My Make-Believe Boyfriend...

נכתב על ידי dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... עוד

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 40 : Totally Gays

22K 414 144
נכתב על ידי dyosathewriter

BOBBY

"IKAW, BOB, KUMUSTA ang naging lakad mo?" Tres asked me at tumungga ng alak mula sa bote ng beer niya.

Napatingin silang lahat sa akin.

Napahilamos ako sa mukha. Naramdaman ko ang sakit sa likod ng palad ko nang gawin ko iyon. I let out a long sigh at malungkot na ngumiti. "I failed..."

Lahat kami ay natahimik. Yumuko ako at naramdaman ko na lang ang kamay ni Cobi na dumapo sa balikat ko. Pinisil niya ang balikat ko.

I looked at him and smiled. Pagkatapos ay tinapik siya sa hita.

"Just don't ask me why I failed but I think I did..." sabi ko sa kanilang tatlo.

Tinapik ako ni Lucas sa balikat. Si Tres naman ay marahang tumango at tinungga ang bote ng beer na hawak.

Then we went all quiet.

Maya-maya ay tumayo ako. "Excuse me...May kakausapin lang ako," paalam ko sa kanila.

Tumango lang silang lahat. Ako naman ay tinungo ang sarili kong kuwarto sa suite.

Iisang tao lang ang gusto kong makausap ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko. I checked if Miranda was online. She was.

Napatingin ako sa oras. Halos maga-alas sais na ng umaga sa Pilipinas ngayon.

I needed to hear what Miranda had to say. Ewan ko pero gumagaan ang loob ko kapag nakakausap ko si Miranda tungkol sa mga bagay-bagay na nagpapagulo minsan sa isipan ko.

Alam kong hindi lang ako ang ganito kay Miranda. Si Ashley Grace din. O siguro ay lahat kami.

Miranda was the kind of person who will always listen and will not judge. Sa lahat ng b-in-ully ni Ashley sa HFU, kay Miranda siya may pinakamalaking kasalanan.

Ashley bullied Miranda bigtime. What Ashley did was very traumatic to Miranda. At nagpapasalamat akong pinatawad ni Miranda si Ashley.

Pumunta ako sa chat box ng cellphone ko.

You're up? I wrote.

Napangiti ako nang makita kong nabasa niya ang message ko. Nakita ko ang paggalaw ng tatlong dots sa chat box. Ibig sabihin lang ay sumusulat siya ng reply.

Yes. How are you?

Video chat? I asked.

Sure, mabilis na reply ni Miranda.

Agad-agad ko siyang tinawagan. Maya-maya ay lumitaw na ang magandang mukha ni Miranda sa screen ng cellphone ko.

"Bobby!" masaya niyang bati sa akin. Mukhang nasa dining table siya nakaupo dahil kita ko ang kusina sa bandang likuran niya.

Kumaway pa si Miranda sa akin. "Kumusta kayo?"

Miranda was my and Ashley's bebe girl. Dahil wala akong mas batang kapatid kaysa sa akin, I treated her like my younger sister. We all treated her like our younger sister. Pero madalas na siya pa ang pinaka-logical na mag-isip sa aming lahat.

Alam niya ang tungkol sa gagawin kong pakikipagkita sa mommy ni Ashley. Alam nilang lahat maliban kay Ashley.

"Nagising ba kita?" I fondly asked. Linggo ngayon sa Pilipinas kaya wala siyang pasok.

Umiling siya at itinali sa ponytail ang buhok habang nakikipag-usap sa akin. "Kanina pa ako gising. Maaga kasing nagising si Lolo kaya nagising na rin ako para ipagluto s'ya ng almusal. Maya-mayang konti ay magsisimba na kami."

Umupo ako sa gilid ng kama habang hawak ko ang cellphone. "Pwede ba kitang mahiram muna kay Cobi ngayon? Even for a few minutes?" malambing kong tanong.

Nakita ako ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Naramdaman siguro niyang medyo seryoso ang tono ko kahit hinaluan ko ng paglalambing. "Oo naman. Sure."

Then we both went quiet. Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sasabihin ko.

Frustrated na napahilamos ako sa mukha. "I failed, Mira..." pagtatapat ko.

"What do you mean you failed? Ano ba ang nangyari?" concerned niyang tanong.

I let out a long sigh at pagkatapos ay ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Tita Linda maliban sa pagtatapat ko kay Tita Linda tungkol sa sexual advances ni Tiago Gomes kay Ashley.

Ayokong malaman nila ang tungkol dito. Nangako ako kay Ashley. Sinabi ko lang kay Tita Linda bilang siya ang ina ni Ashley at may karapatan siyang malaman ito.

But Tita Linda took it the wrong way.

"I am disappointed for my Ashley, Mira," sabi ko matapos kong ikuwento iyon. "Hindi pa ba sapat na dahilan ang anak niya para makumbinsi ko siyang bumalik sa Pilipinas at magpa-rehab? I can clearly see that she has problems with alcohol but she still denied it," frustrated kong sabi. "I really failed..."

