Crazy In Love With A Jerk

By verleeah28

15.3K 704 80

Itong storyang ito, ay ang magsasabi sayo na dii mali ang magmahal. Pinili mo ito dahil alam mo ito ang tama... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Dear Readers,
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Dear Readers,
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Dear Readers,
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84

Chapter 23

210 16 0
By verleeah28

"Can we talk?" Ano na naman ang pag-uusapan namin? Siguro, ito na yung tamang panahon para tanungin ko siya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko at umupo siya sa tabi ko. Nakatungo lang siya.

"I'm sorry."

Seryoso ba siya?

"Prank lang naman sana yun eh, kaso hindi ko alam na ganun pala ang mangyayari." Sabi niya at kumukha ng maliit na tuyong sanga ng puno na kinauupuan namin ngayon.

"Ok" sabi ko at tumayo. Aalis na sana ako ng hatakin niya ang kamay ko.

"Hindi ka na galit?" Tanong niya at tumingin siya ng daretsyo sa mata ko.

"Galit pa rin. Pero konti na lang" sabi ko at binitawan naman na niya ang kamay ko. Tinignan ko siya, ang saya niya. Baka may balak na naman itong lalaking ito sa akin? "Ano yang ngiting yan?" Tanong ko at tumayo siya.

"Makakabawi rin ako sayo" sabi niya ginulo ang buhok ko at naglakad patungo sa tent namin.

*fast forward*

Medyo dumidilim na kaya nag-umpisa na rin kaming nagluto. Pagkatapos nag-luto, kumain na kami pagkatapos, tumambay muna kami dito sa malapit sa apoy at nagkekwentuhan.

"Ako, sa totoo lang, sa isang linggo, pitong babae ang nakakadate ko" sabi ni James kaya lahat kami nagtawanan.

"Ano yun? Isang gabi, isang babae?" Tanong ni Claire at kumuha ng bote ng coke kasi sa babae coke pero sa lalaki beer.

"Yup. Sila naman ang myay gusto hindi ako. " sabi niya at uminom ng beer.

"Pero sa dami ng babae na nakilala mo, wala ka manlang nagustuhan sa kanila?" Tanong ni Liezel at tinapik si James.

"Wala. Hindi na siguro darating yung sinasabi nilang THE ONE" Sabi niya at tumingala sa langit. Ang daming mga bituin.

"Paano mo mahahanap yung taong para sayo kung ikaw mismo, sumuko na?" Good question Erica. Yan din sana sasabihin ko eh, ay guys, si Erica coke pala ang iniinom niya kasi girl daw siya. Pagbigyan.

"Baka nakilala mo na siya, pero hindi mo yun nakita dahil iba siya, iba siya sa mga babae na nakakasama mo, hindi siya katulad ng mga babae mo na isabg gabi, bigay agad. Masyado kasing mataas ang tingin mo sa babae, try mong ibaba yung tingin sa babae, baka sakalis duon mo siya makita" sabi ni Jake. Isa sa mga gusto ko kay Jake ay yung bihira siya magsalita pero kapag nagsalita siya, may sense lahat.

"Sa tingin mo ba, asan siya ngayon bro?" Tanong ni James kay Jake. Agad naman nagcross-arms si Jake at tumingin ng daretsyo kay James.

"Hindi ko alam. Pero alam ko, anjan lang siya sa tabi-tabi, naghihintay lang rin sayo." Sabi niya at tumayo. "Ihi lang ako" sabi niya at umalis.

"Eh ikaw Marco, bati na ba kayo ni Vivoree?" Tanong ni James.

Umayos ng upo si Marco at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri niya.

"Hindi pa. Pero nagsorry na ako sakanya" sabi ni Marco at tumingin sa akin at nagbigay ng evil smirk.

"Yun pala eh! Vivoree, patawarin mo na kasi itong batang ito. " pabirong sabi ni Yong at kumuha ulit ng beer.

"Hindi gan--" hindi ko na naman natuloy yung sasabihin ko ng simigaw sila lahat

"Magbabati na yan! Magbabati na yan! Magbabati na yan!" Paulit-ulit nilang sabi.

Hinatak nila si Marco patayo pati rin ako.

"Ayan, magbati na nga kayo." Sabi ni Yong at tinapik si Marco at umupo na sila lahat kami na lang natitirang nakatayo.

"Uhm.. Ah--" hindi ko na pinatapos magsalita si Marco.

"Bati na tayo. Wag mo na lang uulitin yun, kundi kakatayin na talaga kita. Get's mo?" Pagkatapos kong sabihin yun ay agad siyang ngumiti.

"Sabi ko naman eh, papatawarin mo ako." Sabi niya at hinawakan ang balikat ko. "Sorry ulit. At, oo hindi ko na uulitin yun. At tulad nga ng sinabi ko kanina, makababawi rin ako sayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Ehem!" Sabi ni Edward sa kabilang side at tila bang para siya nauubo, kaya agad akong tumakbo papunta sa pwesto niya.

