My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❀
#Team AshBy ❀
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing

33K 645 51
By dyosathewriter

ASHLEY

KUMAKATOK PA LANG si Bobby sa pintuan nina Miranda ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Inaaral ko na nga sa isip kung ano ba ang dapat na maging reaksyon ko o kung paanong ngiti ba ang dapat kong ibigay.

"Relax," bulong ni Bobby sa akin sabay pisil sa kamay kong hawak niya. Ang mainit niyang hininga sa tenga ko ay lalo pang nagpabilis ng kabog ng dibdib ko.

"'Wag ka ngang bulong ng bulong," naiiritang sabi ko.

Kumunot ang noo niya. "What's wrong with that?" he asked in a hushed tone. "I'm just trying to paficy you. You're fidgeting."

Kinamot ko ng isang kamay ko ang batok ko. "Eh, lalo lang kasi akong kinakabahan-"

"Hello, Bobby! Hello, Ashley!" masiglang bati sa amin ni Miranda na nagpaputol sana sa sasabihin ko.

Sabay kaming napatingin kay Miranda na mas niluwangan ang pagbukas sa pinto.

"Pasok kayo, pasok," excited na yaya niya. "Welcome to our humble abode, Bobby and Ashley." Napangiti siya ng maluwang. "Wow! Nagra-rhyme ang mga pangalan n'yo. Meant to be," nakangiting tukso niya sa amin. Full of energy si Miranda at ang ganda ng pagkakangiti niya.

Nakasuot siya ng shorts na halos hanggang tuhod na at isang yellow t-shirt na may nakasulat na pangalan ng isang hardware sa gitna. Naka-ponytail ang buhok niya.

You wouldn't catch me in that attire. God, never. Hindi ko kayang dalhin iyon. Pero si Miranda ay nagagawa pa rin niyang maging maganda kahit na simpleng-simple ang suot at ayos. Hindi lang siya aware kung gaano siya kaganda at marahil iyon ang nagpapa-attract sa kanya sa opposite sex. Her exotic beauty and brains.

Pareho kaming hindi nakapagsalita ni Bobby. Nakatingin lang kami kay Miranda dahil sa sinabi niya.

Meant to be? Sana nga.

"Ah, that means, meant to be rin kami ng Wifey ko kasi nagra-ryhme din ang mga pangalan namin," singit ni Lucas at masuyong tumingin kay Stasha. His tone was playful and teasing.

They were both seating on the long sofa. Magkatabi at magkahawak ang mga kamay.

Nakakunot ang noo ni Stasha habang nakatingin kay Lucas. "How?" she asked.

Maganda pa rin si Stasha katulad ng huli ko siyang makita nang huli kaming mag-usap sa The Coffee Shop. Pretty and regal. She looked happy and very much in love. Kung tingnan niya si Lucas ay parang ito na ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Sabagay, first year pa lang kami ay nahahalata ko ng may crush siya kay Lucas.

"Lucas Agoncillo. Stasha Agoncillo," he answered, smirking. His handsome trademark. "You're already married to me, Wifey. Twice, as far as I can remember. Nag-rhyme. So, meant to be." I saw his eyes twinkle.

I wanted to roll my eyeballs. But in fairness, nakaramdam ako ng kilig para kay Stasha. Lucas's love for Stasha was evident. Stasha pouted her lips.

"Awww!" maarte niyang sabi. "Now, we're really meant to be. I love you."

Nagsigayahan sina Miranda at Jorjina sa maarteng pag-awww ni Stasha.

"Wait," singit ni Jacob na nakatayo. His arms crossed over his chest. He looked at Miranda. "Hindi nagra-rhyme ang names natin. So, ibig sabihin hindi tayo meant to be?" May iritasyon sa boses niya habang salubong ang mga kilay.

Miranda rolled her eyeballs. "Sus, ang boyfriend kong suplado ay nagsusuplado na naman," aniya at nginitian si Jacob. "Sinong maysabi sa 'yong hindi nagra-rhyme ang mga pangalan natin?" Inilahad niya ang kanang kamay. "Miranda..." Pagkatapos ay ang isang kamay naman. "Maravilla... O, 'di ba nagra-rhyme? Swak na swak." She smiled at Jacob sweetly. "Meant to be na meant to be." Then she playfully wiggled her eyebrows at Jacob.

