She Has My Heart (10)

3.4K 176 31
                                    

Minsan may taong biglaang darating sa buhay mo, gigisingin yung mga damdaming natutulog lang pupukawin ang atensyon mo, magiging importante di kalaunan para sayo. Hanggang dumating yung unang beses ng pagtatalo. Na masusundan, ng masusundan, at masusundan pa ulit. Hanggang gigising ka na nalang isa araw na hindi mo na maalala kung ano yung unang bagay na hindi niyo pinagkaintindihan. Miski ang patutunghan ng inyong relasyon ay wala na ring kalinawan. Ngunit hindi mo maiwan, hindi mo malisan, dahil sa takot mong baka mali ang maging hakbang mo at pagsisihan mo lang sa huli.

Minsan nama'y mga taong hindi mo agad agad mapapansin, pero anjan lang pala sila sa paligid, nakamasid, umaalalay ng palihim, naghihintay mabigyan ng pagkakataon. Naghihintay mabigyan ng atensyon. Naghihintay kahit walang kasiguraduhan. Sila yung mga tipo ng taong hindi biglaan ang pagdating, unti unti silang pumapasok sa buhay mo ng hindi mo napapansin. Sila yung tipo ng taong hindi agad pupukaw sa atensyon mo, dahil hindi sila para pumukaw lang, hindi sila para panandalian lang. Sila yung tipo ng taong magpapalakas ng loob mong kunin yung pagkakataon at magtutulak sayong gawin yung kinakatakutan mo, dahil una palang alam na nila sa sarili nilang kaya ka nilang saluhin, kailangan mo lang matutunang bumitaw.

"Wag kang mag-alala Rhi, mahirap naman kasi talagang bumitaw at iwan ang nakasayan para sa bagong kababagayan." Ngiting sabi ni Glaiza, habang naglalakad kami sa Central Park, ito ang unang araw namin sa New York, at ito agad ang gustong gusto niyang puntahan.

"Pero masaya akong ikaw yung taong yun para sakin Glai, masaya akong bumitaw ako para sayo."

"Talaga?"

"Oo naman lablab."

"Naks naman labidabs!" Tawa niya

"Alam mo kung ano-anong tawag mo sakin, yung love naging lablab, tapos naging labidabs nanaman?"

"Ayoko kasi ng common, like babe or hon? Psh!"

"Oo nga pero, jologs mo naman!" Asar ko

"Ahh jologs pala ha?" Taas kilay niyang tanong sabay hawak ng pirmi sa dalawang kamay ko.

"Oo jologs, pero kahit na jologs ka love pa din kita don't worry." Sabi ko sabay kindat. Lumapad naman lalo ang ngiti niya at mabilis akong hinapit sa bewang.

"Love mo ko talaga?"

"Oo talaga."

"Kiss mo nga ako."

"Dito sa gitna ng Central Park?"

"Oo! Bakit legal ang same-sex marriage dito, and I'd like to thank President Obama, kasi dahil sa kanya I can stay married with my wife." Paliwanag ni Glaiza.

"Andami pang sinabi." Iling ko sabay hawak sa dalawang malamig na pisngi niya dahil na din malapit na mag winter dito. Mabilis ngunit masuyo ko siyang hinagkan sa labi. At hindi niya napigilang mapangiti.

"I love you Rhian Denise. Alam mo ba yun? Yung puso ko parang sasabog."

"Hey puso ni lablab behave ka lang wag kang sasabog ha? Mawawalan ako ng lablab, malulungkot ako, lagot ka sakin." Agad na pangaral ko sa bandang dibdib niya. At natatawa naman niya akong niyakap.

"Alam mo hindi ka ganito nung mga unang buwan natin sa bahay." Bulong niya.

"Talaga?"

"Laging kang stressed tapos kinakabahan or naguguluhan. May mga mannerisms ka kasi pag kinakabahan ka or naguguluhan or pressured at stressed." Paliwanag niya habang patuloy kaming naglalakad papunta sa kabilang dulo ng park.

"Ikaw naman lahat napapansin mo."

"Ganoon naman pag mahalaga sayo yung tao, lahat nakikita mo or napapansin mo sa kanila." Sabi niya sabay halik sa kamay kong hawak niya.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora