My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley

25.8K 517 117
By dyosathewriter

BOBBY

NASA GARAHE NA ako ng bahay namin ay hindi pa rin ako bumababa ng sasakyan. Kahahatid ko lang kay Ashley sa bahay nila.

We were quiet the whole time inside the car. Pareho kaming may iniisip. Pareho kami ng iniisip, alam ko. And I was worried about her.

Pagtapat ng kotse ko sa bahay niya ay sinabihan na niya akong huwag na akong bumaba para pumasok sa loob. Pilit na niya akong pinababalik sa amin-sa pamilya ko. Linggo raw ngayon at nararapat lang na kapiling ako ng pamilya ko.

At kahit na may ngiti sa labi niya habang sinasabi iyon, alam kong malungkot siya. I saw the sadness in her eyes. At ang bigat-bigat sa dibdib kong makita iyon.

Ashley meeting my whole family was a total failure. Hindi ko saan kung saan nagsimula ang pagkakaroon ng animosity ng pamilya ko kay Ashley.

Dahil ba nalaman nilang anak sa labas si Ashley? Dahil hindi ito marunong magluto tulad ni Kate? O walang talent tulad ni Kate?

"Pucha," I muttered to myself, still not believing this was happening.

Napailing ako at napahilamos sa mukha. Hindi ako makapaniwalang iyon o isa sa mga iyon ang magiging dahilan. Kilala ko ang buong pamilya ko. Hindi sila ganoon kababaw. They were not that discriminating. Not that I knew of.

But what the fuck happened?

Habang tumatagal ang pag-uusap habang nagla-lunch kami ay alam kong bumababa na ang confidence level ni Ashley. Kaya nga sinasalo ko na siya to lighten up the situation.

Pero dahil palaban siya at gusto niyang masabi ang totoo mula sa kanya at hindi sa akin, she chose to be honest with my whole family. She was being herself.

Pero putang ina naman, bakit? Dahil ba mas gusto nila si Kate? Dahil mas napalapit na sila kay Kate dahil dalawang taon ko itong naging girlfriend?

Napasabunot ang dalawang kamay ko sa buhok habang paulit-ulit kong inuuntog ang noo ko sa steering wheel dala ng labis na frustration.

I was hoping it would turn out well. Tulad ng una kong ipakilala si Kate sa kanila. They liked Kate immediately.

Pero bakit pagdating kay Ashley ay ang lamig ng pakikitungo nila? Na para bang may resentment agad.

Bumuntong-hininga ako at bumaba ng sasakyan. Hindi ko alam kung paano kong pakikiharapan ang buong pamilya ko pagkatapos ng lahat.

It was hard when you were torn between the girl you love so much and your family to whom you owe everything.

It was fucking hard. Pucha.

Mabibigat ang mga hakbang ko habang papasok ako sa loob ng bahay namin. Hindi kasi mawala-wala sa isipan ko ang ekspresyon ng mukha ni Ashley. There was so much disappointment and frustration...and hurt in her expression at dahil doon ay parang paulit-ulit akong sinusuntok sa dibdib.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan ko silang lahat sa sala. They were discussing something. Magkakatabing nakaupo sina Ate One at Ate Two katabi si Mom samantalang magkatabing nakatayo sina Ate Three at Dad.

Parang natigil sa ere ang mga sinasabi ni Ate Three. Bigla siyang natigil sa pagsasalita at lahat sila ay napatingin sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko. Ayokong makita nila ang hinanakit sa mga mata ko.

"Naihatid mo na ba ang girlfriend mo?" tanong ni Mom sa akin, her eyebrows furrowed.

My mom, Ave Gallego, was a loving mother. A little strict, yes, but nevertheless, she was a loving mom. Malapit ako sa kanya-sa kanilang lahat. I was their bunsoy. All their attention, love and care were always focused on me. Lumaki akong naranasan ko ang sobrang pagmamahal sa kanila-mula sa parents ko hanggang sa mga ate ko. And I felt I was so lucky for that.

Pero bakit ngayon ay hindi nila matanggap ang babaeng mahal ko?

Napapikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nasasaktan kasi akong marinig na hindi man lang magawang banggitin ni Mom ang pangalan ni Ashley.

