My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 51 : Brokenhearted Bobby

18K 429 209
By dyosathewriter

BOBBY

"WHAT?! YOU WENT with Lorna and John to that underground gig?" nandidilat ang mga matang sabi ko kay Kate.

We were at Kate's house. Ang mommy niyang si Tita Elvie ay nasa kusina at naghahanda ng dinner. Nasa itaas naman ang daddy niyang si Tito Dindo samantalang ang kapatid niyang si Kuya Kelvin ay wala pa sa bahay.

Sinimangutan ako ni Kate. "Hinaan mo nga 'yang boses mo. Baka akala ni Mommy nag-aaway tayo. Ako na naman ang pagagalitan niya. Lagi naman akong pinagagalitan ni Mommy kapag may misunderstanding tayo. Para bang ako na lang lagi ang may kasalanan," nagmamaktol niyang sabi habang nakasandal sa backrest ng couch at nakahalukipkip.

Napakamot ako sa likod ng ulo ko. Hindi naman sa pagyayabang pero lagi namang si Kate talaga ang pinagmumulan ng misunderstanding namin.

Dahil ako, sa loob ng dalawang taong pagiging mag-boyfriend namin ay ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang sumaya si Kate sa piling ko. Para lang hindi kami mag-away.

Para lang lagi kaming masaya.

Hindi ko gawain ang mang-away ng girlfriend. Mahaba ang pasensya ko.

Maski paano ay nahiya ako sa sinabi ni Kate. Sa tuwina kasi na may misunderstanding kami ni Kate, laging siya ang pinagsasabihan ni Tita Elvie.

At pagkatapos ay ito ang hihingi ng paumanhin para kay Kate.

Alam rin naman niya ang ugali ni Kate. She could be a brat sometimes. Palibhasa ay spoiled dahil bunso.

Napahilamos ako sa mukha at napasuklay sa buhok. Pagkatapos kong maglabas ng isang malalim na buntong-hininga ay mataman akong tumingin kay Kate. Her eyes were directed towards her front.

Hindi sa akin. Ayaw niya akong tingnan.

"Why did you go out with Lorna and John to that underground gig?" ulit kong tanong sa mahina at kalmadong tinig. "Alam mo ba kung gaano kadelikado roon? And that gig is full of drugs and shit, alam mo 'yan." My voice was reprimanding.

Para siyang isang nakababatang kapatid na pinagagalitan ko gayong magkasing-edad lang naman kami.

Pairap na tumingin sa akin si Kate at pagkatapos ay ibinalik muli ang tingin sa harapan niya.

Anywhere but me.

"Hindi siya delikado, Bobby," sabi niya habang salubong ang mga kilay. "May nangyari bang masama sa akin sa pagpunta ko roon kagabi? Wala naman, ah. And besides, it was fun there. Sobrang saya. You can be your own self there."

"Kate, their idea of fun is not our idea of fun," I told her, sa nagpapaintinding tinig. "And besides, are you not being yourself when you're with me?"

Kinuha ko ang kamay niya pero hindi niya ibinigay sa akin. She kept her arms crossed over her chest.

"And what is your idea of fun, Bobby? Iyong manood tayo ng sine? Iyong kumain tayo sa labas? Iyong manood ako ng practice mo? Iyong manood ako ng laro mo?" May iritasyon sa tinig niya.

Bumuntong-hininga ulit ako at napakamot sa likod ng ulo. "Yes," walang gatol kong sagot. "And we've been doing those things for the last two years."

"Just okay but not having fun!" malakas ang boses na sabi niya.

"Hey, sabi mo hinaan ko ang boses ko , 'di ba? Bakit ikaw ngayon ang nagtataas ng boses?" I asked calmly. Tumingin ako sa direksyon papuntang dining area. Hindi pa naman lumalabas mula roon si Tita Elvie para silipin kami.

Lalo lang nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya kumibo.

Kinuha ko ang kamay niya. This time ay ibinigay na niya sa akin pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. "Kate, as far as I am concerned, we are having fun. Masaya naman tayo, 'di ba?" Nilambingan ko ang boses ko. Then I kissed the back of her both hands.

"That's bullshit..." bulong niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Bullshit? This is the first time I heard you curse. You never curse, Kate..."

Hindi talaga magandang impluwensya sina Lorna at John. May balita kasing gumagamit ng bawal na droga ang boyfriend ng kaibigan ni Kate.

Sasagot sana siya nang tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw ng center table. Sabay kaming napatingin doon.

It was a message from a certain Zeke.

"Who's Zeke?" I asked while my brows were furrowed. Wala kaming mutual friend na Zeke ang pangalan.

Bigla siyang namula. At pagkatapos ay dali-daling kinuha ang cellphone at ipinailalim sa isang throw pillow. Halatang itinatago niya ito.

"Ah, gay choreographer friend ng org mate ko. Magpapaturo kasi kami ng dance steps," aniya.
She couldn't look straight to my eyes.

