Vivoree's POV
Buhat nung tanungin ni papa kung ano ang apelyido ni Marco, hindi na ito umimik.
Basta gusto niya daw muna, MATULOG
Parang may mali.
Nakaupo ako sa sofa at binabasa ang libro ko. Grabe, ang dami kong hahabuling lessons.
Habang nagbabasa ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Paano ba naman, nagtatrying hard itong mokong na ito sa buhok ko na magtrintas.
"Ay mali." Rinig ko pang bulong niya.
"Alam mo, kapag dito ka sa buhok nagpapractice na magtrintas, papalpak ka. Subukan mong magtrintas dun sa buhok nung nurse kanina. Naku, baka pumasa ka dun" mahinang sabi ko.
Ewan ko kung narinig niya yung sinabi ko xD
"Huli ka! Sabi ko na nga ba, nagseselos ka..... " Sabi niya at pinindot and ilong ko.
Sinamaan ko siya ng tingin at piningot ang tenga niya.
Hmp! Alam kong gwapo ka, alam kong habulin ka ng chicks, pero wag mo naman sanang ipahalata na natitipunan mo rin siya, lalo na sa harapan ko.
Pangit na talaga ako.
Isinara ko ang libro at tumingin sa mga mata niya.
"Pangit na ba ako?" Daretsyo kong tanong
Hindi siya sumagot at seryoso lang siyang nakatingin rin sa mga mata ko. Nakita ko pa kung paano nagsalubong ang kilay niya. Tch.
"Alam mo bang masgusto kong pumangit ka" daretsyo na ring sagot!
Pambihira naman! Kung ganun, masgusto niya akong pumangit?! Magmukhang dugyut?! Ganun? Tapos kapag magkasama kami, magmukha niya lamang akong alalay?
Umiwas ako ng tingin at tumingin sa sahig. Sinalubong ko ang kilay ko dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
Sana sinabi mo, at hinayaan kitang lumandi sa nurse na yun!
Tsss. Gusto niyang pumangit ako para magkaroon siya ng reason para lumandi sa magaganda!
"Hey? Galit ka?"
Tsss. Nagtanong ka pa
"Huy!"
Tinatapik niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pero tinatapik-tapik niya pa rin ako. Hays! Ang kulit!
"Ano?!" Galit kong tanong sa kanya
"Uy,, sorry na"
"Ganun? Masgusto mo akong pumangit? Sige, tapos kapag makita mo muli Yung nurse na yun, dapat nakanganga ka ha? Yung talagang tutulo yung laway mo! Psh. Pangit pala ha?"
Galit na galit na ako tapos siya, pangiti-ngiti. Nangbabadtrip ka ba?!
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Tanong ko sa kanya at niyakap ako.
Pinilit kong kumawala pero maslalo niya lamang hinigpitan ang pagkayakap niya.
Tinignan ko si papa na natutulog.
"Sorry na. Hindi naman yun yung ibigsabihin ko eh" bulong niya sa tenga ko.
Nakakakiliti! Agad kong iniwas ang tenga ko sa kanya!
"Huy, magising si papa sa ingay mo! Bwisit ka!" Mahinang Sabi ko sa kanya at pinalo ang braso niya. At binuksan muli ang libro na binabasa ko.
"Tignan mo ako" Sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan. "Tumingin ka sa akin" hindi ko na naman pinakinggan. "Gusto kitang pumangit dahil gusto kong wala ng magkagusto sayo dahil gusto ko, ako lang ang magkagusto sayo. Hmm? Gets mo na?"
Wala sa sariling napatingin ako sa kanya. Mukha siyang nakakaawa. Yung para bang bata na umiiyak dahil hindi nabigyan ng kendi. Yung para bang mukha siyang nalugi.
Pero napangiti ako sa sinabi niya.
"Sorry na. Hindi ko naman ---"
Pinutol niya ang sasabihin ko at niyakap niya ako agad. "Mahal kita. Sana wag mo naman akong balewalain. Wag ka ng magselos sa kanya dahil kahit masmaganda man siya sayo, nasayo pa rin ang puso ko."
Habang nagmomoment kami ay nagulat kami ng bumukas ang pinto.
"Mom?" Biglang Sabi ni Marco dahilan para matigilan kami.
Anong ginagawa niyan dito?!
