My Make-Believe Boyfriend...

Door dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... Meer

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 53 : Feisty Gracie

20.6K 435 110
Door dyosathewriter

ASHLEY

BOBBY GAVE ME the flowers and the balloon.

His peace offering.

I was touched. Really. 'A' for the effort talaga si Bobby. Sobrang pasensyoso at hindi pinapatulan ang kamalditahan ko.

I accepted his peace offering.

"Let's go..." he said. Out of the blue.

"Where?" nakataas ang isang kilay na tanong ko. Ayoko pa ring makipagbati sa kanya. Inis pa rin ako dahil sa...

Dahil nga ba saan, Ashley Grace? tanong ko sa sarili ko.

Sa pagdalaw niya kay Kate? Hindi ba at ako naman ang nagsabi na sige, dumalaw siya para mapagbigyan niya ang ina ni Kate? Tapos ngayon ay nagagalit ako.

"Road trip tayo..."

Nanlaki ang mga mata ko. Nagyayaya ng road trip si Robert Aldus ko? This was the first. Palaging pabiro noon. Pero ito ang unang pagkakataong seryoso siya. At sa tuwina pa ay ako ang laging nagyayaya.

Pero dahil galit pa ako sa kanya...

"Ayoko nga!" singhal ko habang salubong ang mga kilay ko.

"What?! Kapag ikaw ang nagyayayang mag-road trip--kahit saan--sumasama ako sa 'yo nang hindi ko na pinag-iisipan pa. Tapos ngayong ako ang nagyayayang mag-road trip tayo, tumatanggi ka. It's unfair!" nagmamaktol niyang sabi. May panunumbat sa boses niya.

At nakasimangot pa, with pouted lips. He was like a child about to throw a tantrums.

Hindi tuloy ako nakasagot. Paninindigan ko ba ang inis ko o pagbibigyan ko siya? Pero pinagbuksan ko na siya ng pinto. I think that was enough.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Bobby nang hindi ako agad na sumagot. "What now, Ashley Grace?" hindi ngumingiting tanong niya.

Kung kanina ay tila may halong pagpapa-cute ang ekspresyon ng mukha niya, ngayon ay seryoso na. Na-hurt yata siya dahil sa pagtanggi ko.

Bigla naman ang pagsingit ng intrimitida kong sub-conscious mind na tinakot pa ako nang husto.

Sige, Ashley Grace, magpabebe ka pa. Kapag 'yang mabait mong boyfriend ay biglang pumunta sa hospital at nag-decide na dalawin na lang si Kate dahil tumanggi kang mag-road trip kayo, ihanda mo 'yang sarili mo... pananakot pa ng sub-conscious mind ko.

Pareho sila ng sinabi ni Tita Liezel sa akin kagabi nang hindi ako pumayag na kausapin si Bobby at magkunwaring natutulog na.

"Ang pasensya, gaano man kahaba ay nauubos din. Ang ilaw, gaano man kaliwanag ay napupundi rin. Huwag mong hayaang mangyari 'yun sa boyfriend mong ubod ng bait at pasensyoso, Ash. Baka sa kagaganyan mo ay iwan ka niya at balikan 'yung ex niyang nag-iinarte na lalong umarte nang makita siya..." sabi sa akin ni Tita Liezel kagabi nang tumanggi akong kausapin si Robert Aldus.

Sinabi ko talaga kay Tita Liezel ang description kong iyon kay BK at iyon na rin ang gamit niya.

Si Tita Liezel na naging kadikit lang at anak-anakan si Miranda ay nagbibigay na rin ng words of wisdom niya sa akin.

May ilaw na maliwanag pa siyang nalalaman sa pagbibigay ng analogy sa pasensya ni Aldus.

'Tang 'na! Eh, sa naiinis talaga ako, eh. Pakiramdam ko ay gusto talaga ni Bobby na makita ang BK na iyon at ginagawa lang alibi iyong nanay ni BK.

Ashley Grace, baka naman walang gan'un, kontra ng isang parte ng utak ko.

Fuck shit! Nagiging paranoid na naman ako.

Kasalanan ito ni BK!

"What now, Ashley Grace?" ulit na tanong ni Bobby.

Iyon ang pumutol sa pag-iisip ko. Ang seryosong boses ni Bobby.

