She Has My Heart (7)

2.5K 139 19
                                    

"Chynna!"

"Oh Jason anong ginagawa mo dito?"

"Galing ka sa bahay nila? Ano magkahiwalay ng kwarto diba?"

"Anong pinagsasabi mo? Nasa iisang kwarto sila natutulog okay? Nagyayakapan sila at naghahalikan sa harap namin kaya please lang parang awa mo na tigilan mo na yung mga kaibigan ko. Halos limang buwan na silang kasal. Kung talagang malakas ang kutob mong may mali, dun ka kay Lovi mag focus wag sa mga taong mahihina at walang laban sayo. Alam ko namang isang maling sulat mo lang sa PDI, eh masisira mo si Rhian, at ayokong masaktan kahit sino man sa kanila, dahil wala silang kinalaman sa mga pinagsasabi mo."

"Pag nalaman kong pati ikaw nagsisinungaling sinisigurado kong front page kayong lahat."

"Alam mo nakakatawa ka, PDI ka nagtatrabaho pero yung kaledad ata ng balita na kaya mong ibigay eh pang tabloid. Try hard to get a life dude, don't ruin others' just because you can't have one."

+++

"Hello babe Rhi? Asan ka?"

"Hi, I - - uhh nasa bahay bakit?"

"Pwede ba akong pumunta jan? Or pwede ba tayong magkita anywhere? Nag cancel ka kasi nung last time."

"Ahh ganun ba, nako birthday ni daddy ngayon eh, papunta kami ni Glaiza sa home para isurprise silang elders."

"Pwede ba akong sumama sa home?"

"Lovi maraming tao sa home, magtataka sila kung bakit kasama ka namin, and may mga bali-balita na ngayon hindi ka ba aware?"

"Okay I get it. Pero sana pwede ka tomorrow? Tatlong araw lang kasi yung pahinga ko."

"I'll let you know mamaya I'll ask Bianca for confirmation. So kelangan na namin umalis."

"Okay, be safe. Bye. I love you."

"I know. Bye." Mejo nagulat man ako sa sarili ko na hindi ko sinagot yung sinabi ni Lovi ay mabilis ding nawala sa isip ko ng biglang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko.

"Lablab inaantay na tayo nila Daddy G." Malokong sabi ni Glaiza habang nakatakip pa din yung mga kamay niya sa mata ko.

"Akala ko naman papahulaan mo kung sino."

"Nako wag na baka mamaya ibang pangalan pa mabanggit mo. Joke." Malamang biro naman niya bago ako tuluyang bitawan para kunin ang bag ng regalo namin kay Dad.

"Tara na kasi naghihintay na sila dun. Sabi din nila Chynna may mga media personnel ng andun. Tamo naunahan na tayo." Aya niya sakin muli bago ako tuluyang hatakin papunta sa garahe.

"Ang sweet talaga ng lablab." Puna ko sa kanya dahil kahit na may hawak siyang malaking bag ng regalo para kay dad at sa ibang elders eh nagawa niya pading pagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Aba syempre, nakakahiya naman po sa naka dress kong lablab." Biro niya, at hindi ko naman naitago ang pamumula ng pisngi ko.

"Bolera Cha." Sabi ko at natawa siya, dahil laging iyon ang sinasabi ni dad pag pinupuri ni Glaiza ang kagwapuhan niya.

"Parang linyahan ni daddy G yan ha. May pinagmanahan ka pala. Mapagpakumababa. Lalong nakakainlove." Ngiti niya habang palabas kami ng garahe. At gustong gusto ko din siyang sagutin na mas nakakainlove siya dahil sa buong pagkatao nya pero pinigil ko ang sarili ko dahil gusto ko pag sinabi ko sa kanya yun ay malinaw na samin ni Lovi na wala ng kami.

+++

"Hello Lovi? Napatawag ka?"

"Hi Biancs, tatanong ko lang kung anong schedule ni Rhian bukas?"

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now