Unti-unti ay napangiti si Jacob. His gorgeous smile na kinakikiligan ng mga kababaihan sa HFU, including me.

Dati. Noong hindi ko pa napapansin ang sexy at gwapong smiley grin ni Robert Aldus Gallego.

"Come here, baby," he fondly said to Miranda.

Lumapit naman si Miranda kay Jacob at yumakap kay Jacob. Hinalikan naman ni Jacob sa ulo si Miranda.

Hindi ko maiwasang mapangiti. They deserved each other. They were meant to be.

Si Tres naman ay tumingin kay Jorjina na katabi niyang nakaupo sa magkadikit na dining chairs. Nakaakbay siya kay Jorj at patamad ang pagkakaupo. Ang mahaba niyang legs ay naka-stretch. Halatang at home at home.

Nakakunot ang noo ni Tres at magsasalita sana nang unahan siya ni Jorj. Malambing pa siyang hinampas sa tiyan. "O, 'wag ka ng mainggit. Kahit na hindi nagra-rhyme ang mga pangalan natin, nagra-rhyme naman ang mga puso natin. Mas swak 'yun. Meant to be na meant to be. Beyond words and endlessly pa," nakataas ang isang kilay na sabi ni Jorj.

Tres's mouth quirked upward. Hindi siya nagsalita but there was a smug look on his face. Halatang nasiyahan sa sinabi ni Jorj. Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ni Jorj. Maski ako ay napangiti.

I can see some Jorj in me with the way she treats Tres and me the way I treat Bobby. Minsan ay pinagsusupladahan namin pero love naman namin.

Ang kaibahan lang, 'yung love ni Jorj for Tres, known. Ang sa akin, unknown. Nakakatakot kasi akong ipaalam. Sigurado akong heartache lang ang mapapala ko.

Lumapit si Miranda sa amin. "Naku, pasok kayong dalawa. Ang tagal n'yong nakatayo, Bobby, Ashley-" Natigilan siya at napa-tsk. "Rhyme na rhyme. Meant to be na meant to be." Then she giggled. The kind of giggled that was teasing.

"Pero hindi kami, ha?" bigla kong depensa.

Shit, Ashley! You and your big mouth. Bakit kailangang sabihin pa iyon? You're such as bitch.

"Ayyy!" sabi ni Miranda. Si Jorjina ay tumaas ang isang kilay. Ayokong tingnan ang reaksyon ni Stasha. Lahat ay napatingin kay Bobby.

Bobby cocked an eyebrow at me. "Hindi ba tayo? Akala ko tayo..." His dreamy eyes bored into mine. Then he smirked.

Sinimangutan ko siya. "H-hindi 'no," I stammered.

"Tayo," he said with conviction. "Naging tayo n'ung birthday ko, 'di ba?" Merong isang pigil na pilyong ngiti sa labi niya.

"Ah, hindi pa kayo n'yan, ha?" nakataas ang isang kilay na singit ni Jorj. "Pero kung makaasta kayo daig n'yo pa ang kayo. Ayan nga at magka-holding hands kayo, o."

Napatingin ako sa kamay kong hawak ni Bobby. T-in-ry kong alisin pero hindi hinayaan ni Bobby. Mas hinigpitan pa ang hawak niya.

"We're just friends," I said, as casually as possible maski na nako-conscious ako sa ilang pares ng mga matang nakatingin sa amin.

Jorj rolled her eyeballs. "Narinig ko na 'yan... Sa showbiz." Then she smiled.

"Let them be, sweetheart," masuyong saway si Tres kay Jorj. "Parang tayo lang sila dati. Tapos sa bandang huli, mari-realize nilang head over heels in love sila sa isa't-isa."

Nagtawanan silang lahat. Pero meron pa ring awkwardness.

"Tayo naman talaga, 'di ba?" ani Bobby. Talagang ayaw magpaawat. Ano bang nakain ng lalaking ito?

Sumakay ka na lang kasi, Ash, payo ng sub-conscious mind ko.

"Pagkatapos mo nga akong sagutin n'ung birthday ko, we went on a road trip to-"

Pinandilatan ko siya. "Shut up. Gusto mong karate-hin kita sa t'yan?" banta ko.

He just laughed out loud at masuyo akong hinapit palapit sa kanya. Kasabay din ng pagtawa ng malakas nina Jorj at Tres. Then Bobby exhanged cryptic looks with Jacob and Miranda and smiley grinned.