I kept a straight face. Ayokong isipin niyang natatakot ako sa tila pagbabanta sa boses niya.

"Okay, sige..."

His whole face lit up. His dreamy eyes twinkled.

And then... his mouth curved in a smiley grin.

His handsome smiley grin. The one that could make my heartbeat erratic--mula noon hanggang ngayon.

Panty-dropping handsome smiley grin.

'Tang 'na naman! Sino ang hindi matutunaw ang naiinis na puso sa gwapong smiley grin na 'yan?

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. I pointed a finger at him, near his sexy mouth. "'Wag kang mag-smiley grin. Hindi pa tayo bati!" mataray kong singhal sa kanya.

He automatically pursed his lips. Pero nakita ko ang amusement sa mga dreamy eyes niya.
And fuck shit, he looked so adorably cute.

Galit ka pa, Ash. Hindi mo pa siya napapatawad, okay? 'Wag kang magpadala sa 'nyetang gwapong smiley grin na 'yan, pagsa-psyche ko sa sarili ko.

Inirapan ko siya. "Sandali, magbibihis lang ako-"

"'Wag na," pigil niya. Hinawakan pa niya ako sa kamay. "You look fine..." He appraised me again and half-smiled boyishly. Iyong tipo ng ngiting ayaw ilabas nang husto sa takot na baka masupladahan ko siya. "...And beautiful to me..."

Hinawakan niya ako kamay. Pagkatapos ay pumunta sa punong hagdan at sumigaw. "Tita, aalis na kami ng pamangkin mong--"

"Tinotopak na naman?" biro ni Tita Liezel na eksaktong pababa nang hagdan. Narinig niya ang malakas na tinig ni Bobby.

"Nope," pasubali ni Bobby. Then he steered his dreamy eyes on me and held my gaze. "Ng pamangkin mong mahal na mahal ko, Tita," he softly said.

'Tang 'na! Natunaw na lahat ng inis ko dahil sa pakikipagkita niya sa BK na iyon.

"Awww! Why so sweet, Bobby?" nakangiting tanong ni Tita Liezel.

Pagkatapos ay inilipat ang tingin sa akin. "Lucky girl..." ani Tita Liezel sa sarkastikong tono. Mataray pang nakataas ang isang kilay niya. Naiinis kasi si Tita Liezel dahil parang pinahihirapan ko pa raw si Bobby.

"Aalis na kami..." paalam ni Bobby. Hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko kahit na anong piksi ko.

Paglabas namin ng bahay ay saka ko hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. "'Wag mo nga akong hawakan. Hindi pa tayo bati!"

Napakamot na lang siya sa likod ng ulo at bumuntong-hininga.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. He bowed his head a little. "Sakay na po, Mahal na Prinsesa..." malambing niyang sabi habang ang mga dreamy eyes ay masuyong nakatingin sa akin.

Walang kibong sumakay lang ako.

Nang makasakay na rin siya ay mataman niya akong tiningnan. "Wear you seatbelt..." malambing niyang utos.

I just crossed my arms and look straight as if I heard nothing.

He let out a long sigh. Dumukwang siya at siya na mismo ang nagkabit ng seatbelt ko. I did not even threw him a glance. Maski na naamoy ko ang cologne niya na gustung-gusto kong inaamoy sa leeg niya.

Pagkatapos niyang magawa ang pagkakabit ng seatbelt ko ay binigyan niya ako ng isang light kiss sa balikat at saka binuhay ang makina ng sasakyan niya.

Inilagay niya ang cellphone sa dashboard at nag-video call. Palihim kong tiningnan kung sino. It was Andrew.

"Bob..." sagot ni Andrew. It seemed he was in his bedroom. "Anong problema mo?" Then he laughed.

"Pwede ba kami d'un sa Antipolo lot n'yo?" agad na tanong ni Bobby.

"Sure, Bob. Sige, tatawagan ko 'yung bantay 'dun para makapasok kayo. You're with Ash?"

Sumulyap sa akin si Bobby at pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa cellphone niya. "Sino pa ba sa tingin mo?"

Tumawa nang malakas si Andrew. "Akala ko may iba kang kasama, eh," biro niya. Magaling talagang mang-asar si Andrew Rufino.

