ASHLEY
"'WAG MO NA akong ihatid sa pinto," sabi ko kay Bobby matapos niyang ihinto ang kotse niya sa tapat ng bahay namin pagkagaling namin sa Bulacan.
Kanina sa sasakyan ay wala kaming kibuan. Parang nawala na rin ako sa mood magsalita nang sabihin niyang hindi siya nagseselos.
Napahiya kasi ako. Napaka-assumera ko lang.
So I just kept quiet. Which was unlikely of me pero tiniis ko. Sabi nga nila, less talk, less mistake.
Akala ko ay tuluy-tuloy na magtatapos ang gabing ito na masaya ako dahil nagkaayos na kami ni Miranda at nakuha ko na ang closure ko kay Jacob.
Kay Bobby pala ako magkakaproblema. Bigla-biglang tinopak. Naisip siguro si Kate. Na baka nami-miss niya ang double date nila nina Miranda at Jacob kasama si Kate.
"No, I insist," aniya at akmang bubuksan ang pinto ng kotse.
Agad ko siyang pinigilan. "'Wag na," pigil ko. "Okay lang."
Nagtama ang paningin naming dalawa. He was still not smiling. His dreamy eyes looked bothered.
"Thank you," I said, almost choking.
Bakit ba emosyonal ako ngayong gabi na 'to? Si Miranda kasi, eh. Pinalambot ang puso ko.
He fondly pinched my nose and half smiled.
Hindi kaya gusto na niyang makipag-break? tanong ko sa isip.
Shit! That thought made want cry.
"M-magkikita pa naman tayo bukas, 'di ba?" alanganin kong tanong.
All my fears were in that question. Sana hindi niya mahalata. I already gave myself too much na hindi ko ginawa.
I was always guarded. Naglalagay ako ng wall para hindi ako makaramdam ng ganito. But now I was defenseless.
"Babalik ka pa naman bukas, 'di ba?" tanong ko pa, insecurities overflowing.
"Yeah."
Maski paano ay nakahinga ako ng maluwag. Maski na monosyllabic ang sagot niya.
It was enough.
I cupped his face and gave him a quick kiss on the lips. "You take care." I said. I always say that.
Pagkatapos ay agad na bumaba ng kotse at tinakbo ko ang main door. Bago ko isara ang pinto ay tiningnan ko siya. Kumaway ako sa kanya at ngumiti.
Isang matipid na ngiti ang iginanti niya sa akin at itinaas ang kamay bilang pagpapaalam. Pagkatapos ay pinaandar na ang sasakyan.
Nakaramdam ako ng lungkot nang maisara ko ang pinto. Ibinato ko ang clutch ko sa sofa, hinubad ang stiletto ko at halos pahigang sumandal sa couch. Nakatitig ako sa kisame habang laman ng utak ko si Bobby.
What went wrong? God, what went wrong?
Nang kumain ba kaming apat sa labas ay na-realize ni Bobby na nami-miss niya si Kate at sana ay si Kate ang kasama niya imbes na ako?
Iyon na ba 'yun?
At ngayon ay nag-iisip na siyang makipag-break sa akin at iwan ako? May parang sumuntok sa dibdib ko sa thought na 'yun.
God naman, eh. Hindi pa ako ready.
Nag-init ang magkabilang-gilid ng mga mata ko. 'Eto na nga ba ang sinasabi ko. Wala naman kasi sa usapan na ma-fall ako kay Bobby. Ang sabi ko lang kasi, I will just have fun and make crazy things together with him.
Not fall in love.
Tumulo ang luha sa isang gilid ng mga mata ko at agad ko iyong pinahid. Mabuti at nasa itaas na si Tita Liezel. Kung hindi, katakut-takot na interogasyon ang mangyayari.
Minsan parang ayoko ng maging masaya. Dahil pagkatapos ng saya-kahit konting saya lang-lungkot kaagad ang pumapalit.
