My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace

36.9K 634 78
By dyosathewriter

ASHLEY

"TALAGA BANG GANITO?" bulong na tanong ko kay Bobby matapos kong tumingin sa relo ko.

"Ang alin?" balik-bulong niya sa tenga ko.

Nakaupo kami sa likuran ng magkatabing pang-isahang sofa gamit ang dining chairs. Sina Jacob at Miranda ang nakaupo sa sofa. Samantalang sina Tres at Jorj ay magkatabing nakaupo sa bandang dining area. Sina Lucas at Stasha naman ay sa pandalawahang sofa magkatabing nakaupo.

And I thought it was always like that.

Kaya kami ni Bobby ay humanap ng spot namin sa likuran ng magkatabing pang-isahang sofa. Na kung madadalas ang punta namin dito, ito na ang magiging spot namin kapag naguusap-usap kami.

Sapat lang ang laki ng bahay nina Miranda para ma-accommodate lahat kami, lalo na ang apat na matatangkad na lalaki.

Tumingin ako ulit sa relo ko. It was quarter to twelve midnight. "'Yung inaabot kayo ng ganito ka-late sa bahay nina Miranda," bulong ko sa tenga niya. Nagkukuwento kasi si Miranda at ayokong maka-distract kami.

Napangiti si Bobby. Inilapit niya ang tenga sa bibig ko. His breath fanning my ears was a little sensual to me. "Yeah. Wala namang pasok si Miranda bukas. Kami lang naman nina Cobi, Tres at Jorj ang may pasok kapag sabado pero bandang tanghali na so, okay lang. Lucas and Stasha have their immersion on Saturdays pero pwede naman silang magpunta sa hapon."

Tumango lang ako. It was fun having them around. Like right now.

Masaya silang kasama. Si Lucas na akala ko ay seryoso ay mabiro rin pala. Nahawa na siguro kay Tres.

Lalo na nang dumating si Marlon na kababata ni Miranda na may gusto rito na talaga namang pinagseselosan pala ng husto ni Jacob. Asar-talo kanina si Jacob. Nagsalubong talaga ang mga kilay pagkakita pa lang kay Marlon.

Maski nga ako ay naki-ride sa pang-aasar nang sabihin kong cute si Marlon, na sa totoo lang ay cute namang talaga. But well, Jacob was a lot cuter.

Ang saya lang. Especially para sa birthday ko.

Kahit hindi nila alam na birthday ko bukas, okay lang. Alam kong alam ni Stasha pero parang walang inclination na naaalala niya. But it was okay.

My birthday did not matter. Lilipas din ito. For the past years, sa tuwing sasapit ang birthday ko, lagi akong umiiyak o nahi-hurt. Maybe intentionally or not.

Auntie Maris would deliberately make sure na out of town sila kapag birthday ko. Para hindi ako mabati ni Dad personally. Or makalimutan akong batiin.

My mom, maybe, unintentionally forget my birthday lalo pa at depressed dahil walang lovelife o dahil minsan sobra sa lovelife. Ganoon din si Tita Liezel, minsan lalo na kapag nariyan ang boyfriend niya.

I would always be bitter about it. Iyong thought na walang nakakaalala. Pero sanay na ako roon.

Ngayon ay masaya ako at wala ng bitterness sa puso ko. As long as Bobby was with me and beside me. My boyfriend for real. I couldn't ask for more.

Malakas na tumikhim si Jorj. "Kanina pa kayong dalawa na bulungan ng bulungan. 'Yan ba ang hindi 'kayo'?" she teased.

Wala na siyang ginawa kanina pa pagbalik namin mula sa convenience store kundi ang tuksuhin kami ni Bobby. Lalo pa at very attentive si Bobby sa akin. At touchy feely kami sa isa't-isa.

Nagtawanan sila. Nakaramdam ako ng pag-iinit ng magkabilang-pisngi ko. Bobby squezeed my hand and gave me his handsome smiley grin.

"Umamin na kasi!" nandidilat ang mga matang sabi ni Jorj.

"Aamin na nga!" nandidilat ko ring sabi na ikinatawa ng lahat. "Oo, kami na," pag-amin ko habang natatawa. Ang sarap lang sa pakiramdam. I was more than proud. "More than a month na. N'ung birthday n'ya."

Tumingin ako kay Bobby. Hinapit niya ako and kissed me on my temple.