Parang may sumuntok sa dibdib ko. That thought.

That thought na may iba siyang makakasamang babae bukod sa akin.

Fuck! I would die of heartache. Of melancholy. Hindi ko kakayanin. Fuck! Hinding-hindi.

"Fuck you! One-woman man, 'to, Rufino! I'm a keeper..." ani Bobby at masuyong sumulyap sa akin at ngumiti. Parang proud na proud siya sa sinabi niya.

I just rolled my eyeballs at him. Iyong mataray kong pag-roll ng eyeballs.

"Hi, Ash!" bati ni Andrew sa akin.

Bahagya akong tumagilid para makita ako ni Andrew sa camera. "Hi, Andrew," wala sa mood na bati ko.

"O, bakit nakabusangot ka, Ashley Girl?" kunot-noong tanong niya. "May umaway ba sa 'yo?" He pumped his fist to his palm.

Ipinakita ko kay Andrew ang pagtingin ko nang matalim kay Bobby at pagkatapos ay maarte akong nag-pout ng labi.

"Punyemas, Gallego!" sigaw ni Andrew sa kabilang linya. "Bakit mo inaaway si Ashley Girl, ha?" sigaw niya. May pagbabanta sa boses niya.

Nanlaki ang mga mata ni Bobby. "Mawalang galang na, Rufino... Siya ang nang-aaway at hindi ako. Simula pa kagabi, inaaway na niya ako..." nagsusumbong ang tono ni Bobby.

Pero alam kong nasa akin ang simpatiya ni Andrew.

"Mag-usap nga kayong dalawa nang masinsinan--"

"Wow! Pucha, ikaw na Andrew Rufino. Ang galing mong magbigay ng advice samantalang wala ka namang love life ngayon," nang-aasar na sabi ni Bobby.

Natawa nang malakas si Andrew. Masarap pakinggan ang tawa niyang iyon. "Punyemas ka, Gallego! Eh, kung ipinakikilala na ba ako ni Ashley Girl sa mga ka-batchmates niya, eh, sana may love life na ako ngayon." He smiled, showing his cute dimples.

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Hindi kita mapapatawad kung idi-date mo ang isa sa mga maaarte, bruha at kinaiinisan kong mga ka-batchmates, Andrew Rufino. You, traitor!" biro ko.

Bobby chuckled. But when I gave him a look that could kill, he kept quiet.

Nakikisali siya sa usapan namin ni Andrew hindi naman siya kasali.

Ashley Grace... saway ng isang parte ng utak ko.

Hindi ko pa rin kasi maiwasang mainis kay Bobby kapag naaalala kong nagtagal siya roon sa hospital gayong ang sabi niya ay sandali lang siya.

At lalong hindi ko matanggap na kaya siya hindi nakaalis ay dahil baka pinigilan siya ni BK at nagpapigil naman siya.

God! Gusto kong sabunutan si BK! Gusto kong dagdagan pa ang mga pasa niya. Gusto kong i-bugbog-sarado pa siya at baka sakaling matauhan siya.

Kung makapagsalita ka, Ash, para bang nakita mo ang mga pangyayari sa hospital... sabi ng maldita kong sub-conscious mind.

Napabuntong-hininga na lang ako at tumahimik na. Kumukulo ang dugo ko sa kaiisip kung ano ba ang nangyari sa hospital.

Hindi na ako sumali pa sa usapan nila ni Andrew. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagba-bye ni Andrew sa akin. Kinawayan ko siya at nginitian.

After that, a long and awkward silence followed between Bobby and I.

Nakaharap lang ako sa bintana at ni hindi tumitingin sa kanya.
Naramdaman kong kinuha ni Bobby ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay nginitian niya ako nang matipid.

Iyong ngiting hindi lumalabas ang mga ngipin niya.

Umismid lang ako at ibinaling muli ang tingin sa bintana ng kotse.

ANG "ANTIPOLO LOT" na narinig kong binanggit ni Bobby kay Andrew ay isang malawak at malaking bakanteng lote sa isang lugar sa Antipolo. Parang tagong lugar pa ito sa Antipolo.

Pero hindi naman delikado sa pag-akyat dahil commercialized na ang daraanan. Masyado lang malaki ang loteng ito ng pamilya nina Andrew kaya malayo na ang susunod na "kapitbahay".