"No, Bob, you did not..." malumanay na sabi ni Miranda.

Napatingin ako sa kanya sa screen.

"Look, hindi mo man nakumbinsi ang mommy ni Ashley na umuwi sa Pilipinas para magpa-rehab, at least you got to meet her. At naiparating mo sa kanya kung gaano mo kamahal at kung gaano kahalaga ang anak niya para sa 'yo. Doon pa lang, pumasa ka na. I am pretty sure, na-impress sa 'yo ang mommy ni Ashley dahil bihira ang boyfriend na gumagawa ng ganoon. Sigurado ako roon..."

Napangiti ako maski paano sa sinabi ni Mira.

Sana nga.

I couldn't explain it but I really wanted to impress the people that matter to my Ashley Grace. Her mother mattered to her so to impress her mom was a feat for me.

"Gusto kong magbago na si Tita Linda para kay Ashley-"

"Bobby," malumanay na putol ni Miranda sa akin. "Change must come within the person itself..." aniya na parang matandang may gustong ipatintindi sa isang bata.

"Hindi mo pwedeng i-impose sa isang tao na magbago na s'ya dahil ang tao mismong iyon ang dapat na mag-decide nu'n para sa sarili niya," Miranda continued in a very diplomatic manner.

"Kung hindi pa handa ang ina ni Ashley na magbago, hindi mo siya mapipilit. You have to give her time. Making a point to her about her daughter missing her so much was enough. Hanggang doon lang ang pwede mong magawa." Parang councilor na nagbibigay ng payo si Mira.

Napasuklay ako sa buhok. Miranda had a point. At nakuha ko ang gustong niyang iparating. Miranda was right again-as always.

"You have to wait and give Ashley's mom some time to realize the things you told her. If and when that happens, everything will fall into place. Meanwhile, just continue loving your Ashley Grace. Continue to make her happy." Sinundan niya ng isang ngiti ang huling sinabi.

I looked at her. Cobi was very lucky to have her. And we were lucky to have her as a friend.

"Isa pa, sigurado naman ako na kahit hindi mo makumbinsi ang mommy ni Ashley na magpa-rehab, hindi magbabago ang pagtingin sa 'yo ni Ashley. That girl loves you so much-in this lifetime and the next." Pabirong itinaas-baba niya ang mga kilay.

I threw my head back and laughed out loud.

Pucha. Sinabi ng babaeng 'yon sa iba ang I love you tagline ko sa kanya?

That's your Ashley Grace, Robert Aldus.

Kasabay ng pagtawa ko ng malakas ay ang pagbungisngis ni Miranda.

Pagkatapos ay kapwa na naman kami natahimik.

I looked at her fondly. "Thank you, Mira."

She smiled. "You are welcome, Bobby. Always..." malambing niyang sabi.

Tumayo ako habang dala ang cellphone ko. "Wait, you have to say hi to the guys," sabi ko at nagmamadaling tinungo ang veranda na kung saan naroroon ang tatlo.

"Guys, somebody wants to say hi," anunsiyo ko nang marating ko ang veranda. Iniharap ko ang cellphone ko sa kanila.

"Hi, guys!" tili ni Miranda kasabay ang pagbungisngis. "Ang guguwapo n'yo nakaka-good vibes kayo."

Mga maluluwang na ngiti ang namutawi sa labi ng tatlo.

"Hi, honey!" sigaw ni Tres.

Si Lucas ay maluwang ang ngiti na kinawayan si Miranda.

"Hi, Tres! Hi, Lucas! Wait, nasaan na ba ang pinakagwapo sa inyo?"

Lucas smirked and rolled his eyeballs. Lalo pa at may mayabang na ngiti sa labi ni Jacob nang magtama ang tingin nila ni Lucas.

Ibinigay ko kay Cobi ang cellphone ko.

"Hello, Boyfie!" excited na bati ni Miranda.

Cobi rolled his eyeballs. Parang may sini-share silang secret tungkol sa salitang 'boyfie' na tila hindi gusto ni Cobi iyon.

"Hello, baby..." malambing na sabi ni Cobi habang nakatingin sa screen ng cellphone. "I missed you so much it is killing me already."

Miranda smiled. Halatang na-touched sa sinabi ng best friend ko. "I missed you, too. I'll see you in two days."

Cobi sighed. Pagkatapos ay hinipo ang screen ng cellphone ko, direkta sa labi ni Miranda. "I can't wait to see you in two days, Miranda dela Cruz," he said with so much fondness. "I love you..."

Napangiti ako. Their relationship was exceptional. I had never seen my best friend this happy.

Naalala ko na naman tuloy ang feisty and sassy Gracie ko. Lagi siyang laman ng utak ko. Walang minuto na lumipas na hindi ko siya naiisip. Kahit maganda ang Brazil, nagiging balewala sa akin dahil hindi ko naman siya kasama.

