My Make-Believe Boyfriend...

By dyosathewriter

2.3M 50.8K 20.5K

"I have a proposition," kaswal na sabi ni Ashley. "What?" tanong ni Bobby. "Tutal iniwan ka na ni Kate at hin... More

Chapter 1 : Ashley Is Back
Chapter 2 : Bobby Takes The Bullet
Chapter 3 : Stalking Kate
Chapter 5 : The Revenge Of Bobby And Ashley
Chapter 6 : Happy Birthday, Robert Aldus
Chapter 7 : Getting To Know Each Other
Chapter 8 : Bobby Asks Ashley Out On A Movie Date
Chapter 9 : The Movie Date
Chapter 10 : The Dessert And The Realization
Chapter 11 : Bobby's Monthsary Surprise
Chapter 12 : Bobby's Msytery Girl
Chapter 13 : A Trip Down Memory Lane
Chapter 14 : Bobby Crushes Down Ashley's Wall
Chapter 15 : Ashley Meets Miranda And Jacob...Again
Chapter 16 : The Closure
Chapter 17 : Me & You / You & Me
Chapter 18 : From Make-Believe To The Real Thing
Chapter 19 : Happy Birthday, Ashley Grace
Chapter 20 : What Happens In Grandeur, Stays In Grandeur
Chapter 21 : I Love You In My Lifetime And The Next
Chapter 22 : I Am Ready... As Long As It's With You
Chapter 23 : Sharing The Love And Happiness
Chapter 24 : Aldus's Possessive Gracie
Chapter 25 : The Supportive Girlfriend
Chapter 26 : Bobby's Lucky Charm
Chapter 27 : The Wind Beneath Bobby's Wings
Chapter 28 : Meet The Parents
Chapter 29 : Bobby Fights For Ashley
Chapter 30 : My Gracie, My Perfect Imperfection
Chapter 31 : The Acceptance And The Magic Kiss
Chapter 32 : Jealous Aldus
Chapter 33 : Kiss And Make Up
Chapter 34 : The Truth About The Acquaintance Party
Chapter 35 : Crazy for You
Chapter 36 : Ashley And Her Seven Wards
Chapter 37 : Wish Granted
Chapter 38 : Making Wrong Things Right
Chapter 39 : Meeting Ashley's Mother
Chapter 40 : Totally Gays
Chapter 41 : Ashley Grace's Most Comfort Zone
Chapter 42 : Ashley Meets The Legitimate Lim Family
Chapter 43 : Daddy's Girl
Chapter 44 : The Healing In Progress
Chapter 45 : Hope Springs Eternal
Chapter 46 : Change Of Heart
Chapter 47 : Team AshBy Versus Team MaKki
Chapter 48 : Kate Mercado Is Back
Chapter 49 : Kate From Bobby's Past
Chapter 50 : Memories Of Kate From Bobby's Past
Chapter 51 : Brokenhearted Bobby
Chapter 52 : The Lover's Quarrel Because Of Kate
Chapter 53 : Feisty Gracie
Chapter 54 : The Roaring Lion's Sexy Pose
Chapter 55 : Bobby Lied To Ashley
Chapter 56 : The Aldus And Gracie Break Up
Chapter 57 : Ashley Grace Is Missing
Chapter 58 : Finding Ashley Grace
Chapter 59 : Off To Nowhere
Chapter 60 : Meeting Akki Eliseo By Chance
Chapter 61 : That One Text Message From Miranda
Chapter 62 : Robert Aldus Finally Finds His Gracie
Chapter 63 : Robert Aldus Serenades His Ashley Grace
Chapter 64 : Eliseo Vs. Gallego, Maravilla, Agoncillo, Esquivel & Rufino
Chapter 65 : Always Choose To Forgive
Chapter 66 : Seeing The Bruha Face-To-Face
Chapter 67 : Run, Robert Aldus, Run...
Chapter 68 : Ashley Grace Meets Anna Linda
Chapter 69 : Ang Forever Ni Anna Linda
Chapter 70 : Ashley Grace's Superman Incarnate
Thank You ❤
#Team AshBy ❤
Special Chapter 1 : Ashley Version 2.0 Is Back
Special Chapter 2 : Kate Mercado Is Back, Too
Special Chapter 3 : The Revenge of Ashley, Bobby And The Whole Gang
Special Chapter 4 : The Text Message From Kate Mercado
Special Chapter 5 : Enough Is Enough
Special Chapter 6 : Ang Paghaharap Ng Past At Present
Special Chapter 7 : Reasons To Celebrate
Special Chapter 8 : Rome del Mundo
Special Chapter 9 : Hello, Sexy Dreamy Eyes...
Special Chapter 10 : "You Are Everything To Me"
Special Chapter 11 : The Flaming Arrow Tattoo
Special Chapter 12 : How Ashley Grace Met Rome Del Mundo
Special Chapter 13 : Dudong At Grasya
Special Chapter 14 : Sexy Dreamy Eyes Versus Cute Hooded Eyes
Special Chapter 15 : Fatima Rivera
Special Chapter 16 : Ang Cookie Ni Patty
Special Chapter 17 : Ashley Grace Meets Fatima Rivera
Special Chapter 18 : Ashley Grace Fights For Her Man
Special Chapter 19 : The Brewing Conflict
Special Chapter 20 : Cobi's Warning
Special Chapter 21 : The Real Patty Rivera Is Out!
Special Chapter 22 : Coffee Date With Rome del Mundo
Special Chapter 23 : Where The Hell Is Robert Aldus Gallego?
Special Chapter 24 : Akki's Wise Words
Special Chapter 25 : "Hi, Robert Aldus..."
Special Chapter 26 : "Are You Still Mine?..."
Special Chapter 27 : Ashley Grace Fights For The People She Loves
Special Chapter 28 : "Because I love you, Ashley Grace..."
Special Chapter 29 : Never Again
Special Chapter 30 : Rome Clears Ashley's Name
Special Chapter 31 : Rome del Mundo Says Good Bye
Special Chapter 32 : A Woman's Intuition
Special Chapter 33 : Physical Injury
Special Chapter 34 : Galawang Patty Rivera Exposed!
Special Chapter 35 : Kiss Patty's Feet
Special Chapter 36 : The Gang Has Heard Ashley's Call For Help
Special Chapter 37 : "You and I... We Fight Together..."
Special Chapter 38 : Fatima Rivera's Worst Nightmare
Special Chapter 39 : Ashley Grace Lim--HFU's Most Notorious Bully
Special Chapter 40 : The Victory Party
Special Chapter 41 : Happy Graduation, Ashley Grace
Special Chapter 42 : Some News
Special Chapter 43: "Hi, Mommy Gracie..."
Special Chapter 44 : "YES..."
Special Chapter 45: Pamamanhikan