Sina Jacob at Miranda ay nag-high five. Napakunot ang noo ko. May kinalaman ba sila sa kinahinatnan namin?

"Eh, bakit nag-deny ka pa kanina?" Si Jorj ulit.

I pursed my lips. "Nahihiya kasi ako..."

"Bakit?" sabay pang tanong nina Stasha at Jorj.

I pouted my lips. "Basta."

Bobby laughed out and when he looked at me his eyes twinkled with mischief. K-in-arate ko siya sa tiyan at agad na napaigtad siya habang tumatawa.

"Eh, ano naman 'yung pinagbubulungan n'yo kanina?" Si Jorj ulit.

Nagkatinginan kami ni Bobby. "Tinatanong n'ya kung lagi raw bang ganito na inaabot tayo ng hatinggabi sa bahay nina Miranda." Si Bobby na ang sumagot at nakita ko ang isang makahulugang ngiti sa labi niya. "Sabi ko, oo, lalo na kapag walang pasok kinabukasan."

"May curfew kasi si Miranda," esplika ni Stasha. "Parang si Cinderella lang."

"At saka mas gusto ni lolo na dito na lang kami kaysa lumabas sa gabi," dagdag pa ni Tres. "Para nababantayan namin si Miranda kay Maravilla. Natatakot kasi si Lolo Jose na baka saan na naman dalhin ni Maravilla si Mira. Na kahit kay Agoncillo na mahigpit ang pagbabantay ay nakalusot." Sinundan ni Tres ng isang nang-aasar na tawa ang sinabi.

Nagtawanan ang lahat. There was a proud look on Jacob's face. I knew they were talking about the date in Hong Kong.

"Yeah, right, Esquivel," ani Lucas, smirking. "Lalo na kapag kasabwat ang tulad mong numero unong kunsintidor."

Lalong nagtawanan ang lahat.

"Hindi ako magdadalawang-isip na gawin ulit 'yun, just so I could date my baby," masuyong sabi ni Jacob at tumingin kay Miranda.

Miranda touched Jacob's cheek. "At hindi rin ako magdadalawang-isip na sumama ulit sa kanya," sabi ni Miranda.

Napangiti ako. How sweet.

Mayabang na tumingin si Jacob kay Lucas. "You heard that, Agoncillo?"

Lucas smirked, like he was amused. "Oh, that's bullcrap, Maravilla."

Natawa kaming lahat. Si Tres ang may pinakamalakas na tawa. Tumingin si Miranda sa wall clock sa dingding at pagkatapos ay tumayo at tinungo ang ref.

It was already twelve midnight.

Happy birthday, Ashley Grace, bati ko sa sarili.

Bobby gently rubbed his thumb at the back of my plam then held my gaze. Nakipagtitigan naman ako sa kanya at hinawakan siya sa pisngi. He kissed my hand without taking his eyes off me.

Si Jorj ay tumayo at kinuha ang isang gitara sa gilid at saka umupo ulit at tumipa-tipa.

"Happy birthday to you... Happy birthday to you... Happy birthday..."

Agad akong napalingon kay Miranda.

He was holding a round inspiration cake na merong design ng Louis Vuitton bag sa tuktok.

Kinuha ni Bobby ang cake kay Miranda at lumapit silang lahat sa akin, maski si Jorj na tumitipa sa gitara ng kantang 'happy birthday to you' ay tumayo. They were all smiling.

Oh, fuck shit. Is this really happening?

"Happy birthday, Gracie," malambing na bati ni Bobby sa akin.

"You knew?" hindi makapaniwalang sabi ko.

The corner if his mouth quirked upward. "Of course I do. What kind of boyfriend am I if I forget my girlfriend's birthday?"

Oh, oh, God.

Napatingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila ay kumakanta ng 'happy birthday' habang nakatingin sa akin. They all looked happy for me.

Napalunok ako para pigilan ang emosyon. Hindi ako umiiyak sa harap ng ibang tao sa napakatagal na panahon na. Ngayon na lang ulit kung sakali.

Don't, Ash. It's your day.

I cleared my throat. "You planned this?" Kagat ko ang ibabang labi ko.

Bobby smiled boyishly and nodded. "Pero hindi kasama ang pagdating ni Congressman, ha? Hindi iyon kasama sa plano ko. Ito lang," aniya na ang tinutuloy ay ang sorpresa. "At sila."

