My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 4 : Bobby Says Sorry
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date

33.1K 735 78
By dyosathewriter

ASHLEY

NANG SAPITIN NAMIN ang kotse ni Bobby ay kumawala na ako sa pagkakaakbay niya. "Sakay na," sabi ko at binuksan ang passenger door. Ako na ang nagkusang mag-drive dahil una, magandang i-drive ang bago niyang sasakyan. Pangalawa, nakikita kong parang inaantok na siya.

Nakita kong bubuksan sana niya iyon para sa akin pero inunahan ko na siya. Tinitigan niya ako na para bang may gusto pa siyang sabihin. Pero pinili na lang na manahimik at sumakay.

Wala kaming kibuan habang nagda-drive ako.

Tahimik lang ako kasi parang mabigat sa loob ko na uuwi na kami. Ewan ko ba? Siguro dahil alam kong pagkatapos nito ay mag-iisa na naman ako. Kasama si Tita Liezel na minsan ay may sariling mundo rin.

O dahil sumagi sa isip ko na baka habang lumilipas ang oras ay nari-realize ni Bobby kung bakit niya pinatulan ang alok kong kunwariang relasyon.

Anyway, kung mag-decide naman siyang ayaw na niya, ano pang magagawa ko? It was good while it lasted. Masaya kasi pala siyang kasama.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong nakatitig si Bobby sa akin. Ako na ang unang bumasag sa katahimikan. "May problema ka ba sa akin? Kanina ka pa kasi nakatingin."

Natawa si Bobby ng mahina at pagkatapos ay umiling saka naglabas ng isang malalim na buntong-hininga. Napahilamos siya sa mukha. "Uuwi na ba tayo?" tanong niya pagkatapos.

"Pauwi na tayo, Aldus. Can't you see?"

Hindi siya sumagot. He was licking his lower lip. "Pull over, Gracie," maya-maya ay sabi niya.

"What?!"

"I said pull over. There," sabi niya sabay turo sa isang fastfood chain sa main road na bukas twenty-four hours.

I pulled over and parked the car, sa bandang gilid ng fastfood chain. May tatlong kotseng nakaparada na roon.

"Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain?" concerned kong tanong. Like a caring girlfriend.

Oh, shut the fuck up!

Patagilid siyang humarap sa akin. Umiling siya. "Ikaw ba nagugutom?" balik-tanong niya.

Umiling ako. "Marami akong nakaing carrot cake kanina."

"Uuwi na ba tayo?"

Marahan akong tumango. "Yeah." Tumingin ako sa relo ko. It was half past three in the morning.

"Ayoko pang umuwi, eh."

"May klase ka pa mamaya-"

"Eleven o' clock pa naman ang klase ko mamaya."

Lumabi ako. "Mapupuyat ka."

"Napuyat na ako, eh. What is there to prevent me from sleeping late?" parang batang nangangatwiran na sabi niya.

I met his gaze. "Ano pa bang gagawin natin?"

Matipid siyang napangiti. Matipid pero pilyo ang dating. At cute. Kinuha niya ang isang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya. His thumb was gently circling my thumb.

Pareho kaming napatingin sa magkahawak naming kamay. At halos sabay din kaming nagbalik ng tingin sa isa't-isa. Our eyes met. His dreamy eyes were smiling.

"Ano pa ba ang gagawin natin, Aldus?" ulit kong tanong sa mahinang boses. Just to distract myself from this-whatever you call this.

He smiley grinned. "Talk. Kiss. Hold hands. Hug. Talk again. Then kiss again. Then hold hands again. But we can do that randomly. I'd love to start with kissing," malambing niyang sabi habang may pilyong ngiti sa labi.

Hindi ako sumagot. I just rolled my eyes on him. But the idea of us kissing and hugging and holding hands made me feel excited.

So, so excited.

Masuyong pinisil ng isang kamay niya ang baba ko. "What do you think, Gracie? Nice idea, 'di ba?" There was a wicked gleam in his eyes.

It was a very, so very nice idea, aminin ko man sa sarili ko o hindi.

Naglabas ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Okay," simpleng sagot ko. Ano pa ba ang dapat kong isagot gayong gusto ko rin ang gusto niyang mangyari?

Lumuwang ang ngiti niya. "Then, I think, we should start with kissing..." mahinang sabi niya.

Then he captured my mouth with his. I kissed him back. We locked gazes when the kiss ended. He interlocked his fingers with mine. It was sweet. And I liked it.