Chapter 4 : Bobby Says Sorry

32.9K 686 156
By dyosathewriter

TAPOS NA AKONG mag-ayos ng sarili ko sa loob ng motel ay tulug na tulog pa rin si Bobby sa kama.

Nalasing kasi kami parehas ni Bobby kagabi. Mas lasing nga lang siya at talagang nagpatulong pa ako sa boy sa videokehan para isakay siya sa kotse. Nahihilo na rin ako sa kalasingan kagabi. Pasado alas onse na kami huminto sa pag-inom nang mapansin kong halos makatulog na si Bobby sa kalasingan.

At dahil nakainom din ako, ayokong mag-drive ng malayuan. It was not safe. And I was not stupid to drive while drunk. So I decided for Bobby and I to stay in the motel.

Pero hindi sa motel kung saan pumasok sina Kate at Zeke. It would be too much for Bobby. Sa malaki at sikat na motel ako nag-check in. It was convenient and safe for both of us dahil malapit lang iyon sa videokehan. Wala kasing malapit na hotel sa area na kung saan pwede kaming tumuloy. Thus, the motel. Hindi ko rin naman alam kung saan ko ihahatid si Bobby kagabi.

Ito na ang pinaka-sensible na desisyon. Wala naman akong pakialam kung may makakita sa amin ni Bobby na magkasama kami sa motel. Wala namang maniniwala kung sasabihin ko ang totoong nangyari kung bakit kami naroroon. People tend to think that way, lalo pa at makitid ang utak ng taong makakakita.

Basta alam ko sa sarili ko kung ano ang totoo. Alam ni God ang totoo. Never mind what other people would think of me. They always thought the worst of me anyway. What was new? So refuting this issue, in case it gets out of hand, would be futile.

Nalaman kong hindi si Bobby ang tipong madaldal kapag lasing. He was just quiet. Isang tanong, isang sagot. Halos makatulog na lang sa sobrang kalasingan. Panay lang ang banggit sa pangalan ni Kate. He really was hurting because of their breakup.

Kate was really lucky dahil may lalaking tulad ni Bobby na sobrang nagmamahal sa kanya. Hindi nga lang napahalagahan ni Kate dahil nakakita pa siya ng iba.