"'Ashley', Mom," I corrected her. "My girlfriend's name is 'Ashley'. Please call her that," malumanay kong sabi pero kahihimigan naman ng iritasyon ang boses ko. "And obviously naihatid ko na s'ya sa kanila kasi hindi ko na s'ya kasama ngayon."

"'Wag mong bastusin ang Mom!" malakas ang tinig na sabi ni Ate Three. Iyong tonong nagsasaway. My Ate Three rarely shouted at me pero ngayon ay ginawa niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Jesus Christ, Ate, hindi ko binabastos ang mom," I retorted back. "You know me better than that. Ang mom ang pinakahuling taong babastusin ko. I'd die first before I do that. Alam ninyo kung gaano ko kamahal ang mom. It's just that..." Isa-isa ko silang tiningnan, pinakahuli si Mom pagkatapos ay napahilamos ako sa mukha. "I am so frustrated right now. Binastos n'yo si Gracie-"

Hindi namin siya binastos." That was Ate Two. Mataray ang pagkakasabi niya niyon.

I clenched my jaw. "Oh, come on, Ate. You all gave her a cold welcome. Mas malamig pa sa Iceland na welcome. Hindi ba pambabastos iyon?"

"Bakit? Ano ba ang isinumbong sa 'yo ng babaeng 'yon?" nakasimangot na tanong ni Ate Three.

"Wala siyang isinumbong, Ate Ruth," mariin kong sabi. "Hindi sumbungera si Gracie ko. I was there, remember? I witnessed it all. Now, how do you expect me to react? Pumalakpak sa tuwa? God, she is my girlfriend. And I love her so much. That is why I am so hurt for her right now because of how you all badly treated her. And do you really have to compare her to Kate? Seriously?" nandidilat ang mga matang tanong ko. "Mention Kate in front of her? Compare her to Kate? Fuck that!" gigil kong sabi.

"Watch your languange, young man," saway ni Dad sa seryosong tinig. "Do not talk to your ates like that."

I raked my fingers through my hair frustratingly. I let out a long sigh. "I am sorry," mapagkumbaba kong sabi.

Walang kumibo sa kanila. They were all looking at me na parang may nakikita silang kakaiba sa akin.

I was not expecting this. At all. Ang buong akala ko ay matatanggap nila si Gracie ng buong puso. That was how I have known my whole family. Kung sino ang gusto ko at mahal ko ay tatanggapin nila.

Bakit ngayon ay hindi nila magawa? And it was so fucking painful.

"Aakyat na ako sa itaas," napapagod na sabi ko at tumalikod na sa kanila para tunguhin ang hagdan.

"We had her background checked," sabi ni Ate Two, raising an eyebrow at me.

Parang umakyat ang dugo sa ulo ko sa sinabi niya. Napahinto ako sa pag-akyat sa hagdan.

Background checked. They had my Gracie background checked. Pucha.

I narrowed my eyes on all of them. Pakiramdam ko ay nag-iisa ako laban sa kanila. Kahit kina Dad at Ate One na naging maganda naman ang pakikitungo kay Ashley kanina.

"You. Did. Not," mahina pero puno ng hinanakit na sabi ko.

"We did," Ate Three said defiantly. Tumingin siya kina Mom at sa dalawa kong ate. "Nagkaisa kaming lahat dito."

Oh, God. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sama ng loob na bumabangon sa dibdib ko. I clenched my fist. Gusto kong magwala. Gusto kong suntukin ang pader at doon ibuhos ang lahat ng hinanakit at frustration ko.

Napahilamos ako sa mukha. I put ng hands on my waist. It was a safe place for my fists.

"Why?" mariin kong tanong. It was filled with desperation and an emotion close to anger.

"To protect you!" Ate Three answered exasperatedly. Parang frustrated din ang boses niya dahil gusto niyang ipaintindi ang dahilan kung bakit nila iyon nagawa.