Para bang wala talaga akong katapatang maging masaya. Siguro parusa sa pagiging bitch ko.
Tumayo ako at binuksan at TV. Isinalang ko ang paborito kong Disney movie. Belle and Beast might cheer me up.
Pero ilang minuto nang umaandar ang pelikula ay na kay Bobby pa rin isipan ko.
Sana imagbalik pa rin siya bukas. Sana 'wag siyang makipag-break. Sana 'wag niya akong iwan, piping dasal ko. Nagmamakaawa na ang tono ng dasal ko.
Dapat makondisyon ko muna ang utak ko na hindi siya sa akin. Na pansamantala lang ito.
At siguro ang dapat ay tanggapin ko na lang kung ano lang ang meron kami. Hindi na ako maghahanap pa. Hindi na ko aasa pa ng mas higit doon.
His company was more than enough. His presence. Kahit hindi niya ako love, tatanggapin ko. Kahit ibang babae ang nasa puso niya, kahit masakit, tatanggapin ko. basta and'yan lang s'ya sa tabi ko.
Bobby made me happy. I wanted the happiness to stay, kahit ilang buwan lang. I swallowed para pigilan ang pag-iyak.
You sounded like your mom and Tita Liezel, Ash, sabi ng isang parte ng utak ko. You sounded like a mistress.
Lumabi ako. Nagsimulang mabasa ang mga mata ko ng luha. I blinked the tears away. Mapakla akong napangiti.
Sabi ko sa sarili, I will never be like mom and Tita Liezel. But now, technically, I sounded like a mistress.
Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Life. And the bitchiness of it.
Maybe it was time to build a wall again. Iyong matibay na matibay.
Tumayo ako para sana magpunta sa kusina nang tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ko.
Please don't be the Congressman, naisip ko. Ayoko ng umalis pa dahil gabi na.
Sumilip ako sa peephole at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang nasa labas.
Si Robert Aldus.
Nakayuko siya at parang nag-iisip.
Nagmamadali at nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang pinto.
And then I held gazes with the dreamy eyes I will never ever forget as long as I am living.
His hands were inside his front pockets.
Keep calm, Ash. And be casual.
"B-bakit ka nagbalik?" Failed. Nasa boses ko pa rin ang kaba.
Matipid siyang ngumiti.
I am missing your smiley grin, Robert Aldus.
Then he scratched the back of his head. "Na-miss kita kaagad, eh," he said with a note of tender affection.
Oh, God.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I tiptoed, snaked my arms around his neck and buried my face in his neck.
Naiiyak ako. Fuck shit, Ashley Grace! Do. Not. Fucking. Cry.
He embraced me. Tight. I felt his lips on my temple. Giving me light kisses.
"Christ, Gracie...I don't know what to do anymore..." Parang hirap niyang sabi. There was so much frustration and desperation in his voice.
Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. I cradled his face in my palms, looking intently into his dreamy eyes. "Don't say any word," I whispered then shook my head vehemently. Hindi na importante ang sasabihin niya. Ang importante ay narito siya. "Please don't say anything..."
Then I kissed him on the lips urging him to kiss me back.
I needed him to kiss me back. To reassure that me he was here. He came back. He was real and not just a figment of my imagination.
Lahat ng sinabi ko tungkol sa paggawa ulit ng matibay na matibay na pader ay nilipad na ng hangin. Sa malayung-malayo.
He obliged and kissed me back. Passionately and crushing his lips to mine. Ang halik niya ay tila nagpaparusa. Na lahat ng frustration at desperation niya sa hindi ko alam na dahilan ay ibinuhos niya sa halik.
The reason being Kate? My brain was playing devil's advocate.
'Tang 'na! Ayokong isipin iyon ngayon. Ang mahalaga, narito siya at yakap ko.
And I was in my most comfort zone-his hug.
When we stopped kissing, habol namin ang mga hininga namin. His breathing was ragged. His eyes peering down to mine.