Sayang. Dahil ang lalaking nagmamahal ng sobra tulad ni Bobby ay hindi na dapat pang pinakakawalan. Bobby was a good man. Just like Jacob Maravilla. Birds of the same feathers flocked together.

Tumingin ako sa relo ko. It was past nine o' clock in the morning. Pumapasok na ang liwanag sa kuwarto.

The room I got was called "Marilyn Monroe". I did not know na may mga theme na pala ngayon ang mga motel. O siguro ay ito lang motel na ito dahil may pangalan at sikat na motel.

Our room was big. Around fifty square meters-big. Akala ko noon, ang mga motel ay isang kapirasong kuwarto para mairaos lang ang init ng mga katawan ng mga customers. Nag-evolve na pala ito. Meron ng ganito ka-cute na kuwarto.

The bed was a four poster bed na merong pink na silk curtains. There was a table and two chairs with pink upholstery. Sa wall sa ulunan ng kama ay may malaking portrait ni Marilyn Monroe. Her classic alluring pose. On the ceiling sa tapat ng kama ay may malaking mirror. Maging sa magkabilang wall ay may malaking wall mirror.

I rolled my eyes. It was kind of kinky. Bakit kailangang paikutan ng salamin ang buong kuwarto? In totality, the room was nice. And cute. Very girly. Parang hindi bagay sa malaking tao at lalaking-lalaking tulad ni Bobby.

Tumingin ako sa natutulog na si Bobby. Suot pa rin niya ang pantalon pero nakahubad na ang polo niya. Hinubad ko kagabi dahil pawis na pawis siya. That was the least I could do.

His body was sprawled on the bed. Nakadapa siyang matulog habang nakataas ang mga braso niya sa ulunan niya, making his muscles reflex because of that. I never knew Bobby's body was really this fit. Siguro ay dahil athlete siya. Batak sa sports. Parang malalakas kasi ang mga braso niya na kung kakargahin niya ako, madali niyang magagawa dahil hanggang baba lang niya ang height ko.

Maganda rin kaya ang abs niya? Hindi ko kasi gaanong napansin kagabi dahil sa kalasingan.

I smirked. That sarcasm was for myself dahil kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan ko tungkol kay Bobby Gallego. The muscles and all. Duh.

Wala kasi akong magawa. Ayoko namang buksan ang TV dahil baka maistorbo ang tulog ni Bobby.

I put out my cellphone from my bag. Magsi-selfie na lang ako. Mahilig akong mag-selfie. Lalo na kapag walang magawa. Kung anu-anong facial expressions ang ginagawa ko. But I never posted them on my social media accounts. Kakatayin lang ng mga bashers ko ang pictures ko.

Naka-deactivate nga ang Facebook account ko simula nang umalis ako sa HFU dahil sa nangyari.

Kung anu-anong masasakit na mga salita ang ibinato nila sa akin. Bitch. Malandi. Gaga. Salbahe. Kulang sa Pansin. Maninira ng relasyon.

Lahat na naibato na sa akin. Sanay na ako. But sometimes those words get into me. And they would hurt me.

Pero hindi ko dapat ipakitang apektado ako. Never. I will never give my haters the satisfaction of seeing me hurt because of what they say about me.

I took one selfie while sitting on the pink chair. It was a wacky one. Pagkakita ko sa picture ko ay napabungisngis ako. Taking selfie pictures made me giggle and somehow happy. Weird lang.

Napatingin ako sa natutulog pa ring si Bobby. Kunan ko kaya siya ng picture? His body was nice. Pwedeng gawing profile picture. Pagkatapos ikalat ko sa social media.

I giggled softly. Shit, Ashley. That. Was. Bad.

No. I would not do that to Bobby. Kawawa naman 'yung tao dahil may pinagdadaanan na. At hindi ko rin naman iyon gagawin sa iba. That was not my style.

I took more selfies. Naisip kong mamaya kapag nagbanyo si Bobby ay sa kama ako magsi-selfie habang background ko ang malaking portrait ni Marilyn Monroe.

I took one more selfie, background ko ang glass window na may pink and off white curtains. I was smirking--my classic bitch-face.

"Where are we?"

Napatingin ako kay Bobby. He was awake. Nakaupo na siya sa gilid ng kama. Ang magkabilang siko ay nakapatong sa mga hita. Nakatungo siya at nakasabunot sa buhok. Masakit siguro ang ulo niya dahil sa hangover. Mas marami kasi siyang nainom kaysa sa akin.