Lumapit si Miranda sa akin at hinila ako sa kamay. "Kahit kayo o hindi kayo, basta ako ang naba-vibes ko, meant to be kayo. Halika at ipakikilala kita sa kanila," ani Miranda na ikinakunot ng noo ko.

But whe she smiled at me, I knew what she meant. Ipakikilala niya ako sa lahat bilang hudyat at paraan ng pagsisimulang muli. Katulad nang ipakilala niya ang sarili niya sa akin noong mag-usap kami.

To forget the past. To bury the hatchet. To start all over again.

At nang ngitian ko pabalik si Miranda, hindi man direktang lumabas sa labi ko ang salitang 'thank you', nasa mata ko naman ang pasasalamat sa kanya.

"Sina Lucas and Stasha," ani Miranda at itinuro sina Lucas at Stasha. "The Student Council President and his queen, Her Highness Stasha."

Nahihiyang tumingin ako sa kanila. And for the first time since I left for Brazil months ago, I met Stasha and Lucas's gaze. There was no resentment in their eyes. Nakahinga ako ng maluwag doon.

Biglang bumaha ng alaala ng huli naming pag-uusap sa coffee shop.


"We were friends, Ashley. Bakit nagawa mo iyon sa akin?" naghihinanakit na tanong ni Stasha.

Alam na niya ngayon na all the while ay may itinatago pala akong hinanakit at inggit sa kanya.

"All is fair in love and war. Ipinaglaban ko lang ang nararamdaman ko at naniniwala akong hindi ko iyon dapat ihingi ng paumanhin kahit kanino man," matapang kong sabi.

Iyon ang paniniwala ko. Iyon ang ginawa ko. That was my character.

"This is me, Stasha. It's either you hate me or love me," dugtong ko pa.

"I don't hate you, Ashley."

"But you don't love me either," mabilis kong sabi.

Tiningnan niya ako ng diretso sa mga mata. I did not see hatred in her eyes. Just sadness.

"I don't hate you, Ahsley," she reiterated. "Hanggang ngayon, itinuturing pa rin kitang kaibigan. Despite everything that you did, I still consider you my friend. May pagkakataon sa pagkakaibigan natin na pinatunayan mong tunay kang kaibigan. At hindi ko iyon kinakalimutan. Pero hindi mo ako masisisi kung maghinanakit ako sa'yo dahil sinaktan mo ako. You almost ruined kng anong magandang meron sa amin ni Lucas."

Hindi ako nakakibo. I was trying to contain my emotions. My lips quivered.

Do not fucking cry, Ash. Crying is a sign of weakness. And you are not weak.

Silence passed betwen us.

"I'm leaving for Brazil in a week's time," basag ko sa katahimikan. "I'm staying there with my mom-for good. Baka doon ko mahanap ang Jacob ko-Brazilian version."

And it was painful saying that. Alam kong walang makakapalit kay Jacob sa puso ko. I have loved him the moment I saw his handsome smile.

Pagkatapos ay nilingon ko sina Jacob at Miranda na kasama niya na magkatabing nakaupo sa isang table hindi kalayuan.

"Tell Miranda I am sorry for all the bad things I did to her-the bullying and all. Naniniwala akong dapat ko iyong ihingi ng tawad dahil alam kong mali iyon," sincere kong sabi.

I knew what I did to Miranda was the height of bitchiness. Baka nga hindi na ako mapatawad ni Miranda habang nabubuhay siya.

"Ashley..." Stasha said. She tried to hold my hand.

Agad kong iniwas ang kamay ko. "Oh, Spare me the drama, Stasha. Alam mong hindi ako mahilig sa drama." I waved my hand, dismissing her.

Stasha sighed. There was sadness and regrets in her eyes. "Para sa akin, magkaibigan pa rin tayo, Ashley. You will always be a friend to me."

'Tang 'Na.

I blinked several times. Hindi ko alam kung napansin niya ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Can you leave first?" I whispered. Hudyat na iyon na tinatapos ko na ang pag-uusap namin. "Hindi ko kasi gustong magpaalam ng personal kay Jacob. Nahihiya akong humarap sa kanya sa lahat ng mga pinagsasasabi ko sa kanya sa text a few days ago, professing again my love for him. I am so thankful that he's not the kiss-and-tell type of guy."

