She Has My Heart (6)

2.3K 138 12
                                    

"Good morning!" Masiglang bati ni Glaiza pagbaba ko sa sala

"Good morning. Oh ang aga mo magising? Day off mo diba?"

"Ako oo day off ko, pero ikaw hindi, so naisip kong gawan ka ng breakfast. Tara." Aya niya sakin sabay kuha sa kamay ko.

It's been a month simula nung kinasal kami ni Glaiza, she has already move in with me, at unti unti ko ng nakikita yung mga magagandang pagbabago sa bahay namin dati, Glaiza really is great in taking care of everything, mapa tao o bagay o miski bahay. She makes sure malinis ang lahat ng parte nito kahit na may kasambahay kami, napaka hands on pa din niya.

Although we sleep in separate rooms, dahil syempre ayun ang nasa contract at ayokong isipin niyang I'm taking advantage of her kahit na parang ganun naman din ang labas, isang buwan na din mula nung magsimula ang puspusang campaign nila Lovi at ng vice president niya. Isang buwan na din kaming hindi nagkikita pero parang wala nalang sakin. Kakaiba man pero parang hindi ko na siya namimiss at wala na akong pakialam kung tatawag ba siya o magtetext sakin. Unfair man sa kanya wala akong magagawa yun ang nararamdaman ko ngayon. And I don't know kung dahil lang ba to sa araw araw na magkasama kami ni Glaiza o sadyang ganito lang talaga pag hindi ka naman binibigyan ng attention.

"Okay ka lang ba Rhi? Ayaw mo ba ng niluto ko? I can make another breakfast if you want to?" Alalang tanong ni Glaiza, masyado na palang matagal ang na zone out ko mula nung umupo kami sa dining. Kaya dali dali naman akong nagreact at hinawakan ang kamay niya.

"No, hindi yun ang iniisip ko, gusto ko tong breakfast na gawa mo, thank you Glai."

"Siya ba yung iniisip mo? Kamusta na pala kayo?" Glaiza asked with the same genuine concern na lagi niyang pinapakita sakin.

"Is it wrong for me not to expect anything from her anymore?" I seriously asked Glaiza, dahil naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.

"Baka nasasabi mo lang yan kasi lagi siyang wala sa ngayon, namimiss mo lang siya, at nakasanayan mo na yung feeling na namimiss siya kaya akala mo you're not expecting anything from her na. Malay mo pag nagkita na kayo ulit maging okay ka na din." Paliwanag ni Glaiza, yung tipo ng pagpapaliwanag na nageencourage na may saysay pa yung relasyon namin ni Lovi, kung relasyon pa ba ang tawag sa kung anong meron kami.

"Sana nga."

"Gusto mo bang dumistansiya din muna ako sayo? Baka pati ako nagpapadagdag ng gulo sa isip mo." Tanong ni Glaiza, at napatigil ako, gugustuhin ko nga ba siyang dumistansya sakin? Biglang bumalik lahat lahat ng ginawa ni Glaiza para sakin sa loob ng tatlong buwan, simula nung pumirma siya ng kontrata, hanggang ngayong umaga lang. Gugustuhin ko bang mawala nalang yun bigla? Kung hindi ko naman gugustuhing mawala yun hindi ba unfair sa kanya? Parang mas lalong gumulo yung isipan ko at napansin ata iyon ni Glaiza. Kaya masuyo niyang hinawakan ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.

"Ayos lang kung hindi mo pa alam ang sagot sa mga tanong na nasa isip mo, one day everything will fall into place, and you'll see through the blur of all these, until then andito lang ako para sayo." Glaiza uttered without buckle or hesitation, kahit na alam niyang kahit anong mangyari after the marriage eh siya ang dehado.

+++

"Hello? Who's this?"

"Si Chynna to, may gusto lang sana akong itanong --"

"Ahh Chynna, yes what is it?"

"Anong mapapala mo kung mapapatunayan mong hindi tunay na kasal si Glaiza at Rhian?"

"Ang totoo niyan wala akong pake dun sa dalawa kay Senator Poe ako may pake dahil may speculations ako na kabit ni Senator Poe si Rhian, at pinakasalan lang ni Rhian si Glaiza para madivert yung attention from Poe sa kanilang dalawa."

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now