Andrew's family was into real estate. They developed high-rise and high-ends condominiums in Metro Manila and Class A municipalities in nearby provinces like Laguna, Cavite and Bulacan. The Alta Towers in Makati was one of their high-end projects.

Hindi pa raw kasi alam ng pamilya nina Andrew kung ano ang gagawin sa loteng ito sa Antipolo kaya nananatiling bakante pa rin.

The vacant lot was gated and fenced. May malaking guard house sa entrance ng lote at nakita namin ang apat na unipormadong mga guwardiya. Siguro ay para hindi mapasukan ng mga squatters.

Binusinahan lang ni Bobby ang mga guards sa entrance at pinapasok na siya ng mga ito matapos na i-check ang kotse ni Bobby. Siguro ay naitawag na iyon ni Andrew sa mga bantay sa bakanteng lote.

The lot was rectangular in shape at malawak ang area niyon. May parteng lupa na tinutubuan ng mga carabao grasses at meron ding mabatong parte. May mga ilang malalaking puno rin sa paligid.

Ipinarada ni Bobby ang kotse niya sa pinakagitnang bahagi ng lote na may carabao grass. Hindi ko na halos makita ang guard house. At kung pupunta pa kami sa pinakakanang bahagi ng lote ay lalong hindi ko na matatanaw ang guard house.

Andrew's family was really well-off to own this kind of lot. Kilala ang mga Rufino sa larangan ng real estate sa bansa.

But what made me lose it and be in awe was the breathtaking view of the whole Metro Manila by night.

Mula pala sa mataas na bahagi ng Antipolo ay makikita mo ang buong Metro Manila.

At ngayong gabi, punong-puno ito ng ilaw na para bang mga fireflies na nagkumpulan at tila nag-uusap.

The beautiful stars in the sky accentuated the beauty of the skyline of Metro Manila from Antipolo's top view.

'Tang 'na, ang ganda. Ang ganda-ganda.

Hindi ako appreciative sa ganda ng kapaligiran ko at madalas ay binabalewala ko lang but the view in front of me took my breath away.

Literally.

Maganda rin sigurong panoorin ang pagsikat ng araw mula sa lugar na ito.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pag-click-click ng camera ni Bobby. He was taking picture of the beautiful sight. He was in awe.

Laging dala ni Bobby ang high-end camera niya sa kotse para sa mga pagkakataong ganito.

When he finished taking pictures of the Manila skyline, he focused his camera on me and took pictures of me.

I did not smile. Instead, I furrowed my eyebrows, pouted my lips and crossed my arms over my chest.

Like a child having tantrums.

Nakita ko ang pag-smiley grin niya nang tingnan ang rehistro ng kinuha niyang picture sa akin. Waring nagustuhan pa ang pose kong iyon.

I sat on the hood of his car. Nakaharap iyon sa magandang view ng Metro Manila. Mula sa kinauupuan ko, parang at peace ang paligid. Parang hindi maingay at ma-traffic sa Metro Manila.

Katabi ko ang mga pinamili naming pagkain sa drive thru ng isang sikat na fastfood chain bago kami umakyat papunta rito.

Nag-request pa si Bobby sa crew na kung pwede ay sa bucket ilagay ang sangkaterbang french fries na in-order niya. Na agad namang pinagbigyan ng crew.

Nakita kong pumunta sa likuran ng kotse niya si Bobby at binuksan ang passenger door. Nakapasok ang ulo niya sa loob na parang may kinukuha.

Paglabas ay dala na niya ang isang hoodie jacket--iyong bigay ko sa kanya nang pumunta kami sa balwarte nina Zeke.

Pagkatapos ay lumapit siya sa akin. "Baka ginawin ka. At alam kong ayaw mong magpayakap sa akin dahil nagtatampo ka kaya ito munang jacket ko ang gamitin mo," malambing niyang sabi at isinampay ang mga braso ng jacket sa magkabilang-balikat ko.

Medyo maginaw nga ang simoy ng hangin, palibhasa ay nasa mataas na lugar kami at naka-spaghetti strap shirt lang ako at maong shorts.

Nang matapos niyang isampay ang jacket ay yumuko siya at masuyo akong kinintilan ng isang mabilis na halik sa balikat ko.