Tumango si Stasha at tumayo na. "Good luck to you. I hope you find your own happiness in Brazil."

"Thank you," matipid kong sabi. But it was a sincere and heartfelt one.


Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong nagsalita si Lucas.

"Hi, Ashley." Si Lucas na nginitian ako.

"Hi, Ash," masuyong sabi sa akin ni Stasha. "It's good to see you again. Really."

I bit my lower lip. Para hindi nila mahalatang nagiging emosyonal ako.

Tumayo si Stasha at niyakap ako. "I missed you," bulong niya sa garalgal na tinig.

I cleared my throat. Fuck shit, naiiyak ako.

Not now, Ash.

"I'm sorry," dalawang katagang sabi ko pero sincere at galing sa puso ko.

"Kalimutan na natin 'yun," naiiyak na sabi ni Stasha. "Tapos na 'yun. Ang mahalaga, you're here. Na-miss ko ang katarayan at kaartehan mo."

I pouted my lips. "Duh. Mas maarte ka." I giggled after.

"Hay, thank you, God," parang batang sabi ni Miranda at pinahid ang pamamasa ng mga mata.

Hinawakan ako ulit ni Miranda sa kamay at iniharap kina Tres at Jorj. "Si Tres," pakilala niya. "The great Alfonso Esquivel The Third. Number one supporter ng Artists' Club. And Jorj, Tres's one and only sweetheart. She's an Artists' Club member. Magaling kumanta."

"At your service, sugar," malambing na sabi ni Tres sa akin.

Kinilig ako sa pagtawag ni Tres sa akin ng 'sugar'. Kilala siyang nagbibigay ng endearments sa mga babae.

Umikot ang mga eyeballs ni Jorj pero mukha namang hindi nagseselos.

Jorj said hi to me at nginitian ko siya. Narinig ko ng kumanta si Jorj sa Talentadong Holyian. And she was really good.

"Esquivel...I'm here, in case you haven't noticed," saway ni Bobby. Parang may iritasyon sa boses na nang tingnan ko ay walang kangiti-ngiti sa labi.

Humalakhak si Tres. "Nagseselos yata ang friend mo, Ashley," pang-aasar niya.

Nagseselos? Ayoko nang paniwalaan ang salitang 'yan. Nakoryente na ako at masakit iyon.

I made face when I looked at Bobby.

"And this is Jacob Maravilla, HFU Roaring Lion's power forward," singit ni Miranda. "And me-" Itinuro niya ang sarili. "Miranda dela Cruz-"

"HFU's academic scholar, third year level rep, Inter-University Overall Mathtinik Champion and Math Tutorial Team Leader." Si Lucas. Halatang proud, like a kuya.

Jacob looked at Miranda with so much fondness. "My baby," malambing niyang sabi.

"My and Tres's baby. Our Neneng Biba, ang counterpart ni Totoy Bibo," Jorjina joked but there was fondness in her voice.

Ako rin ng mga oras na iyon ay gusto kong gawing baby na rin namin ni Bobby si Miranda. Ate nina Winnie at Po.

I smiled at the thought. When I caught Bobby's eyes, he was looking at me intently. I jerked my head up to acknowledge him. He smiley grinned.

"Neneng Biba Daldalera," tukso ni Jacob pero kakikitaan naman ng pagmamahal ang pagkakatingin kay Miranda.

Miranda pouted her lips exaggeratedly. "Ako na naman ang nakita n'yo," nagmamaktol niyang sabi.

Natawa sila. Surprisingly, pati ako ay nakisama sa pagtawa nila na para bang kasama na ako sa group joke nila.

Lumapit si Jacob kay Miranda at hinalikan ito sa buhok.

"Wait," ani Miranda at kumalas sa pagkakayakap ni Jacob. "Kumain na ba kayo?" tanong niya sa amin ni Bobby.

Si Bobby ang sumagot. "Kumain na kami-"

Naglungkut-lungkutan si Miranda. "I-snub-in n'yo pala 'yung niluto kong chicken adobo."

Nagkatinginan kami ni Bobby.

"No," mabilis na sagot ni Bobby. "Kakain ulit kami para matikman ang adobo mo." Bobby glanced at my direction. "'Di ba?"

Mabilis akong tumango."Yeah. Kakain ulit kami."

