My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose

19.6K 441 156
By dyosathewriter

Hi to Khryzz Mar Catalonia. Thanks for loving Robert Aldus Gallego ❤

*******************************

ASHLEY

YEAH, I WAS that girl. Lucky girl for having Robert Aldus in my life.

I cupped his face and kissed him full on the lips. He responded so ardently.

But somehow, the thought of Kate still lingered in my mind.

Kabisado ko ang galawang Kate Mercado. Iyong pa-damsel in distress. Iyong mahinhin at paawa, lalo na ngayon sa sitwasyon niya.

Kabisadong-kabisado ko ang galawang Kate Mercado.

And fuck, this was just day one.

Bumuntong-hininga ako para alisin ang namumuong inis sa dibdib ko para kay Kate.

'Tang 'na! Ayoko na ngang isipin ang bruhang Kate na iyon.

Mamatay na lang siya sa inggit dahil ako ang kayakap ngayon ni Aldus at siya ay naroroon sa hospital at nagpapagaling ng mga pasa niya galing sa boyfriend niyang dyombagero.

Basta ako ay masaya kay Robert Aldus ko.

Umupo ako sa tabi ni Bobby at humilig ako sa dibdib niya. Iniyakap naman niya ang braso sa balikat ko.

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid ng vacant lot. "Naisama ka na ni Andrew rito?" curious kong tanong bilang pag-iiba sa usapan namin.

"The whole team, actually--minus the coaches," sagot ni Bobby na nakuha ang kagustuhan kong baguhin ang topic namin bago pa ako tuluyan lamunin ng inis para sa bruhang si Kate.

"Anong ginawa n'yo?"

Bobby shrugged his shoulders. "Wala lang. Nagkayayaan lang. Sinabon kasi kami ni Coach n'ung araw na 'yun sa practice. Dito kami nagbanlaw. We brought food and beer here. Nagtayo kami ng dalawang malaking tent."

Hindi na ako nagtatakang nagkasya ang sasakyan nilang labindalawa rito. Masyado naman kasi talagang malaki ang lote.

Bahagya ko siyang nilingon. "Just the team? No girls?" I asked, arching one eyebrow.

"No girls," tumatangung sabi ni Bobby. "At isa pa, break na kami ni Kate n'un." He smiley grinned. "Pero may isang maganda at mataray na babaeng nagpapansin na sa akin n'un. Nagte-text sa akin. Nagpapapansin." He wiggled his eyebrows playfully. His dreamy eyes twinkling with amusement.

Alam kong ako ang tinutukoy niya.

I blushed. Matapos kasi siyang magpunta sa bahay namin at mag-sorry dahil sa insidente namin sa loob ng motel ay feeling ko ay okay na kami. Nagtagal nga siya ng hanggang alas onse ng gabi sa bahay namin.

Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano tungkol sa buhay niya--mostly sa buhay niya dahil ayokong magkuwento tungkol sa buhay ko.

Ako pa nga ang nanghingi ng cellphone number niya bago siya umalis pero sa pataray na paraan.

Ang katwiran ko ay ite-text ko siya kapag nakabuo na ako ng plano tungkol sa paghihiganti namin kay Zeke. Bagay na tinawanan lang niya at akala niya ay hindi ako seryoso.

Totoo namang ako ang naunang nag-text sa kanya pagkatapos ng dalawang araw. Sinabi ko lang na nakakuha na ako ng schedule ng underground gig ng banda ng Three Dimensional mula sa isang kakilala sa HFU.

And that was it. Pero siya itong reply ng reply.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Pagkatapos ay pinandilatan ko siya. Tumayo ako at nameywang sa harapan niya. "Excuseee meee, Robert Aldus!" mataray kong sabi habang nakaarko ang isang kilay ko. "Hindi ako nagpapapansin sa 'yo. Bakit ko naman gagawin 'yun sa isang asshole, jerk at pervert na tulad mo?--"

He laughed out loud and I can't help but smile.

"Nag-text lang ako sa 'yo para sabihing alam ko na ang schedule ng Three Dimensional. Ikaw nga 'tong text ng text sa 'kin maski na nagba-bye na ako," dagdag ko sa mataray na boses.

Inabot kasi kami ng hanggang gabi sa pagte-text sa isa't-isa. Kahit na wala namang katuturan ang pinag-usapan namin.

Inaasar ko siya. Gumaganti siya ng pang-aasar. Sa ganoon lang umikot ang pagte-text-an namin ng araw na iyon.

