Ang Palyadong Makina ng Orasan

3.5K 128 45
                                    

Alam mo ba kung gaano kahalaga ang oras? Talaga? Pinahahalagan mo ba ito?

Malaki kasi yung pinagkaiba ng alam mo lang ang halaga sa pinahahalagahan mo.

Minsan alam mo lang mahalaga siya. At iispin mong napahahalagahan mo siya.

Pero kadalasan hindi naman.

Parang yung mga ilang minutong nahuhuli ang orasan na gamit mo. Hindi ba't hindi naman pare pareho ang oras sa bawat orasan?

Kagaya ngayon, iniayos mong mag-aalarm ka, alas-sais ng umaga, pero tumunog ang orasan sa tabi ng kama niyo ng nuuna ng sampung minuto. Inis na inis ka na tila napakalaking bagay ng sampung minuto na iyon sa tulog mo.

Babangon ka, maliligo, at maghahanda ng almusal para sa inyo ni Rhian, gigisingin mo siya at sabay kayong maghahanda para pumasok sa trabaho. Papaalalahanan mo siyang bumili ng baterya para sa orasan niyo upang hindi ito nuuna o nahuhuli sa pag-alarm. Tatango siya at sabay kayong aalis ng bahay. Ihahatid mo siya sa trabaho niya bago ka pumunta sa lokasyon ng iyo. May madadaanan kang aksidente sa isang intersection, pero masyado ka ng nagmamadali para pansinin pa iyon. Uuwi kayo sa bahay na parehong pagod, pero maaalala mo yung baterya na pinabibili mo, pero si Rhian hindi at mangangako siyang bukas hindi na niya makakalimutan, pinalampas mo at pinagbigyan.

Kinabukasan nahuli naman sa pagtunog ang orasan mo at nahuli ka ng sampung minuto sa pag-gising lalo kang nanggalaiti pero pinilit mo nalang kimkimin dahil nakita mong mahibing pang natutulog si Rhian sa tabi mo. Hindi mo pa din maikakailang kahit ilang taon na kayong magkatabing natutulog, hindi mo pa rin mapigilang mamangha sa gandang taglay niya. Para siyang isang buhay na panaginip na unti unti mo ng nakakasanayan, at minsa'y nababalewala. Di alintana ang inis mo ay gagawin mo pa din ang mga dapat mong gawin ng umagang iyon para sa inyong dalawa.

Para sa inyong dalawa.

Lagi nalang. Sabi ng isip mo, palagi nalang para sa aming dalawa ang gingawa ko.

Inihatid mo siya sa trabaho niya kasabay ng panibagong paalala na bumili ng baterya ng orasan.

Bakit kaya hindi nalang ikaw ang bumili? Kasi hindi mo naman nakakalimutan? Pero naisip mong ikaw naman lagi ang gumagawa ng mga bagay para sa inyo, baterya nalang hindi pa niya maibigay?

Nagbibilang ka ba ng mga ginagawa mo sa relasyon niyo?

Hindi naman siguro sa ganun. Habang papunta ka naman sa restaurant mo isang aksidente nanaman ang nakita mo sa may intersection. At napailing ka nalang, at napasabing, 'andami daming nagmamadali ngayon at hindi na napapansin ang halaga ng paghihintay.'


October 7, 2015 – 7:30am


Magaling! Ang galing talaga! Tuluyan ng hindi tumunog ang orasan sa tabi ng kama niyo. Bumangon kang wala si Rhian. Nagtataka ka man hindi mo siya hinanap dahil naiinis ka. Paglabas mo may naamoy kang mabango mula sa kusina kaya pinuntahan mo akala mo kasi andun siya, pero ng marating mo ang kusina niyo, wala naman siya, may isang pinaggan lang ng pagkain na may katabing maikling sulat.


Mahal ko,

Maaga ang call time namin, hindi na kita ginising. Hinandaan na kita ng almusal. Promise bibili na ako ng battery ng alarm clock mo. Love you.


Wala ka ng nagawa kundi ang pumunta sa huling araw ng shooting mo ng Sleepless. At sa pangatlong pagkakataon isang aksidente nanaman sa parehong intersection ang nadaanan mo. Napaisip kang dapat ka na talagang magdoble ingat sa panahon ngayon.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now