Tama si Bobby na sa sobrang bait at sweet ni Miranda, hindi mo siya magagawang tanggihan.

Parang batang pumalakpak si Miranda. "Yehey! At dahil d'yan ay magchi-chicken dance ako."

Pagkatapos ay inilagay niya ang magkabilang-kamay sa ilalim ng kilikili at nagsayaw na parang manok. Parang bata. Kapag kasama mo siya parang malilimutan mo lahat ng sama ng loob mo sa mundo at maiisip mong mahal ka pa rin ni God.

And from that moment, I realized, I now loved Miranda dela Cruz. Handa ko na rin siyang protektahan sa mga aaway sa kanya tulad ng ginagawa ng mga kaibigan niya sa kanya.

Pagkatapos na magpakitang-gilas ni Miranda sa pagchi-chicken dance ay inaya niya kami ni Bobby sa tapat ng isang kuwarto.

Kumatok si Miranda. "Lolo?"

"Apo..." Narinig naming mahinang sagot ng isang matandang lalaki.

"Labas ka muna sandali kasi may ipapakilala lang akong bagong kaibigan."

"Alam ba niya ang tungkol sa?-"

Miranda waved her hand. "Tapos na 'yun, Ash. Hindi na kailangang malaman ni Lolo." She smiled genuinely.

Pagkaraan ng ilang saglit ay bumukas ang pinto at lumabas mula roon ang isang matandang lalaki na nasa mid-sixties or early seventies.

Ang lolo ni Miranda.

"Good evening, lolo," nakangiting bati ni Bobby at nagmano. Ginaya ko ang ginawa ni Bobby at nagmano rin.

"Si Ashley, bago kong kaibigan," pakilala ni Miranda. "Si Lolo Jose ko, paternal lolo ko."

"Nice to meet you, Ashley," sabi ni Lolo Jose.

"Mabuti naman po," kiming sagot ko. Parang principal ang tono ni Lolo Jose. Nabanggit ni Bobby na matagal na naging principal ang lolo ni Miranda bago nagretiro.

"Ka-batch siya nina Stasha. Kaya lang nag-stop s'ya," pagkukuwento ni Miranda.

"Aba'y, bakit naman?" curious na tanong ni Lolo Jose na bahagya pang kumunot ang noo.

Nagkatinginan kami ni Miranda. "May kailangan kasi s'yang ayusin sa Brazil para sa mommy n'ya kaya nag-stay s'ya r'on ng three months."

Tumangu-tango si Lolo Jose. "Bumalik ka na lamang sa pag-aaral, apo," aniya sa akin. "Mas mainam pa rin ang nakatapos ng pag-aaral at may diploma kang pinanghahawakan. Lalo pala at nasa ikahuling taon mo na sa kolehiyo."

Tumango lang ako at ngumiti. Alam ko na kung kanino nagmana si Miranda sa pagbibigay ng mga words of wisdom.

"Ah, Lolo, okay lang po ba kung dito magpapalipas ng gabi si Ashley?" tanong ni Bobby at pagkatapos ay makahulugang tumingin kay Miranda.

"Walang problema, apo. Ang lahat ng kaibigan at nag-iisang ka-ibigan ng apo ko ay welcome na welcome. Bukas ang tahanan namin. Mainam nga 'yan at dumarami ang mga kaibigan nitong apo ko." Then he lovingly looked at Miranda na ginantihan naman ng isang matamis na ngiti ng apo niya.

Nakaramdam ako ng inggit kay Miranda na kahit wala na siyang mga magulang ay hindi naman nagkukulang ang lolo niya sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.

Samantalang ako ay hindi kinikilala bilang apo ng paternal grandparents ko. Lalo pa at anak ako sa isang 'hwana' o isang pinay at hindi chinese na katulad nila.

Tinapik ni Lolo Jose si Bobby sa braso. "Pasensya na mga apo kung hindi ko na kayo maiistima. Maaga kasi akong dinadalaw ng antok. Ganito siguro kapag matanda na. Just feel at home, no?"

"Naku, okay lang po. Thank you so much po sa pagpapatuloy sa akin."

Isang maluwang na ngiti ang iginanti ni Lolo Jose sa akin.

"Ihahanda ko lang ang pagkain para makapag-dinner na tayo," sabi ni Miranda at pumunta na sa kusina.

Naiwan kami ni Bobby malapit pinto ng kuwarto ni Lolo.

