Ikaw at Ako sa Mundong Pinaiikot ng Tadhana

3.2K 121 24
                                    

a/n: Isa nanamang kabanata ng kawirduhan ng aking isip. Paumanhin. :)

+++

Alam mo yung pakiramdam ng magmahal ng lubos at lubusan ding masaktan?

Alam mo yung pakiramdam na parang unti unti ka ng kinakain ng sakit at pighati sa pagkawala niya pakiramdam mo mababaliw ka na?

Na sa sobrang sakit pinilit mong piliing hindi nalang maramdaman ang ang kahit ano.

Na sa sobrang sakit pinilit mong piliing hindi nalang makita ang lahat ng mga nagpapaalala sa nakaraan niyo.

Nagbulag bulagan ka.

+++

Maganda ang buhay, hindi ito perpekto pero mayroon at mayroon kang dahilan para patuloy na suungin ito sa araw araw na ginawa ng panginoon. Katulad ko, isa akong rehistradong nurse/care giver, kauuwi ko lang dito sa Pilipinas galing sa Australia dahil sa pakiusap na din ng kaibigan kong si Chynna, sabi niya kasi yung best friend niya nangangailangan ng tagapag-alaga, sino ba naman ako para tanggihan ang isang kaibigan na nangangailangan ng tulong hindi ba?

Andito ako sa isang resort sa Batangas ini-enjoy ang dalawang araw na palugit bago ako magsimula sa trabaho uli.

Ala-singko palang ng umaga ngunit nakasalampak na ako sa buhanginan, hinihintay ang bukang-liwayway, dahil sa kakaibang kapayapaang dala nito, mula sa kadiliman ng gabi hanggang sa pagaagaw ng liwanag at dilim at sa tuluyang pagsabog ng liwanag at pagyakap nito kabuuhan ng mundo.

Habang naghihintay ay nag-inat ako at hindi sinasadyang napatingin sa di kalayuang cabin kung saan isang babaeng naka puting shirt at maikling shorts na may hawak na bote ng Jack Daniel's ang lumabas. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa tabing dagat, derecho ang tingin at susuray suray. Hindi ko na sana siya papansinin at hahayaan nalang sa kanyang buhay kaya nagbalik tingin ako sa napakagandang umagang nasa aking harapan ngunit ng muling hanapin ng aking mata ang babae ay wala na ito.

Para siyang naglahong parang bula.

Para siyang nilamon ng umaga at ng mga alon ng dagat.

Nilamon?

Nalunod?

Nalunod!

Dali dali akong napatayo mula saking inuupuan upang hanapin siya, pinuntahan ko siya sa pinanggalingan niya ngunit naiwang nakatinwangwang ang pinto ng kanyang kwarto. Muli akong napatakbo sa direksyong nilakaran niya at nakita ang nangangalahating bote ng Jack Daniel's na kani-kanina lang ay tangan tangan niya.

Hindi na ako muling nagisip pa at tuluyang tinalon ang dagat, di alintana ang lamig ng tubig ng umagang iyon, mabilis ko siyang hinanap ngunit wala na siya sa hanggang bewang na tubig kaya pinili kong sumusid.

Makailang beses ko siyang sinubukang hanapin sa ilalim ng dagat, hanggang makita ko siya, agad ko siyang hinila sa dalampasigan at binigyan ng paunang lunas. Tinapik ko ang kanyang namumutlang pisngi, at pinulsuhan bago ko binigyan ng CPR. Hanggang sa makita ko siyang gumalaw at dumilat.

"Patay na ba ako?" tanong niya habang tila di makapaniwalang nakatitig sa akin

"Ha? Hindi, iniligtas kita."

"Bakit mo ko iniligtas!?" sigaw niya na ikinagulat ko, sabay tayo ngunit siya'y nahilo at muntik na matumbang muli dahil na din siguro sa alak.

"Teka nagpapakamatay ka ba kanina?"

"Pakilamera ka. Sana hinayaan mo nalang akong mamatay."

"Teka teka sandali - -" pigil ko sa kanya at alalay dahil napapaluhod pa siyang maglakad

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now