Saka siya umupo sa hood ng sasakyan niya habang nakagitna sa amin ang mga pagkaing dala namin.

Fuck shit, Ashley Grace. Patawarin mo na ang napaka-sweet mong boyfriend. Wala ka nang mahahanap na tulad n'yan, parang naiiritang sigaw ng isang parte ng utak ko sa akin.

Silence again.

"Miss... sexy..." malambing na tawag sa akin ni Bobby.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.

And there... He was wearing his handsome smiley grin while offering me the bucket of french fries.

"French fries?" alok niya habang maluwang na nakangiti. Parang nagpapa-cute pa.

Gorgeously hot and panty-dropping smiley grin.

I pouted my lips. "'Wag mo nga akong utuin..." nakasimangot kong sabi.

Tama na ang pagpapapabebe, Ashley Grace.

His beautiful dreamy eyes widened. "Ako nang-uuto?" parang hindi makapaniwalang ulit niya sabay turo sa sarili. "Hindi ako marunong mang-uto, Gracie... Ang marunong lang ako ay magmahal--nang sobra-sobra--sa iisang babaeng nagngangalang Ashley Grace Lim." Seryoso ang mukha niya habang sinasabi iyon.

Putang ina.

Natunaw ang puso ko roon, ah. Really. Totally.

Parang magic na nawala lahat ng inis ko.

I threw him a sideway glance. Ang balak ko ay tingnan siya nang masama. But he forced me to meet his gaze.

And his dreamy eyes stared directly to my eyes.

"Sorry... Forgive me... Sige na..." he pleaded.

Inalis ko ang isinampay niyang jacket sa akin at tumayo ako at pumunta sa harapan niya. Niyakap ko siya habang nakatayo ako at nakaupo pa rin siya sa hood ng sasakyan.

"Hug kita saka kiss kita..." malambing kong sabi at hinalikan siya nang mabilis sa labi.

I missed it.

Hinapit niya ako sa beywang palapit sa kanya. "God, Gracie... Finally..." he muttered. Para siyang nakahinga nang maluwag.

He can actually bury his face to my boobs sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Then we just locked gazes with each other. Parang ninanamnam namin iyong oras na nawala ang ganitong moment sa amin.

Dahil sa kagagahan mo, Ashley Grace.

Masuyong pinindot ni Bobby ang ilong ko--the Robert Aldus way. "Walls..." aniya. His tone was a little reprimanding.

"Nakakainis kasi eh... Nag-uusap pa tayo tapos biglang sisingit--" I trailed off. Hindi ko masabing ang mommy ni Kate ang sumingit sa pag-uusap namin. Parang nahiya ako. Sa kwento kasi ni Bobby ay naging mabait ang buong pamilya ni Kate sa kanya.

He let out a sigh. "Nag-hysterical kasi si Kate nang lumabas ako para kausapin ka," pagtatapat niya. He looked like he was telling the truth.

Bobby had always been telling you the truth, Ash, pagpapaalala ng isang parte ng utak ko.

Umikot ang mga mata ko sa pataray na paraan. "Nag-inarte na naman..." bulong ko.

Narinig ni Bobby iyon at nagbikit-balikat lang siya. He did not comment about it.

Kasi alam niyang mauuwi na naman kami sa away.

"Aminin mong nag-inarte siya, Robert Aldus," sabi ko. "Alam ko ang mga galawang Kate Mercado. Iyong prim and proper. Iyong hindi makabasag pinggan. Iyong mahinahong magsalita. Kabaligtaran ko. At dahil kilala ko ang galawang Kate Mercado, alam ko ang nangyari sa hospital sa renuion ninyong dalawa. Gusto mong i-reenact ko?"

Hindi naman ako naghahamon ng away. Gusto ko lang gawing katatawanan si Kate maski na sabihing nakakaawa siya dahil nadyombag siya ng ugok at addict niyang boyfriend.

Makaganti man lang ako sa naramdaman kong kapraningan kagabi habang nagre-reunion sila ni Bobby.

Matamang tumingin sa akin si Bobby. "No, I don't."

