My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie

33.3K 533 74
By dyosathewriter


ASHLEY

"KINAKABAHAN AKO," SABI ko at pinigilan sa kamay si Bobby. Naglalakad na kami noon papasok sa private function room sa loob ng Mi Vida Hotel, isa sa mga hotel na pag-aari ng pamilya Santelices. Doon ginaganap ang once a week na nakagawiang get-together ng mga HFU basketball varsity players kasama ang mga girlfriends ng mga ito.

Kasama na ako.

Ito ang unang pagkakataon na ipapakilala ako ni Bobby sa teammates niya bilang girlfriend niya simula nang umamin kami.

Officially.

At kinakabahan ako. Halos kilala ko ang mga teammates ni Bobby dahil sa paghabul-habol ko noon kay Jacob, lalo na ang mga fourth year na sina Ryan at Andrew. May mga pagkakataon kasi noon na nanonood ako ng practice games nila makita lang si Jacob. At ngayon ay hindi ko alam ang iisipin nila tungkol sa akin dahil si Bobby na ang boyfriend ko.

Isa pa, alam kong si Kate ang nakasanayan nilang kasama ni Bobby sa loob ng dalawang taon. Baka galit sa akin ang mga girlfriends nila dahil sa ginawa ko noon sa kanilang 'baby' na si Miranda, lalo na si Carmela na alam kong malapit kay Miranda.

Huminto si Bobby at matamang tumingin sa akin. "Bakit?"

"Alam mo naman kung bakit, 'di ba?" nakalabi kong sabi habang hindi mapakali ang mga daliri ko habang hinihila ang laylayan ng polo shirt ni Bobby sa sobrang kaba ko.

Bobby gently lifted my chin and made me meet his gaze. His dreamy eyes scanning my face. "That was all in the past now. My teammates don't dwell in the past. You're my girl now, that's all that matters. And besides, Miranda's there. Sasaluhin ka niya." Pagkatapos ay sinundan niya ng isang nang-eengganyong ngiti ang sinabi.

"Baka mas gusto nila si Kate para sa 'yo kaysa sa akin-"

Shit! I could not hide the insecurity in my voice. Malaki talaga ang insecurity ko pagdating kay Kate dahil alam ko kung gaano minahal ni Bobby si Kate.

"Kung saan ako masaya, suportado ako ng teammates ko. And right now, my Ashley Grace, I am very much happy being with you." Masuyo niyang pinindot ang ilong ko. "Very, very, very,very,very,very-"

I giggled. "OA!" sabi ko at tinapik siya sa tiyan. Maski paano ay nawala ang kabang nararamdaman ko.

Napaigtad siya, marahil ay sa kiliting naramdaman. Pagkatapos ay tiningnan ako ng diretso sa mga mata. "Very much happy," he fondly said. "Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya kapag kasama ka."

I bit my lower lip and smiled happily.

He then held my hand. "Let's go?" nakangiting tanong niya.

Pero pinigilan ko ang kamay niya. Humarap siya sa akin at sinuklay-suklay ko ang buhok niya. "I love you," I said with so much affection. Hindi ako magsasawang sabihin iyon sa kanya dahil iyon ang totoo at iyon ang nararamdaman ko. "In your lifetime and the next."

He lifted my hand and kissed the back of my palm-without taking his eyes off my eyes. "Same here, my Gracie. I will always be beside you, behind you and in front of you-ready to take the bullet for you. Gano'n ka kaimportante sa buhay ko."

Nagkunwari akong nanlambot. "Oh, shit, I melted," I joked.

Agad naman niya akong sinalo. "And I am always here ready to catch you when you fall," he teased back.

I threw my head back and laughed out loud. It gave him the opportunity to plant a soft kiss at the base of my throat.

Pinalo ko siya sa dibdib matapos niyang gawin iyon. "CCTVs," I reminded him and glanced sideways at the small CCTV camera.

"I'm not giving a single damn," balewala niyang sabi at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa labi.

I accepted it with so much willingness. Fuck CCTVs. I was not giving a single damn, too.

I sighed. Sobrang kontento lang ako.

"Okay ka na?" malambing niyang tanong.

Tumango ako at hinawakan siya sa pisngi. "Basta hawakan mo ako lagi sa kamay, ha?" malambing kong sabi na parang ang OA na ng dating. ""Wag mo akong iiwan."

"I'll always hold your hand and never will I leave you."

Isang maluwang na ngiti ang iginanti. So very lucky of me to have Robert Aldus in my life. "Let's go-"

"Yeah. Tigilan na natin 'to."

Tumaas ang isang kilay ko. "What do you mean?" Nao-OA-han na ba siya sa mga pagpa-pabebe ko?

He cocked his head on one side and flashed me a very sexy smile. His dreamy eyes glinting with wicked mischief.

Very, very wicked mischief, it took my breath away.

"Dahil kapag hindi natin tinigilan 'to," he said in an exaggerated oh, so, sexy drawl, "Hindi na tayo papasok d'yan sa function room. We'll check-in in one of the executive suites here and make-"

Nagba-blush na tinakpan ko ang bibig niya ng kamay ko. "Pervert," I hissed, nandidilat ang mga mata ko sa pagsaway sa kanya maski na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig ng pag-uusap namin.