Pumasok sya at dun ko lang nakita na may bitbit itong basket na puno ng mga prutas. Tch.
"I came here to visit. He is my classmate when we we're in elementary" pagpapaliwanag nito ngunit hindi siya sa akin nakatingin kundi sa anak niya.
Lumapit siya Kay papa at hinawakan ang buhok nito habang natutulog. Naramdaman siguro ni papa ang paghawak nito sa buhok niya dahil nagising siya.
"Laura?" Tanong ni papa na gulat na gulat.
"Yes. It's me. Uhm, Marco and Vivoree, pwedeng iwan niyo muna kami. May pag-uusapan lamang kami." Pormal nitong Sabi.
Nagkatitigan kami ni Marco at sabay kaming lumabas. Ano kaya ang pag-uusapan nila? Masyadong iba para sa akin ang awra nitong nanay ni Marco. Kakaiba at kinakabahan ako dahil duon.
Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop at siya ang nag-order para sa amin.
"Classmate pala ng nanay mo ang tatay ko." Sabi ko at napatingin lang siya sa akin.
"Ngayon ko lang rin nalaman." Sabi niya at uminom ng kape.
Pero bakit biglaan naman ata ang dalaw niya? Paano niya nalaman na andito si papa? Ano ang balak niya?
"Uhm, Vivoree may plano kasi ako pwede mo ba akong tulungan?" Tanong niya dahilan para magtaka ako kung ano ito.
"Ano ba yun?" Tanong ko.
"Ika-17th anniversary kasi naming ROYALS sa Feb.26. Gusto ko sanang surpresahin ang mga kaibigan ko. Gusto kong makabawi sa kanila."
Hangang-hanga ako sa pagiging leader niya, 17 years na sila. Ganun katagal at katatag ang relasyon nila sa isa't-isa. Kahit minsan, siya itong siraulo, baliw, at kung ano pa, kapag dating sa mga kaibigan niya, malambot ang puso niya.
Naalala ko nga nung time na tinanggal niya sa grupo si Ed, halos hindi ko makita ang Marco na yun sa Marco na kaharap ko ngayon.
"Sige ba. "
Ilang minuto pa kami nagkwentuhan ng mapagisipan namin na bumalik sa hospital.
Pagdating namin sa hospital ay wala na ang nanay ni Marco at naiwan si papa na nakatingin sa isang larawan namin na nakayakap si mama at papa sa akin.
"Pa, andito na po kami."Sabi ko at napalingon siya sa amin.
Ngunit bakit nakataas ang isang kilay niya, bakit nakikita ko ang galit sa mga mata niya?
"Uhm.. Vivoree, aalis na ako. Magpaplano pa ako para sa gagawin natin, Tito, aalis na po ako. " sabi ni Marco at tumango na lamang si papa sa kanya.
Hinatid ko na siya sa labas.
"Mag-ingat ka. Sasagutin mo pa ako." Sabi niya at hinawakan ang kanang pisngi ko.
Di nagtagal ay umalis na siya at pumasok na ako muli. Ngunit ganun pa rin ang masamang tingin niya.
"Tay, may problema ba?"
"Napakaloko talaga ng tadhana." Sabi niya at ngumisi.
Hindi ko siya maintindihan.
"Ano po?"
"Bago sana ako mawala, hinihiling ko na iwasan mo yung lalaking yun at pigilan mo ang nararamdaman mo sa kanya."
"Ano po?!"
Hindi ko siya maintindihan! Bakit ba ganito? Yung nanay ni Marco ayaw sa akin ngayon yung tatay ko naman ayaw sa kanya. Ano ba ang problema dun?
Ano na naman ang ginawa mo Laura?
"Hindi ko siya gusto para sayo. Maniwala ka sa akin, sasaktan ka lang niya."
Maslalo akong nanlumo sa mga naririnig ko. Ano ba ang problema?
"Why? Tell me. What's wrong?!"
"Mali ang nakaraan, mali ang kasalukuyan at mali ang tadhana. Hindi para sa inyo ang pagmamahalan na yan. Ayaw kong masaktan ka."
"Bakit?! Ano ba ang naging mali sa nakaraan? Bakit mali ang kasalukuyan?! Bakit mali ang tadhana?!!!",
Hindi ko maalis na magalit. Nanggigil ako. Tama nga yung kanta They Don't Know About Us.