Pero saglit lang iyon dahil hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at hinalikan muli, as passionately but not as punishing. I put my arms around his neck, raking his hair through my fingers.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay hinila ko siya papuntang kitchen. Baka kasi bumaba si Tita Liezel, tiyak na makikita niya agad kami.
Pagdating sa kitchen ay hinalikan ko agad siya. He responded back with so much ardour.
Itinaas ko ang polo niya at ipinasok doon ang mga kamay ko. I gently ran my palm on his stomach. Napahigit siya ng hininga. "Jesus, Gracie..."
Umupo siya sa dining chair at masuyo akong hinila paupo sa kandungan niya nang nakaharap sa kanya.
Oh, hello, bulge... I can feel you again...
Napahigit ako ng hininga nang maramdaman ko iyon.
We were on eye level now. Ang mga kamay ko ay nakapulupot sa batok niya habang masuyong sinusuklay ang buhok niya sa likod.
Nag-lock ang paningin namin. Masuyo niyang inipit ang buhok ko sa gilid ng tenga ko.
Then he started to kiss my eyes. It was a featherlight kiss. Napapikit ako habang nakangiti. Pagkatapos ay sa tungki ng ilong ko. Pagkatapos ay sa lips ko, papunta sa gilid ng tenga ko pababa sa leeg ko.
He was doing all of it without saying a single word. Naririnig ko lang mga paghigit niya ng hininga.
Pagkatapos ay ibinaon niya ang mukha sa gitna ng dibdib ko. Na parang pinakikinggan ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Pumasok ang mga kamay niya sa loob ng skater's skirt ko at mula sa puwitan kong nakasuot ng black boyleg lace underwear at hinapit pa niya ako palapit aa kanya.
I felt his bulge jolt a little. It made me inhale sharply.
Then his dreamy eyes shifted back at me, scanning my face. I fondly cupped his face nd smiled at him. He kissed my hand without taking his eyes off me. Hinawi ko ang buhok na pumupunta sa noo niya.
"'Yung tungkol nga pala sa pinag-usapan namin ni Jacob kanina..." sabi ko.
Feeling ko kasi ay baka doon nagsimula ang topak niya.
Baka ayaw niya ng pinaglilihiman siya. Hindi ko na lang sasabihin sa kanya na tinutukso ako ni Jacob sa kanya. Baka malaman pa niyang nagkakagusto na ako sa kanya.
Ayoko na ulit mapahiya. Naman. Masakit na sa pride, masakit pa sa puso.
He sighed then slighty shook his head. "I don't want to talk about it anymore. I don't want to even hear about it," he said in a serious tone. His eyes never leaving mine. "I realized that as long as we're having fun, it's good. We're good. Ours is just between us. Between you and me. Just you and me, Gracie. That's all that matters. You and me, okay?" He then gently traced the corner of my lips.
I nodded in agreement and smiled. "Me and you. Gracie and Aldus. Aldus and Gracie."
"Yeah," he agreed then kissed me again passionately.
And that was all that matters. As long I he was with me, that was all that matters.
"Gusto mong mag-dessert? May-"
A naughty smile crossed his lips. "I am having one right now, ain't I?" His eyes danced with amusement.
I giggled. "Literal na dessert, Perv," sabi ko sabay irap.
He chuckled. And smiley grinned.
God, finally. That sexy smiley grin. Oh, hello, Aldus's sexy smiley grin. We meet again.
Kumawala ako mula sa pagkakayakap niya at tumayo. Pero parang gusto kong magsisi. I was out of my comfort zone.
Tinungo ko ang ref at sinilip ang laman niyon. "May b-in-ake na moist brownies si Tita Liezel kanina," sabi ko at inilabas ang brownies mula sa ref.
Inilapag ko iyon sa mesa at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Pumiraso ako sa brownies.
"Open your mouth... Ahh..." masuyong utos ko at inilapit ang piraso ng brownies sa bibig niya.