Oh, God. It would definitely mean trouble for me.

Kumawala ako sa pagkakasalikop ng mga daliri namin. "Bibili lang ako ng fries. I want to eat fries in between those."

May pilyong ngiting lumabas sa labi ni Bobby. "Those?"

"Those things you want to do," kaswal kong sagot.

"Like what?"

"Talking, hugging and holding hands."

He squinted his eyes. "You forgot to mention something. The most important thing." He swallowed, making his adam's apple move up and down.

Tumaas ang isang kilay ko. "Ano?" pagmamaang-maangan ko sa mataray na tinig.

"Kissing," he answered in a most provocative and flirty way. "You want me to demostrate it to you? I am more than willing." Smiley grin. Sexy smiley grin, that is.

I giggled. 'Tangna, I couldn't help it. Pinalo ko siya sa tiyan. "Ewan ko sa 'yo," sabi ko sabay irap. "Makabili na nga ng fries-"

"Ako na," agad niya pigil.

"'Wag na. Mamaya may makakilala na naman sa 'yo." Sumulyap ako sa kanya. "Mister Celebrity," tukso ko.

He laughed quietly at napailing. "Mister Celebrity," tila wala sa sariling ulit niya. "Mas-" He finger-signed a quote-unquote sign. "Mister Celebrity pa sa akin si Cobi. Kung siya ang kasama mo, malamang matatagalan bago kayo makaalis sa coffee shop."

I fell silent. Jacob Maravilla. Napakunot ang noo ko. Bakit habang magkasama kami ni Bobby ay hindi man lang sumagi sa isipan ko si Jacob gayong lagi siyang laman ng puso't-isipan ko sa nakalipas na tatlong taon?

"Pare-pareho lang kayo," ani ko sa tonong tila ipinagtatanggol siya sa kung sino ang mas sikat sa kanila ni Jacob. Binuksan ko ang pinto. "D'yan ka lang, ha?"

Bumaba ako ng kotse. Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag akong muli ni Bobby.

"Gracie!" tawag niya.

Humarap ako sa kanya. Nakasilip siya sa bintana. He was wearing his cute smiley grin. "What?"

"I miss you already," malambing niyang sabi. His eyes glinted.

I giggled. Then bit my lower lip habang nakikipagtitigan sa kanya. He wiggled his eyebrows naughtily.

Natawa ako ng malakas. "Landi mo!" sigaw ko at saka siya inirapan.

Pero pagtalikod ko ay napangiti ako.

Habang umo-order ako ay hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi ko.

I miss you already... Oh, so fuck shit.

Tatlong large fries ang in-order ko. Paborito ko ang fries. Potato per se. Basta patatas, gusto ko.

Pabalik na ako sa sasakyan nang makita ko si Bobby na patalikod na nakasandal sa kotse. His arms were crossed over his chest. Ang mga paa niya ay naka-cross din.

My heart thudded. Paano ay ang cute niyang tingnan. Ang pilyo ng lazy smile niya na parang nagbabadya ng mas marami pang kapilyuhan kapag pinatulan mo.

Oh, dear God. Sa kabila ng mabilis na pagtibok ng puso ko ay nagawa kong kaswal na lumapit sa kanya.

"Missed me, Gracie?" he asked fondly. A lazy smile was pasted on his lips. He was meeting my gaze head on.

"So. Much, Aldus," maarte kong biro sabay irap sa kanya.

He threw his head back and laughed out loud. He put the tip of my nose between his back index and middle fingers and fondly pinched it.

Pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa back seat. "Pumasok ka na nga sa loob. Para ma-hug na kita at ma-kiss kita."

"FAST TALK ULIT tayo," sabi ko habang magkatabi kaming pasandal na nakaupo sa back seat.

Nasa kandungan ni Bobby ang plastic ng french fries. We were eating fries in between kissing, talking, hugging and holding hands. Katatapos lang naming mag-kiss. He tasted of fries and brewed coffee and I liked it. He had kissed each corner of my lips after kissing me.

Now we were talking and holding hands. The fingers from my left hand were fiddling with his fingers from his right hand.

"I think it's my turn now," ani Bobby. "Nag-fast talk ka na sa 'kin kanina sa coffee shop. My turn now."

"Ayoko nga," mataray kong sagot.

"You're not being fair-"

"I am not fair. In fact, I am a bitch," I cut him off.