Yes, Ashley, he has pack abs, sabi ko sa sarili ko nang makita ko ang dibdib at tiyan niya.

Sinabi ko ang pangalan ng motel na kinalalagyan namin at pagkatapos ay itinaas ang cellphone ko at nag-selfie ulit ako.

"What are you doing?" kunot-noong tanong niya.

"Taking pictures," I answered then smirked.

Tumingin siya sa akin. "Of me?"

I smirked. "What do you think?" I answered playfully. Wala lang. Gusto ko lang siyang biruin.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Bobby. Tumayo siya at lumapit sa akin na hindi nagbabago ang ekspresyon.

Hindi ko alam kung bakit napaatras ako habang lumalapit siya sa akin. His expression was like his expression yesterday when he saw Zeke and Kate getting out of the motel.

The calm-before-the-storm-calm yet intimidating. Menacingly intimidating.

"Is this all part of your plan, Ashley?" he calmly asked while his eyes were narrowing. "Luring me to stalk Kate, getting me drunk, checking me in a motel so that you can take pictures of me? At ikalalat mo para mapahiya ako? Para maging katawa-tawa ako?" Mahigpit niya akong hinawakan sa braso. "Is this some kind of your malicious ploy again? Is this it?" mariin niyang tanong.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko magawang magsalita. Dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. I was caught off guard. Hindi ko akalaing mamasamain ni Bobby ang biro ko. We were okay last night. pagkatapos paggising niya ay mag-iiba na pala ang ihip ng hangin.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" mataray kong tanong sabay padaskol na kinabig ang braso kong hawak niya.

"Why? Are you trustworthy enough?" balik-tanong niya. Pigil na pigil ang galit niya. "Sa dami ng taong binully mo at sinaktan mo ang mga damdamin, do you think you are trustworthy enough? Answer me."

Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang cellphone ko. "Shit, Bobby! You can check my cellphone at wala kang makikita ni isang picture o video mo r'yan kaya 'wag mo akong pagbibintangan ng mga kung anu-ano. Wala ito sa plano ko. Dahil kung may plano ako, hindi na kita hinintay na magising at umalis na agad ako."

Pagkatapos ay malakas ko siyang itinulak sa dibdib. Bahagya siyang napaatras dahil doon.

Damn! Bakit naaapektuhan ako? Bakit may kurot sa puso ang sinabi ni Bobby? Hindi dapat.

Hindi ko na hahayaan pang masaktan ng ibang tao ang damdamin ko.

Nang hindi kumilos si Bobby ay kinuha ko ang cellphone ko sa kamay niya. I composed myself and put on my best bitch-face-one corner of my lips quirking upward and an eyebrow arched. "You know what, Bobby Gallego? Akala ko iba ka kay Zeke. Pero pareho lang pala kayo. Jerk! You are such an asshole, Bobby Gallego! Asshole!" Pinalo ko siya ng malakas sa dibdib at pagkatapos ay kinuha ang bag ko at walang lingun-lingon na umalis.

Nanginginig pa ang buo kong katawan habang nakikipag-settle ng bayad sa reception. At kahit nasa kotse na ako nanginginig pa rin ang mga kamay ko sa galit.

Fuck you, Bobby!

He could have given me the benefit of the doubt. At least. Na hindi ko magagawa iyon sa kanya. I only thought of it as a joke. Pero hindi ko naman ginawa. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Bobby kagabi, hindi pala sapat iyon para mag-iba ang tingin niya sa akin.

I was still tne HFU's biggest bitch and bully in Bobby's eyes.

Tulad na lang din ng tingin ng iba sa akin.

"ASH..."

NATIGIL AKO sa panonood ng cartoon movie na Beauty and the Beast at napatingin sa babaeng nakasungaw ang ulo sa pinto. Cartoons were my favorites. Especially Disney movies. Kahit paulit-ulit ay pinanood ko pa rin, lalo na kapag may iniisip ako o kaya ay malungkot ako.

Tulad ngayon. Hindi ko alam kung bakit but I just felt...sad.

Ang babaeng nakasungaw sa pinto was Tita Liezel.

Si Tita Liezel ang thirty-eight year old kong auntie. She was my mother's younger sister. She had never been married.

Because she had always been a mistress.

At twenty two, she eloped with a guy seven years her senior who turned out to be married. Ang pangalawa niyang boyfriend ay isang negosyanteng hiwalay sa asawa. So, technically, she was still a mistress. At ang current boyfriend niya ngayon ay isang congressman from a district in Cebu who was also very much married. Nagpupunta isa o dalawang beses sa isang buwan ang boyfriend niya sa townhouse na tinutuluyan niya ngayon, located in a quiet and gated subdivision in Quezon City, kung saan ako nakatira.