God, I also can't wait to see her in two days.

Two more fucking days and I'll get to hug my Gracie again and have my dessert time with her. Hindi kasi sapat sa akin ang nakaka-video chat lang siya.

Gusto ko siyang mayakap at mahalikan. I missed her kisses. Her lips pressed to mine. Her tongue probing into the insides of my mouth.

I missed those. I terribly missed her.

I wanted to go home-to my Gracie. Because Gracie was my home.

"LEBLON BEACH IS nice," komento ni Jacob habang nakatingin sa paligid ng buong beach.

Maraming tao sa beach. Maraming naggagandahan at nagsisipag-sexy-han na mga babae ang dumaraan sa harapan namin.

Nakaupo kaming apat sa buhanginan hindi kalayuan sa dalampasigan. Nasa dulo si Tres, bandang kaliwa ko at nasa kanan ko naman si Lucas. Si Jacob ang nasa kabilang dulo katabi ni Lucas.

Wala kaming suot na pang-itaas. Just our board shorts and shades. Mainit kasi masyado ang sikat ng araw.

Sa aming apat, si Cobi ang pinaka-fit at pinakamaganda ang katawan. Siguro ay dahil batak sa sports simula pa lang ng bata kami at dahil sa mga outdoor activities.

Kailan lang ay umakyat sila ng bundok ni Miranda para sa pagpapakawala sa monkey-eating-eagle na si Malakas sa kagubatan. The eagle Malakas was part of the endangered species.

Parte ito ng activities ng Philippine Eagle Foundation where Cobi was an active member and a generous donor. Siya ang napiling magpakawala sa agilang si Malakas.

Na-feature pa sa society page ng isang broadsheet si Jacob at na-interview sa isang magazine dahil doon. Two big networks in the country covered it.

Kaya naman walang nagawa si Cobi kundi ang magpa-interview maski na ayaw sa limelight ng best friend ko. He was newsworthy, so to speak.

Tapos na kaming mag-hang gliding kaninang umaga. Nobody chickened out. Wala naman kasing may takot sa heights sa amin.

Sisiw na sisiw lang lalung-lalo na kay Tres who loved heights and flying. Madalas ngang biro ni Miranda sa kanya na ibon siguro si Tres noon past life nito dahil sa hilig sa paglipad.

The rainforest top view was spectacular. It was quite an experience.

But I wished my Gracie was with me. Siguro ay katakut-takot na mura at tili ang maririnig ko mula sa kanya hindi pa man lumilipad ang hang glider.

At iniisip ko pa lang ay napapangiti na ako.

I had never imagined I would be with somebody like Gracie. Kabaligtaran kasi niya ang gusto ko-iyong mahinhing kumilos, soft spoken at hindi kariringgan ng kahit na anong mura sa bibig.

My Gracie was a big turn off for me. Not my ideal kind of girl.

But things changed and look at me now. I was head over heels in love with a feisty girl like her. I loved how she cursed. Weird, but it was kind of sexy to my ears.

And I realized, we should not judge people by the way they look or speak. Sometimes, there were people who meet more than the eyes. Like my Gracie.

One day, I'll bring her back here in Brazil. And we will make good memories. Para mabura na sa isipan niya ang pangit na nangyari sa kanya sa Brazil.

"Yeah, but still, Pulo Santelices is a lot nicer," komento rin ni Tres. Nakatingin siya sa malawak na karagatan. Nakapatong ang mga braso niya sa tuhod. "Walang tatalo sa Pulo Santelices."

Jacob threw a glance a Tres. "Why, Esquivel, thank you..." natutuwang sabi ni Jacob.

"Don't mention it, Maravilla. It's-" Hindi na nagawang ituloy ni Tres ang sasabihin dahil humarang sa view niya ang isang maganda at sexy na babaeng blonde.

The woman was sexy, alright. She was topless and just in her bikini bottom.

Pero para sa akin, wala ng se-sexy pa sa Gracie ko. I like the cup 34B of my Gracie. They fit perfectly in my palms.

Pucha, Robert Aldus. You and your naughty thoughts.

My Gracie was the perfect sexy for me.

Perfect. Kaya hindi na ako maghahanap pa ng ibang sexy.

Uso kasi sa beaches sa Brazil ang skinny dipping. Marami ngang naglipana kanina pa ang nasa kanilang birthday suit lang-mapa-matanda, mataba at sexy.
May mga ilan din ang nage-engage sa public beach sex. Ibang-iba sa kultura ng mga pinoy. Kaya tiyak na mae-eskandalo ang konserbatibong pinoy kapag dumayo sa beaches ng Brazil.

Katulad na lang ng sexy na babae na nasa harap ni Tres na may nang-aakit na ngiti.

"Hello..." bati ng babae na nagpapa-cute talaga kay Tres.

Isang matipid na ngiti lang ang isinagot ni Tres.