Mataman siyang tumingin sa akin at umiling na tila sinasaway ako. His thumb was brushing against my thumb. "Favorite food?" he asked.

I pouted my lips and did not answer. Nahahalata na niya siguro na ayokong magkwento tungkol sa sarili ko pero hindi siya nagtatanong kung bakit.

"Come on, Gracie. Favorite food," pangungulit niya. He was now tracing his name on my palm. Just to keep the contact-that skin to skin feel. Nakikiliti ako habang ginagawa niya iyon. And it felt good.

Really, really good. I felt sleepy from it.

I sighed. Okay lang naman sigurong magkwento ako ng mga trivial matters about myself.
"French fries," sagot ko sa mahinang boses. "I love french fries. Mahilig ako sa patatas but I love the potato the most when it's french fried. I am Miss Potato Head." Sinundan ko ng hagikgik ang sinabi ko.

"Mrs. Potato Head," pagtatama ni Bobby. Then his dreamy eyes gazed at me. "Because I am your Mister Potato Head." Pagkatapos ay sinubuan ako ng fries. I took it in my mouth. Kanina pa kami nagsusubuan ng fries sa bibig.

"Favorite movie?" he asked again.

Napangiti ako. "You wouldn't believe it." Baka hindi niya kilala ang pelikulang babanggitin ko.

"Try me," malambing niya sabi. Dinala niya ang likod ng kamay ko sa bibig niya and planted a soft kiss there. God, I sooo liked it.

"Beauty and the Beast."

He cocked an eyebrow at me. "As in the Disney movie Beauty and the Beast?"

"Exactly. Alam mo 'yun?"

"Of course. I have two little nieces, remember? Kailangang alam ko 'yun para makasabay sa kanila. Para hindi ako ma-out of place sa teacup party nila."

Lihim akong napangiti. I could imagine, Robert Aldus Gallego, watching Disney movies and cartoons just to please his nieces. That was sweet.

Sumulyap ako sa kanya. He was smiling. Sinubuan ko siya ng fries. "Bakit ka napapa-smile?" curious kong tanong.

"Hindi lang ako makapaniwala."

"Na?"

"Na Disney movie ang paborito mong movie."

Napangiti ako pero agad kong pinigilan. "Bakit ano bang naisip mong favorite movie ko?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

He studied my face for seconds. "Sa tapang at taray mo, pang-Conjuring at Annabelle ang favorite movie-"

Hindi na niya nagawang ituloy ang iba pa niyang sasabihin dahil pinagpapalo ko na siya sa braso, sa dibdib at tiyan.

"Shit ka! Fuck you! Fuck you, Aldus!" sabi ko habang pinauulanan siya ng hampas. Pero hindi naman ako galit. In fact, I was happy.

Natatawang hinuli niya ang mga kamay ko para hindi ko na siya mahampas. Nalaglag na sa sahig ang plastic ng french fries sa kaiiwas ni Bobby.

Tinalikuran ko siya and he hugged me from the back. Ang likod ko ay dumadantay sa malapad niyang dibdib. Ang mga braso niya ay nakakulong sa beywang ko.

"Just kidding, Gracie. I was just kidding you," malambing niyang sabi. He kisssed me on my shoulder blade. Then on my neck. It gave me goosebumps.

Humarap ako sa kanya at pailalim siyang tiningnan ng masama. Mahinang tawa lang ang isinagot niya. Hindi man lang natakot sa ekspresyon na ipinakita ko.

"Biro lang," masuyo niyang sabi at malambing na dinampian ako ng halik sa noo.

"Asshole." But I did not mean it. Gusto ko lang lokohin siyang inis ako. So that he will kiss me tenderly.

Napangiti si Bobby ng maluwang. His dreamy eyes danced with amusement. "Ang sarap mong biruin," he said, almost a whisper while his dreamy eyes never leaving my face. "Katulad na lang ng masarap kang halikan. It was like drinking wine. Delicious and intoxicating."

Napalunok ako. Pinatataas ni Bobby ang mga balahibo ko sa batok sa mga salita niyang iyon. And more so, with the way he said it-naughty but with so much tender affection.

"Pervert," bulong ko. Pero wala ng conviction. Lalo pa't ang hinlalaki niya ay masuyong humahaplos sa gilid ng bibig ko.

"You have no idea."