Tumango lang ako. Pinaniwalaan ko ang sinabi niya. Hindi kasi marunong magsinungaling sa akin si Kate. She was always honest.

"Huwag ka ng sasama kina Lorna at John, ha?" sabi ko. "The crowd in the underground gigs in HFU are.." I paused, thinking of the best subtle words to describe that gig. Ayoko rin naman kasing isipin ni Kate na sinisiraan ko sina Lorna at John. "...Not good and ideal. Ang alam ko kalat na kalat ang drugs doon. Hindi magandang naroroon ka. Tiyak na hindi rin magugustuhan ni Tita Elvie kapag nalamang nagpunta ka roon."

Hindi siya sumagot. Nakita ko ang pagkibot ng labi niya na parang umismid at pag-roll ng eyeballs niya. Hindi niya nagugustuhan ang pangangaral ko sa kanya.

"HI, TITA, GOOD evening," bati ko kay Tita Elvie. "Si Kate po?" tanong ko sabay halik sa pisngi ni Tita Elvie.

Kumunot ang noo ni Tita Elvie. "Hindi mo ba siya kasama?" buong pagtatakang tanong niya.

Marahan akong umiling. "Hindi po..." ang sagot ko kasabay ang paglalim ng kunot ng noo ko.

Dalawang linggo na kaming hindi gaanong nagkikita at lumalabas ni Kate. Hindi na rin siya gaanong nagpapasundo at nagpapahatid sa akin. Kaya na raw niya. Na hinayaan ko na lang dahil nang minsang magpumilit ako ay dinabugan ako at nagalit sa akin. Ginagawa ko raw siyang batang paslit.

So I let her.

Bihira na rin siyang manood ng laro namin at maging ng practice namin. Lagi siyang may alibis na kung ano tungkol sa thesis niya at iba pang pinagkakaabalahan sa campus katulad ng immersion program.

Which I easily accepted dahil ako rin naman ay busy sa mga school work at activities kasama na rin ang immersion.

Pero kanina ay maaga kaming pinauwi ni Coach Mar kaya nag-decide ako na sorpresahin siya at puntahan sa bahay nila. I bought a bouquet of flowers.

Then I gave her a surprise visit.

Pero ako ang nasorpresa dahil wala siya sa bahay nila.

Nasa mukha ni Tita Elvie ang pagtataka. "Pero ang paalam niya sa amin ng daddy niya ay kasama ka niya at may pupuntahan kayong party," ani Tita Elvie. "Nagtataka nga kami dahil sa tuwina kapag umaalis kayo ay sinusundo mo siya rito sa bahay. Pero kanina ay hindi. At first time na hindi ka sumundo sa bahay gayong may lakad kayo. She brought her own car."

Hindi ko alam pero may malakas na dumunggol sa dibdib ko.

It was like a warning.

A warning to what? I asked myself.

Bakit kailangang magsinungaling ni Kate sa akin at sa mga magulang niya?

"Saan kaya nagpunta ang batang 'yon?" nag-aalalang tanong ni Tita Elvie.

Bigla rin akong kinabahan. Nasaan na ba si Kate?

Napatingin ako sa relo ko. It was nine in the evening. Dumaan muna kasi ako sa bahay bago ako nagtuloy kina Kate kaya ginabi rin ako ng punta sa kanila.

I put out my cellphone and called her number. Pero ring lang ng ring ang cellphone niya.

Naka-limang beses akong nag-try bago niya iyon nasagot.

"Hello..." sagot niya. May iritasyon sa boses niya na parang naistorbo siya.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ko ang boses niya.

"Where are you?" agad kong tanong.

"Ahm... Nasa party ng isang org mate ko. Birthday n'ya kasi," esplika niya.

That explained the noise I hear from the background.

"Why didn't you tell me? Sinong org mate?" tanong ko. May kilala rin naman kasi ako sa mga org mates niya na madalas niyang samahan.

"Si ano...Ayyy!" Napatili si Kate na parang nagulat siya. Then she giggled.

A giggle like she was being tickled.

Napakunot ang noo ko. Parang may naririnig akong bumubulong sa kanya.

Bumibilis ang pintig ng puso ko.

Pucha, hindi ko alam kung bakit bumabangon ang iritasyon sa dibdib ko.

Heto kami ng mga magulang niya na nag-aalala sa kanya tapos siya ay nakikipag-party lang.

Ginamit pa niya akong dahilan para lang mapayagan siya.

"Kate?... "

"Bob-" Hindi na niya naituloy ang buong pangalan ko. "Oh..."

Did I just hear her moan on the other line?

Pucha, ano ba ang nangyayari?

Napatingin ako kay Tita Elvie. There was a concerned look on her face. Nakikita niya siguro ang malalim na pagkunot ng noo ko.

"Kate, are you alright?" nag-aalala kong tanong.

"Y-yeah... Yeah..." ang mabilis na sagot ni Kate. Pagkatapos ay isang mahabang patlang ang namagitan sa amin.