I gritted my teeth. "Protect me from what?!" nanggigigil kong tanong habang nanlalaki ang mga mata ko. "God," naiiling kong bulalas. "Ano ba ang akala n'yo sa girlfriend ko? May lahing mangkukulam? May lahing aswang na tuwing hatinggabi nahahati ang katawan niya at manlalapa ng tao?" My voice was filled with sarcasm. I just couldn't believe my family would resort to Ashley's background checking-behind my fucking back. "O iniisip n'yong galing s'ya sa pamilya ng mga drug mafia na madadamay ako sa gulo nila?"

Walang nakakibo sa kanila. Even my dad was very quiet. But I was sure he was taking it all in his brain. Hindi magtatagal ay alam kong magbibigay siya ng opinyon niya. And I wanted to hear it. Now.

I lifted one corner of my mouth in a very sarcastic way. "So, alam n'yo na pala ang lahat tungkol sa kanya bago ko pa siya dalhin dito. The interrogation over lunch was just a formality," sarkastiko kong sabi. Napailing ako. I was boiling up inside. But I kept calm. I was always like that. Even if I felt I would blow up, I would always think straight and would keep calm. "At sigurado akong tumugma lahat ng sagot niya kanina sa lahat ng mga impormasyong nakuha n'yo tungkol sa kanya. She told you the truth about her. No pretenses. My Gracie is like that-what you see is what you get."

Nag-angat ng tingin si Mom sa pagkakabanggit ko ng 'my Gracie'. She met my gaze and I could see the hurt in her eyes. Kaya alam kong hindi niya nagustuhan ang possessive na pagtawag ko kay Gracie.

I felt guilty. Kahit kailan ay hindi kami nagkaroon ng malalim na argumento ni Mom. Kahit noong hindi niya ako payagan na sumali sa mentorship ni Boyet Dalisay. Inintindi ko siya kahit na disappointed ako. Because I loved her. I loved them all. But now, I was putting my feet down. It was too much. Si Gracie ko na ang invloved dito.

Bumuntong-hininga ako. "The background checking was a hit below the belt," malungkot kong sabi nang walang kumibo ni isa man sa kanila. "It was out of line-way out line, I believe. And I am so disappointed and hurt, much more for my girlfriend. She didn't do anything bad towards all of you to deserve all of these-not even a bit of these." Napailing ako habang napapasuklay sa buhok. "If you'll excuse me, aakyat na ako sa kuwarto ko."

Walang kumibo sa kanilang lahat kaya itinuloy ko na ang pag-akyat sa itaas. Halos hilahin ko ang mga paa ko, iyon lamang, mabibigat ang mga hakbang ko paakyat.

I never expected this to happen. I never fucking did.

PAGPASOK KO SA kuwarto ay agad kong hinagilap ang cellphone ko. I checked if there was a reply from Ashley.

Nada. Wala siyang reply. I texted her 'I love you', she just ignored it.

Madalas kapag nagti-text ako ng 'I love you' sa kanya, she would reply immediately. Hindi lilipas ang ilang minute na para bang naghihintay talaga siya ng text ko.

I love you, I would text her, lalo na kapag nakauwi na ako sa bahay galing sa kanila.

To double infinity? she would reply back just to tease me.

Argh! Baduy... I would reply back kasama ng ilang funny emojis.

LOL! Lagot ka sa best friend mo. 'Yan ang pamatay niyang linya kay Miranda.

Sshhh... Then followed by emojis.

To the moon and back?

And it would make smile. I could imagine her pretty face smiling while texting.

Farther than that...

Beyond words and endlessly?

Nah... Words wouldn't and couldn't describe how much I love you...

In this lifetime and the next?

At kapag i-t-in-ext na niya iyon sa akin, I would always smiley grin.

Perfect, I would reply kasama ang isang naka-thumbs up na emoji.

At hindi lilipas ang ilang minuto ay tatawag na siya sa akin at maglalambing na ulitin kong sabihing mahal ko siya. Then she would giggle happily hearing me say those words to her. Obvious na kinikilig siya.

It was heaven for me.

Pero ngayon ay wala siyang reply. At napu-frustrate ako. Pakiramdam ko ay galit na rin siya sa akin maski na wala naman akong kasalanan.

I pressed her number. Pero ring lang ng ring. Naka-tatlong attempts ako pero mauuwi lang ang tawag sa generic recorded message kapag hindi nasasagot ang tawag.

I typed a message for her.