"Pumayag kayo sa sorpresa niya para sa akin?" I asked to no one in particular. Itinuro ko pa ang sarili ko.

"Of course," mabilis na sabi ni Miranda. "It's your birthday. And we are your friends."

"Exactly," pag-agree ni Stasha.

Naitakip ko ang kamay ko sa bibig. I was speechless. I was really surprised. I thought no one would bother to remember, let alone give me a surprise. Now I knew why they all stayed until midnight.

"God, Robert Aldus..."

He just smiled. "Make a wish, Gracie. And close your eyes when you do. Para may drama at effect. At para matupad agad. Ikaw ang maysabi n'un sa 'kin, 'di ba?"

Natawa ako ng mahina. "Yeah." And then I closed my eyes.

I don't want to wish for more. I just want to thank God for this-for sending Robert Aldus into my life. For the friends He sent into my life.

Pagkatapos noon ay hinipan ko ang kandilang may number na '2' at '0'. Nagpalakpakan silang lahat at isa-isa akong binati at hinalikan sa pisngi.

"Ipi-prito ko lang ang mga fries para sa ating french fries party," ani Miranda at kinuha mula sa ref ang tatlong malalaking plastic ng hilaw na french fries. Kaagad na sumunod sina Jacob, Stasha at Jorj kay Miranda para tumulong. Tres and Lucas sat down on the sofa.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Bobby. He was scanning my face. Niyakap ko siya at hinalikan ng mabilis sa labi. "Thank you," sincere at naluluha ko pang sabi. "First time na may nag-effort na mag-suprise sa akin sa birthday ko."

"Hindi pa tapos ang surprise," aniyang nakangiti.

Oh, God.

"Ano pang meron?"

Isang pilyong ngiti ang ibinigay niya. "Secret."

Kinurot ko siya sa tiyan. Napaigtad siya. "Ayoko ng secret," nakairap kong sabi.

"Basta," nangingiti niyang sabi. "You'll see."

I pouted my lips exaggeratedly and look at him with so much fondness. "Jerk."

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ako se sentido ko. "Happy birthday, my sassy Gracie. You deserve this."

"Do I?" alanganin kong tanong. I was on the verge of tears.

God, I am so touched.

He fondly touched my cheek. "Of course. I wish you all the true happines life has to offer."

Napangiti ako ng maluwang. "Wish granted, Aldus. I am now happy. With you. And with our friends." Pagkatapos ay niyakap ko siya ng mahigpit.

THE OTHER SURPISE Bobby was talking about was the french fries birthday party for me complete with balloons and children's party hats. Wala kaming ibang kinain kundi ang paborito kong french fries na pinirito ni Miranda at ang chichiryang binili namin kanina sa convenience store.

Isang party na pigil ang mga tawa namin at nagsasalita kami sa mahinang boses para hindi kami makaistorbo kay Lolo at sa mga kapitbahay nina Miranda.

Bobby was taking pictures of us using his high-end camera. A recent birthday gift from Jacob. Ako rin ay panay ang pakuha ko ng pictures kasama sila.

Ano kayang sasabihin ng mga bashers ko kung i-post ko ang mga pictures ko sa social media na kasama ang Big Three at ang girlfriends nila? And of course, kasama ko ang aking Robert Aldus.

Hah! Kakainin nila lahat ng masasakit na salitang sinabi nila sa akin.

Lucas and Stasha gave me a Fendi bag. More than the bag, natutuwa akong malaman na alam pa rin ni Stasha ang mga gusto ko. Lalo na sa style ng mga designer bags.

Tres and Jorj gave me an expensive black sportswatch. Black was my favorite color.

Sina Jacob at Miranda naman ay binigyan ako ng isang bracelet mula sa kilalang designer brand na may iba't-ibang klaseng charms at palawit, including a cross na ayon kay Miranda, to always guide me and keep me safe from harm.

But more than the expensive gifts, ang pinakaimportanteng regalong naibigay sa akin nina Miranda at Stasha ay ang kanilang pagpapatawad. Dahil nang patawarin nila ako ay napatawad ko na rin ang sarili ko.

Maya-maya ay narinig kong tumikhim ng malakas si Jorj. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakaupo silang lahat samantalang kami ni Bobby ay nakatayo. Nakayakap siya sa beywang ko mula sa likuran at ako naman ay komportableng nakasandal sa dibdib niya.