Hindi pa rin umalis ang babae sa harapan ni Tres. Waring naghihintay na may sabihin si Tres.

But Tres was keeping a straight face. Hindi siya direktang makatingin sa topless na babae. Tayung-tayo ang hinaharap nito at nakakahiyang tumingin. Maski ako ay nahihiya.

Nagkatinginan kaming tatlo nina Lucas at Cobi. May mga pigil na ngiti sa labi namin.

"My group is over there..." turo ng babae sa isang grupo ng mga babae sa bandang kanan nito.

Marahang tumango lang si Tres at isang awkward na ngiti ang ibinigay sa babae.

Nang ma-realize ng babae na hindi interesado si Tres ay umalis na ito sa harap niya.

"Fucking hell..." mahinang bulalas ni Tres nang makaalis ang babae. Para siyang nakahinga ng maluwag at napasuklay sa buhok.

Saka lang namin pinakawalan ang tawang kanina pa namin gustong ilabas.

"Pucha, lapitin talaga ng mga babae..." panunukso ko.

Nagtawanan kaming apat. Maging si Tres ay natawa ng mahina at napailing.

"That just shows that I am the most handsome among us. Ako ang nilapitan, eh," mayabang na sabi ni Tres. He playfully wiggled his eyebrows at us.

Lucas smirked. "Yeah, damn right," sarkastikong sabi niya.

"Isusumbong kita kay Jorj," pananakot ni Cobi.

Agad na tumingin si Tres kay Cobi. "Fuck you, Maravilla! Don't you dare!" nandidilat ang mga mata na sabi ni Tres, parang biglang natakot sa pangalan ni Jorj.

"'Tang ina, nakita n'yong wala akong masamang ginawa, 'di ba?"dagdag pa ni Tred. "Takot ko lang sa amasona kong girlfriend. Aambaan akong tiyak ng suntok-"

"Inaambaan ka niya ng suntok?" kunot-noong tanong ni Lucas.

"Yep," parang proud pang sagot ni Tres. "Kayo ba inaambaan niya ng suntok?"

Nagkatinginan kaming tatlo at pagkatapos ay halos sabay-sabay na ibinalik ang tingin sa kanya at umiling.

"See? Ako lang ang inaambaan niya ng suntok and that makes me special to her. I am special to her," proud niyang sabi at ngumiti. "She loves me that much."

Lucas cocked an eyebrow at Tres. "Weird," he said then shrugged his shoulders. "Sabagay, kapag nagtataray at nagbabanta sa akin si Stasha ay natatakot din ako..." parang wala sa loob niyang sabi at napangiti na parang may naalalang maganda sa pagkakabanggit sa pangalan ni Stasha.

Bigla ko ring naalala si Gracie ko. Madalas akong tawaging asshole, pervert at jerk ni Gracie pero parang ikinatutuwa ko pa iyon. Siguro ay pare-pareho lang kami. Mga takot sa girlfriends.

Takot kaming mawala ang pinakamamahal naming girlfriends sa amin kaya kahit na anong topak pa ang ipakita ay nagpapagpasensyahan namin.

Ganoon siguro kami katindi magmahal.

"Uh-oh..." narinig naming sabi ni Tres. Parang nagbibigay ng warning.

Kasi naman ay meron na namang apat na babaeng naka-topless at bikini bottom lang ang suot ang papalapit sa amin. Dalawang blonde, isang red-haired at ang isa ay pretty ebony-skinned girl.

Halos kasing-edad lang namin siguro ang mga babae. They were all pretty and sexy.

"Hey, want to hook up?" diretsong sabi ng red-haired girl. She smiled prettily at us-o mas tamang sabihing kay Cobi. Mukhang si Cobi ang type niya.

She was pretty at may heart-shaped tatto sa tiyan at piercing sa pusod. Ang lusog ng dibdib ni Red-Haired Girl.

Sa tono ng pananalita niya, mukhang foreigners din at hindi local Brazilian.

The pretty Ebony-Skinned Girl licked and bit her lower lip before she winked at me.

Napalunok ako. Kung single ako at walang girlfriend, baka patulan ko siya dahil maganda siya at lalaki lang ako.

But I was taken-by Gracie. I was taken, heart and soul. Iniisip ko pa lang ang pagmumura ni Gracie at ang mataray niyang tingin ay gusto ko nang tumakbo palayo sa babae.

Si Cobi naman ay sanay na sa ganito. Ang daming babaeng naghahabol sa kanya. Iyon ngang iba ay naghuhubad pa sa harapan niya. Hantarang inaakit siya.

Pero alam kong wala ng epekto pa sa kanya ang ibang babae. His eyes were on Miranda only-he was smitten the moment he locked eyes with Miranda. And he had been faithful since then-kahit na hindi pa sila.

Ganoon katindi ang tama ni Jacob Maravilla kay Miranda dela Cruz.

