are you two going, Miranda?" tanong niya. Siguro naisip niyang mas may sense sumagot si Miranda.

Tumingin sa akin si Miranda. And then she shifted his eyes to Akki. "Nowhere?" matapat na sagot ni Miranda.

Bumuntong-hininga si Akki. "Nowhere..." ulit niya. "Jesucristo...," he muttered in spanish. "The more I won't let you be on your own at this unsafe hours."

He looked directly to my eyes. Gray eyes piercing down on mine.

"I'm coming with you... To that nowhere..."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.4M 48.6K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...