Parang masunuring bata na isinubo niya ang brownies.
Pagkatapos ay nagulat ako nang dahan-dahan niyang isubo ang hintuturo ko at pagkatapos ay ang hinlalaki ko para maalis ang naiwang bakas ng brownies.
He was holding my gaze while doing that. Then gave me a sexy smirk after that.
It was a bold move. Ang sensasyong dulot niyon ay kumalat sa buong katawan ko.
Napalunok ako. More than the sensation in my body, it was the happiness I feel in the inside that was more important.
Masuyo kong hinimas ang pisngi niya gamit ang isa kong kamay. "I'm glad that you came back, Aldus," malambing kong sabi.
His dreamy eyes twinkled. "I'm happy that I did, Gracie."
PARANG WALA AKO sa sarili habang nagda-drive. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta.
Nasa bahay lang ako kanina at naghihintay lang sana sa pagdating ni Bobby mamayang bandang alas siyete nang biglang dumating si Congressman.
At tulad ng dapat kong gawin, dapat akong umalis sa bahay ni Tita Liezel kapag nariyan si Congressman dahil ayaw ni Congressman na may iba silang kasama ni Tita Liezel.
Iyon ang dahilan kung bakit nagro-road trip ako.
Dahil wala naman akong ibang pwedeng puntahan, kung saan-saan na lang ako pumupunta at kung saan ako abutan ay doon na ako maghahanap ng hotel na matutulugan.
Sanay na ako roon. Ganoon din ang gawain ko kapag inaaway ako mg mga kapatid ko at sa Brazil kapag ayokong maiwan sa bahay na si Tiago lang ang makakasama ko.
Okay lang sa akin. Sanay na ako. But this time it was different.
It was my fucking birthday tomorrow.
And I did not know what hit me to be melancholic about it. Na parang awang-awa ako sa sarili ko na napilitan akong lumabas mag-drive sa kalsada na walang definite na pupuntahan dahil ayaw akong makasama ng ibang tao sa bahay.
A day before my fucking birthday. How pathetic can I get?
Dalawang beses kong tinawagan si Bobby pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya.
At iyon ang lalong nagpapasidhi ng awa ko sa sarili.
Plus the fact that nobody even remembered that it would be my birthday tomorrow.
Wala man lang feeler na naaalala nila. Ni Mommy. Ni Daddy. Ni Tita Liezel. Not even Bobby. Or worse, baka hindi pa alam ni Bobby na birthday ko bukas.
Pathetic, sabi ko sa isip.
And I was hurt.
Inihinto ko ang sasakyan sa tabi ng isang fastfood. Baka makasagasa pa ako or worse ay maaksidente pa ako kung ipagpapatuloy ko ang pagmamaneho nang wala ako sa sarili. Iniuntog ko ang noo ko sa manibela.
Sanay naman akong walang nakakaalala ng birthday ko. Sanay na ako.
Pero bakit sa pagkakataong ito ay iniinda ko ang sakit.
Nahinto ako sa pag-iisip nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha mula sa bag. It was Bobby calling.
Parang gusto kong maiyak nang nakita ko ang pangalan niya sa screen. Kanina pa kasi ako tumatawag sa kanya. Dalawang beses iyon At Ngayon lang siya nakasagot.
"Hello..." sagot ko.
"Gracie, you called..." aniya.
"Busy ka ba?" agad kong tanong.
"Nagpa-practice kami. Nag-water break lang kaya nakita ko ang missed-"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Busy ka nga," putol ko. "Bye."
Pagkatapos ay ibinalik ko ang cellphone sa bag ko.
You're being a bitch, Ash, paalala ko sa isip ko.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Si Bobby iyon. Hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko lang ang nari-ring kong telepono.
Nag-init ang magkabilang-sulok ng mga mata ko. Pakiramdam ko kasi ay inaapi ako. O emosyonal lang ako kasi birthday ko bukas? Nagiging emosyonal ba ang tao kapag malapit na ang birthday niya?