Nonsense text messages. But it kept me entertained the whole day.

Like there was this fleeting feeling that I did not want to end our exhange of banters in text messages.

Lagi naman kaming ganoon ni Robert Aldus maski noong nagpapapansin pa lang ako kay Jacob. Mahilig siyang mang-asar. Gaganti naman ako ng pang-aasar.

May isang pagkakataon pa ngang tinapakan ko siya ng mataas na takong ng boots ko dahil sa pang-aasar niya sa akin.

Isang gwapong ngiti ang sumilay sa labi niya. Na para bang meron siyang naalalang maganda sa sinabi ko. "Eh, bakit nagre-reply ka?" panunukso niya. "Pwede namang hindi na... Pwede namang i-readzone mo lang ako. Why did you bother to reply?" sunud-sunod niyang sabi. I heard the teasing in his voice.

Bakit nga ba? I asked myself.

Aaminin kong dahil natutuwa akong ka-text siya. Sumasakay din naman kasi si Bobby sa mga pagsusuplada ko sa text.

And it made me smile thinking about it.

I was beginning to notice him. Ayoko lang i-entertain ang thought na iyon dahil feeling ko ay nagchi-cheat ako kay Jacob dahil si Jacob nga ang ultimate crush ko noon.

"Eh, ikaw? Bakit ka reply ng reply? Bakit sumasakay ka sa trip ko? Kahit na pasuplada pa ang mga banat ko sa 'yo?" balik-tanong ko sa kanya para mawala sa akin ang focus ng topic namin.

Because Bobby was tall, he did not have to make an effort to look up and meet my eyes. He caught my gaze then smiled.

"Because I was beginning to notice you..." he said in a hushed tone, his beautiful dreamy eyes not leaving my eyes.

'Tang 'na. Heto na naman ang nang-aakit niyang mga mata.

Masuyo niya akong hinapit palapit sa kanya. He put his hand on my hips. "Unang beses pa lang na magpunta ako sa bahay n'yo ay nag-umpisa na akong mapansin ka. The way you deliver curse words out loud and without hesitation. You're mean but funny. And your mannerism of rolling your eyeballs was kind of cute."

He thought for a while. "It actually suprised me knowing I was beginning to notice it all. And I did find it weird because these things were glued to my mind. Iyong meron lang akong maririnig na nagmumura o kaya ay 'yung namimintas ng walang habas at bigla ay maaalala kita and then..." He stopped and licked his lower lip.

Malambing kong sinuklay ang buhok niya. "And then what?"

The corner of his lips quirked. "And then I would smile everytime... Like it's a good thing to remember."

May mayabang na ngiting sumilay sa labi ko. "I am a good thing to remember..."

"You are..." he said huskily while meeting my gaze head on. "Definitely."

I flipped my hair while there was a smug look on my face. "Oh, well... Ganda ko lang talaga."

He just laughed quietly.

Nilibot ko ng tingin ang buong lugar. Pagkatapos ay umupo ulit ako sa tabi niya. "Nalasing kayong lahat?" curious kong tanong.

"Yeah. Tipsy but not overly drunk. Hindi naman kasi kami sanay na uminom. Pero alam pa rin namin ang ginagawa namin."

"Dito kayo natulog? Lahat?"

Tumango si Bobby. "There were two large tents that can accommodate four people in it. Pero sa sasakyan ko na ako inabot ng antok, eh."

"Ikaw lang mag-isa?"

"May katabi ako."

"Sinong katabi mo?"

Isang ngiti na naman ang umalpas sa labi niya. "Sino pa, eh 'di 'yung boyfriend kong si Cobi," biro niya sa pa-gay na boses. "Dikit kaya s'ya ng dikit sa 'kin." Nagmuwestra pa siya kunwari na iniipit ang buhok sa tenga habang nakatikwas ang pinky finger.

Natawa ako nang malakas. "Fuck shit!" bulalas ko.

He smiley grinned. "Dahil sa kalasingan, Ryan slept on the grass. Andrew Rufino slept at the back of Tom's pick-up--naked as a newborn baby."

Nanlaki ang mga mata ko. "Naked? Hindi naman kayong lahat--"

"Siya lang," Bobby cut me off.

"Naghubad siya dahil sa kalasingan?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Nope. Hindi na siya nakapagdamit dahil sa kalasingan."

"Why?"