Cobi cleared his throat. He scratched the back of his head. "No, we don't think that's possible because we're-"

Already taken. Iyon ang alam kong sasabihin ni Cobi.

"Gays..." biglang singit ni Tres. "We're gays..." At pagkatapos ay pabaklang sinuklay niya ang buhok. "Totally..." Tres pursed his lips. "And we're proud of it."

Tres interlinked his fingers with mine. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Iyon ang paraan niya para maitaboy ang tukso sa harapan namin. Hindi lang amba ng suntok ang aabutin niya kay Jorj.

At ako naman ay hindi lang mura ang aabutin ko kay Gracie ko. Kaya dapat lang na magpanggap na gay para makaiwas sa apat na babaeng tukso.

"Ah-hmmm..." I agreed. Tumangu-tango ako at nagpa-cute ng mga mata sa mga babae at mahinhin na ngumiti.

Maski na ang totoo ay gusto kong humagalpak ng tawa.

Nagkatinginan ang apat na babae. The blonde girl even winced nang makita ang facial expression ko.

"Yeah..." singit ni Cobi na nilambutan ang boses. "We're totally gays...As in-" He bounced his shoulders and flicked his fingers in a snap. He was cocking his eyebrows at the girls-in very gay way. "Totally..."

Pigil ang ngiti namin ni Tres. Ang galing ni Cobi na magpanggap na gay. Hindi ko alam kung saan niya iyon natutunan.

Parang siya iyong bida sa palabas na Mean Girls na laging merong alipores sa likuran kapag naglalakad sa hallway ng eskwelahan.

Bravo, Cobi, natatawang sabi ko sa isip.

Tumingin si Cobi kay Lucas at siniko ito. "Right, darling?" malambing niyang sabi kay Lucas.

We all looked at Lucas. Naghihintay ng gagawin ng isang Lucas Agoncillo-the charismatic, serious and very diplomatic Lucas Agoncillo.

Mahinhin na sinuklay ni Lucas ang buhok at inipit kunwari ang imaginary na buhok sa tenga. Then he pursed her lips and looked at the girls.

"Totally..." maarte niyang sabi. Parang gayang-gaya niya ang facial expression ng mataray na si Stasha.

Nag-beautiful eyes pa si Lucas sa mga babae habang pa-gay na nakangiti.

Tres and Cobi snorted. Ako ay kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi lumabas ang tawang pinipigil ko.

"Oh, my God!" maarteng bulalas ng red-haired girl. Sa ekspresyon ng mukha niya ay sobrang dismayado siya. Naitakip pa niya kamay sa bibig sa pagkabigla.

Nagkatinginan ang apat na babae.

Umiling si Ebony-skinned Girl. "We're not into gays," aniya.

"And we're not into girls," singit naman ni Tres sa pa-gay na boses.

"Bye..." sabi ng blonde sa amin.

Maarte akong kumaway sa kanila. "Bye, girls..."

Pagkatapos noon ay nagmamadaling tumalikod ang mga babae.

Nang makalayo sila ay saka lang namin pinakawalan ang tawang kanina pa namin pinipigil.

Si Tres ay humiga sa buhanginan at nagpagulong-gulong doon habang tumatawa ng malakas.

Hindi talaga namin mapigilan ang tawa. Hindi ko kahit kailan naisip na ang seryosong si Lucas ay makikisakay sa kalokohan namin.

"'Tang ina! Nagladlad na ang student council president natin. Malaking news ito sa HFU," pilyong sabi ni Tres at sinundan iyon ng malakas na tawa. "Matutuwa si Tessa Ong."

Natawa kaming dalawa ni Cobi. Tessa Ong was the leader of LGBT Group in HFU. She was Jacob's immersion partner and part of the volleyball team.

The student council had been supporting this LGBT Group in HFU.

"Damn!" natatawang bulalas ni Lucas. "Damn the three of you! You made me do it."

Lalong lumakas ang tawa ni Cobi. Umalug-alog na ang balikat niya sa kakatawa.

Pinalo ni Lucas si Cobi sa balikat. "Shut up...darling..." pa-gay na sabi ni Lucas.

Lalong lumakas ang tawanan naming apat.

ASHLEY

"ROBERT ALDUS!" TILI ko habang pababa ako ang hagdan. Nasa sala ang gwapong boyfriend ko.

Ang gwapong boyfriend ko na na-miss ko nang sobra-sobra gayong apat na araw ko lang siyang hindi nakita.

Alam kong mula sa airport ay dito siya nagtuloy kahit alas onse na ng gabi. Hindi niya alintana ang jetlag.

Patakbo akong lumapit sa kanya at paglapit ko ay agad akong lumingkis sa leeg niya at nagpakarga.

He lifted me off the ground and I wrapped my legs around his hips while his hands were hugging around my hips.

Hello, Bulge... We meet again.

I looked at him. His dreamy eyes. Halatang pagod siya sa byahe pero hindi niya alintana at dito pa rin siya nagtuloy.