I felt at peace. I was in my most comfort zone-inside his hug.

"Maikuwento ko lang ang backgrounder tungkol sa kantang kakantahin ko," ani Jorj habang tinitipa-tipa ang gitara. "A few days ago, merong isang lalaki ang nag-abang sa akin sa paglabas ko sa isang klase ko. Sa tingin ko ay mukhang nag-cutting classes pa para lang makausap ako. Itago na lang natin siya sa pangalang 'Bobby'."

Nagtawanan ang lahat. Nilingon ko si Bobby habang nakangiti. He just shrugged his shoulders.

"Bobby asked me if I could sing this song for a girl-isang babaeng daig pa si Rapunzel sa haba ng hair at itago na lang natin siya sa pangalang 'Ashley."

Nagtawanan ulit lahat.

"Yieee!" kinikilig na bulalas ni Miranda.

"For a very special girl on her birthday, Bobby even said to me to describe Ashley," Jorj continued and fondly looked at us. "Um-okay agad ako. Ako pa, eh, ambassadress ako ng love at forever? So here it is...To Ashley Grace on her birthday, from Robert Aldus...the song, Beauty and the Beast. Happy birthday, Ashley."

Nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko. I swallowed hard to keep my emotions at bay. Nilingon ko si Bobby.

He smiled then kissed me on my temple. "Your favorite song, Gracie," he whispered in my ears sweetly. "Happy birthday."

I couldn't speak. I glanced at him and mouthed 'thank you'. And then I closed my eyes to savor the song and Jorj's beautiful voice.

Tale as old as time / True as it can be / Barely even friends / Then somebody bends, unexpectedly...

Just a little change / Small to say the least / Both a little scared / Neither one prepared / Beauty and the Beast...

PASADO ALA UNA na nang umalis ang mga lalaki. Dito rin pala matutulog sina Stasha at Jorj.

Babalik daw ang mga lalaki mamayang alas sais para sabay-sabay kaming mag-breakfast.

Bigla nga akong nag-panic nang maalala kong nasa kotse ko na naka-park sa Grandeur Hotel ang bag kong may mga gamit ko.

Pero hindi naman pala ako dapat na mag-worry dahil maraming dalang extrang damit si Stasha. Hindi naman kami nagkakalayo ng katawan kaya magkakasya ang mga damit niya sa akin.

"Anong ginawa mo sa labas?" tanong ni Jorj kay Miranda pagkapasok nito sa kuwarto. Hawak nito ang isang hanger na may nakasampay na basang ternong bra at panty.

"Nilabhan ko 'tong bagong underwear na isusuot ni Ashley," sagot ni Miranda at isinampay ang hanger sa plastic durabox na nasa gilid. "Sabi kasi ni Stasha, hindi raw nagsusuot ng bago si Ashley kasi nangangati. Kaya nilabhan ko." Tumingin si Miranda sa akin. "Nilagyan ko pa 'yan ng fabric conditioner. Tapos paplantsahin ko muna bago mo isuot," malambing niyang sabi.

I stared blankly at Miranda. I was touched. Nag-effort pa siyang labhan ang mga underwear. Then at Stasha. She was putting her nightly regimen on her face. Then I blinked. Mainly to blink the tears away. Natatandaan ni Stasha ang mga malilit na bagay tungkol sa akin.

"You remembered," I said.

She rolled her eyeballs. "Of course! Isa 'yan sa kaartehan mo, 'no."

I pouted my lips. Kanina pa ako muntik-muntikang maluha ng todo. "Duh. Mas maarte ka. Alam ng lahat 'yan."

She furrowed her eyebrows at sasagot sana pero biglang sumabat si Jorj na itinigil ang paglalatag ng sleeping mats. "Paartehan ba ang labanan dito? Kasi kung paartehan, wala akong laban. Pero kung pagandahan, meron akong laban maski pa'no," nakangisi at mayabang niyang sabi. "Charot!" natatawang dugtong niya.

Nang magkatinginan kaming lahat ay nagtawanan kami.

Lumabi si Miranda. "Pa'no na 'ko? Wala akong laban sa paartehan at pagandahan?" parang batang nagmamaktol niyang sabi.

"Magtigil ka, bebe! Ikaw pa, eh, ang ganda-ganda mo." Si Jorj iyon.