Hindi siya sumagot. Instead he said, "Halika nga rito... Ang layo mo na sa akin... Hindi na kita mayakap nang mabuti..." malambing niya akong hinila palapit sa kanya nang mapansin niyang napapalayo ako ng upo.

Ilang pulgada lang naman ang inilayo ko sa kanya pero ang gusto niya ay magkadikit ang katawan namin at nakayakap siya sa beywang ko.

Napangiti ako. Grabe lang talaga sa ka-sweet-an ang boyfriend ko.

Wala ka ng mahahanap na tulad niya, Ashley Grace, sabi ng utak ko.

I fucking knew that well.

Umusod ako at sumandal sa dibdib niya.

My most comfort zone.

"Bakit naghubad si Andrew?" pagbabalik ko ng topic kay Andrew. Bigla akong na-curious.

"We had a game. It was just for fun and everybody was okay with it. Na kung sino ang tatlong beses na makakakuha ng pinakamaliit na stick ng walis tingting ay bibigyan ng parusa. And Andrew was the unlucky one."

"Pinaghubad n'yo siya bilang parusa?"

"Sort of. He had to do the Roaring Lion's Sexy Pose for two minutes--at the back of Tom's pick up. Si Jacob ang nakaisip ng parusang 'yon. Like I told you, tatahi-tahimik 'yang best friend ko pero nasa loob ang kulo niya."

"What kind of Roaring Lion's sexy pose?"

"Standing straight and naked while both his hands were at the back of his head. Tapos nakatingala s'ya sa langit."

Nanlaki ang mga mata ko. "And Andrew did it?"

Bobby smiled. "He did. He was cool with it. Siguro ay dahil lasing na siya. Lasing na kaming lahat. Hindi naman kasi kami umiinom lahat kaya konting alak lang ay nalalasing na kami."

"Oh, gosh!" bulalas ko. Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. "Ang no-naughty n'yo talaga! Wait, walang kumuha ng video sa kanya?"

"No!" mabilis na sabi ni Bobby na para bang isang mortal sin ang sinabi ko. "We're not like that. What happened here, must stay just here," mariin niyang sabi. "It was all for fun's sake."

Isang pilyang ngiti ang lumabas sa labi ko. "Sayang..." I joked.

Andrew Rufino was also handsome and sexy. Maganda rin siguro ang katawan niya bilang isa siyang atleta.

"Ashley Grace!" saway niya.

Napahagikgik ako. "Joke lang." Pagkatapos ay napapikit ako.

I thought, what if it was my Robert Aldus who was the unlucky one? What if siya ang gumawa ng Sexy Pose na 'yun?...

Oh, God.

"Pucha, are you trying to imagine Andrew Rufino doing the Sexy Pose?" His tone was pissed.

Dumilat ako at sinimangutan ko siya. "Jerk!" mabilis kong sabi at sinuntok siya sa hita. "I am not trying to imagine Andrew Rufino doing the Sexy Pose. I am trying to imagine you!"

Hindi siya sumagot. He was licking his lower lip.

I closed my eyes and imagine my Robert Aldus doing that Roaring Lions Sexy Pose.

Fuck shit. Parang ayaw ko ng dumilat.

Pagawin ko kaya sa kanya ang Sexy Pose? Right now. Dito sa gitna ng lote, overlooking the whole Metro Manila.

The best sight. Legit.

His muscles would flex when he raise and put his both hands at the back of his head while looking upward as if asking God for something so fervently.

And his pack abs?

Naman. 'Tang 'na!

And in his birthday suit?

Bulge, mabubuyangyang ka...

Napangiti ako. Shit. Shit. Shit.

"How is it?" Bobby asked me, his voice was as dreamy as his eyes. He was asking me how he looked like in my imagination.

Doing the Roaring Lion's Sexy Pose, that is.

"Stimulating..." komento ko. In a very sexy and flirty way. "Sexy as hell..." Sinadya kong gawing mapanukso ang boses ko. "Gorgeous..."

But the truth was, I was affected by what he looked like in my imagination.

My very wild imagination.

"Perfect..." I added, my eyes still closed.

He was silent.

I opened my eyes. And looked straight into his dreamy eyes. "Perfect... You look so fucking perfect, Robert Aldus Gallego..." I whispered.

Hindi na sadya ang panunukso sa boses ko. I was already affected.

For seconds, we just held each other's gazes. I saw him swallowed. His adam's apple moved up and down.

It was sexy as hell. His adam's apple alone was stimulating.