Matapos ko kasing bumalik galing Brazil ay hindi na ako bumalik sa daddy ko para roon manirahan. I was not welcome there kaya dito na lang muna ako nakikituloy kay Tita Liezel tutal ay mag-isa lang naman siya. Pero sinabihan ako ni Tita Liezel na kapag dumating si congressman, kailangan ko munang umalis sa townhouse unit niya.

Binibili sana ako ng condo unit ng daddy ko pero tumanggi ako. The thought of being alone and living alone creep the shit out of me.

I hated being alone. But destiny had the way to mess up with my life.

I was alone.

And maybe I was destined to be alone. Nobody loved me-the bitch that I am.

I pressed the pause button on the remote control. "Bakit, Tita?" I asked.

Pumasok siya sa loob at tumayo sa harapan ko. "May bago ka bang manliligaw?" kunot-noo niyang tanong. My Tita Liezel was beautiful. Kamukha siya ni mommy na kamukha ko rin. Chinita nga lang ako dahil nakuha ko kay daddy.

Tumaas ang isang kilay ko. "Ako?" nagtataka kong tanong sabay turo pa sa sarili ko.

Tita Liezel rolled her eyeballs. "Hindi. Hindi ikaw kundi 'yang multong katabi mo ang kinakausap ko."

Inirapan ko siya. "Ang corny mo, 'Ta, ha?"

"Eh, 'tangna naman, Ash, sino pa sa tingin mo ang tinatanong ko samantalang dalawa lang tayo rito?"

I giggled. "Eh, kasi naman, 'Ta, wala namang kwenta ang mga tanong mo, 'no."

Ganito kami kung mag-usap ni Tita Liezel. Para lang kaming mag-ate. O kaya ay magkabarkada. May pagka-isip-bata kasi siya.

I always ask her why did she always end up being a mistress? Hindi na ba siya natuto sa naging karanasan ni mommy na isa ring mistress?

At laging ang sagot niya ay nagmamahal daw kasi siya ng one hundred percent.

To which I find it so stupid. But just the same. I still loved her. She was so annoyingly adorable sometimes.

"May bago ka nga bang manliligaw na kahawig ng Crown Prince ng Dubai?" pangungulit niya.

I made face. "Huh?" Tapos ay napaisip ako. "Pero in fairness, Tita, kilala mo ang Crown Prince ng Dubai, ha? Ako nga hindi ko s'ya kilala maski sa mukha."

She giggled. "Luka-luka! Nagbabasa naman ako ng current events maski pa'no, 'no."

"Crown Prince of Dubai? Duh."

"O kaya ni Coco Martin? May bago kang manliligaw na kahawig ni Coco-"

"Wala akong bagong manliligaw, Tita. Period," mariin kong sabi.

"Ha? Eh, sino 'yung gwapo at matangkad na lalaking naghahanap sa 'yo sa labas? Actually, pamilyar nga ang mukha niya, eh. Parang nakita ko na siya somewhere-"

"Sa akin?" Itinuro ko ulit ang sarili ko.

"'Tangna, ayan ka na naman," naiirita niyang sabi.

Pinindot ko ulit ang play button para ma-continue ang panonood ko. "Baka naman nagkamali lang ng natapatang townhouse unit. Walang maghahanap sa akin. At wala akong bagong manliligaw, okay?" Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa panonood. "Wait, pinapasok mo ba?"

"Hindi naghihintay lang siya sa ibaba."

"Good," ani ko. "Maybe he just got the wrong townhouse unit."

Saglit na nag-isip si Tita Liezel. "Ash, hindi kaya spy 'yan ng asawa ni Ramon at nabisto na niya ang tungkol sa amin?" concerned na tanong niya. Halata ang takot sa mukha.

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ilang beses ko na rin namang nasabi sa kanya ang consequnce na iyan pero hindi pa rin siya nakikipaghiwalay.

Bumuntong-hininga siya. "Pero hindi siguro. Ikaw talaga ang hanap, eh. Noong una nga 'Gracie' ang pangalang-"

"Gracie?" ulit ko. Biglang kumabog ang dibdib ko.

Iisang tao lang ang tumatawag sa akin ng 'Gracie'.

Siya lang.

Tumango si Tita Liezel. "Gracie," pagkukumpirma niya. "Sabi ko walang Gracie rito. Tapos biglang bumawi at Ashley daw pala ang-"

Hindi ko na nagawang patapusin pa ang sasabihin ni Tita Liezel dahil dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto.