"Ok ka lang?" Tanong ko at hinawakan ang lalamunan niya.

"I'm not fine. " sabi niya at tumayo, "balik na ako ng tent, magpapahinga lang ako." Sabi niya at umalis sakto yun din ang pagbalik ni Jake at umupo sa pwesto niya.

"Magpahinga na rin ako" sabi ni Tiffany at sumunod naman rin sila. Tinignan ko yung oras sa cellphone ko, 8:57 pa naman. Medyo maaga pa pero wala akong magawa, bumalik na rin ako ng tent. Nagulat na lang ako ng andun na pala si Marco.

"Matutulog ka na?" Tanong ko sa kanya na nakahiga na.

Nakatayo pa rin ako sa harap ng tent at parang wala pa akong balak matulog.

"Pagod na ako." Sabi niya. Tumalikod na lang ako at babalik sa pinagpwestuhan namin kanina. Aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko. Nagulat ako ng si Marco pala.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

"Vivoree, kailan ka huling dinatnan?" Tanong niya sa akin. Huh? Bakit? May balak ba na naman siya sa akin?

Kinabahan tuloy ako.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

Binitawan niya ang kamay ko at tumayo sa harap ko. Kinakabahan tuloy ako. Unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin.

"Hoy, anong ginagawa mo ha?!" Tanong ko sabay atras pero habang umaatras ako ay humahakbang naman siya sa akin papalapit.

Atras ako ng atras at siya naman abante ng abante hangga't sa wala na akong mapagatrasan dahil nakasandal na ako ngayon sa puno.

Dahan-daham niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hinawakan niya rin ang kamay ko. Hahalikan niya ba ako? May balak ba siya sa akin? Jusko bata pa po kami!

"May dugo sa pants mo. May Red Alert ka ata " bulong niya sa tenga ko at nilayo na niya ang mukha niya sa mukha ko. At tumawa siya. "Hahaha! Akala mo siguro, may gagawin ako sayo noh? Haha!"

Sige pa pagtawanan mo pa ako, mawalan ka na sana ng hininga jan. Maka alis na nga!

Pumunta ako sa tent namin at chineck kung may nadala akong napkin pero wala, naiwan ko sa hotel. Makahingi na nga lang kanila Claire. Kumuha ako ng twalya at nilagay sa bewang ko para hindi nila makita yung dugo sa pants ko.

Pumunta ako sa tent nila Claire at Erica , tulog na si Erica good thing gising pa si Claire.

"Psst. May napkin ka pa ba?" Tanong ko sa kanya.

"Tignan mo, baka ketchup lang ulit yan," sabi nita at tumawa. Naalala niya siguro yung time na nasa pool area kami at nakikipag-away ako kay Marco.

"Totoo na kasi naamoy ko, medyo malansa" sabi ko at tinapik niya ang balikat ko.

"Pasensya ka na Vivoree, pero tapos na kasi ako dinatnan, last week pa kaya hindi na ako nakapagdala. Hingi ka na lang kay Tiffany or Liezel." Sabi niya kaya nagpasalamat na lang ako sa kanya.

Papunta na ako sa tent nila Tiffany at Claire ,pero nakita kong papalabas si Marco galing dun. Ano na naman kaya ang ginawa nung mokong na yun?

Nagulat na lang ako ng lumapit siya sa akin.

"Walang napkin si Tiffany at Liezel. Eh si Claire? Meron?" Tanong niya sa akin

Seriously? Pumunta siya dun kanila Tiffany para itanong yun? Hahaha. Ano kayang reaction nila Tiffany? Tanungin ko nga bukas.

"Wala rin si Claire. Tapos naman na daw kasi siya dinatnan." Sabi ko sa kanya at bigla niyang kinamot ang ulo niya.

Bakit ba siya nagkakaganito? Natatawa tuloy ako, kapag napapaisip sa akin kung paani niya tanungin sila Tiffany kung meron silang napkin. Hahaha!

"Tanungin ko sila James kung may napkin sila sa bag nila." Sabi niya at pumunta sa tent nila James. Hindi ko tuloy mapigil ang tawa ko, pati ba naman kanila James magtatanong ng napkin kung meron eh obvious naman na wala, anong gagawin nila sa napkin yun? Hahaha!

Pumunta na lang ako sa tent nila James at titignan yung pagtawa nila.

"Bro, may napkin ka ba jan?" Tanong ni Marco kay James.

Susubo sana si James ng Ferero na hawak niya pero hindi niya natuloy.

"Hahaha! Anong gagawin konsa napkin Marco?! Hahaha! Bakit? Meron ka ngayon? Hahaha!" tawang tawa si James halos hindi na nga makahinga sa kakatawa
Hahahaha!

Pati si Yong, tawa na rin ng tawa

"Patingin nga dude, at mamaya bibigyan kita basta patingin ako, at tignan ko kung paano datnan ang lalaki, hahaha!"

Sige, asarin niyo pa, mamaya at upakan kayo niyan mamaya.