He inhaled a very sharp breath. Tinapos niya ang eye contact naming dalawa at tumayo.

"Pucha..." I heard him muttered. Rather frustratingly.

Humarap siya sa mailaw na Metro Manila sa ibaba. Nakita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya na parang naglalabas ng malalim na paghinga pagkatapos ay napahilamos siya sa mukha.

Lumapit ako sa kanya. "What's wrong?" I asked curiously. Nakakunot ang noo ko.

Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "Nothing..."

I poked him on his stomach. Agad-agad ay napaigtad siya. Malakas talaga ang kiliti niya sa tiyan. "'Yung totoo?"

His dreamy eyes twinkled. Then he smiled. Parang nahihiya na ewan na may pagka-naughty ang expression ng mukha niya.

"You gave me a hard on..." he admitted. There was a boyish expression on his face.

My mouth opened and it just hang there.

Bulge, you naughty thing...

I cocked an eyebrow at him.

Napasuklay siya sa buhok. "You looked so beautiful with your eyes closed, throwing naughty thoughts about me in that Sexy Pose. I was mesmerized. You looked so..." He swallowed. "Gorgeous."

I bit my lower lip. Isang pilyang ngiti kasi ang gustong lumabas sa labi ko. "Dahil lang d'on?"

He cupped my face and leaned his face towards mine. "Gano'n kalakas ang epekto at charm mo sa 'kin, Ashley Grace Lim..." malambing niyang sabi. "You're my kryptonite."

Tumaas ang isang sulok ng labi ko. Ag yabang-yabang ng pakiramdam ko.

"Gusto kitang yayain ngayon sa Grandeur," he whispered against my lips. He naughtily grinded his hips against mine.

Oh, Bulge...

When was the last time I had seen The Bulge? A month ago? Hindi naman kasi porque may nangyari na sa amin at may kalayaan kaming gawin na iyon ay pinapanay-panay na namin. We were not after sex alone.

Having sex was entirely different from making love. And we were always making love whenever we do it. We would do it because our love for each other was so overwhelming.

At hindi dahil nangingibabaw sa amin ang tawag ng laman.

Naughty lang si Aldus magsalita pero hindi naman siya namimilit na gawin namin iyon just for the sake of doing it. He would joke about it at sasakyan ko naman ang biro niya maski na ang totoo ay nadadala rin ako sa mga biro niya.

Birong gusto ko ng totohanin minsan.

Tulad ngayon.

"O kaya d'yan na lang sa loob ng kotse... Parang gusto kong mag-basketball, eh..." he teased me.

Marahan ko siyang pinalo sa tiyan. "Perv!" tili ko.

He gave a hearty laugh. Pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. At parang sinadya pa niyang idikit si Bulge sa akin. Naramdaman ko pa ang pagkislot nito.

Shit.

"Pervert..." I hissed.

"Can't help it," parang balewalang sagot niya.

Kumawala ako sa mahigpit niyang yakap. I pointed a finger at him down to The Bulge. "Behave..."

Isang malakas na tawa ang isinagot niya. His adam's apple vibrating.

So sexy.

Humarap ako sa mailaw na buong Metro Manila. He hugged me from the back. Nakapulupot ang mga braso niya sa beywang ko. I felt his lips touched my hair.
And I could still feel his bulge.

Not this time, Bulge.

Napangiti ako.

"The view from here is breathtakingly awesome. Thank you for bringing me here, Aldus..."

"I'm glad you like it, my Gracie."

And then we went quiet. It was enough for me. Him backhugging me. Me leaning against his solid chest. Us watching the whole lighted Metro Manila at night.

It was perfect.

Hindi lang nagiging perfect dahil may umeepal at nag-iinarteng ex-girlfriend.

'Tang 'na! Pampasira ng mood ang tulad ni Kate Mercado.

"Aldus... Random thoughts..." I said, out of the blue.

"What is it?" he asked then kissed my temple.

"Dalhin ko kaya si Kate Mercado rito..." sabi ko. Napapangiti ako dahil sa susunod kong sasabihin.

I wanted to congratulate myself for finally having the courage to utter Kate Mercado's name.

Tapos na ako sa panahong ayokong banggitin ang pangalan ni Kate.

Babanggitin ko ang pangalan niya. But with full of disgust and contempt.

And besides, hindi naman ako natatakot sa kanya. Kayang-kaya ko si Kate. Tinitingnan ko nga lang siya noon ay takot na siya. Ngayon pa ba?