Could it be really him?

Ang lakas-lakas ng pintig ng puso ko nang sapitin ko ang pinto. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Bahagya pang nanginginig ang kamay ko nang pihitin ko ang door knob. Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin ang mukha ng nag-iisang taong tumatawag sa akin ng Gracie.

Si Bobby Gallego.

He was holding a bouquet of flowers on one hand and a balloon with 'I'm sorry' written on it on the other hand.

He smiled when I met his gaze. Isang ngiting nahihiya, kimi at matipid. "Hello, Gracie. I come in peace. Me and Winnie."

Sa kabila ng kaba ko ay nakuha ko pang magtaas ng isang kilay. "Sinong Winnie?" seryoso ang mukhang tanong ko.

Inilagay niya ang lobo sa kamay na may hawak na bouquet at may kinuha ang isang kamay sa likurang bulsa.

"Winnie the bear," nakangiti niyang sabi at iniharap sa akin ang isang maliit na mocha brown stuffed toy bear.

Gusto kong mapangiti. God knew I really wanted to smile dahil sa kanyang Winnie the Bear thing. Pero pinigilan ko ang sarili ko. I glared at him. "Hindi 'yan si Winnie."

He tsked and scratched his head. "Fail," mahinang sabi niya. Mas sa sarili niya sinabi iyon.

A few seconds of silence came between us.

Then he looked at me with a serious face. His dreamy eyes held my gaze for a moment. Then he sighed. "I'm sorry, Gracie," sinserong sabi niya, while his eyes not leaving my eyes. "I flared up the last time. 'Yun kasing sagot at ekspresyon ng mukha mo, parang totoong kinunan mo nga ako ng litrato. I just woke up and I was still organizing my thoughts that was why it didn't register right away that it was just a joke on your part."

Hindi ako sumagot.

Nagulat ako nang lumuhod si Bobby sa harapan ko. "I know I've been a jerk. An asshole like Zeke. So like Zeke, I also deserve a slap on the face. Come on, Gracie. Hit me. Kung iyon ang makakagaan ng pakiramdam mo, gawin mo. Para mapatawad mo na ako."

I was stunned. Hindi ko alam na gagawin iyon ni Bobby. Walang kahit na sinong lalaki ang humingi ng tawad sa akin at lumuhod pa sa harap ko.

Only Bobby.

And admit it or not, I felt special.

Bigla tuloy akong kinain ng guilt. May kasalanan naman talaga ako. Kagigising lang niya ay biniro ko kaagad siya. May kasabihan nga na magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Nang tumingin ako kay Bobby ay hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. His look was serious and intense. Bumibilis tuloy ang tibok ng puso ko.

Oh, Holy Shit, Ashley. Stop it.

Pilit kong pinataray ang ekspresyon ng mukha ko. Itinaas ko ang isang kamay ko na akmang sasampalin siya. But Bobby did not move. He did not even flinched. He was ready to accept the slap I would be giving him.

But instead of slapping him, I pinched his nose.

With fondness.

Oh, shit. No way.

"Ang arte mo. Tumayo ka na nga r'yan, Bobby Gallego," sabi ko matapos kong pisilin ang ilong niya.

He stood up. Smiling. His smiley grin.

"Para sa 'kin ba 'yan?" tanong ko sabay nguso sa mga hawak niya.

Umiling siya. "No. Para 'to sa kapitbahay n'yo. Pina-deliver lang sa 'kin," he teased. His glinted eyes with amusement.

I glared at him.

He laughed quietly. "For you. Peace offering," he fondly said.

God, was I really touched with that gesture?

Pagkatapos ay iniharap niya sa akin ang mallit na stuffed toy bear. "Winnie the bear, meet Gracie, your new keeper." When he met my gaze, his dreamy eyes were smiling. "Take care of our Winnie, Gracie."

Our? Duh.

Kinuha ko si Winnie the bear sa kanya. "Pasok ka," yaya ko.

Pagpasok ni Bobby sa loob ay parang lalong lumiit ang unit ni Tita Liezel. Maliit lang naman ang unit niya na may dalawang kuwarto sa itaas. Mula sa sala ay makikita na agad ang kusina at ang hagdan patungong second floor.

"Good evening po," nakangiting bati ni Bobby kay Tita Liezel na talagang kanina pa nakaabang sa pagpasok ni Bobby sa loob.

"Si Tita Liezel," pakilala ko. "My mom's younger sister. Si Bobby Gallego, Tita."