All I hear was the noise from a full blast sound from a very loud music. Maging ang mga tawanan ng mga naroroon.

"Kate? Are you still there? Saan ba 'yang party na 'yan? Pupuntahan-"

"No!" mabilis niyang tanggi. It was close to shouting.

And Kate was not like that. Hindi nagtataas ng boses si Kate-lalo na sa akin.

Silence again. Na pakiramdam ko ay may ibang ginagawa si Kate habang kausap ako. That her full attention was not to me.

Then I heard her moan again on the other line.

Pucha, ano ba ang nangyayari? What was she doing? Putang ina!

I was panicking.

At the back of my mind, the other side of my brain was telling me something. But I tried to ignore it.

I was trying so hard to erase that fucking idea from my fucking mind. Hindi gagawin ni Kate iyon sa akin. Not Kate. I was so fucking sure of it. Hindi si Kate ang gagawa niyon.

Calm down, Gallego, sabi ko sarili ko lalo pa at nakikita kong nakatingin lang si Tita Elvie sa akin na para bang naghihintay ng update mula sa akin tungkol sa anak niya.

"Tapusin mo na 'yan..."

Naningkit ang mga mata ko nang marinig ko ang isang lalaking nagsalita niyon. Parang malapit lang siya kay Kate para marinig ko iyon sa kabila ng ingay sa paligid. Parang sadyang ibinulong sa tenga ni Kate para marinig ko.

"Bobby, sige na. I can take care of myself..." paalam ni Kate.

"No, wait-" Alam kong medyo malakas ang boses ko. Ayoko pa kasing tapusin ni Kate ang pag-uusap namin nang hindi ko alam kung nasaan siya.

But Kate did not listen.

And before she hang up on me, I heard someone call someone's name on the other line.

"Zeke, pare, come here..."

Parang may sumuntok sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalang iyon.

Zeke?

"MAY PROBLEMA BA kayo ni Kate?" tanong ni Jacob sa akin. Tapos na ang practice namin. Nagbibihis na kami noon sa locker room.

Natigilan ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa best friend ko.

Dahil nahihiya ako. Nahihiya akong aminin na, oo, may problema kami ni Kate.

It was as if we were slowly drifting apart. Gumagawa na siya ng sarili niyang lakad. Bihira na rin kaming magkita. Lalo pa ngayon at nasa semifinals kami. Puspusan ang practice. May immersion pa ako.

Siya rin ay marami ring gawain. Pwera pa ang personal niyang lakad na hindi sinasabi sa akin.

At kapag nagkikita at nagkakasama kami, lagi naman kaming nag-aaway. Na mauuwi sa hindi namin pag-uusap ng ilang araw.

Sa bandang huli ay ako ang hihingi ng tawad. Para lang matapos na ang hidwaan sa pagitan namin.

But there was this nagging part on my mind that yes, we were drifting away from each other. At parang pinipiga ang puso ko roon.

Mahal ko si Kate. At gusto kong isalba ang relasyon namin.

"Wala..." ang matipid kong sagot. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Cobi. Makikita niyang nagsisinungaling ako.

Ilang segundong tinitigan ako ni Cobi. He was assessing if I was telling him the truth. Then he sighed. "Sigurado ka?"

Saglit akong tumingin at marahang tumango. "Sigurado...

"Eh, bakit hindi mo kasama si Kate sa anniversary nina Mom and Dad last week? Miranda was looking for her, 'di ba?"

Ang tono ni Cobi ay iyong tipong nag-iimbestiga. At nag-aakusa.

Dahil sa tuwina ay magkasama kami ni Kate. Sa nakalipas na dalawang taon, hindi nawawala si Kate sa mga okasyon sa buhay namin. Pati na ng kay Cobi.

Kaya isang malaking pagtataka talaga at katanungan na hindi ko kasama si Kate sa anniversary nina Tita Amor and Tito Raffy.

"Busy siya," ang matipid ko pa ring sagot at saka nagpalit ako ng shorts.

Tumango lang ulit si Cobi. Naghubad siya ng t-shirt. Ang iba pa naming teammates ay abala sa kwentuhan. Bumabangka na naman kasi si Andrew.

"May nakakita kay Kate sa Revolter..." He trailed off. Waring pinag-iisipang mabuti kung sasabihin pa ang susunod na mga salita. He was speaking of a famous bar in BGC.

Cobi forced me to meet his gaze. "May nakakita kay Kate sa Revolter. May kasama siyang ibang lalaki-" diretso niyang sabi.

That confirmed it.

Iyong ilang linggo nang paulit-ulit na laman ng utak ko. The one fact that I was trying to wipe out from my fucking mind.

Iyong isang katotohanan na hindi ko maharap at hindi ko magawang komprontahin si Kate tungkol dito.

That Kate was cheating on me.

But up to the last ounce of my trust for her, I chose to not believe it.