Walang tigil ang pagri-ring ng telepono ko habang nakatingin lang ako.Maya-maya ay huminto iyon at isang text messages ang pumasok.
Answer your phone, Gracie. Now. PLEASE.
Isang text message ulit ang pumasok.
Please?
Nang mag-ring ulit ang telepono ko ay sinagot ko na iyon.
"God, Gracie..." aniya na parang nakahinga ng maluwag. "You had me worried..."
"Sabi mo kasi busy ka," may akusasyon sa tinig ko.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga niya. "Wala akong sinabing busy ako. As far as I can remember, ang sabi ko ay nasa practice ako kaya hindi ko narinig ang tawag mo."
Narinig kong may tumawag sa apelyido niya.
"Coming, Coach. I'll be there right away," narinig kong sigaw ni Bobby sa tumawag sa kanya.
"I will never be busy when it comes to you, Gracie," malambing niyanh sabi sa akin pagkatapos. "What is it?"
Natahimik ako sa kabilang linya. Ang arte-arte mo, Ashley.
"What is it, Gracie? Come on, tell me," he fondly prodded me.
I bit my lower lip.
"Gracie?..."
"Bro, tawag na tayo ni Coach." Boses iyon ni Jacob.
"One minute, Cobi. This is an important call."
Important call. Important. Napalunok ako.
"Gracie, please, tell me..." nagsusumamo ang tinig ni Bobby.
"And'yan kasi si Congressman ngayon sa bahay. Pinaalis muna ako," mabilis kong sabi.
"Hell! Where are you now?" parang natataratang tanong niya. Are you okay?" concern niyang tanong.
Nilinga ko ang paligid ko. "Somewhere..."
"Shit!" bulalas ni Bobby. "Go to Grandeur Hotel. Wait for me at the lobby. Doon tayo magkita. Doon kita susunduin. Magpapaalam lang ako kina Coach," natatarantang sabi ni Bobby.
"Okay," wala sa sariling sabi ko.
"'Stay there. Wait for me. I'll be there quickly. Okay?"
"Okay," matipid kong sagot. "Sige na, tinatawag ka na nila."
"Okay. I'll see you." It was like a promise.
Para naman akong nakahinga. I won't be alone.
"Gracie?..."
"Yeah?"
"Take care, will you?" malambing at punung-puno ng concern na sabi niya.
Nag-init ang magbilang-sulok ng mga mata ko. I won't be alone, after all. There was Bobby.
"Yeah, I will."
HALOS ISANG ORAS din akong naghintay kay Bobby sa Lounge bago siya dumating.
Because he was tall, not to mention good looking, agad siyang nahagip ng mga mata ko pagpasok pa lang niya sa lounge.
When he caught my eyes, he smiley grinned then walked towards me.
"Traffic," he said apologetically then kissed me on my temple. Umupo siya sa silya sa tapat ko.
"Kumain ka na ba? I ordered for you," malambing kong sabi.
Lahat ng hugot at emosyon ko kanina ay nawala sa sandaling nakita ko siya.
Parang pakiramdam ko ay nakahanap ako ng kakampi. I did not care if he did not even know it's my birthday tomorrow. Hindi na ako magi-emote roon.
Ang mahalaga, kasama ko siya. Iyon naman ang sinabi ko sa sarili ko. Na tatanggapin ko lahat basta nariyan lang si Bobby sa tabi ko.
He leaned towards the table and held my hand, gently rubbing his his thumb at the back of my hand. "What happened?" He was scanning my face. A concerned look evident in his face.
I wrinkled my nose. "Dumating si Congressman. Eh, kapag dumarating 'yun, gusto n'ya walang ibang tao sa bahay kundi sila lang ni Tita Liezel." I smirked. "Gusto yata nilang mag-feeling Eba at Adan du'n sa bahay," sarkastiko kong sabi.