His lips slowly went down mine. He pulled me closer. Ikinulong ko naman ang batok niya sa braso ko. I answered his kiss. It was not a wild kiss like we did a while ago. He did not even thrust his tongue to meet mine. Instead it was just a gentle kiss. Sweet but oozy.

He fondly pinched my nose with his index and middle finger. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at masuyong hinaplos siya sa pisngi. Pagkatapos ay sumandal ako. Inakbayan naman niya ako at humilig ako sa balikat niya.

Iisa lang talaga ang nasa isip ko kapag nakahilig ako sa balikat ni Bobby at nakaakbay siya sa akin. Comfort.

"My favorite song," I volunteered for information after several seconds of silence. "In case you want to know-"

"Of course I want to know," agad niyang putol sa sasabihin ko. Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin. "I want to more about you. You're my girlfriend, right?"

Wala sa sariling napatango ako. "My favorite song is the same title as my favorite movie. I super love that movie and song."

"Beauty and the Beast. I might have that song in my songlist--"

Napabalikwas ako. "Dito sa kotse mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Isang rock music ang mahinang tumutugtog sa kanyang high-end car audio/video.

"Baka. I have over a thousand songs in there. Ang mga ate ko ang nagregalo ng kotseng 'to so malamang merong mga Disney songs para mapatugtog kapag sakay ko ang mga pamangkin ko." He grinned. "Hindi nga ako magtataka kung may nursery rhymes sa songlist ko."

"Talaga?" excited kong sabi at kumawala sa pagkakaakbay niya at dumukwang sa harapan ng kotse. Agad kong hinanap ang dock para makita ang song list niya pero wala akong nakita.

"It's voice activated. Just say the title of the song," Bobby informed me.

My mouth formed an 'o'. "Impressive," humahangang sabi ko.

He shrugged his shoulders. "Yeah, haytets, eh," he joked. Dumukwang siya at may pinindot siyang isang button. "Pwede na. Say the title of the song."

"Beauty and the Beast, Celine Dion," excited kong sabi.

Ilang saglit pa ay pumailanlang na ang intro ng kanta. Napapikit ako. I really loved that song. People could call me corny for this but I did not fucking care.

Masuyo akong hinila ni Bobby sa beywang. "Come here, Gracie. Kiss kita saka hug kita," malambing niyang sabi.

Umayos ako ng pagkakaupo sa tabi niya. Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at saka pumikit. Beautiful song. Together with a good looking guy.

Naramdaman kong hinalikan ako ni Bobby sa buhok. I sighed.
What are you doing to me, Aldus Gallego?
Humikab ako. Nararamdaman ko na ang antok. Then I drifted off to sleep.

NAALIMPUNGATAN AKO DAHIL sa liwanag na pumapasok sa mga bintana ng sasakyan. Patay na ang makina, maging ang aircon at radio at bahagyang nakabukas ang mga bintana. I knew it was Bobby. Pinatay niya siguro bago siya makatulog kanina.

Mataman kong pinagmasdan si Bobby. Patagilid siyang nakaupong natutulog. Ang kamay niya ay nakadantay pa sa tiyan ko. Tumingin ako sa relo ko. It was ten minutes past six in the morning. May mangilan-ngilan pa ring customer sa loob ng fastfood chain.

Maingat kong inalis ang kamay ni Bobby sa tiyan ko at inabot ang bag ko. Bibili ako ng breakfast naming dalawa. Baka gusto ni Bobby ng kape kapag nagising.

Mataman kong tiningnan ang natutulog na si Bobby. He was so boyishly good looking while sleeping. Walang traces ng kalandian sa katawan. Ang buhok niya ay bumabagsak sa noo niya.

I put out my cellphone and took a picture of him. Just a souvenir from our Tagaytay roadtrip on his birthday.

Bumaba ako ng sasakyan na dala ang susi. Ini-lock ko siya sa loob. Mabuti na ang nakakasigurado.

Papasok pa lang ako sa loob ng fastfood ay humarang sa akin ang isang batang lalaki na sa tantiya ko ay dose anyos. Naka-shorts at puting sando siya. May dala siyang maliit na timba na may takip na nakasabit sa braso niya at bilao naman sa kamay niya na naglalaman ng tinda niya.

"Espasol, Ma'am, bili ka na," nakangiting sabi niya.

Napatingin ako sa bata. Hindi ako ngumiti at tinaasan ko lang siya ng kilay. Not that I hated children. Hindi lang ako malapit sa mga bata. At hindi rin sila lumalapit sa akin. Siguro ay nai-intimidate kapag nakitang nagtaas ako ng kilay.