Samantalang sina Stasha at Jorjina ay tumayo para tulungan si Miranda sa paghahanda.

Stasha changed a lot. Hindi ko naisip na makikita ko si Stasha na tutulong sa gawaing-bahay maski na ang paghahanda lang ng mesa.

But she was doing it. Miranda was a good influence.

Si Jacob ay tumayo at tumabi kay Miranda. Pagkatapos ay may ibinulong. Napangiti si Miranda at tumingin sa amin.

I raised an eyebrow at Miranda and mouthed 'what?'. But she just smiled.

Marahan akong hinawakan ni Bobby sa siko at iniharap sa kanya. Nakatalikod na ako sa kina Miranda.

"D-in-eny mo ako sa kanila," mahinang sabi ni Bobby na may masuyong akusasyon sa boses.

Alam kong hinihinaan niya ang boses dahil baka marinig ng iba. Ang bahay kasi nina Miranda ay walang partisyon maliban sa mga kuwarto. Nariyan lang nakaupo sina Lucas at Tres sa sofa. At sa kusina na hindi naman kalayuan ay nakatayo ang tatlong babae at si Jacob na inaagaw kay Miranda ang mga pinggan at siya na ang naglalagay sa mesa.

I bit my lower lip at nahihiyang tumingin sa kanya. I couldn't meet his dreamy eyes longer. "Eh, kasi nahihiya ako."

"Ikinahihiya mo ako?" kunot-noong tanong niya.

"Hindi," mabilis kong sagot sa mahinang boses. Para lang kaming nagbubulungan sa hina ng mga boses namin. "Hindi ikaw kundi 'yung kabaliwan at kagagahan ko," nahihiyang sabi ko.

Napangiti siya sa term na ginamit ko. His dreamy eyes studied my face. Did I see fondness with the way he looked at me?

Ash, ayan ka na naman, saway ko sa sarili. Do not give yourself false hopes.

He gently pinched my chin. "Sa lahat ng kabaliwan at kagagahan, ang nangyari noong araw ng birthday ko ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko dahil nagkaroon ako ng feisty yet sassy, mean but funny and sexy girlfriend na tulad mo."

I pursed my lips. Kinikilig ako sa sinabi niya. Nakadagdag kaya sa kilig na nararamdaman ko iyong tila halos pabulong niyang sabihin iyon. Just for my ears only.

Oh, fucking shit.

I cleared my throat. "Nagpapasalamat din naman ako sa kabaliwan at kagagahan kong 'yun dahil nagkaroon ako ng three-in-one make-believe boyfriend. O, 'di ba parang instant coffee lang?" I joked.

Natawa nang malakas si Bobby kaya naman pinandilatan ko siya. Alam kong napatingin silang anim sa direksyon namin.

He pinched my cheeks. "Cute mo."

I pouted my lips. God, masyadong pabebe ang pagkaka-pout ko sa lips ko.

He scratched his chin without taking his eyes off me. Ganyan siya madalas, may gagawin but he wouldn't take his eyes off me. "Three-in-one make-believe boyfriend," ulit niya sa dahan-dahang pagbigkas ng syllables. "Let's decrypt the-" He quote-unquote sign. "Three-in-one."

Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi ko. "Jerk, asshole and pervert."

He chukled making his adam's apple vibrate.

Napangiti alo. Ang lakas talaga ng dating sa akin ng adam's apple niyang iyon. Isang araw ay sasamantalahin ko ang pagkakatong mahalikan ulit ang adam's apple na iyon.

"And the make-believe?" he enquired while cocking an eyebrow at me.

Nakaramdam ako ng kurot sa puso sa salitang iyon. "From the word itself..."

"Make-believe... Not real...Pretend..." pagbibigay niya ng kahulugan sa salitang 'make-believe'.

I met his gaze. Pero sandali lang dahil natatakot akong makita niya ang longing sa mga mata ko.

Longing na sana ay maging real na ang make-believe.

He licked his lower lip. "I kinda' like the three-in-one," he said while his dreamy eyes intently looking at me. He was oblivious sa ingay na likha ng mga plato, kutsara at mga dining chairs na inaayos sa kusina

Ang intensidad ng tingin niya ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"But I don't like the make-believe," he continued in a serious tone without losing the intensity of his gaze to mine.

Me either, gusto kong sabihin. I hate it, in fact.