He chuckled, his adam's apple vibrating.

On second thought, parang gusto ko na ngang mag-check in kami sa isang executive suite dito...

'Tang 'na, Ashley Grace. Who's the real pervert now, huh?

Inakbayan ako ni Bobby. "Ready?"

Isang mayabang na ngiti ang ibinigay ko sa kanya. "I am. As long as it's with you."

"That's my Gracie," natutuwang sabi ni Bobby at pagkatapos ay binuksan na ang pinto ng function room.

Pagbukas ng pinto, lahat ng atensyon ng mga taong nasa loob ng function room ay natuon sa amin. Bigla tuloy akong kinabahan. Kung pwede nga lang na magtatakbo palabas sa sobrang kaba. Bobby squuezed my hand na parang alam ang iniisip ko.

"Ayan na sila!" tili ni Miranda at tumayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin at excited na niyakap ako. "Kanina pa namin kayo hinihintay," excited niyang sabi.

Niyakap ko pabalik si Miranda. Maski paano ay nawala ang kaba ko. Nakakahawa kasi ang excitement ni Miranda. Parang matagal kaming hindi nagkita samantalang noong isang gabi lang ay nakatambay kaming pito sa bahay nila. She even pep-talked me when I told her my worries of meeting Bobby's teammates and their girlfriends. Sinabi niyang mababait ang mga girlfriends ng players. Na maski raw siya noong una ay kinakabahan din nang unang ipakilala ni Jacob sa grupo. Pero dahil mababait naman ang lahat ay nakagaanan na niya ng loob ang grupo.

"Hi, Ashley," bati ni Jacob mula sa kinauupuan nito at kumaway pa.

I waved at Jacob and smiled.

Tulad ng pangako ni Bobby sa akin, hindi niya binitiwan ang kamay ko. Dinala niya ako sa gitna ng table. "Si Ryan, team captain namin and beside him is Carmela, his girlfriend of four years," turo niya sa magkatabing pares na nakaupo sa bandang gitna na nasa tapat nina Jacob at Miranda.

"Hi, Ashley," nakangiting bati ni Carmela. Naramdaman ko namang sincere ang ngiting ibinigay ni Carmela sa akin. Hindi tulad noon na talagang hindi kami nagpapansinan kapag nagkikita kami sa gym. Si Ryan naman ay nakangiting sumaludo sa akin.

"Si Tom at ang girlfriend niyang si Nessa. Nessa's part of the school paper."

Sabay na nag-hi sa akin ang dalawa na ginantihan ko naman ng isang matamis na ngiti.

"This is Joseph, our rookie and his girlfriend Reya," pakilala pa ni Bobby. Ngayon ko lang nakilala si Joseph dahil rookie pa lamang ito. "Reya's in the volleyball team. Wing spiker," dagdag na impormasyon pa ni Bobby.

Inikot ako ni Bobby habang hawak niya ang kamay ko at ipinakilala ang iba pang teammates pati na ang mga girlfriends ng mga ito. From time to time, he would squeeze it as if reassuring me that he got my back-that he would not leave me.

"And this is Andrew Rufino-"

"Single, but not lonely," nakangiting sabi ni Andrew. Tumayo pa ito kinamayan ako. "Kaya kung may ipapakilala ka sa akin, I'm open."

They all rolled their eyeballs that made me giggle softly. I liked Andrew. Sabagay, noon pa man ay parang pilyo na ito.

"You're always open, Rufino," ani Jacob. Ang pagkakaalam ko ay isi-set up sana ng date ni Jacob si Andrew kay Jorjina dahil ayaw pang umamin ni Tres sa feelings niya para kay Jorjina. Hindi lang natuloy dahil hindi pumayag si Miranda. At si Tres na rin.

Nagtawanan ang lahat. Pagkatapos ay iginiya ako ni Bobby sa tapat nina Jacob at Miranda. "And of course, there's Cobi and Mira."

"Welcome to the Happy Gilrfriends' Club, Ash!" masayang sabi ni Miranda. She even spread her arms as if welcoming me with open arms.

"Happy nga ba?" mataray na sabi ni Carmela at inismiran si Ryan.

Hinapit ako ni Bobby at bumulong. "Galing sila sa lovers' quarrel. They just reconciled recently. Pinag-reconcile ni Miranda."

"Oh," I softly said and looked at the couple.

Ryan fondly kissed Carmela's bare shoulder, who was wearing a halter blouse. "Babe, happy naman talaga, 'di ba?" malambing na sabi ni Ryan. He kissed Carmela's bare shoulder again. Napangiti ako. Sweet si Ryan.

Inirapan ni Carmela si Ryan. "Happy kung magbi-behave ka at hindi na magpi-flirt sa ibang babae," pasaring ni Carmela.

Nagtawanan ang lahat. Maging ako ay hindi ko napigilang matawa. Ryan winced. "Hindi naman ako nagpi-flirt. Ang mga babae ang lumalapit sa akin. Kuntodo iwas na nga ako, eh. Lagi kong sinasabing off-limits na ako dahil mahal na mahal ko ang girlfriend ko." He kissed Carmela's shoulder again.

"Yieee!" tili ni Miranda. Parang batang pumalakpak pa dahil sa kilig.

