Ang Apat na Kabanata ng Pag-ibig ayon kay Glaiza

3.9K 120 38
                                    

a/n: Bilang pagpupugay sa ating si Glaiza. sa galing at talentong kanyang ipinakita. sa ngalan ng pag-ibig, pangarap at musika.

p.s. mga nilalaman ng isip ko sa madaling araw. rakenrol!


+++


Unang Tagpo Sa Lilim Ng Waiting Shed

'Bwisit!' ang unang salitang nasambit ni Glaiza ng hindi niya abutan ang dyip na malimit niyang sakyan papasok sa trabaho

Bakit ba kasi tanghali kang nagising, wala namang iba sa kinasanayan hindi ba?

Ngayon tuloy ay kasing dalang ng manliligaw mo ang dumadaang masasakyan papuntang Morayta.

Inip, inis at gutom ang inabot mo sa bagong gawang hinatayan, na maaamoy mo pa ang bagong lapat na pintura at mababasa ang pangalan ng pulitikong taos pusong nagpagawa nito gamit ang perang galing din sa bulsa mo.

Matatawa ka, mapapailing nalang at mapapasambit ng isa pang mura, 'T*ng*na' dahil huli ka nanaman sa time in ng kumpanya. Bawas sa sweldo mo'y nakikinita mo na.

Kung maaari mo nga lang lakarin ay kanina mo pa ginawa pero hindi, masyadong malayo, mapapagod ka lang, kaya wala kang ibang pwedeng gawin kundi ang maghintay.

May darating pa kayang masasakyang hindi puno?

May darating pa kayang masasakyang hindi mo ipagsisiksikan ang sarili mo?

May darating pa kayang masasakyang otso ang bayad mo pero ang upo mo hindi pangkwatro?

May darating pa kayang para sayo?

Gusto mong malaman? Hintayin mo.

Pagod ka ng maghintay? Eh di bukas agahan mo.

Bawasan mo kasing inom ng kapeng barako habang nagbabasa sa wattpad sa madaling araw gamit ang cellphone mo

Bawasan mo ding magilusyong katulad ng dyip na may karatolang Morayta ay darating ang taong magmamahal sayo basta basta.

Hindi siya nabibili sa seven-eleven, at hindi din nasusungkit sa sirang vending machine.

Kung sawa ka ng maghintay sa dyip at sa taong para sayo, bakit hindi mo subukang sumabit, at maghabol? Nakakahiya? Nakakawalang ganda? Pwes manigas ka.

Isa lang ang naiisip kong magagawa mo, wag mong indahin ang pagod ng paghihintay, wag mong sukuan ang taong magmamahal sayong walang kapantay.

Malay mo sa susunod na dyip pa morayta, dyan siya bumaba sa waiting shed kung nasaan ka, masaklap nga lang pag nagkataon, ikaw ang papalit sa pwesto niya.

Umasa ka nalang ulit na mamaya sa iyong paguwi ay siya namang pagpasok niya at dun sa waiting shed kayo'y magtagpo at muling magkita.

Lagi mo lang isaisip mga katagang ikaw din mismo ang may gawa 'Sa dilim at sa liwanag, alam kong dadating ka.'


+++


Ikalawang Pagkikita Sa Kunyariang Barcelona

Nakinig ka ba sa payo ng nanay mo? Natulog ka ba ng maaga? Yung kape itinabi mo na? yung wattpad sa cellphone mo, binura mo na ba?

Kung oo, magbunyi ka dahil maaga ka ng magigising sa mga susunod na araw, kung kabaliktaran naman ang iyong ginawa, wag ka ng umasa pa.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now