"Ire-reenact ko," pamimilit ko. Kahit na napangiti ako dahil para ano pang tinanong ko si Bobby kung gusto niyang i-reenact ko kung gusto ko rin naman ang masusunod. "May endearment ang bruhang 'yun sa 'yo? Anong endearment niya sa 'yo?"

Marahang umiling si Bobby. "I won't tell because you'd get flared up if I tell you. I don't want that to happen. Let's just drop this topic, okay?" buong pasensya niyang sabi.

"Hindi... Hindi ako magagalit. Ire-reenact ko lang para ipakita sa 'yo ang acting skills ko," sarkastiko kong sabi. Nag-uumpisa na naman akong manggigil.

"Gracie..."

"Ano na nga kasi..."

He tsked then sighed. "Bubba..." Sa huli ay sinabi na niya. Para siguro matapos na kami sa issue na ito.

Napadilat nang malaki ang mga mata ko.

Bubba? Fuck shit! Ang arte talaga ng hinayupak na iyon. Gaya-gaya pa sa mga pamangkin ni Aldus.

"Putang ina..." wala sa sariling naibulalas ko.

"See? Nagagalit ka na naman-"

I waved my hand to dismiss him. "'Tang ina! Bubba? Ginaya pa ang mga pamangkin mo? Walang originality!"

Napakamot sa likod ng ulo niya si Bobby. "Let's-"

"Ganito siguro ang reaction niya nang makita ka..." I cut him off. Pagkatapos ay humiwalay ako sa pagkakayakap niya sa akin at umatras ako nang konti mula sa kanya. "Wahhh! Bubba! You're here. You actually came for me... Sabi ko na hindi mo ako matitiis, eh. You're here... Look at what Zeke did to me... Bubba... don't leave me..." pag-arte ko sa pinakamaarteng paraan na alam ko.

Naiiritang umiikot pa ang mga mata ko habang sinasabi ko ang mga dialogues ko.

Gigil na gigil ako kay Kate habang nire-reenact iyon.

Sa kaartehang taglay ng bruhang si Kate, hindi malayong ganoon nga ang naging reaction niya.

At kung hindi lang sa pagkaaliw na nakikita ko sa mukha ni Bobby habang pinanonood niya ako sa panggagaya ko kay Kate, malamang ay sumiklab na talaga ang inis ko.

But there was amusement written in his handsome dreamy eyes while watching me.

It distracted me.

Idagdag pang merong isang sexy na ngiting gustong umalpas sa labi niya pero pinipigilan lang niya.

"Alam kong gan'un ang reaction niya..." sabi ko pagkatapos kong ipakita ang acting skills ko kay Bobby. "Aminin mo."

He shrugged his shoulders. "A little close..."

"Fuck shit! Bwisit!" I cursed.

Hinawakan ako ni Bobby sa magkabilang-kamay. His thumb gently rubbing the back of my hand. "Enough, okay? Baka mauwi na naman tayo sa away nito..."

Para namang nabuhusan ng malamig na tubig ang nag-aapoy kong damdamin.

I wrinkled my nose. "Nakakainis lang kasi..." nagmamaktol kong sabi.

Hindi kumibo si Bobby. Patuloy lang siya sa masuyong paghaplos sa likod ng palad ko. It was his sweet way to pacify me.

Tumingin ako nang diretso sa mga mata ni Bobby. "Naghahanap ng simpatiya si Kate, Bobby," diretso at seryosong sabi ko. "Ganyan na siya noon pa. Mahilig maghanap ng kakampi. She told the whole campus back then that she hates me. Iba raw akong makatingin sa kanya. At natatakot siya sa akin."

I rolled my eyeballs. "God, Aldus, tinitingnan ko pa lang siya ganyan na s'ya? Pa'no kung i-bully ko pa siya? At saka, kasalanan ko ba kung ganito ako makatingin? Eh, sa ganito talaga ako makatingin noon pa man at hindi ko kailangang i-esplika iyon sa lahat ng tao o baguhin ang sarili ko para lang sa kanila." nandidilat ang mga matang sabi ko.

"Pero ipinamalita niya sa campus, that I was sizing her up. And that was the reason why she hated-hates me. 'Tang ina! Si Miranda nga na ginawan ko nang hindi maganda, wala akong narinig mula sa kanya tapos 'yang ex mo na tinitingnan ko pa lang, natatakot na at naghanap na ng kaalyado niya sa buong campus. It was bullshit to the highest level. Fucking bullshit at that!" nanggigigil kong sabi.