Answer your phone, Gracie. Please.

Then I pressed her number again. No answer.

Please, Gracie? Kalakip niyon ang isang pagmamakaawa.

Hindi ako dapat pumayag na iwan siya pagkahatid ko sa kanya sa bahay. I shouldn't have left.

Tumawag ulit ako pero hindi pa rin niya sinagot ang tawag ko.

Inis na ibinato ko ang cellphone sa kama at umupo sa lapag. Para akong talunang sundalo.

Don't do this to me, Gracie, sabi ko sa isip habang naiiritang napahilamos sa mukha.

Maya-maya ay tumayo ako at dinampot ang cellphone ko. I pressed Miranda's number.

"Bobby!" masiglang bati ni Miranda sa akin.

"Hi, Mira," bati ko at nagpunta ng terrace. I inhaled sharply. Na para bang kailangang-kailangan ko ng hangin. "Nagkausap na ba kayo ni Gracie?"

"No. Hindi mo siya kasama ngayon?" may pagtataka sa tinig niya.

Bumuga ako ng hangin at napakamot sa likod ng ulo ko. "Hindi, eh. Inihatid ko na siya sa kanila."

"Ahhh," ang tanging nasabi ni Miranda sa kabilang linya. Hindi ko na kailangang i-esplika sa kanya na may problema sa pagitan namin ni Ashley. Na hindi naging maganda ang outcome ng pagpapakilala ko kay Ashley sa pamilya ko.

"Can you...can you call her and ask her to answer my call?" pakiusap ko kay Mira. "Minsan kasi sa 'yo lang talaga nakikinig 'yun, eh. Just ask her to pick up my call. Please?" There was desperation in my voice.

Saglit na hindi kumibo si Miranda. The desperation in my voice only confirmed that something happened between me and Gracie. "Okay. I will try. Tatawagan kita ulit."

Maski paano ay nakahinga ako ng maluwag. "Thank you, Mira. Thank you so much."

Hindi ako mapakali habang hinihintay ang tawag ni Miranda. Panay ang tingin ko sa wristwatch ko. Tama bang palipasin ko na lang muna ang lahat at huwag na munang guluhin si Ashley? O mas tamang pag-usapan namin ngayon at huwag naming hayaan lumipas ang isang araw nang hindi namin naaayos ito?

Alin ba ang tama? God, what should I do now?

Kilala ko si Ashley. Kapag nasaktan, she would retreat back to her shell. She would build walls again. Pader na hindi madaling buwagin. Just to protect herself from the people causing her pain.

At baka isa na ako roon. Lalo na kapag nalaman pa niya ang tungkol sa background checking sa kanya. Maski ako ay nasasaktan kapag naaalala kong ginawa iyon ng pamilya ko.

Pucha. Hindi ko kakayanin mauwi kami sa square one.

After what seemed to be an eternity, my cellphone rang. It was Miranda.

Nagmamadaling pinindot ko ang cellphone ko sa tawag ni Mira. "Mira..."

"Tawagan mo na siya. Kakausapin ka na raw niya."

Thank God.

"Thank you, Mira. Thank you so much."

"She didn't tell me anything, Bob. Kaya pag-usapan ninyo ang tungkol sa misunderstanding ninyo. Walang hindi naso-solve na maayos na pag-uusap. Try to understand each other, okay? Hear out each other's voices. No misunderstanding is bigger than your love for each other," payo niya na sa tingin ko ay iyon din ang ipinayo niya kay Ashley nang makausap niya ito.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Thank you so much..."

"Somebody wants to talk to you," ani Miranda at narinig ko sa kabilang linya ang tila pagbibigay nito ng cellphone sa iba.

"Bob..."

"Cobi..."

"I am here-we're always be here for you and Ashley. Kami ni Miranda. Sabihin mo lang kung ano ang pwedeng naming gawin," he sincerely said. In times like this or whenever I was down, words like these from Cobi lifted up my morale. Madalas kaming mag-asaran pero sa ganitong pagkakataon ay pinatutunayan niya kung bakit siya ang best friend ko.

"I know. Thanks, bro."

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Miranda ay agad kong tinawagan si Gracie. Halos naka-anim na ring bago niya sinagot ang cellphone. She didn't say hello. She did not even say a word. But she was not hanging up. It was a good start.

