Ikwento Mo Sa Kanya Ang Tungkol Sa Atin (Teaser)

2.4K 96 25
                                    

Nakita kita kanina kasama siya, mukha naman kayong masaya. Mukha namang kayo ang tinadhana. Mukha naman kayong - - pwede na.

Tapos bigla kong naisip, habang ako'y naglalakad lakad at nagmumuni muni,

Kung naikwento mo na sa kanya na malimit kang uminom ng beer tuwing hindi ka makatulog sa gabi.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na hindi ka kumakain ng dilaw ng nilagang itlog, dahil ayaw mo ng pakiramdam nito sa iyong labi.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na humihilik ka 'pag natutulog ng sobrang pagod.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na may allergy ka sa hipon at alimango.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na natutulog ka ng walang suot.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na gamit mo pa din iyong pabangong galing sa akin.

Kung naikwento mo na ba sa kanya na isang tao lang ang minahal mo bago siya.

Kung ang sagot mo sa lahat ng iyon ay, oo.

May isang tanong nalang ako,

Kung naikwento mo na ba sa tagal ng inyong pagsasama...

Kung naikwento mo na ba sakanya, ang tungkol sa atin.



a/n: Isa po itong pahaging, pampasabik, sa isa nanamang kwentong gusto kong isulat. Namiss kong gamitin ang wikang Filipino sa pagsulat, kaya asahang ito'y parteng tagalog at parteng ingles. ^_^


JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now