Sinimangutan ko si Cobi. "Sigurado ka bang siya?" naiiritang tanong ko. "At besides, por que may kasamang ibang lalaki-"

I saw Cobi clenched his jaw. Hindi niya nagustuhan ang tono ko. "Na nakaakbay sa kanya? And they were all mushy-mushy?" mariing sabi niya sa mahinang tinig. Sarkastiko pa ang pagkakasabi niya sa huling sentence.

Alam kong ayaw din niyang marinig ng iba ang pinag-uusapan namin. Nasa hindi kalayuan lang kasi si Tom. Pero ang atensyon niya ay na kay Andrew.

"Bakit parang sigurado ka?" Halata sa boses ko ang inis. Bakit pati ang best friend ko? "Kung makapagsalita ka parang nakita ng dalawa mga mata mo. Kung hindi mo nakita, 'wag kang gagawa ng issue-"

Hanggang sa huli, si Kate pa rin pinili kong paniwalaan kaysa sa best friend ko.

Nagsalubong ang mga kilay ni Cobi. "Are you fucking trying to insinuate that I am fucking making this all up?" His tone was edgy.

At kilala ko siya kapag gumamit na siya ng ganitong tono.

He was angry.

Malakas akong tinapik ni Cobi sa balikat. Bahagya pa akong napaatras dahil sa malakas na pagtapik niya.

"Are you?" nanggigigil niyang tanong sa malakas na tinig. I knew he was hurt. Pinagbibintangan ko nga naman siya.

Dahil sa pagtatanggol kay Kate.

Nahinto si Andrew sa pagkukuwento. At pagkatapos, lahat sila ay napatingin sa aming dalawa ni Cobi.

Isang awkward silence ang namagitan sa amin. Maging ang palabiro at pilyong si Andrew ay hindi makapagsalita.

Nakita kasi nila ang ekspresyon ni Jacob. Salubong na salubong ang mga kilay nito.

And nobody would dare cross a Jacob Maravilla if his brows were furrowed like this.

Gusto kong magsisi na iyon ang nasabi ko kay Cobi. Pero ipinagtanggol ko lang naman ang girlfriend ko.

Is she still your girl, Bobby? tanong ng isang parte ng utak ko.

Pucha!

Maya-maya ay lumapit si Ryan sa amin. "Okay lang kayo?" tanong niya. Pareho pa niya kaming tinapik sa mga balikat namin.

Na tipong handa siyang pumagitna sa away naming dalawa ni Cobi kung sakali.

Walang nagsalita sa aming dalawa ni Cobi. Binigyan lang niya ako ng isang matiim na tingin at saka walang kibong nagsuot ng t-shirt.

Matapos magbihis ni Cobi ay hinarap niya ako. He pointed a finger at me. "You fucking know me better than that, Robert Aldus..." mariing sabi niya. He was hurt by my accusation.

Pagkatapos ay binitbit niya ang duffel bag at walang paalam na lumabas.

Jacob called me by my full name. At kapag ginagawa niya ito, he was serious.

Pucha! I chose to believe my girlfriend over my best friend.

I just hoped I made the right decision.

"CAN WE TALK? Once and for all, can we talk?" may pagmamakaawa sa tinig ko habang sinasabi ko iyon kay Kate.

Nasa garden nila kami. Doon na kami madalas mag-usap. Para solo lang namin. Para walang makarinig ng pag-aaway namin. Dahil ngayon sa tuwing nagkikita kami ay nag-aaway lang kami.

Ayoko rin namang marinig ni Tita Elvie na nag-aaway kami. Mag-aalala lalo siyang tiyak. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na may problema sa pagitan namin ni Kate.

At sigurado akong hindi lang iisang beses nilang kinausap si Kate tungkol rito.

"Can we settle things between us?" I fondly asked. Minsan kasi ay nadadaan ko si Kate sa paglalambing ko.

Hindi siya kumibo.

"I want to save what's left of our relationship, Kate..." dagdag ko pa sa mahinang tinig.

Because I believed it was worth saving. Two years was two years. I gave my two whole years with her.

Nakakahinayang kung basta ko na lang itatapon.
Naging masaya rin naman kami.

Hindi siya nagsalita. Sumimangot lang. Parang pakiramdam niya ay dinadaan ko siya sa pagda-drama ko.

Mataman ko siyang pinagmasdan. Sa halos dalawang buwan na lumipas simula nang magkaroon kami ng problema dahil sa lalaking nagngangalang 'Zeke' ay nakita kong unti-unting nahuhulog ang katawan niya. Siguro ay dahil laging puyat sa kagi-gimmick.

Ang sumbong ni Tita Elvie ay marunong na rin daw siyang uminom.

"You're no longer fun to be with, Bobby..."

Natigilan ako sa sinabi niya. I was no longer fun to be with? When two years ago, she begged me to notice her?

I tried to calm myself. Maski na ang totoo ay parang sumakit ang batok ko sa statement niyang iyon. Para kasing umakyat ang dugo ko sa ulo.