Pinaluwag niyon ang paghinga ko. Parang libu-libong tinik ang nabunot sa dibdib ko. Umupo ako sa lapag at sumandal sa wall malapit sa kama ko. "Christ, Gracie....Finally..."

No answer.

"I'm sorry for what happened. Even I did not expect it..." Iyon din ang sinabi ko sa kanya kanina sa sasakyan. Inuulit ko lang. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Nag-uunahan ang thoughts sa utak ko na hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula para lang kausapin niya ulit ako.

Still no answer.

Napasabunot ulit ako sa buhok. Marahan kong iniuntog ang ulo ko sa pader. I was so frustrated. Kanina ko pa gustong sumigaw. Just to let this frustration out of my chest. "Speak up, Gracie. Please. Talk to me," pakiusap ko.

Silence. Defeaning silence over the other line. But I knew she was still there.

"Please don't do this to me, Ashley Grace," seryoso kong sabi. "Just don't...Please," pagmamakaawa ko.

She was still holding her silence.

Tumayo ako. "I should have not left you,"I said through gritted teeth. "Dapat nagpumilit akong mag-stay sa tabi mo kahit na pinigilan mo pa ako." Pagkatapos ay kinuha ko susi ng kotse ko sa side table. "I'm coming over. No one can stop me from seeing you again," matigas kong sabi. "Even you."

"Don't, Bobby!" she said on the other line. There was a warning in her voice. "'Wag kang pumunta rito."

Relief washed through me. She was talking now. Better.

Idinikit ko ang noo ko sa pader malapit sa pinto habang frustrated na marahang sinisipa ang pader. "Why?" may hinanakit kong tanong. "I want to see you..."

"Hindi kita papapasukin. Hindi kita pagbubuksan ng pinto," mataray niyang sabi. She was starting to build walls again.

Pucha. No way will I let you, my Gracie. Ngayon pang natibag ko na ang pader na binuo niya para protektahan ang sarili niya.

I quiet laughed escaped my lips. "Hindi mo kaya. Hindi mo ako matitiis, Ashley Grace," confident kong sabi.

"Kayang-kaya kitang tiisin, Bobby," seryoso niyang sabi. "Dati ka namang wala sa buhay ko. Iyon na lang ang iisipin ko."

Parang may sumuntok sa dibdib ko sa sinabi niyang iyon. Bahagya akong napasuntok sa pader dala ng disappointment and hurt. That she can even think about it. Let alone tell it to my face. Wala na ba akong halaga sa kanya?

"Ouch... That hurts," nagtatampo kong sabi. "Kasi ako, Gracie, hindi kita kayang tiisin, eh. Hindi kita matitiis. I just...can't. For the fucking life of me, I wouldn't and couldn't. Iniisip ko pa nga lang, parang may sumusuntok na ng malakas sa dibdib ko. No, hindi kita matitiis, Gracie. I swear to God, I can't."

Narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang line. "Asshole," mahina niyang sabi. But her voice cracked.

But it was with fondness. I could imagine her saying it while pouting her lips-and with so much fondness.

Napapikit ako at ninamnam iyon. For a moment I thought I would lose her.

Kahit ilang libong beses pa niya akong sabihan ng 'asshole' kung malambing naman ang pagkakasabi niya niyon, I would welcome it with two loving open arms.

"Are you crying?"

"Hindi, ah," mabilis niyang sagot sabay singhot. "Napuwing-I mean sinisipon lang ako..."

Hindi ko napigilang mapangiti. "Wala ka namang sipon kanina, ah."

"Bigla na lang akong sinipon."

"You're crying," malambing kong pamimilit.

"No."

"You tell it to the fucking marines, Ashley Grace." Then I laughed quietly.

"Jerk." It was with fondness again.

Nakahinga na ako ng maluwang. Umupo ako sa gilid ng kama ko.

Both of us did not speak. Parang binabantayan lang namin ang bawat paghinga namin sa kabilang linya. The silence no matter how deafening it was, was comforting. Ang mahalaga lang-lalo na sa akin-ay alam kong nariyan si Ashley. Alam kong sa akin pa rin siya. It was a relief knowing that.