"Mga gago! Hindi para sa akin, para kay Vivoree!" Sabi niya sa dalawa na hindi mapigil ang kakatawa.

Hinawakan ni James ang balikat ni Marco .

"Eh bakit ka sa amin ka humihingi? Aber?" Tanong niya at pinipigilan ang tawa

Ngumisi naman ang mokong

"Basta! Samahan niyo ako." Nagtaka naman yung dalawa. Samahan? Saan? Eh wala nga silang sasakyan eh.

"Saan? Kanila Edward? Magtanong tayo sa kanila? " tanong naman ni Yong.

Tawa sila ng tawa. Guyss, kailangan ko na!

"Tara na!" Sabi ni Marco at lumabas naman sila.

Nung nakita nila ako, agad naman sila lumapit sa akin at tinanong kung ok lang daw ako ang sabi ko, ayos lang naman ako. Sumama na ako sa kanila papunta sa tent nila Edward at sabi ni Yong, hayaan ko lang daw si Marco magtanong para daw kahit papaano, makabawi naman daw siya sa akin kahit alam ko naman ang totoo..

..

..

..

Gusto lang nila makita ang isang MARCO STANLEY na masungit, mayabang at isang JERK na humingi sa kanila ng NAPKIN. Hahahaha!

Pumasok na sila sa tent ako naman sa labas lang, nahihiya ako. Pero bakit ba siya hihingi sa mga yan? Eh hindi naman gumagamit ang yan?

"Jake! Edward? May napkin ba kayo jan?" Mayabang na tanong ni Marco sa kanila. Ewan ko ba kung matatawa ako sa pinagsasabi nitong lalaki na ito.

"HAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa nilang apat sa kwarto. Isama mo na ako sa labas. Hahahaha! Feel ko, ang daming lumabas dahil sa kakatawa ko eh..

Napatitig ako kay Edward na tawa ng tawa ang gwapo niya. Pati si Jake, bihira lang siguro ito tumawa kaya nakakapanibago pero masaya.

"Aish! Hindi para sa akin! Para kay Vivoree!" Sigaw ni Marco para tumigil sila. Asar talo eh!

"At ba- Hahaha! Bakit kasi sa am- hahaha amin ka humihingi? Haha! Hindi kami gumagamit non! Haha!" Tawa ni Jake

Lumapit ako kay Marco .

"Tama na. Halika na. Gagawa na lang ako ng paraan. Sabi ko kaya hinatak ko siya papalabas.

Nagulat na lang ako ng lumabas rin yung apat na mga babae.

"Anong nakakatawa?"

"Bakit ba ang ingay niyo?

"Nagising tuloy ako. Sayang lang ng beauty rest ko!"

"Uyts! May problema ba?"

Tumakbo si Marco sa tent namin pero bumalik rin siya, pagbalik niya nakajacket na siya ng black at sumbrero at may dalang flashlight.

"Hoy, apat na pangit! Ano pang ginagawa niyo jan? Tara na!" Sabi niya sabay ayos sa jacket niya.

Napatawa tuloy kaming mga babae sa kayabangan niya eh.

"Sinong pangit? Sabi ni James kay Marco pero tinignan lang siya ng masama ni Marco.

Saan ba ang lakad nitong mokong na ito?

"Tss! Tara na! Samahan niyo na ako!" Sabi ni Marco at hinatak ang kamay ni Yong.

Pero hindi sumunod si Yong.

Hinawakan naman ni Marco ung kamay ni James pero hindi rin pumalag si James, maski si Edward parang galit pa nga si Edward eh. Pero masgalit si Marco ngayon. Hahaha

"Eto, eto ang pinakagwapo. Halika na Jake, samahan mo ako" hinawakan rin ni Marco ang kamay ni Jake pero hindi rin sumunod si Jake. "Ano ba yan! Akala ko ikaw na Jake ang makakatulong sa akin, pero hindi pala! Bahala nga kayo jan!" Sabi niya at umalis. Saan ba yun pupunta? Eh gabi na at nasa gubat pa naman kami.

"Nagtampo tuloy." Sabi ni Jake at ngumisi.

"Saan ba yun pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Malamang, maghahanap yun ng napkin mo. " sabi ni Tiffany at tinignan ulit ang dereksyon ni Marco pero ngayon, wala na siya duon hindi na namin siya makita.

"Baliw talaga yung ugok na yun. Tara na sundan na natin. Yong, maiwan ka dito. Bantayin mo sila dito." Sabi ni James at umalis na sila.

Tinawagan ko si Marco pero walang signal dito sa gubat na ito.

Ito ba ba yung sinasabi mo na makakabawi ka rin sa akin?

"Siguro, bumabawi lang sayo ung poging yun." Sabi ni Erica sa akin at tinapik ang likod ko.

"Bumabawi nga ba? Baka sabihin mo TINAMAAN na." Sabi ni Claire at lahat sila tumawa.

Tinamaan? Saan? Sa puno? Sa bato? Sa pader?

Saan?

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
69.2K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
1.6M 71.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
621K 13.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...