"What kind of fun are you meaning to, Kate? We can do it together-"

Mapakla siyang tumawa at nag-roll pa ng eyeballs. "You can do it?" She challenged me. "When your life revolves around basketball, families, friends and school? Ni hindi ka nga pwedeng magpuyat dahil athlete ka. Ang daming hindi pwede. Hindi ka pwedeng uminom. Hindi ka pwedeng manigarilyo. Hindi ka pwedeng magpuyat. You can't even have sex a night before your game..." sarkastiko niyang sabi.

She rolled her eyeballs. Na para bang nakakainis ang mga bagay na iyon.

But I did not see anything wrong with it. I was happy being sorrounded with families and good friends. With basketball.

And even sex? For me it did not matter if we did not get intimate. Hindi lang sex ang habol ko kay Kate. Pero bakit ngayon pati iyon ay inuungkat ni Kate.

"Kung iyon lang, walang problema. Kaya kong magpuyat. I can accommodate nightlife if that's what you want me to do."

A thought of quitting basketball crossed my mind. Para lang maisalba ang relasyon ko kay Kate.

Naglabas si Kate ng isang buntong-hininga. Iyong tipo ng buntong-hininga na nagpipigil ng inis. "No, you can't. Hindi mo kaya. At alam kong hindi mo gagawin ng pangmatagalan..."

She looked directly to my eyes. "You're getting quite a bore for me, Bobby. I realized, when I met these new set of friends of mine that my life was a bore-with you. Na meron pa palang kakaibang fun at kasiyahan outside my relationship with you. I was happy with you, yes. But I am happpiest right now," dire-diretso niyang sabi.

Walang preno. Ni hindi na niya man lang inisip na pwede akong masaktan sa sasabihin niya.

Na nasasaktan na ako.

She had changed. A lot. One hundred eighty degree change.

Napapikit ako. Gusto kong takpan ang mga tenga ko ng kamay ko. Just so I wouldn't hear these hurtful words from the woman I have loved for two years.

But she was throwing my love away. Right now.

Para kasing sunud-sunod na saksak ng kutsilyo ang mga salitang binitiwan ni Kate sa akin.

I was no longer fun to be with.

I was boring.

And then she dropped the bomb. Na tila nagpabingi sa akin.

"Break na tayo, Bobby. I am not happy with you anymore. Let's call it quits..."

"INOM TAYO? TANONG ni Cobi habang nakasilip sa pinto. Ipinakita niya ang hawak na anim ng lata ng San Mig Light.

Matipid akong ngumiti. Saka siya pumasok sa loob at tumabi sa akin sa pagkakasalampak sa sahig. Naka-stretch mga legs namin.

Binuksan niya ang isang lata ng beer at iniabot sa akin. I mumbled a 'thank you'. At pagkatapos ay siya naman ang nagbukas ng para sa kanya.

Walang nagsalita sa aming dalawa. Matagal lang akong nakatitig sa hawak kong lata ng beer.

Mali ang sinabi ni Kate na hindi ako umiinom.

Umiinom naman ako. Pero hindi katulad ng mga bago niyang kaibigan na sobra-sobra kung uminom. Iyong pag-inom na parang end of the world na kaya kailangang lubus-lubusin.

Iyong gapang kung gapang sa kalasingan kapag umuwi.

I threw a sideway glance at Cobi.

I was glad he was here. Alam niyang may problema ako. At tulad ng isang mabuti at matalik na kaibigan, naririto siya para sa akin.

Ilang araw din kaming hindi nag-usap ni Cobi dahil sa insidente sa locker room ilang araw na ang nakakaraan.

Pero kapag kaharap si Miranda ay kaswal lang kami. Parang hindi kami magkagalit.

At kapag wala na kami sa harap ni Miranda ay balik kami sa dating gawi-hindi kami nagpapansinan.

Pero kanina, nang makipag-break si Kate sa akin ay t-in-ext ko siya at nag-sorry ako. Isang salitang 'sorry' lang iyong t-in-ext ko sa kanya pero heto at naririto siya para damayan ako.

How can my world not revolve with these kinds of friends that Kate find so boring?

"Kate broke up with me..." ang mahina kong sabi habang nakatungo. At pagkatapos ay tumungga ako sa lata ng beer.

I felt the world was against me. Parang pasan ko ang daigdig. But I did not feel like crying.

Dapat ko bang iyakan si Kate?

Parang hindi na nagulat si Jacob sa sinabi ko. Maybe he knew it was coming. The signs were all clear.

Nakahanap na si Kate ng kapalit ko.

A fucking guy named Zeke.

The frontman of the band that usually performs in an underground gig. Iyong gig na pinuntahan ni Kate kasama sina Lorna at ang boyfriend nitong si John.

Marahan lang na tinapik ni Jacob ang hita ko.

