She Has My Heart (8)

3K 157 56
                                    

"Lovi." Mahinang sabi ni Rhian at napaayos siya ng upo bilang hindi ganun ka dark ang tint ng kotse ko.

"Baka namiss ka na niya. Masyado na daw kitang hinihiram." Biro ko sa kanya, para mapagaan ang loob niya dahil para siyang asawang nahuling nangangaliwa sa itsura niya.

"Sabi ko naman busy tayo ngayong araw bakit ang kulit niya." Inis na sabi ni Rhian, hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagiba ng mood, bakas sa tono ng pananalita niya na naiinis siya.

Pinagbuksan kami ng kasambahay namin ng gate para maipasok ko ang kotse at hindi naman agad lumabas si Rhian pagkahinto ko. Kaya pinagbuksan ko pa din siya ng pinto, at ramdam ko ang lamig ng kamay niya ng kumapit siya sa akin.

"Sa taas lang ako Rhi." Sabi ko sa kanya ng makapsok kami ng bahay, nasa sala si Lovi nakaupo sa couch na nakaharap sa front door, parang may ari ng bahay, parang asawang naghihintay sa kaparehang nalate ng uwi sa nakasanayan. Binitiwan ni Rhian ang braso ko at naglakad papunta sa ngayon ay nakatayo ng Lovi at nakangiti kay Rhian. Habang ako naman ay mabigat ang loob na umakyat at pumasok sa kwarto ko.

...

"Napadalaw ka?"

"Yes, surprise sana, so surprise." Ngiti ni Lovi, sabay hatak sakin upang yakapin ako.

"Kumain ka na ba? Kamusta naman yung campaign?"

"Yeah tapos na nagdinner na kami sa meeting, ayos naman hindi ka ba nanonood ng TV? Andami mong shows, napanood ko yung ilan." Tanong ni Lovi, bilang hindi mahilig si Glaiza manood ng TV ay pati ako nahawa na din.

Kung hindi kami nagkukwentuhan ng kung anu-ano, nagchecheck kami ng pictures namin online at pinagtatawanan yung mga tabloid captions. Nagroroad trip pag day off niya at wala akong shoot. Naglalaro ng jenga, at iba pang board games na nahalungakat niya sa attic. Hindi kami napirmi sa bahay sa tuwing may oras kami kaya madalang kaming manood ng TV. Dahil sabi ni Glaiza, halos buong buhay ko nasa harap na ako ng TV o camera maganda daw sana eh may iba naman akong mapaglibangan.

"Wala akong gaanong oras manood ng TV."

"Pero may oras kang makihalubilo sa mga tao sa home."

"Birthday ng dad ko Lovi, anong gusto mong gawin ko?" Naiinis na sagot ko.

"And don't act like I'm the only one bailing on this relationship, dahil mas marami kang date na pina cancel kesa sakin." dagdag ko

"Ahh so magsusumbatan tayo? Alam mo naman na para sa atin ang ginagawa ko."

"Talaga? Para sa atin Lovi? O para sa sarili mong ambisyon?"

"Teka ano bang pinagsasabi mo Rhian? Gusto nating maging malaya tayong dalawa diba? Yun ang ginagawan ko ng paraan."

"You know what's the funny thing about it? I already feel free whenever I am with Glaiza, kasi siya hindi ako kinahihiyang kasama, kahit napakaraming nakakakita samin, kahit napakarami nilang sinasabi pag nakikita nila kaming dalawa, hindi nagbabago yung pakikitungo niya sakin. Kahit hindi ino-honor yung kasal namin dito sa Pilipinas, daig pa namin yung legal na kinasal dahil wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, dahil ang mahalaga lang sa kanya ako. Hindi ko naman hiniling na ibigay mo yung kalayaan na yan sakin Lovi. Yun ang gusto mo dahil hindi ka makapag out sa sarili mong paraan. Para sayo lang yan hindi para sakin." Sumbat ko sa kanya at sa unang pagkakataon nasampal ako sa totoong buhay, walang action or cut or good take, pero ramdam ko yung paginit ng pisngi ko sa ginawang pagsampal sakin ni Lovi.

"Lovi, wala akong pakialam kung senador ka pa ng Pilipinas, wala akong pakialam kung ikaw ang girlfriend ni Rhian, o nakakontrata lang siya sakin, pero kahit ano pang gawin mo at kahit sino ka pa, wala kang karapatang saktan siya." Nagulat kami pareho ni Lovi at napatingin kay Glaiza na pababa ng hagdan.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now