"Ashley Grace?" malambing kong sabi sa pangalan niya.

"What, Robert Aldus?"

"Please bear this in mind, okay?"

"The what?"

"I'll fight for you, my Gracie. Even if it's just you and me against the whole damn world, I'll fight for you. I'll fight with you. For always. I love you--not to double infinity or to the moon and back or beyond words and endlessly...I love you in this lifetime and the next. I will never give up on you no matter what. Always remember that," I said with so much conviction. It was heartfelt.

I have always thought that I was not good with words. Pero pagdating kay Gracie, nailalabas ko ang mga gusto kong sabihin. Sa kanya lang. Siya lang ang babaeng sinabihan ko ng ganito.

Narinig ko ang pagsibi ni Ashley sa kabilang linya. It broke my heart into pieces hearing that. Alam kong nahihirapan siya sa sitwasyon. Ikinagagalit ko iyon sa sarili ko dahil wala akong magawa. It just happened. Maski ako ay hindi ko napaghandaan na ganito ang magiging reaksyon ng pamilya ko.

"Fuck shit, Aldus. You're making me cry..." Sumibi siya at suminghot. Hindi na niya iyon itinago sa akin.

I tsked. "Stop crying," saway ko.

We both fell silent. Pero naririnig ko ang impit niyang pag-iyak. And I let her be. Baka kailangan niya iyon para mailabas ang emosyon niya. It was not everyday that my sassy and feisty Gracie let her emotions out. She guarded her emotions like a mother dragon to her eggs.

"Hindi nila ako gusto para sa 'yo..." she spoke finally. There was so much sadness with those words.

Naglabas ako ng malalim ng buntong-hininga. "Ngayon lang 'yan," pampalakas ng loob kong sabi. Hindi ko alam kung para kanino iyon. Sa akin ba o kay Ashley. For both of us, maybe. "Gagawa akong paraan para magustuhan ka nila. Ipapakita ko sa kanila ang mga dahilan kung bakit kita minahal ng sobra. At kapag nakita nila iyon, I am sure, mamahalin ka rin nila ng higit pa sa pagmamahal ko sa 'yo. It's just a matter of good timing."

Hindi siya kumibo sa kabilang linya.

Masyadong emotional ang palitan namin ng mga salita ni Gracie. Mabigat sa dibdib ko at ramdam kong mas mabigat iyon sa kanya.

"Bobby..."

"Yes, my Ashley Grace?" malambing kong sabi. I made it a point that my voice was smiling.

"Sorry kung hindi nila ako gusto para sa 'yo. Sorry kung anak ako sa labas. Sorry kung hindi ako marunong magluto. Sorry kung wala akong talent," umiiyak niyang sabi.

Emotions swept up inside of me. I swallowed several time to keep my emotions at bay. "Gracie..." saway ko pero mabuway iyon at kulang sa conviction.

"Doon sa pagiging anak sa labas, wala na akong magagawa r'on," aniya sa malungkot na tinig. She was fucking crying again. "Iyon na ako kahit na pagbali-baligtarin man ang mundo. Pero iyong hindi marunong magluto, 'wag kang mag-alala, mag-aaral ako. Lalo na 'yung paborito mong luto ni Kate na ginataang prawns-"

Napasuklay ako sa buhok. "Hindi ko paborito 'yun," I cut her off. Hindi naman talaga.

"Duh. Sabi ng ate mo paborito mo raw," umiiyak niyang sabi.

"Hindi ko paborito 'yun," I reiterated. "Nagkataon lang na masarap ang lutong iyon ni Kate kaya kumakain ako. Pero hindi ko iyon paborito. Kasi kung paborito ko iyon, lagi kong hahanap-hanapin. Pero hindi naman, eh. Pag meron, okay lang. Kapag wala, okay lang din. Ang paborito ko, ikaw at ang dessert natin kaya lagi kong hinahanap-hanap. You and the dessert even haunt my dreams." I tried to make it sound sexy and naughty just to, at least, make her smile.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabila ng pagsibi at pagsinghot. "Pervert."

Napangiti ako sa tawa niyang iyon. God, finally. It was music to my ears.