Tumungga ulit ako ng beer. "Sorry kung napagbintangan kita ng kung ano-ano. I was just trying to save our-" Umiling ako. "It doesn't matter. She broke up with me already."

"Okay lang," sabi ni Jacob. "Alam ko namang minsan ay gago ka-"

Mabilis akong napatingin sa kanya. Sinipa ko siya sa paa. "Ako, gago?"

"Fuck!" he cursed. Napalakas yata ang sipa ko sa kanya.

Sabay kaming tumayo at binitiwan ang hawak naming lata ng beer.

"Oo, gago ka. Gago!" sabi ni Cobi pagkatapos ay gumanti siya. Sinuntok niya ako sa dibdib. Hindi naman malakas na mapapaigtad ako pero masakit ang pagkakasuntok niya.

"Pucha! Fuck you!"

Itutulak ko sana si Cobi nang malakas pero nasalag niya ang kamay ko.

"Gago ka namang talaga, eh. Sukat pagbintangan mo ako na sinisiraan ko ang girlfriend-" Natigilan siya. "Putang ina! Ex-girlfriend na pala..."

"Ikaw ang gago, Jacob Maravilla!" sigaw ko.
Nasasaktan akong marinig na ex-girlfriend na ang tawag kay Kate sa buhay ko. "Mas gago ka kaysa sa 'kin."

Sinipa ko siya sa hita pero gumanti siya kaya lalo kaming nagpang-abot.

"Cobi, Bunsoy, gusto ninyo ng pulutan-"

Pareho kaming nahinto ni Jacob sa pagsasapakan. Naka-head lock siya sa akin at ako naman ay akmang susuntukin siya sa tiyan.

"Nagsasapakan ba kayo?" salubong ang mga kilay na tanong ni Ate Three. Nakapameywang pa siya.

Sanay naman si Ate Three na makita kaming ganito ni Cobi.

Sabay kaming umayos ng tayo ni Jacob at tumingin kay Ate Three. Para kaming sundalong nakakita ng officer at tumikas sa pagtayo.

"Nagsasapakan nga kayo." This time it was a statement. Alam ni Ate Three ang totoo. "Bakit kayo nagsasapakan, ha? Gusto ninyong pingutin ko ang tenga ninyo?" galit niyang tanong.

Pagkatapos ay hinawakan ako sa tenga. Pero dahil matangkad ako, nahila niya pababa ang tenga ko kaya parang mas masakit kaysa ang mahila niya pataas.

Napasimangot ako. Nagtatanong pa siya kung gusto niyang pingutin ang tenga namin samantalang ginawa na niya.

Pagkatapos ay si Cobi naman ang nilapitan niya. We towered over Ate Three but we knew she had the authority over us. Para kaming mga batang kay babait at walang kibo habang pinagagalitan.

"Aray, aray, Ate Three, ang sakit..." reklamo ni Cobi, while wincing in pain.

Kunwari. Dahil hindi pa naman siya pinipingot ni Ate Three. Umaarte lang si Jacob.

"Hindi pa sumasayad ang kamay ko sa tenga mo, Cobi..." mataray na sabi ni Ate Three.

Cobi smiled. Iyong ngiting pang-akit niya sa mga babae sa HFU. Iyong makalaglag-underwear daw niyang ngiti.

"Hindi pa ba? Akala ko pinipingot mo na ako." Then he snorted.

At napangiti si Ate Three dahil doon. Wala siyang nagawa kundi ang mapailing na lang. Gusto ko rin namang mapangiti kaso pinipiglan ko lang.

Ang unfair lang kasi.

Puchang buhay 'to. Ako napingot tapos ang best friend ko, nginitian lang ang ate ko, nakaligtas na sa pingot.

Pucha talaga!

Ate Three sighed. "Ayokong nag-aaway kayong dalawa..."

Iniyakap ni Jacob ang braso niya sa leeg ko. "Ito, aawayin ko?" sabi ni Cobi. "Sobrang mahal ko 'tong gagong 'to tapos aawayin ko?"

Pagkatapos pinagsusuntok ako sa tiyan. Mahina lang naman. In fact, it was with fondness.

Pero masakit pa rin.

"Hindi ko aawayin ang best friend ko, Ate Three," dagdag pa ni Cobi ay inundayan na naman akong suntok sa tiyan.

"Pucha!" sigaw ko. Hindi ako makaganti dahil iniipit ni Cobi ang leeg ko. "Ate, help me..." pabiro kong sabi.

Ate Three rolled her eyeballs. "Hay, naku, bahala na nga kayo. Para kayong mga bata. Paaakyatan ko na lang kayo ng pulutan kay Manang..."

Pagkatapos ay tumalikod na siya at lumabas ng pinto.

Pagkalabas ng pinto ay lumuwag ang braso ni Cobi sa leeg ko kaya nakakuha ako ng chance na siya naman ang suntukin ko sa tiyan.

"Ouchhhh!" sigaw ni Cobi habang hinihimas ang tiyan.

