False Awakening

2.7K 115 27
                                    

"Anak! Jade?"

"Ma?"

"Si Althea nga pala."

Apat na salita.

Apat na salitang hindi pa pumalo sa isang kamay mo.

Pero siyang apat na salitang hindi mo alam na babago ng buhay mo.

Iyong apat na salitang binitiwan ng mama mo ng makauwi siya mula sa kanyang trabaho sa isang sangay ng pamahalaan na tumutulong sa mga kabataan at kababaihang makapaghanap ng bagong pamilya o makapagbagong buhay.

"Jade? Ikaw na munang bahala kay Althea ha? Babalik pa ako ng opisina para ayusin ang mga papel niya."

"Bakit po?"

"Dito na siya satin titira."

Limang salita.

Sumaktong bilang sa isang kamay mo.

Hindi mo alam kung bakit binibilang ang mga salitang nagmamarka sa iyong puso't isipan pero hindi mo mapaigilan ang iyong utak na ito'y gawin.

Dun ka kasi magaling, ang magbilang, ng magbilang ng magbilang. Kaya nga diba ang kurso mo eh yung para sa mga magagaling magbilang ng pera ng iba?

"Hi, gusto mong magkape?"

Agad mong tanong sa magandang dalagang halos kasing edad mo lang.

Tamihik.

Masyado siyang tahimik at hindi makatingin ng derecho sayo.

Bakit kaya?

Tanong mo sa iyong sarili.

Pero bago mo pa siya matanong ay tumango siya, bilang pagsangayon sayong gusto niyang magkape.

"Halika sa may kusina."

Yakag mo, at agad naman siyang tumalima. Sumunod siya sayong parang bata na nakuyoko at nahihiya.

"O-okay ka lang ba?"

Tanong mo ng masyado mong naramdaman ang lapit niya sa likod mo, tumayo ang mga balahibo mo ng mabilis na dumampi ang braso niya sayo at pareho kayong napalayo sa isa't isa, tila pareho kayong nakuryente.

"Salamat Jade."

Ang unang dalawang salitang sinambit niya, na tila magandang awitin sa iyong pandinig.

"Wa-walang anuman."

Balik mo sa kanya at sa unang pagkakataon ay nagtama ang inyong mga paningin.

Hindi ka naniniwala sa love at first sight.

Hindi ka naniniwala sa destiny.

Hindi ka naniniwala sa fairytales.

Hindi ka naniniwala sa twilight zones.

Hindi ka naniniwala sa mga walang katuturang bagay.

Hindi ka naniniwala sa mga bagay na hindi lohical.

Pero ng makita mo ang lungkot sa kanyang mga mata, ang kaguluhang bumabalot sa mga kulay tsokolateng matang iyon.

Biglang parang gusto mong paniwalaan ang lahat ng mga bagay na hindi mo pinaniniwalaan noon.

Bakit kaya?

Tanong mo nanaman sa iyong sarili.

Pero bago mo pa siya matanong ay wala na siya sa iyong tabi. Nakita mo nalang siya sa mga upuan sa labas ng bahay niyo, sa maliit na hardin sa labas na puno ng orkidyas at kalachuchi na alaga ng Ama Cecilia mo nung nabubuhay pa siya. Sumalangit nawa ang mahal mong si ama.

JaThea/RaStro One Shots (Lesbian Story)Where stories live. Discover now