"Oo nga," halos sabay na sabi sa amin ni Stasha. "Halika nga kayo," dugtong ko at inilahad ko ang mga kamay ko. "Hug ko kayo at kiss ko kayo."

Lumapit silang tatlo sa akin at nag-group hug kami.

"You know what, Ashley?" ani Jorj. "Malambing at mabait ka rin naman pala kung hindi ka-"

"Bitch?" I inquired teasingly.

Jorj giggled. "Yeah."

Then we all giggled.

ALAS SAIS NANG dumating si Bobby na may dalang bouquet of flowers. Nakapaligo na kaming lahat at nagkakape na sa sala kasama si Lolo Jose nang dumating siya.

He kissed me on the temple. He looked fresh and handsome. Naalala ko tuloy ang moment namin sa Grandeur Hotel na kung saan ay humarap siya sa akin nang naka-towel lang ang pang-ibabang bahagi ng katawan.

God, kailan kaya mauulit iyon? Napangiti ako. Bad, Ashley.

"Happy birthday," masuyong bati ni Bobby sabay abot ng bouquet of red roses. Hindi ko alam kung ilang piraso iyon. Basta marami at pulang-pula. Feeling beauty queen lang ako.

"Ang haba talaga ng buhok," biro ni Jorj habang pumapalatak. "Ganda mo. Ikaw na."

Nagtawanan kaming lahat. Pinandilatan ko si Jorj. "Pagbigyan mo na 'ko. Birthday ko, eh."

Nang sunud-sunod na dumating sina Lucas, Tres at Jacob ay nagpaalam na kami kay Lolo Jose.

"Maraming salamat po, Lolo," sincere kong sabi.

Masuyong ipinatong ni Lolo ang kamay niya sa ulo ko na para bang bini-bless ako. "Maligayang kaarawan, apo. Pagpalain ka nawa palagi ng Poong Maykapal. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral, ha? Sayang kung hindi."

Tumango lang ako at bago pa nila makita ang pamumuo ng luha sa mga mata ko ay niyakap ko si Lolo. Mabuti pa si Lolo Jose na kahit hindi ko kadugo ay nararamdaman kong nagki-care sa akin.

SA ROOFTOP NG Agoncillo Towers kami nagtuloy at mula roon ay naghihintay na ang isang chopper para ihatid kami sa Madrid Golf and Country Club para roon na kami mag-breakfast.

"Part of the birthday surprise," Bobby said then he held my hand and squeezed it.

Alam niyang takot ako sa heights. Pero ngayong hawak na niya ang kamay ko, my fear of heights meant nothing.

Pagdating namin doon ay agad kaming sumakay ng cable car at dinala kami sa isang private villa na kung saan ay naghihintay sa amin ang isang buffet breakfast at isang live music band.

Pagkatapos kumain ay nag-request kaming kumanta si Jorj na pinagbigyan naman kami. Pagkatapos ay si Jacob naman na matapos ang mahabang pilitan ay nagpapilit ding kumanta.

Habang nakakasiyahan sila ay pumunta ako sa terrace at pinuno ko ng hangin ang sibdib ko. Si Bobby ay nagpaalam na magbabanyo.

I sighed. Ang kasiyahang nararamdaman ko ay hindi ko kayang maipaliwanag. Sobrang saya lang. Napatingin ako sa langit. It was a clear sky.

"Hey..."

Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses na iyon na kahit nakatalikod ako ay alam kong papalapit sa akin.

Si Lucas Agoncillo.

Tumabi siya sa akin. Ipinatong niya ang kamay sa barandilya ng terrace.

He glanced at me. "Happy birthday."

Matipid akong ngumiti. "Thank you. Thank you nga pala sa gift n'yo ni Stasha. I love it."

Napangiti siya ng maluwang. Halatang nagustuhan ang sinabi ko. "Stasha chose it. Sabi niya ay magugustuhan mo raw iyon. Hindi nga siya nagkamali."

Hindi na ako kumibo kaya isang awkward silence ang namayani sa amin. Maririnig lang sa background ang malakas na paghagikgik nina Miranda at Jorj.

"Having a great day?" Lucas asked.

Bumuntong-hininga ako. I glanced at him sideways and smiled. "Yeah. So much."

"Ang plano ni Bobby, sa Grandeur Hotel tayong lahat magla-lunch. I suggested this place. For you."

Bigla akong napatingin kay Lucas. "W-why, thank you."