Alam ko namang hindi masakit. Magaling lang sa acting-an ang best friend ko.

And then we both stared at each other. The we started laughing.

"Fuck you!" natatawang sabi ni Jacob then raised a right dirty finger to me.

I laughed out loud. Maski paano ay nalimutan ko ang sakit na dulot ng pakikipag-break ni Kate.

"Fuck you more!" sigaw ko sabay gesture ng dirty fingers-sa magkabilang kong middle finger.

Pagkatapos ay napapagod na sumalampak ulit kami sa sahig. Ipinatong ko ang ulo ko sa gilid ng kama.

I closed my eyes. It was a good thing that Cobi was here. If not, I would wallow so much with pain because of a heartache.

"Thank you, bro..." mahina pero sinsero kong sabi.

Marahan niya akong sinuntok sa hita. "You're always welcome, bro..."

AS MY FINAL straw to win Kate back, I asked her parents to talk to Kate to go back to me.

But to no avail.

Maski sila ay hindi nila mapigilan si Kate sa mga pinaggagagawa nito. Sobrang spoiled kasi sa kanila si Kate.

Then I asked Miranda to talk to Kate.

"NAKAUSAP MO NA si Kate, Mira?" tanong ko kay Miranda. Nakaupo kami sa isang bench habang hinihintay namin si Cobi sa huli niyang klase.

Matamang tumingin sa akin si Miranda. Her intelligent and kind eyes peering down to mine. Para tuloy bigla akong nahiya.

Pati siya ay idinamay ko pa. Pero willing naman siyang gawin iyon.

Umiling si Miranda. "Hindi ko na kinausap ko si Kate, Bob," sagot niya sa malambing pero seryosong tinig.

I felt disappointed. "Why?"

Nagkabas si Miranda ng isang malalim na buntong-hininga. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan niya ito.

Kung may ibang makakakita sa amin, baka mag-isip ng kung ano tungkol sa amin.

Pero kilala naman sa buong HFU na touchy person si Miranda. She was a hugger. Kaya ang paghawak-hawak niya sa kamay ko o ang pagyakap-yakap niya sa akin ay bilang kaibigan lang.

Gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakausap o nakakasama ko si Miranda. Kaya madalas at tumi-third wheel ako sa kanila ni Cobi.

Funny rin kasi si Miranda. Very charming and bubbly. Ang daming kwento.

Maski si Kate nga noon ay tuwang-tuwa sa kanya.

Kate again.

At sabi ni Miranda ay hindi na niya gustong kausapin pa si Kate tungkol sa relasyon namin.

"Why?" I asked again. Medyo frustrated ang tono ko.

"Bilang respeto kay Kate at sa bago niyang karelasyon..."

I winced a little. Bagong karelasyon.

Parang ang hirap tanggapin.

Miranda forced me to meet her gaze. "Bobby, Kate has already made her choice. And she chose to live her life separate from you. You have to accept that..." seryoso niyang sabi.

Napahilamos ako sa mukha. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko.

"Sinasabi mo bang dapat ko ng sukuan si Kate? Are you trying to tell me to give up my love for Kate? Sinusukuan mo ba dapat ang pagmamahal mo sa isang tao?" sunud-sunod kong tanong. May akusasyon at pagmamaktol sa boses ko.

Matipid na ngumiti si Miranda at tumango. "May mga pagmamahalang hindi sinusukuan dahil parehong lumalaban ang dalawang nagmamahalan..." Pinisil ni Miranda ang kamay ko. Parang ipinatutungkol ang susunod na sasabihin sa akin. "Pero may mga pag-ibig na dapat ng sukuan kasi pinipiga ka na ng husto to the point that you are losing your self-worth. Kapag nagmahal ka, hindi lang iyon taong iyon ang dapat mong mahalin. You have to love yourself, too. Para mas marami ka pang maibigay na pagmamahal sa iba." Then she smiled sweetly at me again.

Bingo. Para sa akin nga iyon.

Napalunok ako.

"There are some things that are really not meant to be. At sorry, pero naba-vibes kong hindi kayo meant to be ni Kate..."

Lumungkot ang mukha ko sa sinabi niya. Ayokong paniwalaan ang vibrations ni Miranda. Pero may mga patotoo na totoo ang mga vibrations niya.

"Someday, Bobby Gallego, darating sa buhay mo ang ka-meant to be mo..." Miranda sounded cheerful-and hopeful. "And sometimes, makikialam si destiny and your meant-to-be will turn out to be the most unexpected person you can think of. Because love is like a thief in the night--unexpected."


I BUSIED MYSELF after Miranda's words of wisdom to me.

Kumalat na sa buong HFU that Kate and I broke up already. Nag-iiwasan na rin kami ni Kate sa campus. Maski ang mga dating sinasamahan ni Kate ay hindi na niya sinasamahan ngayon.

Meron na siyang ibang set of friends sa HFU. Iyong mga estudyanteng party-goers talaga.