"Sorry kung wala akong maipagmamalaki sa pamilya mo. Hindi tulad ni Kate na-"

"Don't be sorry. Mahalin mo lang ako, sapat na sa akin," putol ko. I did not want her to bring up the name of Kate in our conversation. It was giving me the creeps.

"Mahal naman kita... Sobra..."

Happy now, Robert Aldus?

Napangiti ako. "Then, it is enough for me."

"Pa'no ang pamilya mo?" concerned niyang tanong. I heard fear in her voice.

"I am not giving them any choice but to accept you," seryoso kong sabi. Saka ko na sila iisipin. Pati na rin ang tungkol sa ginawang pag-background check nila kay Ashley. Hindi ko alam kung dapat pa bang malaman iyon ni Ashley o manatili na lang na lihim.

"What if they ask you to break up with me and leave me and find another girl who has the same qualities as Kate?"

I shook my head maski na hindi iyon nakikita ni Ashley. "They wouldn't do that." Maski paano, I had so much faith in my family. Siguro naman ay mas higit pa ring mahalaga sa kanila ang kapakanan at kaligayahan ko kaysa ang sasabihin ng ibang tao.

"What if they do?" pamimilit ni Ashley. Parang naiiyak na naman siya.

"I won't, Ashley Grace," I said with certainty.

Natahimik na naman siya sa kabilang linya. Siguro ay tinitimbang ang mga sinabi ko.

Just believe in me, my Gracie, piping dasal ko.

"I won't give up on you so don't give up on me, okay?" malambing kong sabi.

"Okay."

That was the most important 'okay' I have heard in my entire life. It gave me peace of mind.

"Kapag ba nagpunta ba ako r'yan sa inyo ay pagbubuksan mo na ako ng pinto at papapasukin mo na ako?" I fondly asked.

"Pag-iisipan ko..." she said. A playful note was obvious in her voice.

I tsked. Pero ang totoo ay masaya ako. Kinuha ko ang maliit kong bola at ish-in-oot iyon sa maliit kong basketball court na nakasabit sa wall. Sa tapat ng basket ay ang trash can ko. Gawain ko na ang i-shoot ang trash sa basket kaya nakatapat ang trash can roon.

"I might have." She giggled. "No-I mean, yes. Papapasukin na kita."

And I was fucking happy to hear that giggle again. It melted my heart. "Kasasabi mo lang na kaya mo akong tiisin..." kunwari ay nagtatampo kong sabi.

"I lied," natatawa niyang sabi. "I fucking can't, Robert Aldus. You are too handsome to just let you stand at my doorstep. Ang gwapong tulad mo, pinapapasok sa loob ng bahay," she teased.

"Then I'm coming over," mabilis kong sabi at tumayo na. "I want to see you and hug you tight and kiss you passionately and have dessert with you."

"Baka pigilan ka ng pamilya mo." She was apprehensive. Naroroon na naman ang takot sa boses niya.

Bigla ang matapang kong si Gracie ay marunong palang matakot.

"Hindi ako magpapapigil. I'll be there to do the things I just enumerated to you."

She sighed. Bigla ay nagkaroon na naman ng lungkot sa boses niya. We both knew it would be hard for both of us kapag nakagitna ang buong pamilya ko sa relasyon naming dalawa.

Napatingin ako sa framed family picture namin. It was taken a few days before my twentieth birthday.

Nasa background namin ang red Porsche na regalo ng mga ate ko sa akin.

Nasa gitna ako at yakap ko ang mom na malambing na nakayakap sa beywang ko at nakahilig sa balikat ko. Habang katabi namin ang tatlo kong ate na maluluwang ang mga ngiti sa labi. Si Dad ay nasa likuran namin at nakayakap sa amin.

I let out a long sigh.

I love all of you. But I also love Gracie. I hope you understand, sabi ko sa isip habang nakatingin sa framed picture.

Continue Reading

You'll Also Like

80.7K 3.3K 6
This story is inspired by the movie, How To Lose a Guy in 10 days. Isang linggo pag-ibig yarn? Char. ===== Alcantara story.
1.4M 55.8K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
15.4K 132 26
Erotic Gay Story not for everyone. Written by Sphyxxx