I felt so special.

I combed his hair at the back of his head while looking at him lovingly. Pagkatapos ay excited na pinaliguan ko ng halik ang mukha niya.

I showered his face sweet kisses. Sa noo, sa dreamy eyes niya, sa matangos niyang ilong at sa magkabila niyang pisngi.

I missed him terribly. Like hell.

"I missed you so much," bulong ko. Then I claimed his lips. I missed kissing him for four days.

Bobby met my kiss as passionate as mine. Halatang sabik kami sa isa't-isa. Hindi na sapat sa aming dalawa ang video chat lang.

Gusto ko ang ganito. Nahahawakan siya. Nahahalikan.

Duh, Ashley Grace. Ang arte-arte mo...

"God, Gracie, I missed you so much..." bulong niya matapos ang paghahalikan namin. "I love you..."

Then we locked gazes again. I could feel his bulge jerk. Ramdam ko iyon mula sa pants niya at sa shorts ko.

Pareho kaming napangiti. Parehong naughty ang mga ngiti namin. At alam naming pareho na iyon ay dahil sa naramdaman naming paggalaw ni Bulge.

"Pervvv..." I whispered in his mouth.

He just laughed quietly. His adam's apple moved up and down.

Oh, fuck shit! I missed that fucking adam's apple, too.

I missed his adam's apple so I kissed it. Sa panggigigil ko sa kanya ay marahan ko pang kinagat ang leeg niya. Like a vampire hungry for blood.

He smelled of sweat and his cologne. Ang bango pa rin maski pinawisan na. Lalo lang siyang naging attractive para sa akin.

"'Tang 'na, Ash, kung makakapit ka para kang tarsier, ah," panunukso ni Tita Liezel na nakababa na pala mula sa kuwarto niya.

"Hi, Bobby," bati niya kay Bobby. "Kumusta ang Brazil?"

Natawa si Bobby sa biro ni Tita Liezel sa akin. "Hi, Tita Liezel... Brazil's fine. Maganda ang top view ng rainforest. Pero mas maganda pa rin sa Pilipinas kasi narito ang puso ko, eh. Naiwan ko sa pamangkin mo."

"Awww! 'Tang 'na, kinikilig ako," natutuwang sabi ko. Tumagos na naman sa puso ko ang sinabi ni Bobby.

"Ang arte mo!" nang-aasar na sabi ni Tita Liezel. Pero nakangiti naman. "Para namang tarsier."

Pagkatapos ay ilang segundong tila nawala sa sarili si Bobby na para bang may naalala kay Tita Liezel.

"Arrghhh! Kainis ka, Tita!" naka-pout ang labi na sabi ko. Totoo naman ang sinabi ni Tita Liezel na para akong tarsier na nakakapit kay Bobby.

"Umakyat ka na nga sa itaas," pagtataboy ko pa kay Tita Liezel.

Parehong natawa sina Bobby at Tita Liezel.

"Tingnan mo 'yang girlfriend mong tarsier, Bobby. Ang sama. Itinataboy ako."

Natawa ako. "Ako ang pinakamagandang tarsier." I looked at Bobby. "Right?"

He smiled. "The most beautiful..." he whispered while looking lovingly at me. "Hindi na ako makakahanap pa ng tulad mo."

"Narinig mo 'yun, Tita?" mayabang kong sabi. "Kahit na tarsier ako, ako pa rin ang pinakamaganda para sa kanya."

Tita Liezel rolled her eyeballs. "Hay, naku, maiwan ko na nga kayo."

"Buti naman. Istorbo ka lang," pang-aasar ko.

"Tarsier!" sigaw niya sa akin habang paakyat siya ng hagdan

"Tseh! Inggit ka lang," sagot ko naman pabalik.

"Tarsier!" sigaw ulit ni Tita Liezel. Nasa punong baitang na siya ng hagdan.

"Tseh!" sigaw ko rin pabalik.

Narinig ko ang malakas na tawa ni Tita Liezel sa itaas.

Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko kay Bobby. He was smiley grinning.

We looked at each other. I inhaled sharply. I wanted to inhale the same air that Bobby was breathing.

'Tang 'na, Ashley Grace. OA much?

Lumakad siya papuntang dining area at umupo sa favorite spot niya habang karga pa rin niya ako at para akong tarsier na nakakapit sa kanya.

When he sat down on the chair, he did not let me go. I was still straddling him, giving me more access to the bulge.

"Nakakatuwa kayong mag-tiyahin," he commented.

"Ang lakas niyang mang-asar, 'di ba? Pero kahit gan'un s'ya, love ko s'ya. She is the only family who accepted me for who I am."

Nakita kong parang biglang lumungkot ang mga mata ni Bobby. Parang may biglang naalala.

The he scanned my face and ended the gaze to my eyes. Sinalubong ko naman ang tingin niya.