Lalo na ang mga batang sa murang edad ay nagtatrabaho na. Naiinis ako sa mga magulang nila kaya nadadamay sila sa inis ko maski na wala naman silang kasalanan kundi ang magkaroon ng iresponsableng mga magulang. Tulad ko.

Sinimangutan ko ang batang lalaki. "Ayoko. Hindi ako kumakain ng espasol," mataray kong sabi.

Nagulat ang bata at napaatras. Bad, Ashley. You are so fucking bad.

Nakita ko ang takot na rumehistro sa mukha niya pero sandali lang. Pagkatapos ay ngumiti. Hindi alintana ang pagpapahiya ko sa kanya. "Ma'am, sige na, bwena mano ka lang," pamimilit ng bata sa cheerful na tono. Tila kinalimutan na isa akong mataray na costumer. "Saka, baka kapag natikman mo ang espasol na tinda ko, magustuhan mo."

Hindi ko siya pinansin.

Pinagbuksan niya ako ng glass door. "Sige, Ma'am, bili ka muna sa loob ng pagkain. Paglabas mo, bili ka sa akin maski na isa lang. Para matikman mo." Pagkatapos ay ngumiti ng maluwang.

Just like Aldus's smiley grin.

Habang nakapila ako ay napapatingin ako sa labas. Nakita ko ang batang lalaki na lumalapit sa mga papasok sa fastfood chain. Pero walang pumapansin sa kanya. Ni wala pa nga yatang bumibili sa kanya. But despite that, he was still smiley grinning.

Oh, crap! Hindi ko problema ang batang iyon. Dapat ang mga magulang niya ang namomroblema sa kanila at hindi ibang tao.

The kid was courageous. Kahit napapahiya, sumisige. Lumalaban. At hindi sumusuko. Parang ikaw lang, Ashley. 'Tangna.

Paglabas ko ay hindi ako sinalubong ng batang lalaki. Hindi siguro niya ako napansin dahil kausap niya ang isang batang babae sa gilid na sa tantiya ko ay nasa walong taong gulang.

"Kuya, nagugutom na ako," reklamo ng batang babae habang hawak ang tiyan. Nakaupo ito sa bangketa.

"Uminom ka na lang muna ng tubig. Wala pa akong benta, eh," sabi ng batang lalaki. "Sabi naman kasi sa 'yo 'wag ka ng sumama sa 'kin."

Oh, shit. Akala ko ba ayaw mo sa mga bata, Ashley? Bakit naaawa ka sa kanila?

Sasagot sana ang batang babae nang magtama ang paningin namin. "Kuya, and'yan 'yung babaeng masungit," bulong ng batang babae at iniwas ang tingin sa mataray kong tingin.

Agad na lumingon ang batang lalaki. "Ay, Ma'am, bibili ka na?" agad niyang tanong na nagliwanag ang mukha. Parang nasisiguro niyang bibili na nga ako.

"Kapatid mo ba siya?" hindi ngumingiting tanong ko habang nakatingin sa batang babae na hindi magawang salubungin ang tingin ko. Siguro ay nagi-guilty dahil alam niyang narinig ko ang pagtawag niya ng masungit sa akin.

"Opo, Ma'am." Nilingon niya ang kapatid.

"Palapitin mo nga sa 'kin," hindi ngumingiting sabi ko.

Maybe it was an instinct of a big brother, dahil tila mas iniharang pa sa akin ng batang lalaki ang katawan niya para hindi ko masilip ang nakababatang kapatid niya. Gusto kong mapangiti. Protctive na kuya. Ke liit-liit pa ay protective na sa kapatid. How I wish na may kapatid akong ganyan. Ang mga kapatid ko sa ama ang una pang umaaway sa akin.

"Ma'am pagpasensyahan mo na s'ya kung natawag ka n'yang masungit. Gutom lang kasi s'ya. Pero mabait 'yang kapatid ko. Totoo po, mabait s'ya."

"Palapitin mo nga."

"Ma'am, kahit 'wag na kayong bumili sa akin. Kahit wala na akong benta, 'wag mo lang pagalitan ang kapatid ko."

I rolled my eyeballs. "Hindi ko siya pagagalitan, ano ka ba?"

Napakamot sa ulo ang batang lalaki. Nilingon niya ang kapatid. "Lumapit ka rito at mag-sorry ka kay Ma'am."