"Gano'n ang galawang Kate Mercado, Robert Aldus. Alam mo 'yan. You had been together for two fucking years to know that!"

Masuyo akong hinila ni Bobby at iniupo patalikod sa pagitan ng mga hita niya. He backhugged me.

I was in my most comfort zone again.

At dahil mainit ang ulo ko, hindi ko muna papansinin si Bulge.

Sorry, Bulge, pero mainit ang ulo ko.

"HB ka naman..." His tone held a little humor. "Hug kita saka kiss kita para mawala na 'yang init ng ulo mo," malambing niya sabi.

Then he gently kissed the part between my neck and my shoulder blade. He traced light kisses there.

But it did not pacify me.

Well, it did-just a little.

Exaggerated na naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Sorry if I am flaring up. Pero ganito talaga ako kapag naiinis."

Bobby gave a soft kiss on my shoulder blade. "I know. And it's okay. I love you the way you are--imperfections and all. You are my feisty Gracie and I love you and accept you for that. Kasama iyon sa minamahal ko sa 'yo dahil nang mahalin kita, minahal ko hindi lang ang magaganda mong katangian kundi pati na rin iyong mga hindi at ang mga kamaliang nagawa mo sa nakaraan. My love for you is limitless. Boundless. Like all the trillion stars in the sky."

Sobra akong na-touched sa sinabi ni Bobby. Lumalabas ang pagiging pasensyoso at kalmado niya lalo na kapag naghuhuramentado ako.

That was why it was perfect. We were perfect for each other.

Isang mainitin ang ulo. Isang laging kalmado.

Perfect.

Meron lang talagang mga babaeng gusto umepal.

"I always fight for the people I love," seryoso kong sabi. "Kung iyon ngang hindi sa akin tulad ni Jacob ay ipinaglaban ko kahit na mali sa paningin ng ibang tao, iyon pa kayang sa akin na tulad mo?" Nilingon ko siya at lumabi.

He pinched my nose fondly. "Then fight for me, my Gracie. And I will be fighting with you and for you..." he whispered against my ear.

Napangiti ako dahil doon. Napaalis niyon ang inis na nararamdaman ko.

I fucking will, my Robert Aldus. I fucking will.

Kumuha si Bobby ng isang piraso ng fries at isinubo niya iyon sa akin. Napapikit ako habang nginunguya ang fries.

"My comfort food..." nasisiyahang sabi ko na mas sa sarili ko iyon sinasabi kaysa sa kanya.

Kumuha rin ako ng fries at isinubo ko iyon sa kanya.
Hindi lang ang fries ang isinubo niya kundi pati na rin ang hinlalaki at hintuturo ko. And whenever he would do that, sensation will fire up inside my body.

It was sensual. Almost sensual but in a romantic way.

A long silence passed between us.

"Pero naiinis, naiirita, nagagalit at naghuhuramentado pa rin ang puso, isipan ang buong katawan ko dahil sa bruha mong ex-girlfriend, Aldus... Nakakapanginig ng laman..." matapat kong sabi.

I heard Bobby snort. Parang natatawa pero pinigilan lang ang sarili.

That was how I was feeling right now. Iyong bang maski yakap na ako ni Aldus pero sa sandaling maalala ko na naman si Kate na ang tawag pala ng bruha kay Aldus ay 'Bubba' ay lalo akong nanggigigil.

At promise, ngayon pa lang at gusto ko na talagang dagdagan pa ang mga pasa niya sa mukha at katawan.

Tingnan ko lang kung makaarte pa siya.

Tatlong beses na hinalikan ni Bobby ang shoulder blade ko. Like saying the three magic words.

"Will it calm your nerves, your heart and mind--will it calm the whole you if I tell you that I am over Kate?" seryoso niyang sabi. Pero ang lambing ang nasa boses. "Na noong magkita kami at magtamang muli ang mga mata namin at tawagin niya ako sa endearment niyang 'Bubba' ay wala na akong naramdaman pang iba bukod sa awa? Na concern ako kay Kate dahil concern din ako kay Tita Elvie? If only you could see Tita Elvie, you'd pity her because she's so worried about her one and only daughter."