Basta ba huwag niya lang akong gagamitan ng galawang pa-damsel in distress dahil tiyak na makukuha niya ang simpatiya ng ibang tao.

Baka pati ang simpatiya ni Robert Aldus.

At ako bilang nakilalang mataray, suplada at bully ang lalabas na kontrabida.

No, I would not fucking allow that.

Bring it on, Kate Mercado. Lalabanan kita hanggang sa huli kong hininga.

Halatang nagulat si Bobby sa sinabi ko. "You'd bring her here?" gulat niyang tanong. "What? Para makapag-usap kayo?" His voice was hopeful.

"Hindi, ah!" mariing tanggi ko. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil doon.

Mag-usap? Kami ni Kate Mercado? Like fucking duh.

"Dadalhin ko siya rito para itulak siya r'yan sa bangin nang magpagulong-gulong siya hanggang baba..." Sinundan ko ng isang hagikgik ang sinabi ko.

Parang isang witch na may kinukulam. Ako iyong witch (at siyempre dahil ako ang witch, maganda ang witch na iyon) na may hawak na doll na kamukha ni Kate Mercado at tinutusok-tusok ko siya ng karayom sa buong katawan.

I closed my eyes and tried to imagine the scenario. Not the secnario about the beautiful witch that looked like me. Kundi iyon scenario na nagpapagulong-gulong mula sa bangin si Kate Mercado.

It made me smile.

Really made me smile. I was smiley grinning.

It was happiness. Ha!Ha!Ha!

"Ashley Grace..." mahinang saway ni Robert Aldus.

Nilingon ko siya. I rolled my eyes at him. "Joke lang... Ito naman hindi na mabiro..."

He tsked. "It is not nice..." Ginamitan niya ako ng tonong parang sa isang mapagpasensyang ama sa anak na makulit.

Kumawala ako sa yakap niya at hinarap siya. I pointed a finger at him. "Ikaw, siguro nagki-care ka pa talaga kay Kate, 'no?" akusa ko. Obvious na ang inis sa boses ko.

Bobby let out a long sigh. "Napag-usapan na natin 'to noon pa, 'di ba? Babalik na naman ba tayo sa lumang issue?" mapagpasensya niyang sabi.

"Oo!" mataray kong sabi. "Gusto kong balikan natin ang lumang issue na 'to! Kapag laging nakapagitna sa atin si Kate, lagi nating babalikan ang issue na 'to!" halos pasigaw kong sabi.

Napasuklay si Bobby sa buhok niya. Pagkatapos ay matamang tumingin sa akin. His expression serious. "Can you do me a favor, Ashley Grace?" he asked, not even blinking.

Hindi ako sumagot. Paano ay natatameme ako maski paano sa kaseryosohan niya.

Masuyo niyang pinisil ang baba ko. "Can you trust me on this?" nakikiusap ang tinig niya.

Hindi ako sumagot. Tinalikuran ko lang siya. At muli ay iniyakap niya ang mga braso sa beywang ko at hinalikan ako sa balikat ko.

"Uulitin ko, for your peace of mind, na dahil lang dinadalaw ko sa hospital si Kate o kinakausap ko siya o nakikipagkita ako sa buong pamilya niya ay babalikan ko na siya. It is not like that. I'm never leaving you over Kate. God, never. I'm the happiest when I'm with you. Why would I leave my happiness?"

"It's just that it's a humane thing to do--to care about other people," he continued. "Maski na hindi si Kate ang pinag-uusapan natin dito pero kung maririnig ko mula sa 'yo na gusto mong ihulog ang taong iyon sa bangin para magpagulong-gulong hanggang ibaba ay sasawayin pa rin kita because it is not right. Or that I care about Tita Elvie like I care about Tita Amor or Tita Liezel because they've been so good to me. Do you get what I mean?"

Hindi ako kumibo. Na-gets ko naman ang gusto niyang sabihin.

Ilang segundong katahimikan ang pumatlang sa amin.

"Ashley Grace, please don't put walls between us again. Pahihirapan mo na naman ako, eh..."

Parang bigla naman akong natauhan doon. He was pleading.

"I-I'm not putting walls... I'm just thinking..." sagot ko.

He kissed my shoulders again. "What are you thinking? You tell me..." he urged me fondly.

Tumingin ako sa mailaw na buong Metro Manila. It was peaceful to look at. "Pakiramdam ko--" I sighed. This was all hard for me--baring all my thoughts and feelings. ""Pakiramdam ko, nagbo-volt in si Kate at ang mommy niya against me. Na parang nagkakaisa sila para--" Nilingon ko siya. "Para agawin ka sa akin."