Carmela rolled her eyeballs. Pero nakangiti na at waring kinikilig sa sinabi ni Ryan. They had been together for four years. Dapat ay sanay na si Carmela na lapitin talaga ng mga babae ang mga basketball players. At mukha namang mahal na mahal siya ni Ryan.

Napatingin ako kay Bobby and smiled at him. Kung may mag-flirt na babae sa Robert Aldus ko, manghihiram sila ng mukha sa aso. Huwag nila akong i-dare. I would fight for my Robert Aldus.

Bad, Ashley.

Matapos akong ipakilala ni Bobby sa lahat ay umupo kami sa tabi ni Miranda. Masaya ang naging pag-uusap naming lahat. Masaya silang kasama, lalo na ang pilyong si Andrew. Carmela even encouraged me to go back to school. Sinabi ko sa kanya na babalik na ako next semester at si Lucas ang tutulong sa akin.

They were all happy to hear that.

Bobby squeezed my hand. I looked at him and smiled. Inilapit niya ang bibig sa tenga ko. "Happy, my Gracie?" malambing niyang tanong na ang mainit niyang hininga ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Masuyo ko siyang hinimas sa pisngi. "I am."

"Good. Because I always want you to be happy," bulong niya sa tenga ko.

"Thank you," I mouthed while looking at his dreamy eyes.

He smiled. Pagkatapos ay inilapit ang bibig sa tenga ko. "You're welcome, my Gracie. Always."

"MALAPIT NA BA sila?" kinakabahang tanong ni Tita Liezel sa akin. Kanina pa siya hindi mapakali kaya hindi rin ako mapakali.

"Kalalampas lang daw nila ng gate ng subdivision, 'Ta," sagot ko habang tinitingan ko ang text message sa akin ni Bobby.

Nasa twelfth birthday celebration kami ni Miggy, ang anak ng kaibigan ni Tita Liezel na may down syndrome. Ginaganap ang birthday party sa malawak na garden ng bahay ng pamilya nina Miggy sa isang exclusive subdivision sa Quezon City.

Paborito raw kasi ni Miggy ang HFU Roaring Lions kaya nang malaman ng kaibigan ni Tita Liezel na dini-date ko si Bobby Gallego ay biglang humingi ng pabor na kung pwede raw ay makapunta ang formidable trio ng HFU Roaring Lions na sina Jacob, Bobby at Andrew sa birthday party ni Miggy. Malaking bagay raw iyon sa bata.

Gustong magpa-impress ni Tita Liezel sa grupo ng ka-batchmates niya noong college na feeling niya ay dina-down siya dahil nga sa mistress lang siya kaya hiniling niya iyon kay Bobby. Sinabi ni Bobby na gagawan niya ng paraan.

My Robert Aldus was like that. He would not promise anything but he would always deliver. Walang kasing-saya si Tita Liezel nang sabihin ni Bobby na maisasama ni Bobby ang buong team sa birthday party ng bata dahil nagkataong papunta sila sa Zambales nang araw na iyon para sa tatlong araw na team building. Kaya makakasaglit sila bago magtuloy sa Zambales. Hindi lang silang formidable trio ang darating kundi ang buong team kasama pa sina Coach Mar at ang assistant coach na si Coach Jun.

Hindi ko alam kung paanong nagawan ni Bobby ng paraan iyon pero natutuwa ako dahil masaya ako para kay Tita Liezel. At least, maski roon man lang ay makabawi siya sa mga nangda-down sa kanya. Magiging mabango ang pangalan ni Tita Liezel sa grupo.

Pinaiiwas ko na nga siya sa grupong iyon dahil feeling ko ay hindi naman mga totoong kaibigan. Kasi kung totoo silang kaibigan, hindi nila ida-down ang kaibigan nila dahil lamang hindi ito matagumpay sa buhay at isa lamang mistress.

"Malapit na sila, 'Ta," anunsiyo ko kay Tita Liezel nang maka-receive ako ng text message galing kay Bobby na nasa block na sila ng bahay ni Tita Maggie.

Agad na nilapitan ni Tita Liezel si Tita Maggie at binulungan. Para namang nataranta si Tita Maggie na nagmuwestra sa panganay nitong anak na patigilin muna ang host sa pagsasalita. At i-anunsiyo na may darating na sorpresa para kay Miggy.

"And'yan na raw sila, Tita," sabi ko.

Pumasok kami sa loob ng bahay para salubungin ang buong team. Agad na lumapit si Bobby sa akin nang makita ako at hinalikan ako sa tuktok ng ulo ko. Binati naman ako ng buong team sa pangunguna ni Ryan at pagkatapos ay binati ko naman sina Coach Mar at Coach Jun.

Ipinakilala ni Bobby si Tita Liezel kina Jacob at Coach Mar at sa buong team.

Pagkatapos ay ipinakilala naman ni Tita Liezel si Bobby kay Tita Maggie at sa asawa nito. Mayabang ang pagkakangiti ni Tita Liezel lalo pa at nilalambing siya nina Jacob at Andrew pati na ang buong team. Pagkatapos ay ipinakilala ni Bobby sa mag-asawa ang buong team kasama sina Coach Mar at Coach Jun.