'Tang 'na! Ang ganda mo, Ashley Grace. Hashtag, ikaw na!

Mas hinigpitan ni Aldus ay yakap niya sa beywang ko. Then gently he rested his chin on my shoulder.

"I'm not good with words, my Gracie. But I hope those things I said calm you..." halos pabulong niyang sabi. "You're the only one I adore... I love you."

Biglang tila may bumara sa lalamunan ko at agad nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko. I blinked several times to remove the sting in my eyes hoping Bobby did not notice that I was on the verge of tears.

Nang makalma ko ang sarili kong damdamin ay tumayo ako sa gitna ng magkabilang-hita niya at humarap sa kanya.

I looked at him fondly.

To his dreamy eyes.

Sa matangos niyang ilong.

To his sexy lips.

Sinalubong ko ang tingin niya. "Will you think of me as--" I cleared my throat. Mahirap para sa akin na sabihin ang salitang ito...

"Weak..." I managed to say the word I dreaded to say for the longest time in my life. "Will you think of me as weak if I tell you that--" I trailed off.

Parang ayoko nang ituloy ang sasabihin ko.

Hindi ako ganito. Hindi ako nagpapakita ng emosyon ko. Pero simula nang dumating sa buhay ko si Bobby ay natuto na ako.

"That?..." Bobby asked. His voice was encouraging. He knew how I feel about admitting things about being weak.

Because for the past years I always tried to be strong--for myself.

Dahil walang nagtatatanggol sa akin.

He held my cheek and smiled without breaking our eye contact.

I blinked the forming tears aways. Ayokong umiyak.
I swallowed hard. I did not want to break the eye contact, too. "That I am afraid to lose you..."

There. Finally. Nasabi ko rin.

Hindi agad nakapagsalita si Bobby. Kumunot ang noo niya. He narrowed his eyes. He licked his lower lip.

Iba't-ibang klaseng ekspresyon. And then in the end, his lips formed into a sexy smile.

Then formed in a handsome smiley grin.

I poked him on the forehead. "Bakit nakangiti ka?" nakalabi kong tanong. Nakatikwas talaga iyong labi ko at nakasimangot ako.

He laughed quietly. That fucking endearing quiet laugh of Robert Aldus Gallego. His dreamy eyes were twinkling.

Then he shrugged his shoulders. "Wala lang. Kinikilig kasi ako..." He bit his lower lip while his mouth was curved in a smile. "Takot ka rin palang mawala ako sa 'yo. That makes me happy."

Hindi ako kumibo. Silence meant yes. At besides, nasabi ko na na takot akong mawala siya sa akin. That would be enough. Ayokong ulit-ulitin pa iyon.

He pulled me towards him. At niyakap ako sa beywang nang mahigpit. He buried his face between my breast. I knew he can hear my heartbeat.

Beating only for him.

Nanatili kami sa ganitong posisyon ng ilang minuto habang masuyo kong sinusuklay ng mga daliri ko ang buhok niya.

Pagkatapos ay kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin nang diretso sa mga mata ko. "I will never think of you as weak beause you are one of the strongest women I have ever known..."

He traced his index finger from my forehead down to my lips. It stayed there and gently touched the corner of it.

He swallowed making his adam's apple move upward and down. "And no, my Gracie, you will never lose me. I am here to stay--holding your hand--at your weakest and strongest. Because I am going to be in your life for the rest of my lifetime and yeah... the next lifetime, too. Clingy nga ako sa 'yo, o..." malambing niyang sabi at hinapit pa ako palapit sa kanya.

Wala na akong masabi. Tila nagkaroon ng bara ang lalamunan ko sa kapipigil ng iyak ko.

I felt I was the luckiest girl alive.
Yeah, I was that girl. Lucky girl--for having Robert Aldus in my life.

I cupped his face and kissed him--full--on the lips. He responded so ardently.

But somehow, the thought of Kate still lingered in my mind.

Kabisado ko ang galawang Kate Mercado. Iyong pa-damsel in distress. Iyong mahinhin at paawa, lalo na ngayon sa sitwasyon niya.

Kabisadong-kabisado ko ang galawang Kate Mercado.

And fuck, this was just day one.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
275K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
2.6M 99K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...