"I'm sorry..." bulong niyang sabi sa akin. Masuyo pa niyang inipit sa tenga ko ang buhok na kumawala sa ponytailed hair ko.

Sorry? Putang ina. Bakit nagso-sorry sa akin si Robert Aldus? kinakabahan kong sabi sa isip.

Kumunot ang noo ko. Biglang may bumundol sa dibdib ko.

"May ginawa ka bang kabalbalan sa Brazil?" There was edge in my voice. Nakataas ang isang kilay ko.

"Anong kabalbalan? What do you mean?"

Pinagmasdan ko siyang mabuti. He was looking straight into my eyes. Wala naman akong guilt na mabasa sa facial expression niya.

"Nambabae ka ba sa Brazil?" diretso kong tanong sabay mahinang sampal sa pisngi niya. "Baka nambabae ka sa Brazil, ha?" Sinampal ko ulit siya sa pisngi.

Hinipo niya ang pisngi niyang tinampal ko. Kumunot ang noo niya. Pagkatapos ay napangiti hanggang sa unti-unting matawa ng mahina. Umaalog ang balikat niya sa pagtawa ng mahina.

"'Wag kang tumawa, seryoso ako..." naiirita kong sabi.

Tumigil siya sa pagtawa pero may naiwan namang ngiti sa labi at mga mata. He was even biting his lower lip just to suppressed the smile on his lips.

So sexy. Fuck shit.

Kung hindi lang ako nagi-interrogate sa kanya ay hinalikan ko na naman siya sa lips.

Sinabunutan ko siya. Medyo mahaba ang buhok ni Aldus ngayon kaya makapal ang buhok na nahawakan ko.

Jealousy swept up inside of me. "Nambabae ka ba?!" mariin kong tanong.

"Hey..." saway niya at marahang inalis ang kamay kong nakasabunot sa kanya.

Pagkatapos ay nag-smiley grin. "Pucha, hindi ko pa ginagawa ang pambababae, bugbog-sarado na ako sa 'yo. What more kung gawin ko?" biro niya.

God, seryoso na ako. Natatakot akong malaman na baka nambabae nga siya sa Brazil.

Tiningnan ko siya ng pailalim at masama. Pagkatapos ay akmang aalis sana ako sa kandungan niya pero maagap na napigilan ng mga braso niya ang beywang ko.

"Gracie, please..." His tone was pleading.

Hindi ako umalis sa kandungan niya pero hindi na ako yumakap sa kanya. Nakababa lang ang mga kamay ko sa magkabilang-gilid ko.

Si Bobby na ang gumawa noon. Kinuha niya ang kamay ko at masuyong iniyakap muli ang mga braso ko sa leeg niya.

"There...Right where it belongs," he fondly said.

Then he met my gaze and held it. He gently pinched my nose-the Robert Aldus way.

"Hindi ako nambabae sa Brazil, okay?" malambing niyang sabi. His dreamy eyes bored into mine. "Look, paano ako makakapambabae kung kasama ko si Jacob?"

I pouted my lips. Medyo maarte at exaggerated ang pagkakagawa ko niyon. But my fingers were starting to rake the hair at the back of his head.

Kumunot ang noo niya at napailing. "No, let me correct and rephrase that. Ganito dapat...Paano akong makakapambabae kung ikaw ang laman nito-" Kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay sa kaliwang dibdib niya. "At nito-" Kinuha niyang muli ang kamay kong nakapatong sa dibdib niya at inilagay sa tuktok ng ulo niya. "-Sa bawat minutong nasa Brazil ako at wala ako sa tabi mo?"

We stared at each other. He was not taking off his dreamy gaze to mine.

"Now, you tell me, my Gracie? Paano?..." malambing niyang tanong in a husky voice.

Hindi ako nakakibo. My heart was swelling with happiness. This sweet guy who was the cause of my happiness was mine.

And he loved me.

"Baka lang kasi may ibang babae kang kinalantare roon..."nakalabi kong sabi.

"Kinalantare?" kunot-noong tanong niya. Hindi niya naintindihan ang word kong iyon.

"Alam mo na 'yun-nilandi, kinangkang, chinukchak, dyinugdyug-"

Lahat iyon ay jolog words ng jologs kong Tita na si Tita Liezel.

Dapat talaga ay hindi muna ako magdididikit kay Tita Liezel. Nagiging jologs na rin ako.

Bobby laughed quietly. It was sexy. The laughter reached his eyes.

He fondly traced the corner of my lips with his thumb and index finger. Napahigit ako ng hininga dahil doon.

"Wala akong ibang babaeng gustong kalantariin, landiin, kangkangin-" Huminto siya at tila nag-isip.

"Chukchakin at dyugdyugin..." pagsu-supply ko habang maarteng naka-pout ang lips.

Tumango siya. "Chukchakin at dyugdyugin," aniya habang masuyong t-in-race ng daliri niya ang gilid ng labi ko-while looking at me intently. "Walang ibang babaeng gusto kong gawin ang mga iyon kundi sa 'yo lang. Ikaw lang, Gracie."