Tita Maggie was in awe. Walang tigil ang pasasalamat niya kay Tita Liezel ngayon pa lang.

Paglabas namin sa garden ay narinig namin ang host na inaanunsyo na ang paglabas ng buong team.

Maya-maya ay lumabas na ang buong team na nang makita ni Miggy ay agad na pumalakpak at lumapit kina Jacob. Nakipag-high five sa bata ang mga players.

Ang iba pang mga bisita ay hindi napigilan ang mga sarili at inilabas ang mga cellphone at i-v-in-ideo ang buong pangyayari pati na rin ang pagbibigay ng regalo ng buong team sa bata.

Nagpasadya sina Bobby ng dalawang kulay ng HFU jersery na isang dilaw at puti para sa size si Miggy. At pagkatapos ay binigyan nila ng tig-iisang signed jersey nila ang bata. Ganun din ang isang bola na may pirma nilang lahat kasama ang pirma nina Coach Mar at Coach Jun.

Halatang tuwang-tuwa si Miggy na panay ang palakpak. Lumapit naman sa amin si Tita Maggie at naiiyak na pinasalamatan ako at si Tita Liezel. Sigurado akong simula sa oras na ito ay hindi na ida-down si Tita Liezel ng mga batchmates niya sa grupo niyang iyon.

Habang nakikipagsayahan ang buon team ay nasa isang gilid lang kami ni Tita Liezel. Hinahayaan ko lang sina Bobby dahil baka sabihin ng iba ay ang clingy kong girlfriend. Pero panay ang tingin ni Bobby sa akin at ngingiti. Ngingitian ko rin siya at doon pa lang ay ramdam na namin ang presensya ng isa't-isa.

Ang daddy naman ni Miggy ay kausap sina Coach Mar at Coach Jun.

Sumali sa parlor game na 'Trip to Jerusalem' ang buong team. Panay ang hiyawan ng mga bisita lalo na ang mga babae. Andrew won and gave the prize to Miggy.

Nagtagal ang buong team hanggang sa blowing of candles sa cake. Kinantahan nila ng 'happy birthday' si Miggy at matapos iyon ay nagpaalam na si Coach Mar sa mga magulang ni Miggy na mauuna na sila dahil baka gabihin sila masyado sa daan.

Pero bago umalis ang buong team ay marami pa ang nagpa-picture sa kanila na mga guests at kamag-anak nina Tita Maggie.

May isang lumapit kay Bobby na tila nasa high school pa lang ang edad. Kumapit siya kay Bobby. Nakamata lang ako sa kanila. Walang epekto iyon sa akin. Naiintindihan ko iyon bilang sikat na NUAP player ang boyfriend ko. Maraming mga guests na mapa-bata o matanda at mapa-babae o lalaki man ang nagpapakuha ng picture kasama ang mga players.

Pero nang ang isang babaeng sa tingin ko ay kasing-edad namin ang lumapit kay Bobby para magpa-picture ay tumaas ang isang kilay ko. Sobra kasing makayakap kay Bobby. As in yakap na may kasamang pang-aakit.

Lalong umarko ang kilay ko nang ihilig nito ang katawan sa dibdib ni Bobby at saka inusli ang labi at pinapungay ang mga mata na parang nang-aakit habang nagpapakuha ng picture kadikit si Bobby. Idinikit pa nito ang mala-pakwan sa laki na boobs sa dibdib ni Bobby.

"Ang landi naman ng isang 'yun," bulong ni Tita Liezel na hindi rin pala nakaligtas sa paningin ang eksenang iyon.

"Kaya nga, eh," naiirita kong sabi. "Ingudngod ko kaya ang mukha niya sa chocolate fountain nang magkakulay naman ang kulay espasol sa puti niyang mukha," nanggigigil kong dagdag habang naniningkit ang mga mata ko.

Hindi pa roon nagtapos ang babae sa pagpi-flirt kay Bobby at sinabihan pa ang kumukuha ng picture nila na picture-an sila habang kini-kiss daw nito sa lips si Bobby. At bago pa nakahuma si Bobby ay mabilis na ninakawan nito ng halik si Bobby na ang puntirya ay ang labi ni Bobby. Pasimpleng umiwas si Bobby kaya tumama ang lips ng babae sa gilid ng lips ni Bobby.

"'Tang 'na," mahinang mura ni Tita Liezel. "Ang landi talaga."

Huminga ako ng malalim. Para akong torong umuusok ang ilong at gusto kong sugurin ang babae maski na hindi siya nakadamit na pula.

That bitch! Hindi niya kilala kung sino ang girlfriend ng lalaking pini-flirt niya. Magpakilala kaya ako sabay bigay ng mag-asawang sampal sa mukha nito?

Si Bobby naman ay nakikita kong nakakaramdam ng awkwardness. Nagpapasaklolong tumingin siya kina Jacob at Coach Mar.

Nang tumingin si Bobby sa akin ay nasa mga mata niya ang apology habang kumakamot sa likod ng ulo. Na parang sinasabing hindi niya kontrolado ang sitwasyon. Masyado kasing gentleman ang Robert Aldus ko at ayaw niyang mapahiya ang babae.

Ang bitch na babaeng 'yon. 'Tang 'na.