But I just bit my lower lip para mapigilan akong sabihin iyon.

"At kailangang magawan ng paraan 'yun, don't you think so?"

Fucking shit!

Kumunot ang noo ko. "H-how?" I asked, like a whisper.

He held my gaze a little longer. Parang may gusto siyang patunayan sa pakikipagtitigan na iyon. "Let's make it real, then."

Nanlaki ang mga mata ko. Parang sasabog ang puso ko sa narinig ko mula sa kanya.

Putang ina. Gusto kong kurutin ang sarili ko. Totoo ba ang narinig ko?

Kung ako pa rin ang Ashley some months back, I would have had challenged him and would probably flirted with him-head on-with that statement.

Pero hindi na ako ang dating Ashley Grace Lim. Ang dami ng nabago sa akin. Dahil kay Bobby.

Magugunaw na ang mundo, Ash. Nagbago ka na kasi.

Sa hindi ko malamang kadahilanan, ang ginawa ko ay tinalikuran ko siya at nagpunta sa kusina. Wala sa sariling inayos ko ang placemat at plato na nakapatong sa mesa.

Just to fucking distract me.

Let's make it real...

I pursed my lips to suppress a smile habang nakatungo.

Pero nang mag-angat ako ng tingin ay apat na pares ng mata ang nakatingin sa akin. Nakahinto lahat sila sa ginagawa nila at nakatingin lang sa akin. At pagkatapos ay lumampas ang tingin sa likuran ko.

Bobby was already standing behind me.

"Sinong may gusto ng chichirya?" he asked in a loud voice. "Bibili kami ni Gracie sa convenience store sa kanto." He held my hand then intertwined his fingers with mine-as if telling me that he has no intention of letting me go.

'Tang 'na. 'Tang 'na.

"Ako!" excited na sabi ni Miranda. Itinaas pa niya ang kamay at pagkatapos ay siniko si Jacob, prodding him to do the same.

Kaya naman itinaas ni Jacob ang kamay niya. "Me, too."

Si Jorj ay naging makahulugan ngiti nang magkatinginan kami. "Ako rin," aniya habang kaswal na inaayos ang mga baso sa mesa.

Si Stasha naman nakakunot ang noo na nagpalipat-lipat ang tingin mula kay Miranda papunta sa akin. Pagkatapos ay may ibinulong si Jorj sa kanya at napangiti siya.

"Gosh, ako rin. Gusto ko ng chichirya."

"Okay, got it. Let's go, Gracie," sabi ni Bobby at masuyo akong iginiya palabas ng pinto.

"Take your time, Gallego," pilyong sabi ni Tres at sumaludo pa. Lucas pasted a teasing smirk on his lips while looking at us.

HABANG NAGLALAKAD KAMI papuntang convenience store ay wala kaming kibuan. Pero magkahawak ang kamay namin. Naghiwalay lang ang mga kamay namin nang pumasok kami sa loob ng convenience store.

Hindi ko alam kung bakit imbes na sa stall ng chichirya kami mapunta ay naglakad ako papuntang stall ng mga roll-on at deodorants. I looked at the different brands of deodorant blankly.

Si Bobby na nakasunod sa likod ko ay kinuha ang mga kamay ko at iniharap ako sa kanya.

Mataman siyang tumingin sa akin. "Stop running away," he gently said, more of pleading. "Stop building walls..."

Napalunok ako. "I am not," halos bulong kong sabi. Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Then why did you just turn your back on me a while ago?" may akusasyon sa tinig niya.

"Because I was and I am fucking nervous," I explained through gritted teeth.

May ilang kabataan ang nasa counter ang napapatingin sa amin. Meron nga sanang lalaki ang pupunta sa stall ng deodorant pero nang makita kaming nakaharang doon at seryoso ang pag-uusap namin ay hindi na nagtuloy.

Bobby raked his fingers through his hair. "I am nervous as hell, too!"

Awkward silence.

Hinawakan niya ang magkabilang-kamay ko. "Listen, Gracie-" Bumuntong-hininga siya. "I am not much into-words-type of guy. I am more of actions." He bit his lower lip and smiled.

Oh, God. That was fucking sexy.

"I am an action man. At siguro naman, maski hindi ko direktang sabihin, alam mo at nararamdaman mo namang gusto na kita, 'di ba? Gustung-gusto. My funny, sexy, sassy girl."