Pero may mag pagkakataong nagsasalubong ang mga landas namin ni Kate. At titingnan lang niya ako na parang hindi niya ako kilala.

At nasasaktan pa rin ako. Nalulungkot pa rin ako sa kinahinatnan ng relasyon namin.

I focused my time to basketball, thesis, immersion.

And photography.

My one passion that Kate never encouraged in me.

Okay lang sa kanya na mahilig ako sa photography. Pero hindi niya ine-encourage na mas linangin o i-enhance ko ang talent kong ito.

But still, hindi ko pa rin magawang makalimutan si Kate maski na masakit ang ginawa niya sa akin.

Then came the Talentadong Holyian where I was asked by the Artists' Club members-sa pangunguna ni Jorj-na i-showcase ko ang talent ko sa photograhpy.

Then an encounter with the Ashley Grace Lim-HFU's notorious bully-during the Talentadong Holyian.

She was back after a three months hiatus.

Unexpectedly.

Like a thief in the night.

"BUBBA... BUBBA... THANK you...You came for me..." ang mahinang pag-iyak na iyon ni Kate ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

I looked at Kate. Hindi ko na makita ang magandang mukha niya dahil sa pasa at pamamaga ng mukha.

Hinawakan ni Kate ang mga kamay ko at malambing na inilagay sa pisngi niya at pinaghahalikan ang kamay ko.

Kate used to do that to me. Lalo na kapag naglalambing siya.

"I'm happy that you're here, my Bubba. Look at what Zeke did to me..." umiiyak na nagsusumbong siya sa akin.

Kinapa ko ang sarili kong dibdib.

I felt something for Kate.

Pity.

Not just to her but to her parents and Kuya, who were now crying. It was hard to see their bunso like this. Puno ng pasa ang katawan.

Dahil sa kagagawan ng taong inakala niyang mahal siya at aalagaan siya.

Pinaghahalikan ulit ni Kate ang kamay ko. Parang ayaw na niyang pakawalan.

Pagkatapos ay pilit niyang umupo mula sa pagkakahiga.

I helped her sit up.

And in that process, iniyakap niya ang mga braso sa batok ko.

She made it stay that way. Our face was so close to each other. Our nose almost touching.

She was crying.

"I'm sorry, Bubba... Please forgive me. Can you forgive me? Please? Pretty please?" malambing niyang bulong. Tears running down her cheeks.

Bumalik ang dating Kate na nakilala ko two years ago. Iyong malambing, mahinhin at prim and proper.

Iyong babaeng 'stalker' na nahihiyang nag-text sa akin para pansinin ko siya.

Hinapit ako ni Kate at hinalikan sa pisngi. Nang akmang hahalikan ako ni Kate sa labi ay pasimple kong iniwas ang labi ko. Kunwari ay humarap ako kina Tita Elvie at nahihiyang nginitian sila.

Your fucking lips are just mine, Robert Aldus. Mine.

Parang naririnig kong sabi ni Gracie ko.

Parang nasa likuran ko lang siya at mataray na nakataas ang isang kilay at nakapameywang.

Kaya nga agad kong iniwas ang labi ko. Malalagot ako kay Gracie kapag nagpahalik ako sa labi sa ibang babae.

More so with an ex-girlfriend.

Hindi niya magugustuhan. Baka mag-World Ward 3 kapag nalaman niya.

Kate's family was smiling-awkwardly. Alam kong nahihiya sila sa inaasal ni Kate sa harap ko lalo pa at alam nilang may girlfriend na ako.

Kate gently touched my cheek. "Have you forgiven me, my Bubba?" she asked fondly. Pagkatapos ay parang batang suminghot.

I smiled at Kate. "Of course, Kate. It was all in the past now..."

Biglang napangiti si Kate. Pinahid niya ang luha sa mga mata niya.

Pagkatapos ay hinila ako at niyakap ako nang mahigpit.

"Don't leave me, my. Bubba... Pretty please..."

Hindi ako sumagot. I just sighed.

There were two women in my life.

The one who broke my heart and shattered it to pieces. She owned those two beautiful years of my life.

And the one girl who made my shattered heart whole again. The one who will love me in her lifetime and the next.

I smiled.

Siguradung-sigurado ako sa sarili ko.

Doon ako sa babaeng bumuo ulit sa akin. Sa babaeng alam kong nagmamahal sa akin-even in her most karinyo brutal way.

Dahil alam kong sa kanya na ako magiging masaya sa buhay kong ito at sa susunod ko pang buhay.

Kay Ashley Grace Lim lang. My Gracie.

Continue Reading

You'll Also Like

480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
27.7M 370K 55
The only thing that Lara want is to be a successful model and to prove to her Dad that she can make her own path, but because of a ONE NIGHT'S MISTAK...
3.9M 99.1K 47
No LOVE is greater than that a FATHER'S LOVE for his SON- Alora Nicole Colley **** Another inspirational Story from Palibhasa_pusa ^^
10.9M 202K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...