Pero Tinaasan ko lang ng kilay si Bobby. Naiirita pa rin ako at damay siya sa iritasyong iyon.

Ngayon ay alam ko na ang napi-feel ni Carmela sa tuwing may nagpi-flirt kay Ryan. Nakakapanginig nga naman ng laman ang mga babaeng flirt. May kasabihan pa naman na walang girlfriend na maganda sa babaeng malandi.

Lalo na kung ubod ng landi tulad ng babaeng espasol na ito na konti na lang ay maingungudngod ko na talaga ang mukha sa chocolate fountain.

Maski na hindi naman maganda ang babae kundi maputi lang. Kasing kulay ng espasol na tinda nina Loloy at Klang-Klang ang mukha ng babaeng maharot.

Sa wakas ay nakatakas na ang buong team sa mga nagpapa-picture sa kanila. Kasama ako sa naghatid sa kanila sa sasakyan nilang nakaparada sa labas. Agad na lumapit sa akin si Bobby.

Pasimple akong pumiksi nang i-try niyang akbayan ako. "Ang saya mo, 'no?" mataray at sarkastiko kong sabi.

"Hey, wala akong magawa. Alangan namang--"

"Kaya nga ang saya mo, eh," iritable kong sabi. "Ang sexy n'ung babaeng espasol na idinikit ang mala-pakwan niyang boobs sa 'yo at hinalikan ka pa sa lips."

Bobby chuckled para sa adjective na ginamit ko sa babaeng espasol. "Dito lang," depensa ni Bobby na itinuro ang gilid ng lips. "Sa gilid lang."

Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero nagpapasalamat akong maski paano ay nagawang iiwas ni Bobby ang lips niya. Those fucking lips were mine only. Mine.

Kinuha ni Bobby ang dalawa kong kamay. "Come on, my Gracie, malambing niyang sabi. "You know me better than that. Hindi kita ipagpapalit sa kahit na isang milyong gan'ung ka-sexy na babae na may mala-pakwan na boobs. You're the only one I love. You're the only one I need."

Kinilig ako sa sinabi niyang iyon pero hindi ko ipinahalata.

Bobby held my gaze. "I like it when you're jealous." Sinundan niya ng isang gwapong ngiti ang sinabi. "Pakiramdam ko ay walang pwedeng makaagaw sa 'kin sa'yo. And it's a good feeling inside, my possessive Gracie," tukso niya sa huling tatlong salita.

Tinaasan ko siya ng kilay. "God, Aldus, syempre!" Ingungudngod ko sa chocolate fountain ang aagaw sa 'yo sa'kin." mataray kong sabi habang umaarko ang mga kilay ko.

He bit her lower lip and laughed quietly. "Whew! Now, I'm scared."

Tiningnan ko siya ng pailalim. Parang hindi niya sineseryoso ang pagseselos ko samantalang halos umusok na ang ilong ko sa iritasyon.

"It's your fault," malambing niyang sabi.

Tinaasan ko siya ng kilay. "And why it's my fault now, huh?" mataray kong sabi.

"Nag-boyfriend ka ng gwapo at habulin ng babae, natural-"

Hindi na niya nagawang ituloy ang sasabihin dahil k-in-arate ko siya sa tiyan. "Asshole."

Natatawang niyakap niya ako at hinalikan sa sentido ko. "You're the only one, my Gracie. The only one," bulong niya sa tenga ko

At ako, syempre, ay natunaw na ang defenses. Pero humanda sa akin ang babaeng espasol na iyon kapag nagbalik ako sa party.

"Okay na kayong dalawa?" tanong ni Jacob nang makalapit sa amin. Si Bobby na lang pala ang hinihintay at lahat ng mga ka-teammates niya ay nakasakay na sa coaster at pinagtitinginan kaming dalawa habang may mga nanunuksong ngiti sa labi.

"Pagsabihan mo 'yang best friend mo, ha?" sabi ko kay Jacob. "Ang landi-landi."

Natawa nang malakas si Jacob. "Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ng best friend ko, Ash."

Gusto kong mapangiti sa sinabi ni Jacob pero idinaan ko pa rin sa pagtataray. Inirapan ko silang dalawa.

Sinundot ako ni Bobby ng daliri niya sa tagiliran. "Kinikilig."

"Shit! Jerk!" natatawang tili ko at pinalo sa braso si Bobby.

"Tama na 'yan, gagabihin na tayo sa byahe."

Itinaas ni Bobby ang index finger. "One minute," hingi nito ng palugit. "This is important. She is important."

'Tang 'na. Kinikilig ako. Oh, my Robert Aldus.

Parang sumusukong itinaas ni Jacob ang dalawang kamay at iniwan na kami sa harap ng bahay at sumakay na sa coaster.

Hinarap ako ni Bobby. His dreamy boring peering down to mine. "I miss you already," malambing niyang sabi. "Three days without seeing you and talking to you is like three days of hell."

Inirapan ko siya maski na ang totoo ay gusto ko nang tumingkayad and kiss him passionately, tongue inlcuded. "Parusa 'yan sa kalandian mo. Tatlong araw na hindi mo makikita ang beauty ko," nang-aasar kong sabi.

He pouted his lips. "Wala naman akong kasalanan. Umiwas nga ako," parang batang sabi niya.