Pagkatapos ay hinapit niya ako para madikit ako sa arousal niya.

Napahigit ako ng hininga dahil doon.

Behave, Bulge...

Behave, too, Ashley Grace...

His lips curled up in a very sexy way. Then he naughtily wiggled his eyebrows at me when he saw my reaction.

Masuyo kong hinaplos ang pisngi niya. "Then why are you saying sorry?"

He kissed my hand that was touching his face. Then he let out a long sigh. "Wala lang..." he replied, shrugging his shoulders. "Sometimes, I think and feel that I fail you-"

"Fail me?" putol ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "In what way?"

"Na hindi ko naibibigay at nagagawa ang mga bagay na gusto mong mangyari sa buhay mo..." makahulugan niyang sabi.

"I wanted to give everything that will make you happy but sometimes I just can't especially when it's beyond my power and control. And I fail you in that sense..." His voice was almost a whisper.

Fuck shit!

I looked at him fondly. My Robert Aldus. Ganito ba ako kamahal ng lalaking ito?

Biglang binalot ng emosyon ang puso ko. Tuloy ay biglang nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko.

I was so fucking lucky for having him im my life. Si Robert Aldus ko na talaga ang premyo ni God sa akin sa lahat-lahat ng masasakit na pinagdaanan ko sa buhay.

"Don't make me cry, Asshole..." naiiyak kong sabi.

He just smiled and planted a soft kiss on my lips.

Idinikit ko ang noo ko sa noo niya. "Listen, my Robert Aldus, don't you ever think that you're failing me because you cannot give everything I wanted in life. You are wrong in that sense..."

Huminto ako at lumunok. Gusto kong kontrolin ang emosyon ko.

"You give everything to me-your love, your support, your patience and all and those are enough for me."

"Those are actually too much for me kasi hindi ko naman iyon naranasan sa kahit na sinong lalaking dumaan sa buhay ko," pagpapatuloy ko sa nanginginig na boses.

"You are my everything. And you alone is too much because your love overwhelms me. Bonus na lang 'yung ibang magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko dahil sa 'yo."

Bobby was just licking his lips. He taking all the things I was saying, like he needed it.

I gave him a swift kiss on the lips. "I love you so much. Kung mabubuhay akong muli at tatanungin ako ni God kung gusto ko ulit ang buhay kong ganito-malungkot ang simula ng buhay dahil illegitimate child at pinagpapasa-pasahan ng mga magulang, bully at bitch sa eskwelahan-pipiliin ko pa ring maging ako kasi alam kong darating ka sa buhay ko at mamahalin mo ako ng higit pa sa kaya kong isipin..." My voice cracked.

"Pipiliin ko pa rin ang buhay kong ganito dahil sa 'yo," I continued with so much emotions. "Dahil alam kong darating ka and you will save me from my misery. Parang bida sa teleserye. Nagpapa-api at nagpapabugbog muna tapos sa bandang huli nasa kanila na ang huling halakhak." Pinilit kong haluan ng biro iyon para hindi ako maiyak.

I blinked the forming tears away. Pero hindi na ako nahihiyang umiyak sa harap ng iba lalo na sa harap ni Robert Aldus.

Sabi nga ni Miranda, ang luha ay hindi proof ng kahinaan. That even the strongest people cry.

And my Aldus said that I was not weak. In fact, I was one of the strongest persons he had ever known dahil nakaya kong lahat ang mga masasakit na pangyayaring pinagdaanan ko sa buhay.

He understood me to the core. And he loved with me all his heart.

"Come here..." he whispered softly. He gently wiped the tears at the corner of my eyes with his thumb. "Hug kita saka kiss kita..."

Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko sa kanya. He kissed me at my temple.

Maya-maya ay humiwalay ako ng yakap sa kanya. "Gusto mo ng dessert?"

He squinted his eyes and licked his lower lip. Lower lip licking for Robert Aldus meant he was thinking.

"'Yan bang dessert na inaalok mo ay katulad ng dessert na nasa isip ko?" he asked in a flirty way. His dreamy eyes glinting with naughtiness.

Hinapit niya ako palapit sa kanya, making me aware of his Bulge.

Napapikit ako at napahigit ng hininga nang maramdaman ko si Bulge.

Fuck shit!

I looked straight into his dreamy eyes. I bit my lower lip in a provocative way. "Same kind of dessert..."

Ang landi mo, Ash.

Bobby inhaled a sharp breath.

A smug look appeared on my face knowing I affect him so much just by the mere mention of the word dessert.

"Good...Na-miss ko ng sobra 'yan," Bobby said in a sexy drawl and then claimed my lips for a passionate kiss.

המשך קריאה

You'll Also Like

27.9K 2.3K 8
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
6.7M 136K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.4M 711K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...