Fucking shit. Gusto? Pero agad din akong napaisip. Gusto lang? Hindi mahal?

Shit, Ash. Akala ko ba kuntento ka na sa kung ano lang ang mai-offer niya?

"Ayoko kasi ng itinatago at d-in-eny ako, eh," he continued. "Ayoko rin naman ng nagdi-deny at nagtatago. It isn't me."

"I am just protecting your image. Hindi magandang ma-link ka sa akin."

Marahan siyang umiling. "I don't need you protecting me. I want to do otherwise-me protecting you with all my might. Iyon ang gusto kong gawin."

Hindi ako nakapagsalita. Ramdam ko ang sincerity sa boses niya. And God, naiiyak ako.

"I don't want the make-believe thing, Ashley Grace," he fondly said. "I want the real thing. So, I think we should level up our relationship from make-believe to the real thing. Let's make it real," masuyong sabi niya at dinala ang likod ng palad ko sa bibig niya and planted a soft kiss there-without taking his dreamy gaze off me.

I pursed my lips and nodded. Ito na ang matagal ko ng hinihintay at hinding-hindi ko ito palalampasin. "I agree. I want that, too," pag-amin ko sa kabila ng malakas na pagtambol ng dibdib ko.

Gusto kong tumalon. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak.

God! This is the best birthday gift for me. Kung si Bobby ang katapat ng lahat ng heartaches, pasakit, takot at luha na dinanas ko sa buhay, I would be willing to through all those again. Dahil alam kong may darating na Robert Aldus sa buhay ko na na magpapasaya sa akin.

Unting-unting sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa maging smiley grin iyon.

The smiley grin I most love now.

Pagkatapos ay napahilamos sa mukha at saka nagbuga ng malalim na hininga. "Whoa! Finally."

Napangiti rin ako. "Yeah, finally." Maski ako ay gumaan ang pakiramdam.

He fondly pinched my nose-the Robert Aldus way-using his back index and middle finger. "For real."

I smiled. Maybe too prettily because of happiness. "For real. No more make-believe thing. Just the three-in-one." May pilyang ngiti sa labi ko.

He laughed out loud.

Humarap ako sa stall ng mga deodorant. Noon ko lang talaga napagtuunan ng pansin ang mga roll-ons at deodorants.

I giggled and shook my head. "Chichirya ang sadya natin bakit napunta tayo sa mga deodorants?"

Humarap din siya sa stall ng deodorants. "I don't know with you. Dito ka pumunta, sinundan lang kita."

Wala sa loob na hinawakan ko ang isang roll-on. "God, I am so fucking happy." I glanced at him sideways.

"Ditto, Gracie."

Pagkatapos ay inilagay niya ang kamay sa isang bulsa ng backpocket ng pants ko. I did the same with him.

"Anong date na ang anniv natin?" wala sa sariling tanong ko. Off all questions, iyon pa ang sumagi sa utak ko. The important moments happened on his birthday and technically my birthday.

He licked his lower lip. "I think we should stick to my birthday. Doon naman nagsimula ang lahat." He glanced at me sideways and smiled. "What do you think."

"I like that."

"And I love that."

Dumampot ako ng dalawang deodorant. Sweat Off ang tatak ng deodorant. Isang panlalaki at isang pambabae. Ibinigay ko sa kanya ang panlalaki habang hawak ko ang pambabae. "His and her. Remembrance. To commemorate this day," sabi ko habang natatawa.

Deodorant? Seriously, Ash?

He looked at me fondly. "Fries always remind me of you. But not anymore. It will be deodorant now. Sweat Off deodorant." Isang nanunuksong ngiti ang lumitaw sa labi niya. His dreamy eyes were also teasing.

The dreamy eyes I will forever love.

Natawa ako ng malakas. Kinarate ko siya sa tiyan gamit ang isang kamay ko. "You, fucking A-hole," I fondly teased.

Natatawang inalis niya ang kamay sa backpocket ko at iniyakap ang mga braso sa akin. "For real, my funny, sexy and sassy Ashley Grace?" paninigurado niya sa malambing na tono.

Yumakap din ako sa kanya. "For real, my jerk, pervert, asshole Robert Aldus."

I am happy. Thank you, God.

Continue Reading

You'll Also Like

29.1M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
27.4M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
275K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...