Atubiling lumapit ang batang babae at nang makalapit ay nagtago sa likuran ng kuya niya.

Iniabot ko ang isang supot sa batang babae. "O, mag-almusal na kayo." Hindi pa rin ako ngumingiti.

Wala lang, gusto ko lang panindigan sa bata na masungit at mataray nga ako.

"Naku, salamat, Ma'am. Maraming salamat," natutuwang sabi ng batang lalaki.

Pero hindi pa rin kinuha ng batang babae ang supot.

"Okay, bibilang ako ng hanggang tatlo, ha? Kapag umabot sa tatlo at hindi mo pa rin kinukuha, hindi ko na 'to ibibigay," mataray kong sabi. "Isa-"

Agad na kinuha ng batang babae ang supot mula sa akin. "Salamat po," mahinang sabi niya.

Mataman akong tumingin sa kanila. "Sa susunod, kapag may pagkakataon na makuha ninyo ang mga bagay na gusto ninyo, dapat susunggaban ninyo agad," pangaral ko. Just like you, Ashley?

Parehong tumango ang dalawang bata.

"Asan ba ang mga magulang n'yo?" tanong ko. Na gaano ko man pagtakpan ay naroroon pa rin ang concern sa boses ko.

"Lasing na naman po kasi ang nanay. Lagi pong naglalasing ang nanay simula nang lumayas si tatay," kwento ng batang babae.

"Klang-Klang!" saway ng kuya niya sa kanya.

Tila may biglang sumundot sa puso ko. My mom was also like that when she and my father ended their illicit love affair.

"Hay, naku!" naiirita kong bulalas. "Sabihin n'yo sa nanay n'yo na tigilan na niya ang paglalasing at magsimula na siyang buhayin kayo. Hindi kayo ang may obligasyon sa nanay ninyo kundi siya ang may obligasyon sa inyo. Siya ang dapat na nagtitinda at hindi kayo dahil kayo dapat ay nasa eskwelahan at nag-aaral."

"Ako po, Ma'am, nag-aaral pa po. Si Kuya na lang ang hindi."

"Ang daldal mo!" pagalit na wika ng batang lalaki. Humarap siya sa akin. "Pasensya na, Ma'am," kakamot-kamot sa ulo na hingi niya ng paumanhin.

"Anong pangalan mo?"

"Ako po si Loloy, siya naman si Klang-Klang."

Napangiti ako sa pangalan nilang dalawa. At nang makita ni Klang-Klang na napangiti ako ay ngumiti rin. Bumaling ako kay Loloy. "Magkano ba lahat 'yang tinda mong espasol?"

Nanlaki ang mga mata ni Loloy. "Bibilhin n'yo lahat, Ma'am?" excited niyang tanong.

Tumaas ang isang kilay ko at bumuntong-hininga ako. "Kapag tinopak ako."

"Naku, sana topakin kayo, Ma'am. Sige na, Ma'am, topakin na kayo ngayon," maluwang ang ngiti na sabi niya.

Napangiti ako pero agad kong naitago iyon. "Magkano lahat?"

"Six hundred lahat, Ma'am, pati itong nasa timba. Isandaan lang naman ang sa akin dito tapos 'yung limandaan, ibinabalik ko sa kinukuhanan ko."

Dumukot ako sa wallet ko ng limang tig-isang libo. Namilog ang mga mata ng magkapatid nang makita iyon.

"Bibilhin ko na 'yan lahat, 'etong bayad ko." Iniabot ko sa kanya ang isang libo. "Sa 'yo na ang sukli." Tiningnan ko si Loloy sa mga mata. "Marunong ka bang humawak ng pera?"

Sunud-sunod na tango ang isinagot ni Loloy. "Kahit po hanggang grade por lang inaral ko, Ma'am, hindi ako maloloko sa pera. Saka matipid po ako. Inuuna ko po muna ang mga kapatid ko bago ang sarili ko. Nagpi-pisonet lang po ako pero hanggang limang piso lang tapos umuuwi na po ako. Naglalaro po kasi ako ng NBA doon, eh."

Bumuntong-hininga ako. Sana lang lahat ng mga magulang ay responsable para walang mga anak na nagsa-suffer sa mga pagkakamali ng mga magulang nila. Hugot pa more, Ashley.