Natawa siya ng mahina sa sinabi ko.
"Dalawang gabi yata siyang mag-stay d'un. So..." I trailed off. Ayoko ng sabihin na kailangan kong magpalipas ng dalawang gabi somewhere else. Ito ang unang pagkakataon na dalawang gabi akong magpapalipas ng gabi sa hotel. Madalas ay isang gabi lang.
Tumangu-tango lang si Bobby. "Ako na ang bahala sa 'yo. Sagot kita," he said then smiley grinned. His eyes even twinkled.
"What do you mean?"
"May pagdadalhan na ako sa 'yo."
"Saan?"
"Basta."
I pouted my lips. "Ayan ka na naman sa 'basta' mo," nagmamaktol kong sabi. "Saan nga?"
Bobby chuckled. He fondly smoothed my furrowed eyebrows. "You worry too much, Gracie." He met my gaze and held it-longer than necessary. "Relax, okay? Hindi kita pababayaan. Never."
Napahigit ako ng hininga. Kung maga-assumerang froglet ulit ako, parang may meaning underneath his words.
Pero ayoko nang mag-assume dahil nakoryente na ako. High voltage. At masakit iyon. Hindi ko na uulitin pa.
I smiled. Isang ngiting alam kong umabot sa mga mata ko. I felt safe. No more road trip for me this time. "Thank you," madamdamin kong sabi.
Bobby pinched my nose. "You are welcome, Gracie. You always are."
"Eh, saan mo nga ba ako dadalhin?"
He laughed quietly. "Kulit," naiiling niyang sabi. "Just eat." He jerked his chin upward.
"Saan nga?"
"Basta."
"Saan?" pangungulit ko habang pigil ang ngiti sa labi ko.
One corner of his mouth quirked up. "Secret," aniya na tila inaasar ako.
"Asshole."
He bit his lower lip and smiled.
Oh, how I wanted to kiss that sexy lips.
"And I am the most handsome asshole you have had the opportunity to meet," he confidently said in a very sexy drawl. Then he winked at me.
Oh, God. What an early birthday treat for me.
I rolled my eyeballs, smiling. "Duh. Just eat, okay?"
"IS THIS MIRANDA'S?" tanong ko kay Bobby nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang bahay.
Isa iyong dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy. Luma ang style ng bahay na merong malalaking bintana na yari sa capiz. Sa tapat ng kalawanging gate ay nakahilera ang mga pamilyar na sasakyan.
Yellow Hummer, black Mercedes Benz at isang Ducati motorcycle.
Kaya hinulaan ko na bahay iyon ni Miranda. Those were Jacob's, Lucas's and Tres's, respectively. Ang alam ko rin na sa banda rito nakatira sina Miranda.
"Yes," Bobby answered.
Pagkatapos ay minaniobra ang sasakyan sa tapat isang barangay hall sa tapat ng bahay nina Miranda.
Ibinababa ni Bobby ang bintana ng sasakyan niya. "Mang Ramon," tawag niya sa isang lalaking naka-vest na pang-barangay tanod. "Pwedeng dito ko muna i-park?" paalam niya. "Puno na kasi sa tapat, eh."
Hindi na ako magtataka kung kilala ni Bobby ang mga tao sa lugar nina Miranda. Siguro ay madalas din si Bobby rito.
"Oo naman, Boss. Walang problema," sabi naman ng tinawag niyang Mang Ramon.
Nakita kong sumilip mula sa malaking bintana sa second floor si Miranda habang nasa likod si Jacob na nakapatong ang mga kamay sa magkabilang-balikat ni Miranda. Parang inaabangan kami. Siguro ay nai-text na iyon ni Bobby sa kanila.
"Bakit dito?" tanong ko. Nag-uumpisa na akong kabahan.
Walang problema kina Miranda at Jacob. O maging kina Tres at sa girlfriend nitong si Jorjina dahil wala naman akong direct involvement sa kanila.