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Pagkatapos ay marahan siyang umiling.

Ibinalik ko ang tingin sa mailaw na Metro Manila. "Ang swerte-swerte ni Kate. Meron siyang mommy na handang makipaglaban para sa kanya at sa kaligayahan niya. Samantalang ako..." Bumuntong-hininga ako. Ayoko sanang mag-self-pity pero hindi ko maiwasang maramdaman iyon.

"Nasaan ba si Mommy ngayon? Hindi namin alam. Tina-try kong makipag-communicate sa kanya but it seems, ayaw niya. Mukhang nagpalit siya ng number without even informing us. Her social media accounts are all deactivated. Naisip ko nga baka nagta-travel sila ng gagong Tiago na 'yun at totally ay nakalimutan na niya kami--ako..." My voice cracked. Nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko.

Agad kong pinunasan ang luha ko. "Putang ina, napuwing na naman ako... Ang hangin kasi, eh," pagdadahilan ko pero alam ko namang hindi na binibili ni Robert Aldus ang alibi kong 'napuwing' ako.

"You have me..." malambing niyang sabi. "You have the whole gang. You have Tita Liezel. And you're beginning to have your dad and the Original Lim Family. Hindi ba at iniimbita ka nila--tayo--sa birthday ni A-mah mo next week? It's enough...for now. Just for now, Gracie... Hangga't wala pa ang mommy mo... Wait a little for her..."

Kung makapagsalita si Aldus, parang nakilala na niya ang mommy ko. Sabagay, ganito naman talaga siya sa lahat ng taong mahahalaga sa akin. Para bang kilalang-kilala na niya ang mga ito maski na hindi pa niya personal na nakikilala.

Katulad ni mommy.

Wala sa sariling napatango ako. "I know, I know," ani ko. "I know I have you--all of you. Pero iba pa rin ang nanay, eh. Alam mo ang ibig kong sabihin? Lalo na babae ako. Iba pa rin ang nanay. Ang nanay ang magsasabi sa 'yong ikaw ang pinakamaganda at pinakaespesyal sa lahat at paniniwalaan mo iyon--na ikaw nga ang pinakamaganda sa lahat. Kasi... I don't know. Nanay, eh... Iba ang nanay sa lahat. Nag-gets mo ako, 'di ba?"

Hinalikan niya ako sa sentido ko. It was comforting. Robert Aldus's light kisses were sweet and as comforting as before. "I do. I understand."

"And I miss my mom..." Nabasag ulit ang tinig. And I distracted myself from the emotions sweeping up inside of me by clearing my throat a few times.

"I miss her. Kahit gaganu'n-ganu'n 'yun? 'Yung luka-lukahan na tulad namin ni Tita Liezel, masaya siyang kasama. Marami siyang pagkukulang sa akin. Marami siyang mga kamaliang nagawa sa buhay niya pero may isa siyang sinabi sa akin na hanggang ngayon kapag nagri-replay sa utak ko, babalutin ng pride at kasiyahan ang buo kong katawan--heart, body, mind and soul..."

"What is it?" Bobby asked, whispering it against my ear.

Lumunok muna ako. I tried to picture the beautiful image of my mother. Sober and vibrant and with a happy smile on her lips. Iyon ang gusto kong maalala sa kanya. Hindi iyong plakda siya dahil sa kalasingan. Lalo na iyong panahong kinailangan ko ang tulong niya laban kay Tiago Gomes.

No, I did not want to remember that anymore.

"Na sa dinadami ng mga kagagahan at kamaliang nagawa niya sa buong buhay niya, ako ang pinakatama na nangyari sa kanya. At hinding-hindi niya ako pagsisisihan kahit kailan." Bumagsak ang luha ko. Hindi ko na ito napigilan.

Sa kabila ng luha, napangiti ako, just remembering my mother when she told me that.

It was my tenth birthday. Habang yakap niya ako nang mahigpit. I knew she was crying, too because my father, who promised--as in promised (that gave us hope)--that he would be there, was not present. Kaming dalawa lang ni Mommy sa bahay noon.

I kept those words in my heart. Na sa tuwing naiinis ako o nagagalit ako kay Mommy kapag nawawala siya sa huwisyo dahil sa kalasingan, inilalabas ko ang mga salitang iyon sa dibdib ko at iyon ang ipinangsi-shield ko laban sa galit na namumuo para sa mommy ko.