I rolled my eyeballs. "Duh. Paawa effect."

He laughed then he hugged me and kissed my temple. ""I will miss you. Wait for me in three days. I love you-in my lifetime and the next."

I looked at him fondly at masuyo ko siyang hinimas sa pisngi. "I love you, too. Sige na," pagtataboy ko kahit na ang bigat sa kalooban ko. Kahapon pa kami nagpapaalaman ni Bobby na parang tatlong taon kaming hindi magkikita at hindi tatlong araw lang.

Duh, ang aarte n'yo, sabi ng sub-conscious mind ko na alam kong umiikot din ang eyeballs.

Gusto kong mapangiti. Ganoon nga siguro talaga kapag sobrang in love. Hindi pa man umaalis ay nami-miss mo na agad.

"NASAAN NA ANG babaeng espasol?" bulong ko kay Tita Liezel nang makabalik ako sa party matapos makaalis nina Bobby. Hinanap ng mga mata ko ang babaeng kulay espasol sa puti ang mukha na may mala-pakwan sa laki ang boobs.

Inggit ka lang sa boobs niya, Ash, dahil cup 34B ka lang at ang babaeng espasol ay size 38C siguro.

"Hayaan mo na, pinagsabihan na ni Maggie. Pinagalitan na niya dahil hindi na nahiya sa 'yo at kay Bobby. Apparently, na-witness din pala ni Maggie ang kalandian ng pamangkin n'ya."

I smirked. "Hah! Pasalamat siya. Kung hindi magkukulay tsokolate ang mukha niya dahil ingungudngod ko talaga ang mukha niya sa chocolate fountain."

Tita Liezel giggled. "Grabe ka, Ash. Para kang tigre."

"I swear to God, Tita. Kanina pa niya pinakukulo ang dugo ko. Akalain mong i-attempt na halikan ang Robert Aldus ko sa labi? 'Tang 'na! Maghanap siya ng ibang lalaking malalandi niya at huwag kaninoman sa Roaring Lions. Babalatan namin siya ng buhay ng Happy Girlfriends' Club." Pero saglit akong natigilan at napaisip. "Well, minus Miranda of course. Alam mo naman nakapa-peace loving ng bebe kong 'yon."

Tita Liezel giggled again. This time ay medyo malakas na kaya nakaagaw kami ng pansin. "You and your bitchy thoughts, Ash!"

"I'm not kidding."

"Loka! 'Di ba sabi mo, you choose your battles now? Hindi worth it ang babaeng espasol sa effort mo sa pakikipag-away."

I sighed. Paraan na rin para ma-pacify ko ang sarili ko. "Sabagay..."

Kinabukasan, ang pagdalo ng buong HFU Roaring Lions sa birthday party ni Miggy ay naging viral sa social media. Nag-trending pa sa twitter ang hashtag na HFU Roaring Lions. Hinanap pa si Tita Maggie ng isang TV news para ma-interview tungkol sa pagdalo ng buong team sa party ng anak nito at sa kabaitan ng buong team sa bata.

Walang kamalay-malay ang buong team na pinag-uusapan na sila ngayon. Hindi sila mahagilap for interview dahil nasa team building sila.

At kami namang mga girlfriends ay proud na proud dahil sa pangyayari.

BOBBY

DAY TWO SA TEAM building at bukas ng gabi ay makikita ko na si Gracie ko, pagmo-motivate ko sa sarili ko.

Napailing ako at napangiti. Para na akong baliw sa kaiisip kay Gracie. I missed her so much it hurts, and almost kills.

Alas ocho pa lang ng gabi ay lights off na kami sa kuwarto namin. Magkakasama kaming labindalawang Roaring Lions players sa iisang kuwarto. Samantalang sina Coach Mar at Coach Jun ay nasa kabilang kwarto.

Sa nakalipas na apat na taong paglalaro namin sa team ay dito kami nagti-team building sa retreat and team building house sa Zambales. Coach Mar always made sure that we have this kind of bonding especially now that we were two wins away to the finals.

Walang kaso sa akin dati ang team building maski na malayo ako ng ilang araw kay Kate. But now? I resented it. Kinukuwestiyon ko na kung bakit may team building pa.

Pucha, Bobby, malala ka na, sabi ko sa sarili ko. Matulog ka na nga.

Tumingin ako sa paligid ko. Tulog na yata ang mga ka-teammates ko. Hindi magkakatabi ang mga single bed na hinihigan namin. Jacob was two beds away from me. Nasa pagitan namin sina Tom at Ryan.

"Psssttt..."

Napabalikwas ako nang marinig ko ang sitsit na iyon. Pati na sina Jacob, Tom at Ryan na hindi pa pala natutulog kundi nakahiga lang at marahil ay nagmumuni-muni rin tulad ko. Hindi naman kasi kami gaanong napagod ngayon dahil puro lecture kami halos buong araw tungkol sa mga game plan namin. Hindi tulad kahapon na talagang may mga outdoor activities na pinagawa. Bukas ulit ay puro outdoor activities kaya tiyak na pagod ang mga katawan namin bukas.

Tiningnan naming lahat ang pinanggalingan ng sitsit at si Andrew pala iyon. Nakaupo siya sa lapag ng kama niya habang iwinawagayway ang isang maliit ng cellphone.