He just smiled.

Awkward silence again.

Humarap ako kay Lucas. "I'm sorry," sinsero kong sabi. "For-"

"It's all in the past now, Ashley," he cut me off gently then smiled. "Maybe God let it happen, for me to realize that I am not invincible even to heartaches and humiliation. That I am not as high and mighty as I or people would think. It was a very humbling experience. Maybe I needed that to keep me grounded," seryoso niyang sabi.

Oh, fuck shit. Nabunutan na naman ako ng tinik sa dibdib.

I hugged him. He hugged me back and patted my back. "Thank you," sabi ko at kumawala sa pagkakayakap ko sa kanya. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sinukuan ninyo ni Stasha ang pagmamahalan n'yo. I'm glad that you didn't."

He smirked. His handsome trademark. "Sa tingin mo ba sinusukuan ang tulad ng wifey ko?"

I smirked. "No. No fucking way, Lucas Agoncillo."

"Exactly my fucking point." Then he chuckled.

I laughed out loud. "Lagot tayo kay Miranda kapag narinig n'ya tayo." Maski kasi ako ay sinasaway na ni Miranda sa pagmumura.

He put his index finger on his lips and winked at me.

"Come back to HFU," aniya pagkatapos. "Tama si Lolo
Jose, sayang. Graduating pa naman tayo. Don't you miss school?"

"I miss school, alright," I answered after I contemplated at the thought. "Pero natatakot
akong bumalik. What, with my notorious reputation? Saka ang dami ko ng na-miss."

"Like I said, it's all in the past now. Pwede namang magbago ang isang tao, 'di ba? Come back next sem, I'll help you arrange all the necessary papers and all." He smiled.

Hindi ako kumibo.

"Come on, say yes,"
he prodded. "This is your student council
president asking you. And besides, kung hindi ka man maka-graduate this school year, there's always the next. At nariyan pa si Miranda. And Stasha, although sa graduate school na s'ya, but still, you can see each other in campus."

I sighed. "Next sem," I promised.

"Good."

Humarap kami sa anim na nagkakasayahan. Bobby looked at me and smiled. I threw a flying kiss at him and he playfully caught it and put it on his lips.

"Bobby likes you a lot. I can see it," Lucas commented.

Nakataas ang isang kilay na tumingin ako sa kanya. Hindi ko akalain na magko-comment siya tungkol sa amin ni Bobby.

"Yeah, I swear. Really."

I giggled. "Ako na ang maganda," biro ko.

"ARE YOU SURE, you'll be fine here?" kunot-noong tanong ni Bobby sa akin. There was concern in his voice.

Hawak niya ako sa dalawa kong kamay habang nasa harap kami ng pinto ng Executive Suite ng Grandeur Hotel. Kami lang ang nasa labas ng hallway.

Ito rin ang room na ibinigay kay Bobby noong una kaming mag-check in. At ngayong nag-check in ulit siya para sa akin ay ito ulit ang ibinigay. One of the green cardholder's privileges

I was having a liking to this room. May sentimental value na.

Galing na kami noon sa Madrid Golf and Country Club. Alas-tres na nang hapon nang makabalik kami sa Manila.

Pumasok na sa klase nila sina Tres at Jorj samantalang si Jacob ay inihatid na si Miranda sa bahay at saka didiretso sa practice nila sa HFU.

Ganoon din si Bobby na inihatid muna ako sa Grandeur Hotel habang hinihintay ko siyang matapos sa practice nila. Mamaya na lang niya ako babalikan.

Nakangiting tumango ako. "Don't worry about me."

"Bakit kasi ayaw mo pang sumama kay Miranda?"

"Nakakahiya," sabi ko. "Sasabit pa ako."

May pupuntahan kasing birthday party si Miranda sa kapitbahay nila. Isinasama nga ako dahil alam nitong wala akong kasama pero tumanggi ako. Nakakahiyang sumabit pa ako. Siya lang naman ang may kakilala roon.

"Eh, 'di sumama ka na lang sa akin sa HFU. Manood ka ng practice namin," malambing niyang sabi.

I wrinkled my nose. "Sabi ko hindi pa ako ready, 'di ba?" Tumanggi na kasi ako kanina pa sa invitation niyang iyon. Sinabi kong hindi pa ako handang i-announce sa buong HFU ang relasyon namin.