I did not want to hate my mother. She was my mother. Sa kanya ako nanggaling at utang ko ang buhay ko sa kanya.

Bobby sighed and held me so tight while kissing the top of my hair. "One of these days, my Gracie... One of these days, you're going to see your mom..."

Alam kong namang pina-pacify lang ako ni Bobby. Kung makabitaw siya ng salitang iyon ay para iyong isang pangakong tutuparin niya.

Pinahid ko ang luha ko at suminghot ako. "'Tang 'na! Kaya ayoko ng ganitong mga setting na peaceful-peaceful kasi nagiging emo ako, eh."

"Come here, my Gracie... I'll kiss your tears away..." masuyo niyang sabi at iniharap ako sa kanya.

Just as he said, he kissed my tears away on each cheek. "I love you. Please always remember that. At huwag mo sanang isipin na nakikipag-volt in si Tita Elvie kay Kate para maagaw ako sa 'yo. Because it isn't true. It's just that--Kate's situation is more important to Tita Elvie above everything else right now. Okay?"

Sana nga.

Marahan akong tumango. "Okay..." I cupped his cheek. He kissed my hand. "Alam mo, bakit ang bait-bait mo? 'Wag kang masyadong mabait, Robert Aldus. Nakakainis din ang sobrang mabait."

"What? I can't believe you're saying that," hindi makapaniwalang sabi niya. "Ano ba ang gusto mo? Maging brusko ako? Iyong nanggugulpi ng girlfriend? Iyong walang galang sa mga babae at matatanda? Ako ang magugulpi ng mga ate ko at ng mommy ko kapag ginawa ko 'yun-,sa pangunguna ni Cobi at ng daddy ko."

Pinalo ko siya sa dibdib. "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin. At hindi naman ako magpapa-dyombag sa 'yo kung sakali, 'no! Ang ibig kong sabihin, masyado kang mabait to the point na inaabuso ka na ng mga taong nakapaligid sa 'yo-"

"Aha!" bulalas niya. "Ibig sabihin inaabuso mo ako?" he teased.

Sinuntok ko siya sa dibdib. Mukhang napalakas yata dahil napahawak siya sa dibdib niya. "Hindi ako kasama sa mga umaabuso sa 'yo, asshole!"

Hindi nga ba, Ashley Grace? tanong ko sa sarili ko.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya sa dibdib niya. "Abusuhin mo ako sa kahit na anong paraan mo gusto, my Gracie..." Then he winked at me.

Natawa ako nang malakas. "Pervert! Ang landi-landi mo!"

He chuckled.

Pagkatapos ay nagseryoso ako ng mukha. "Seryoso ako roon. Na nakakainis minsan ang sobrang mabait. Lalo na kapag nakikita kong inaabuso nila ang kabaitan mo."

He spaced out for a moment, licking his lower lip. "Hindi ako mabait, Ashley Grace. Ginagawa ko lang kung ano ang tama at dapat gawin bilang isang tao. To be humane. Kasi iyon ang turo ng mga magulang ko. Pero nagagalit din ako. At masama akong magalit. Para akong si Incredible Hulk. I tend to say hurtful things. That's why, if could help it, I try not to get angry so easily lalo na sa mga taong mahal ko. Gets mo?" he asked, habang pinadaan ang daliri niya mula sa noo ko pababa sa tungki ng ilong ko.

"Gets ko," sabi ko. "I won't make you angry. Kasi baka mag-clash lang tayo. Alam mo naman kung paano rin akong magalit 'di ba?"

"Yeah, you put up walls. And you tend to do crazy things. At iyong mga bagay na hindi pinag-iisipan maski na delikado."

Tumango ako. Kilala na talaga ako ni Robert Aldus.

Marahan akong hinila ni Robert Aldus. "Halika na. Kainin mo na 'yung french fries mo."

Pagkatapos ay magkatabi kaming naupo sa hood ng sasakyan niya. Kumuha ako ng fries at isinubo sa kanya. Ibinigay naman niya ang softdrinks sa akin.

"Robert Aldus..."

"What?"

"Random thoughts..."

"Okay, shoot..."

"Ilang anak ang gusto mo kapag nagkapamilya ka na?" curious kong tanong. Matagal ko ng gustong itanong ito, nalilimutan ko lang.

He looked at me sideways and smiled boyishly. "Kahit na ilan, basta ang importante, ikaw ang nanay ng magiging anak ko."

