She Has My Heart (4)

2.4K 144 17
                                    

"So Glaiza yan yung magiging contract ng lahat, that after the election manalo or matalo si senator Poe, our party will file the divorce papers na pipirmahan mo din ngayon." Seryosong seryosong paliwanag ni Bianca sakin, nasa office ko siya ngayon pero parang ako yung may kailangan sa kanila at ganito niya ako kausapin. Kung hindi lang talaga dahil kay Daddy G hindi naman ako papayag dito. At pag nalaman to ni Chynna at Katrina alam kong maghi-hysterical yung mga yun panigurado.

"Bakit kelangan pa ng ganitong formality kung fake lang din naman lahat?" tanong ko kay Bianca at parang gustong tumaas ng kilay niya pero pinigil niya at pilit na ngumiti.

"Kasi kelangan, para kung mag background check man ang media sa inyo ni Rhian, alam nilang legal kayong kasal." Paliwanag niya

"Ngayon lang kasi ako pipirma ng divorce papers ng hindi ko pa napipirmahan yung marriage contract ko." Natatawa kong sagot kay Bianca

"Ngayon lang naman kasi mangyayari to sa kahit sinoman." Natawa na ding sagot ni Bianca

"Sana pwede tayong maging friends in the duration of all this." Nahihiya kong sabi

"Mabuti kang tao Glaiza, no doubt na magiging friends tayo, for now kelangan nating masiguradong walang makakaalam ng tungkol sa contract na to kahit sino. As in not a single soul other than you, me, Rhian and senator Poe okay?"

"Sure. Para saan pa ang contract diba. Teka paano natin mapapakita sa media na matagal na kaming may relation eh wala nga kaming picture together, or kwento ng pagkakakilala?" pag-aalala ko, na agad namang ikinatawa ni Bianca.

"Wag kang mag-alala may kwento na akong na formulate kelangan lang nating punatahan si Rhian ngayon sa shoot niya, dalhan mo siya ng flowers at food." Sabi ni Bianca habang pinipirmahan ko lahat ng linya na may sinabing signature over printed name.

"Teka ngayon na ba magsisimula to?"

"Oo Glaiza kelangan ngayon na para may sense naman yung pagpapakasal niyo."

"Sige, sandali lang ipapaalam ko lang sa hahalili sakin sa mga pasyente ko ha. Hintayin mo nalang ako sa parking?"

"Sure. Salamat Glaiza."

"Walang anuman." Ngiti kong sabi kay Bianca at nauna na siyang lumabas ng opisina ko habang hinahanda ko ang sarili ko sa pagharap at pagpapaalam kay Chynna.

"What's up with the woman?" Agad na bati ni Chynna ng daanan ko siya sa quarters

"Just talked about updates with Daddy G alam mo naman, nga pala I'm going out."

"Out?"

"Yeah, I'm meeting with Rhian." Alanganing sagot ko na mejo pabulong na din.

"Wait ano? Rhian? Bakit?"

"Basta."

"You guys dating already? Parang nung isang araw mo lang yun nakilala? Anong meron?" Takang tanong ni Chynna habang hinahabol ako palabas ng home papunta ng parking.

"Basta." Pilit kong iwas sa mga tingin niya.

+++

"Cut! Good take David and Jade. That's all for today. Pack up na tayo guys!"

"Magugustuhan niya kayang makita ako ngayon Bianca? Baka pagod yun sa trabaho." Naiilang kong sabi dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga crew, at hindi pa ako nakikita ni Rhian.

"Relax Glai, matutuwa yun dahil dala mo yung favorites niya." Ngiti naman ni Bianca.

Para akong manliligaw na first time dumalaw sa liligawan niya sa bahay ng magulang niya. Kumakabog pa din yung dibdib ko ng makita kong palapit na si Rhian samin, nung una nagsalubong yung kilay niya pero ngumiti pa din.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now