Lumapit si Tita Liezel kay Bobby. "Nagpa-part time artista ka ba?" diretsong tanong ni Tita Liezel kay Bobby.

Umiling si Bobby. "No, Tita."

"Part-time commercial model?"

"No, Tita."

Tumangu-tango si Tita Liezel. "Eh, bakit pamilyar ang mukha mo?"

Bago pa nakasagot si Bobby ay ako na ang sumagot. "He's an NUAP basketball player, Tita. Ka-teammate ni Jacob Maravilla."

"Ah, kaya pala. At kaya pala ang tangkad mo. Ano bang height mo?"

"6'2", Tita," parang nahihiyang sagot ni Bobby sa hantarang interogasyon ni Tita Liezel.

Tumingin ako kay Bobby. "She knows Jacob Maravilla not because she watches NUAP games but because of me. She knows that I have this huge crush on Jacob Maravilla."

"Okay. I get it," ani Bobby.

Sasagot pa sana si Tita Liezel pero pinandilatan ko na siya. At mabuti naman ay nakuha niya ang gusto kong ipahiwatig kaya nagpaalam na siya at umakyat na sa itaas.

"Kumain ka na ba?" tanong ko kay Bobby nang kami na lang ang nasa sala. Ipinatong ko ang bouquet at lobo pati na si Winnie sa sofa.

A small smile played along his lips. "Pakakainin mo ba ako?"

"Oo naman," mabilis kong sagot. "Tamang-tama may natira pa kaming lason dito na pwede kong magamit."

He chuckled. Maski ako ay bahagyang napangiti na kaagad kong itinago. "Kaya mo bang gawin sa akin 'yun?" he challenged me. But I heard the teasing in his voice.

I cocked an eyebrow and smirked. "What do you think."

"No. I don't think you can do that," he answered confidently.

"Are you sure? There's this guy who said I am not trustworthy enough," I said sarcastically.

Ilang segundong nakatingin lang sa akin si Bobby matapos kong sabihin iyon. Pagkatapos ay napasuklay siya sa buhok at lumapit sa akin.

He looked at me with an apologetic expression. "I'm sorry, Gracie. I didn't mean that. I swear. Really," sinsero niyang sabi. Pagkatapos ay masuyo aking pinisil sa baba. "Please forgive me."

I pouted my lips at inirapan siya. "Maupo ka na," ani ko at itinuro ang dining chair. Hindi ko direktang sinagot ang sinabi niya.

Tahimik kong inilagay ang mga plato ng pagkain sa harap niya.

"Saluhan mo ako," aniya.

Umiling ako. "Katatapos lang naming mag-dinner ni Tita."

Kumutsara siya ng ulam at kanin. Pero bago sumubo ay tumingin muna sa akin at ngumiti. "Walang lason?" he teased.

I rolled my eyeballs at inirapan siya. "Meron."

He chuckled. Pagkatapos ay isinubo na ang kutsara ng pagkain. Pagkatapos ay umubo at humawak sa leeg at nag-astang kunwari ay nabubulunan. "M-may lason nga."

Hindi ko napigilang mapangiti. "I told you," nakataas ang isang kilay na sabi ko. I smirked after.

Natawa siya ng malakas at pagkatapos ay uminom siya ng tubig. Napapangiti naman ako sa reaksyon niya.

And then our gazes met.

Dreamy eyes.

Then Bobby sighed and smiled shyly. Pinindot niya ang tungki ng ilong ko. On instinct ay napapitlag ako. Lumabi ako at mataray siyang tiningnan.

"I'm sorry, Gracie," he fondly said.

It was sincere. I felt it.

Kaninang nanonood ako ay may lungkot akong nararamdaman. Hindi ko alam saan iyon nanggagaling. Pero ngayon ay parang sulat sa blackboard na agad na nabura ngayong kaharap ko na si Bobby. "Am I forgiven?" he asked while his gaze not leaving mine.

Napahigit ako ng hininga. Hindi ko alam kung para saan iyon. "Three days."

Kumunot ang noo ni Bobby. "What three days?"

"It took you three days to apologize to me."

I did not know why it bothered me knowing it took him three days. Maybe because I was expecting him to say sorry the next day. Ibang klaseng lalaki kasi ang pagkakakilala ko kay Bobby. Dahil tulad ni Jacob, hindi siya bastos at pilyo pagdating sa mga babae.

At kahit na gaano ako ka-bitch, hindi niya ako babastusin.