"O, 'etong four thousand. Bumili kayo ng makakain ninyo. Mga bigas, mga delata at kung anu-ano pang--"

"Kuya, kunin mo na agad."

Tumaas ang isang sulok ng bibig ko. Mabilis matuto si Klang-Klang.

Agad na kinuha ni Loloy ang pera. "Maraming salamat, Ma'am." He was on the verge of crying.

I swallowed. Ayokong mahawa sa pagiging emosyonal ng bata. "'Wag kang iiyak. Kapag umiyak ka, babawiin ko 'yan," mataray kong sabi

Agad na pinahid ni Loloy ang luha niya at nag-smiley grin sa akin.

"'Wag na 'wag mong ibibigay sa iresponsable ninyong nanay ang pera dahil baka ipang-inom n'ya lang," sabi ko. "At pwede ba pakisabi sa nanay n'yo na mag-move on na s'ya. Okay?" mataray ko pang dagdag.

"Hey. Inaaway mo ba ang mga bata?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. It was Bobby. He was awake now. Sinusuklay niya ng daliri ang magulong buhok. He was also chewing a gum.

"Hala, kuya, higante," bulalas ni Klang-Klang nang makalapit si Bobby sa amin.

I met his gaze. He was looking at me tenderly. "Good morning, Gracie." Then he smiley grinned. Pagkatapos ay inakbayan ako at hinalikan sa buhok.

"Naku, Sir, hindi po. Ang bait nga po ni Ma'am, eh. Sa katunayan nga po-"

"Tama na 'yan. Tama na 'yan," putol ko. Ayokong malaman ni Bobby na tinulungan ko ang mga bata.

"Kuya, basketball player ka?" nakatingalang tanong ni Loloy.

Sasagot sana si Bobby pero inunahan ko. "Hindi. Lampa kaya 'yan sa basketball. Ballet dancer siya." Sinundan ko ng hagikgik ang sinabi ko.

Natawa ng malakas si Bobby.

"Ay, sayang. Ang tangkad n'yo pa naman. Ako po mahilig maglaro ng basketball. Peborit ko po si Step Keri. Ang galing n'ya."

Masuyong ginulo ni Bobby ang buhok ni Loloy. "Pagbutihin mo ang paglalaro ng basketball. Lagi kang mag-practice para mas gumaling ka pa," nakangiting sabi niya.

"Opo, ser," sabi ni Loloy at ngumiti.

INIHATID AKO NI Bobby sa bahay pagkagaling namin sa Tagaytay. Hindi na siya pumasok sa loob dahil alam ko namang nagmamadali siya dahil may klase pa siya.

Before he left, he said he'll see me again. At natutuwa ako roon. Hindi siya na-bore sa company ko kaya gusto niyang magkita ulit kami. Ako rin naman ay gusto kong magkita kami ulit. Masaya siyang kasama. Malandi in an endearing way.

Inilabas ko ang cellphone ko at b-in-rowse ang picture niya sa photo gallery ko. I giggled when I saw his picture. Iyong natutulog siya. He looked so fucking cute.

Tiningnan ko sa viber kung online siya. He was. Alam kong sa oras na ito ay nasa basketball practice siya. I viber-ed the picture to him.

Tulo-laway! Ikakalat ko 'to sa social media. HFU's Roaring Lion Bobby Gallego ay tulo-laway.

Ilang minuto akong naghintay pero walang sagot kaya naisip kong baka naglalaro pa sila.

Makalipas ang isang oras ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko iyon binibitiwan sa takot na baka ma-miss ko ang reply niya. And here it was.

Do it. Ikakalat ko rin ito...

Kumunot ang noo ko habang naghihintay sa susunod niyang reply. Ilang segundo pa ang lumipas at isang picture ang v-in-iber niya.

Picture namin habang natutulog ako at nakahilig sa balikat niya. Ang kamay ko ay nakadantay sa tiyan niya. Siya naman ay nakaakbay sa akin habang nakangiti sa camera. The picture looked cute.

I pressed his number immediately. He picked it up.

"Asshole! You took a picture of me?"

Isang malakas na tawa ang narinig ko sa kabilang linya.

"You did too, remember?" sabi niya.

Oh, crap. I could imagine his cute smiley grin. And his dreamy eyes glinting with amusement.

"Jerk!"

Narinig ko na naman ang malakas niyang tawa sa kabilang linya. "You know why I did that?" he said in a hushed tone. Na para bang nang-aakit.

"Why?"