Pero kina Stasha at kay Lucas ay malaking problema.
Hindi pa kami nakakapag-usap ni Stasha hanggang ngayon simula nang magkausap kami ni Miranda ilang araw na ang nakakaraan.
"This is the safest place for you that I can think of," sagot ni Bobby.
"Welcome ba ako d'yan?" alanganin kong tanong. "I mean, sa lolo ni Miranda. Kina Stasha at Lucas."
Humarap si Bobby sa akin at kinuha ang dalawang kamay ko. "Hindi ba sabi ko sagot kita? Na akong bahala sa 'yo? So, worry no more, okay?"
Maski paano ay naibsan ang agam-agam ko. Marahan akong napatango. "How would you introduce me to them?" lakas-loob kong tanong.
Kumunot ang noo niya. "What kind of question is that? Siyempre, 'girlfriend ko'."
And how I liked the possessive note in his tone. Na parang I was his. Maski na wishful thinking ko lang naman iyon.
"Alam ba nila ang totoong-"
He put his index finger to my lips to shut me up. "You are my girlfriend, Ashley Grace. That's the truth. And that's all that matters," seryoso niyang sabi.
"Pa'no kung magtanong sila kung pa'no naging tayo? I mean, lokohan-"
"Lokohan lang ba?" putol na balik-tanong niya. His eyebrows were furrowed.
The way he said it, parang may gusto siyang kumpirmahin. Challenging me to take the bait.
But no, I wouldn't, thank you very much. Hindi pa ako gaanong nakakabangon sa last blow ng pagiging assumerang froglet ko.
"'Di ba nga?" sabi ko, nandidilat pa ang mga mata ko. "Tinopak ako n'ung eve ng birthday mo kaya kung anong kagagahan ang pumasok sa utak ko at niyaya kitang maging tayo kasi-" Huminto ako sa pagsasalita.
Hindi ka pa nakaka-move on kay Kate. Hanggang ngayon, gusto ko sanang isigaw iyon sa mukha niya at nang matauhan na.
"Ah, basta. Whatever. Basta 'yun," paiwas kong sabi.
He was licking his lower lip again. Then he sighed. "Eh, 'di sabihin mo sa kanila na f-in-lirt kita. At dahil ako ang pinakagwapong asshole, jerk at pervert na nakilala mo sa balat ng lupa, hindi ka na nakaiwas sa charm ko at bumigay ka na." Isang pilyong ngiti ang namutawi sa labi niya. His eyes were dancing with wicked gleam.
Bigay na bigay, Robert Aldus.
I pouted my lips and tsked. "Seryoso ako."
"Seryoso din ako," mabilis niyang sagot.
Then his dreamy eyes held mine. Masuyo niyang pinisil ang baba ko. "Tell them the truth, Gracie. Tell them everything. It wouldn't matter anyway. What will matter is that when you tell them that after a few weeks, I noticed you. A feisty, sexy, sassy girl like you captured my attention as days went by. Then you eventually captured my heart and now I have already fallen in love with you." He smiled again. "You and me and me and you."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Bobby. Bigla ay nagrigodon ang puso ko at gustong t-um-umbling.
'Tang 'na. Shit. Fuck. Behave, Ash.
I tsked. "Kasi naman, eh..."
"Hindi ka naniniwala?" salubong ang mga kilay na tanong niya.
Gusto kong maniwala. God, gustung-gusto ko... Hinihintay ko ito. Pero hindi dapat. Nagkukuwento lang siya. Nagbibigay ng magandang version ng story namin para lang hindi ako mapahiya sa harap nina Miranda mamaya. I knew he was just being noble.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Hindi, 'no!" mataray kong sabi. Pagkatapos ay inalis ko ang seatbelt ko. "Halika na nga," yaya ko.
Mas gugustuhin ko pang harapin sina Stasha at Lucas kaysa ang paniwalaan ang mga pinagsasasabi ni Robert Aldus.