"Putang ina," mahinang bulalas ni Ryan nang makita ang hawak ni Andrew na cellphone. "Paano mo naipasok 'yan?" pigil na pigil ang boses niya para hindi marinig sa kabilang kwarto.

Lahat kasi ng cellphone at gadgets na dala namin ay confiscated para walang distraction. Para maka-focus kami sa gustong ipagawa at ituro ni Coach. Kinapkapan kami ng husto ni Coach. At hinalungkat ang mga gamit namin para masigurong wala kaming mahahawakang cellphone at gadgets.

"Diskarte lang 'yan, Kapitan," mayabang na sabi ni Andrew na hindi na in-elaborate kung paano niya naipasok ang maliit na cellphone.

Napailing ako. Sa aming lahat, si Andrew ang pinakapilyo. Ang pinakapasaway. Pero ito ang unang pagkakataong sumuway siya sa utos ni Coach dito sa team building. Siguro ay dahil huling taon na namin sa team. At minsan, masarap din sa pakiramdam ang sumusuway sa utos, lalo na at may kasama ka. Just for fun's sake.

"May bago akong pinopormahan ngayon. Gusto ko lang magpaandar na nati-text ko pa rin s'ya maski narito ako," bulong nito nang magsilapitan kami.

Lahat kami ay nagsipagtayuan mula sa kama namin at naglapitan kay Andrew. Nakaupo kaming lahat sa sahig, maingat na hindi makagawa ng ingay dahil baka marinig kami nina Coach. Ang mga salita namin ay pabulong lang.

Inagaw ni Ryan kay Andrew ang cellphone. "Pahiram. Tatawagan ko lang si Carmela." Pagkatapos ay mabilis na i-d-in-ial ang number ni Carmela.

"Ako ang next," bulong ni Cobi.

"Ako ang next kay Cobi," bulong ko rin na itinuro ko pa ang sarili ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa. Maririnig ko na ang boses ni Gracie ko kahit sandali lang.

"Hello, Babe. I just called to say 'I love you'," ani Ryan sa napakahinang tinig.

"'Tang ina, ang baduy mo, kapitan," pang-aasar ni Tom sa mahinang boses. "Old school na old school."

Nagkatawanan kami. Mahirap tumawa kapag pigil na pigil.

"Umi-Stevie Wonder pa ang puta," natatawang pang-aasar pa ni Andrew.

Nagkatawanan ulit kami na halos walang lumalabas na sound sa bibig namin. Dinagukan ni Ryan si Andrew.

Pagkatapos niyon ay tinapos na ni Ryan ang pakikipag-usap at ipinasa kay Cobi.

"Ako ang next, ha," I reiterated. Sinabi ni Tom na siya raw ang next at pagkatapos ni Tom ay si Joseph.

"Hello, baby," ani Jacob nang sagutin ni Miranda ang tawag niya. "I miss you and I love you to double infinity," pabulong at malambing na sabi ni Cobi kay Mira.

Matapos makausap ni Cobi si Mira ay ipinasa ni Cobi ang cellphone sa akin. Excited at nanginginig pa ang mga daliri na i-d-in-ial ko ang number ni Gracie ko. Pero bago ko natapos ang pagpindot sa number ay pabalagbag na bumukas ang pinto.

"What are you doing, boys?!" sigaw ni Coach Mar habang si Coach Jun ay nasa likuran nito.

Patakbong lumapit silang dalawa sa amin at huling-huli niya kami-ako lang pala-na hawak ang cellphone na naipuslit ni Andrew.

Pucha. I. Am. Dead.

Tumayo kaming lahat at parang mga sundalong pumila pahalang habang nakayuko kaming lahat. "Bullshit, Gallego! Anong ibig sabihin nito?" galit na tanong ni Coach. There was so much disappointment in his voice. Nilibot niya kami ng tingin. "I said lights off na, 'di ba? Wala na ba kayong mga disiplina?"

Coach Mar can be vicious like a lion when angry. Talagang tinototoo nito ang bantang iba-bangko ka sa practice or worse pati sa laro bilang pagdidisiplina. Maski na kailangang-kailangan ka sa team. Hindi namin gustong magalit si Coach. Mabait kung sa mabait si Coach Mar. Pero kapag nagalit ay talaga namang nakakatakot.

Inagaw niya sa akin ang cellphone. "Sa 'yo ba itong cellphone? Paanong nakalusot ito? Ito ba ang ipapakita ninyong ehemplo sa juniors n'yo, ha, Gallego? Ang kawalan ng disiplina? Ang hindi pagsunod sa patakaran?" galit na dagdag ni Coach na ang tinutukoy ay ang mga lower batches na teammates namin. Hindi ako makapormang magsalita dahil sunud-sunod ang pagsasalita nito.

"Coach... I'm sorry... It's my fault-" Aakuin ko na lang ang kasalanan dahil tutal sa mga kamay ko naman nakita ni Coach ang cellphone.

Ayokong sabihing kay Andrew galing ang cellphone dahil may warning na si Andrew kay Coach dahil sa pagiging pasaway nito. Dalawang beses nang na-bangko sa practice si Andrew dahil sa kawalang-disiplina.