"Because it took me three days to know where you are staying. Galing ako sa kahapon sa bahay n'yo sa Bel-Air. Sabi sa akin ng maid na nakausap ko, hindi ka na raw roon umuuwi." His look became serious. "I got to know your cellphone number from a mutual friend. But I don't want to say sorry thru text. That's inappropriate. And rude. Kaya hinanap pa kita."

"How did you know where I am staying?"

He smiley grinned. Pagkatapos ay itinaas-baba niya ang mga kilay. "Connections."

Tumango ako. Connections. Yeah, Bobby had a lot of it. "Saan ka galing?" pag-iiba ko sa usapan.

"Sa school. Basketball practice."

Basketball practice. That would mean kasama niya si Jacob kanina. Gusto kong itanong kung magkasama ba sina Miranda at Jacob pagkatapos ng practice nila ngayon.

Matamang nakatingin sa akin si Bobby. "Magkasama sina Jacob at Mira, in case you are interested to know," sabi ni Bobby na parang nabasa ang laman ng isip ko. "Dati nauunang umuwi si Mira. Pero ngayon hinihintay na niya si Jacob. Nanonood na lang siya ng practice namin kapag wala siyang schedule ng pagtu-tutor," kwento ni Bobby. "Kasama niya ang iba pang girlfriends ng iba kong teammates." Biglang lumamlam ang mga mata ni Bobby. "Kate used to watch me practice."

Bigla ay naramdaman ko na naman ang pamilyar na feeling para kay Bobby. Awa. Pero ayokong ipakita iyon kay Bobby. "Speaking of Kate, ilang buwan na ba kayong break?" diretso kong tanong.

"Almost two months," malungkot na sabi ni Bobby.

And he has not moved on yet. Bihira sa lalaki ang hindi agad nakakapag-move on sa break up. Ibig sabihin lang ay tapat kung magmahal si Bobby.

"What happened?" I curiously asked.

"Zeke was the frontman of an underground band named Three Dimensional-"

"So, tama ang hinala kong lead vocalist ng isang bandang walang kwenta ang kanta?" putol ko. "It figures," sarkastiko ko pang dagdag. "Sino ba ang magpapangalan ng Three Dimensional sa banda nila?" I rolled my eyeballs after.

Bahagyang napangiti si Bobby sa sinabi ko. "Three Dimensional is an underground band that plays in a classified and underground venue. Naisama minsan si Kate ng kakilala sa isang gig ng Three Dimensional and it started from there. They exchanged numbers until later on they went out on a date and they became a couple." He shrugged his shoulders.

"Nag-overlapped kayo ni Zeke?"

Malungkot na tumango si Bobby. "Sort of. Kami pa ni Kate nang maging sila ni Zeke."

That bitch! Ako kahit na bitch ako, never kong pinagsabay ang dalawang lalaki.

"Underground band?"

Tumango si Bobby. "Underground because they perform privately. Wild party, drugs, sex. Sikat sila sa HFU at iba pang pangmayamang universities pero hindi lahat pwedeng makapunta. It was exclusive and the information of the venue is classified. So, only those who are into those wild parties would know. It happens that a boyfriend of Kate's friend is into that. They lured Kate to go with them without me knowing it."

I made a face. "Mukha namang pang-gan'ung banda lang naman ang Zeke na 'yun. He's an asshole with a capital A," naiirita kong sabi. "Dapat makaganti tayo sa kaniya. Lalo ka na."

The side of Bobby's lips quirked upward. "Naiganti mo na ako, remember. Nasampal mo na siya. I'm pretty sure naalog ang utak nu'n sa lakas ng sampal mo." Then he grinned.

Napangiti ako. Pero nang magtama ang paningin namin ni Bobby ay napabungisngis ako. He chuckled. Pareho kasi naming naalala ang eksenan ng pagkakasampal ko kay Zeke. "Kulang pa 'yun," mataray kong sabi pagkatapos. "Dapat makaganti pa tayo. That asshole called me bitch."

"Gracie..." sabi ni Bobby sa tonong nagsasaway na parang isang matanda sa kausap na bata. "Ano ang pinaplano mo?"

I looked into Bobby's dreamy eyes. Gusto kong maiganti si Bobby sa gagong 'yun. That would be the least I can do.

I smirked. Na parang sa isang tulad sa kontrabida sa teleserye. Ganoon naman ang papel ko sa mata ng ibang tao. Kontrabida. Paninindigan ko na. "Leave it to me, Bobby Gallego."

Continue Reading

You'll Also Like

31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5.1M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
478K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...