"Because you looked so peaceful and calm and beautiful while you were sleeping on my shoulder," masuyo niyang sabi. "I just want to document it."

Napahigit ako ng hininga. That was just so fucking sweet. That took my breath away. Hindi ako nakapagsalita. Narinig ko ang malakas na pagkanta ng 'happy birthday' ng mga basketball teammates niya sa background.

Natawa siya. "Mga teammates ko. Nangungulit."

Silence.

"Gracie?"

"Aldus."

He cleared his throat. "Baka hindi ako makadaan mamaya sa 'yo. Nagyayaya kasi silang kumain sa labas."

Nakaramdam ako ng disappointment. Pero ano bang magagawa ko? And besides, magdamag ko naman siyang kasama. Magrereklamo pa ba ako?

"Okay lang," mabilis kong sagot. "Okay lang sa akin." I tried to sound so casual about it. Hindi niya dapat mahalata maging sa boses ko na disappointed ako.

Narinig kong may tumawag sa kanya ng apelyido niya. Baka si Coach Mar iyon at magre-resume na sila ng practice nila. "Sige na," pagtataboy ko.

"I'll see you," aniya.

"Okay. Bye."

"Gracie?"

"What?"

Silence.

"What, Aldus?" ulit ko.

He chuckled. "Wala. Nakalimutan ko na."

I giggled softly. "Asshole."

"ASH, GISING...ASH..."

Naalimpungatan ako. Si Tita Liezel ang nanggigising sa akin. "Bakit?"

"Nasa baba si Bobby-"

"Bobby?" disoriented kong tanong. Pero kumibot ang puso at the mention of Bobby's name.

"Oo, nasa labas. Ayaw pumasok sa loob. Sandali lang daw s'ya kasi may sasabihin lang daw sa 'yo."

Dali-dali akong tumayo. Hindi ko na alintana kung magulo ang buhok ko. Habang patakbo akong bumababa ng hagdan ay nagpupunas ako ng mukha. Baka mamaya ay makaharap ako kay Bobby na may muta pa ako.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakatayo siya sa harapan ng pinto.

"Aldus!" high-pitched tone kong sabi. "What are you doing here? It's already eleven o' clock in the evening. At sabi mo hindi ka na makakadaan ngayon, 'di ba?"

He scratched the back of his head. Parang nahihiya. "May gusto kasi akong sabihin sa 'yo." Lumapit siya sa akin.

Kumunot ang noo ko. Lumapit din ako sa kanya kaya halos isang dipa na lang ang layo namin sa isa't-isa.

Bakit parang na-miss ko siya samantalang magdamag ko siyang kasama at kaninang umaga lang kami naghiwalay? Damn!

"Sana tumawag ka na lang."

"Ayoko kasing sa telepono lang, Gracie. Gusto kong sabihin ito sa 'yo ng personal."

Kumabog ang dibdib ko. "Ano ba 'yun?"

He scratched the back of his head again. Then looked straight into my eyes. His dreamy eyes peered down to mine. "Yayayain sana kitang manood ng sine bukas."

Parang nanuyo ang labi ko. I wet my lips and cleared my throat. "A-Anong movie?"

Isang nahihiyang ngiti ang ibinigay niya. "A movie of your choice."

I folded my arms over my chest and raised an eyebrow at him. "So, kahit hindi mo gusto ang palabas, manonood ka rin?"

He met my gaze. "Yes."

Oh, fuck. Bakit kinakabaham ako?

I narrowed my eyes on him. "Are you asking me out on a date, Robert Aldus?"

Unti-unting lumuwang ang ngiti ni Bobby. "I am, Ashley Grace." His eyes twinkled. "I am."

Himinga ako ng malalim. "Okay."

Bobby smiley grinned. Halatang natutuwa. "It's a date then. A movie date, that is."

"Okay."

He gently pinched my nose with his index and middle finger. "Pasensya ka na, naistorbo ko ang tulog mo."

"Okay lang."

"You can now go back to sleep," he said with tender affection.

Napangiti ako. "Not until you text me that you're safely home."

"I will. I'll go ahead then."

"Take care, Aldus."

"Sweet dreams, Gracie," nakangiting sumaludo si Bobby sa akin at tumalikod na.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
38.8K 345 33
Heiress Trilogy Series#3 Lea's life been a hell for her... All she can do is to obey her Father want.. Everytime she disobey Him,He punish her... A p...