Shit. 'Tang 'na. Kilig.

I bit my lower lip and rolled my eyeballs. "Anong gusto mong maging panganay, babae o lalaki?"

"Kahit na anong gender basta ba ikaw ang nanay..." Then he smiley grinned.

So damn gorgeous.

I arched an eyebrow at him. "Is that a proposal, Robert Aldus?" I joked.

Jokes are half-meant, Ash... tukso ng sub-conscious mind ko.

He smirked. His dreamy smiling. "Proposal? Proposal agad? Hindi ba pwedeng napag-uusapan lang?" ganting-biro niya.

I narrowed my eyes on him quite exaggeratedly. Tumayo ako at nameywang. Kunwari ay pinalaki ko pa ang butas ng ilong ko.

Pagkatapos ay humarap ako sa kanya at pinagpapalo siya-sa dibdib, sa braso at sa kung saan ko siya matamaan. Natatawang sinangga naman niya lahat iyon.

"Kapag ikaw nag-propose ka sa 'kin, who you ka sa 'kin. Big 'no' ang isasagot ko," nakalabing banta ko.

Natigilan siya. Biglang nagseryoso ng mukha. "Kaya mo bang gawin 'yun sa 'kin, Ashley Grace?"

Hindi ako sumagot. Mataray na pinagtaasan ko lang siya ng kilay habang nakapameywang ako.

Of course, hindi ko iyong kayang gawin sa kanya. Takot nga akong mawala siya sa akin. Kaya nga ganito na lang kung ipaglaban ko siya kay Kate Mercado.

Lumungkot ang mukha ni Aldus nang hindi ako sumagot. "Sabagay, natitiis mo nga ako, eh," aniya at nagbaba ng tingin. "Nagawa mo nga akong hindi kausapin kagabi. At pagsarhan ng pinto kanina samantalang ako--" Itinuro niya ang sarili. "Hindi ko kayang gawin 'yun sa 'yo. Hindi kita kayang tiisin. Hinding-hindi kita matitiis."

And I felt fucking guilty for doing those things.

Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa labi ko. Lumapit ako sa kanya at pumuwesto sa gitna ng mga hita niya. Isinampay ko ang dalawa kong braso sa magkabila niyang balikat.

"Awtsu, awtsu...Ang arte namang nitong Robert Aldus ko..." sabi ko sa tonong nang-uuto. Inangat ko ang baba niya. I caught his eyes. "I love you..." madamdamin kong sabi.

He looked at me with so much fondness and love in his eyes. He gently circled my lips with his thumb. "I love you more--in this lifetime and the next."

Isang maluwang na ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

Kiniliti niya ako sa tagiliran. Napaigtad ako. "Awtsu, awtsu... Kinikilig naman itong Ashley Grace ko," panggagaya niya sa akin sa malambing na tinig.

I giggled at naglalambing na tinampal ko siya sa pisngi nang marahan.

God, how I love this guy. Really. To the core.

"So? Are we good? I mean, pwede na nating isara ang chapter ni Kate sa buhay nating dalawa?" tanong niya. "And make another happy chapter--just us? Dahil tapos na rin naman ang chapter niya sa buhay ko. Can we, my Gracie? Para wala ng away? Kasi nahihirapan ako kapag nag-aaway tayo, eh."

I scanned his face. I pinched his nose--like he would do to me. "Okay."

Parang nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Hinapit niya ako sa beywang--mas palapit pa sa kanya. He buried his face on my chest. As if inhaling my scent.

And I love it. God, how I loved it so much.

"Robert Aldus?"

Nag-angat siya nang mukha. His palm was on my back, gently rubbing the small of my back.

"Yes, my Gracie?"

"Sabi mo tapos na ang libro ng love story ninyo ni Kate, 'di ba?"

"Yes," walang gatol niyang sagot habang hindi inhihiwalay ang mga mata sa akin.

"Eh, pa'no kung magpumilit siyang gumawa siya ng Book Two ng love story n'yo?"

There was a hint of insecurities in my voice. Fear and insecurity.

His dreamy eyes went to my lips before shifting back to my eyes. He held my gaze as if wanting me to realize how important the things he would tell me.

"Walang Book Two, my Gracie... I'm already living my happy ever after with you." His dreamy eyes twinkled.

So sexily.

Then he gently pinched my nose-the Robert Aldus way.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 201K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
134K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
5.2M 104K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...