Naglungkut-lunkgkutan siya. "Ikinahihiya mo ako..."

Pinalo ko siya sa sibdib, "Ano ka ba? Walang ganyan, okay? Hindi 'yun 'yon. Saka magkikita pa rin naman tayo mamaya, 'di ba? Ihahatid mo ako kina Miranda para roon ulit matulog."

He tsked. "Mamayang pang seven 'yun," nagmamaktol niyang sabi.

I giggled. "OA! Ilang oras lang naman 'yun."

He just smiled. It was kind of boyish. And he looked so fucking good looking.

Masuyo kong sinuklay ang buhok niya na tumatabing sa noo niya. Then I searched his eyes and caught his gaze. "Nasabi ko na ba sa 'yo na ito ang pinakamasayang birthday ko? Ever?" I choked on the last word.

He furrowed his eyebrows. "I can't remember."

I touched his cheek. "I'll say it just the same." I looked into his eyes. Straight. "Ito ang pinakamasayang birthday ko sa buong buhay ko, Robert Aldus. So, thank you. For everything. For all the effort."

He picnhed my nose the Robert Aldus way. "You deserve it. You are all worth it, Ashley Grace."

I bit my lower lip.

Hinawakan niya ako ulit sa dalawa kong kamay. "'Yung gift ko sa 'yo saka mo na buksan kapag wala na ako at ikaw na lang mag-isa, ha?"

Nasa loob na ng hotel room ang gift niya. Ibinigay niya sa akin kanina pagkahatid niya sa akin. Ang buong akala ko ay wala siyang gift. His suprises and presence were more than enough.

"Bakit?" I asked.

"Basta."

I rolled my eyeballs. "Duh. Ayan ka na naman sa basta mo," nakalabi kong sabi.

He chuckled. "Basta. You'll know."

I sighed. "Okay."

Silence. We were just holding each other's gazes and hands.

"Sige na," pagtataboy ko maski na ako ay nahihirapan din na aalis pa siya at mamaya pang seven kami ulit magkikita.

OA ka na rin, Ashley.

"Late ka na sa pratice n'yo. Baka pagalitan ka pa ni Coach Mar."

Bumuntong-hininga siya at pagkatapos ay marahan akong hinila at masuyo akong hinalikan sa sentido ko. "I'll see you later," tila malungkot niyang sabi. "Happy birthday."

"Thank you."

I love you, gusto ko sanang idugtong.

Umatras siya patalikod pero hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko. Basta magka-lock lang ang tingin namin.

Nginitian ko siya ng matamis. "Later, Aldus."

He smiley grinned. His dreamy eyes lit up. "Later."

Pagkatapos at dahan-dahan pa niyang binitiwan ang kamay ko pero hindi pa rin siya tumatalikod sa akin.

Natawa ako. "Sige na," pagtataboy ko.

Baka mamaya pigilan pa kita, gusto kong papilyang idagdag.

He playfully winked at me at pagkatapos ay tumalikod na at tinungo na ang elevator na nasa bandang kanan ng hallway. Nakita ko pang tila frustrated na napasuklay siya sa buhok habang naglalakad.

Ilang minuto muna ang pinalipas ko nang mawala siya sa paningin ko at saka ako humarap sa pinto at akmang bubuksan ko na sana iyon nang makita kong patakbong bumabalik si Bobby.

"Gracie..." Mahinang tawag niya sa pangalan ko.

My heart went wild. Bigla at nagrigodon ito at the sight of him. God, ilang minuto pa lang siyang nawawala sa paningin ko.

"Aldus? Why?... What?..." tanong ko.

Pero ang totoo ay tumalon ang puso dahil bumalik siya.

God, I couldnt get enough of him. My jerk, asshole and pervert Robert Aldus. My Aldus. My boyfriend for real.

Lumapit siya sa akin. He kept a fair distance between us. Not too close yet not too far.

He looked at me. Then held my gaze and lingered at it.

"I forgot something," he said, almost a whisper.

But I could clearly hear it.

Kumunot ang noo ko. "What?" I asked, sa halos pabulong ding tono.

"This..."

Then Bobby gently pulled me in his arms, cradled my face in his palms and captured my mouth in a passionate kiss.

Oh, God.

Continue Reading

You'll Also Like

27.5M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
39.8M 1M 49
She's pregnant and... a virgin.
134K 6.1K 75
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
1.4M 56K 57
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...