Pero bago ko matapos ang sasabihin ko ay umabante si Jacob at nagsalita. "Don't blame, Bobby, Coach," aniya na ikinalaki ng mga mata ko nang magtama ang mga mata namin. "I was the one who brought the cellphone inside. Ipinuslit ko. Sa akin 'yan," pag-ako ni Cobi sa kasalanan.

Nasulyapan ko si Coach na tila na-disappoint sa narinig niyang sinabi ni Cobi.

"Bullshit, Maravilla," Coach Mar muttered under his breath. He sounded so disappointed.

Napasuklay si Jacob sa buhok. I saw him clenched his jaw.

Disappointed masyado si Coach dahil hindi niya akalain na kami ni Cobi ang gagawa ng kabalbalan ngayon. Isa kami ni Cobi sa matatawag na masusunurin niyang players. At alam kong frustrated din si Cobi somehow sa ginawang pag-ako sa kasalanan dahil malaki ang respeto niya kay Coach. Ayaw niyang nadi-disappoint ang Coach namin.

Nagbuga ng hangin si Coach Mar. "Just because you are my star player, Maravilla, doesn't mean you can get away with something like this. One hundred fifty rounds for you on the courtyard. Tutal ayaw mo pang matulog, eh," pasarkastiko ang huling sinabi ni Coach Mar.

"Coach, wait..." ani Andrew. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Ako ang parusahan mo. Sa 'kin ang cellphone. Ako ang may dala n'yan."

"No, Coach," singit ni Tom. "Ako ang may dala. Sa 'kin 'yan. "

"I am the captain, Coach," mabilis namang sabi ni Ryan. "I take full responsibility of my teammates. Ako ang dapat mong parusahan."

Palihim kaming nagkatinginang lahat. Pigil ang ngiti ko sa takot na makita ni Coach ang tinginan at ngiti sa labi namin. We were teammates. All for one, one for all.

Nagbuga ulit ng isang malalim na buntong-hininga si Coach at napailing. "Hindi ko alam kung kailangan pa ba natin ang team building gayong pinatutunayan ninyo sa akin ngayon ang pagiging isang team ninyo dahil walang may gustong manlaglag ng tunay na salarin. In that case, one hundred fifty rounds for all of you on the courtyard. Tutal ay ayaw pa ninyong matulog, ubusin ninyo ang energy ninyo sa pagtakbo. I want to see all of you on the courtyard in seven minutes. Go!"

Paglabas ni Coach ay dali-dali kaming nagpalit ng damit at nagsapatos.

"Putang ina, ang iingay n'yo kasi, eh," natatawang sabi ni Ryan. Wala naman sa boses ang paninisi.

"Gago ka kasi, Kapitan. Sa 'yo kami natawa dahil um-Stevie Wonder ka." Si Andrew iyon. "'Tang ina, ang old school. So baduy."

Nagtawanan kaming lahat. This time ay malalakas na ang mga tawa namin. Napagalitan at naparusahan na rin lang kami ay lulubus-lubusin na namin.

"Pucha, hindi ako nakatawag kay Gracie ko," may konting iritasyon sa boses ko. "And'un na ko, eh. Dalawang numero na lang ang pipindutin ko hindi pa ako napagbigyan."

Nagtawanan ang lahat. Napailing na lang ako sa frustration.

Tinapik ako ni Cobi sa balikat. "I-mental telepathy mo na lang si Ash. Mas mabisa pa 'yun kaysa cellphone-"

"Boo!" sigaw ni Andrew. "Inuuto ka lang ni Maravilla, Gallego. Puta, 'wag kang magpapaniwala r'yan."

Natawa si Cobi. "Fuck you, Rufino. Si Miranda ang nagsabi sa 'kin n'un kasi madalas niyang gawin iyon sa 'kin."

"Ah, si Mira ba? Totoo 'yan kung gan'on. Magawa nga 'yan," biglang bawi ni Andrew. Miranda was special to Andrew. Nababaitan si Andrew kay Miranda bukod pa sa madalas na magpatulong si Andrew sa mga lessons nito kay Mira.

"Pa'no?" kunot noo kong tanong. Natigil ako sa pagsusuot ng rubber shoes ko.

"Isipin mo lang ng isipin na sinasabi mo kay Ash na mahal na mahal mo siya. Magta-travel 'yun papunta kay Ash at maiisip niyang mahal na mahal mo siya."

I shrugged my shoulders. "Why not? I'll do that. And besides, si Mira ang nagsabi so, may basis 'yan."

Habang nagsusuot ako ng rubber shoes ay pauulit-ulit kong sinasabi sa isipan ko para kay Gracie ko na mahal na mahal ko siya.

I love you, Gracie-in my lifetime and the next. I miss you and you're the only girl for me. The only girl who has this effect on me. Para na akong baliw rito, 'kita mo...

I love you, Gracie. I love you so much... I'll see you tomorrow...

Kahit na hindi ako naniniwala sa mental telepathy, I can only hope that my Gracie can connect with it. Gusto ko lang maiparating sa kanya na kahit wala ako sa tabi niya ay siya pa rin ang laman ng isip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

16K 1.4K 6
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
40.8K 351 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...
480K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...