Chapter 17 - AT THE BAR

30.2K 652 38
                                    

Chapter 17 - AT THE BAR

DARYLL's POV

Sumama na nga ako kay Eli pero syempre nakabuntot sa amin yung Blue na yun.

Nasaan kami ngayon?

Heto nasa isang boutique.

Kakilala yata nina Eli ang may-ari nito.

"Eto mas okay yata to sayo." sabi nitong si Eli sabay abot sa akin ng isang cocktail dress

Seryoso ba siya?

Naputikan lang naman ako at yes kailangan ko ng bagong damit pero cocktail dress? Ayos lang ba siya?

Nakatingin lang ako dun sa dress na hawak niya.

"Ayaw mo ba nito?" tanong ni Eli sa akin

"Hmmm e kasi."

"Oh." sabi ni Blue sabay hagis sa akin ng isang paper bag

"Kailangan ba talaga ihagis?" at hindi naman niya ako pinansin, ang laki asar talaga ng taong to. Mali! Hindi pala siya tao, isang siyang HALIMAW! Halimaw na takot sa laruang daga at butiki. MWAHAHA!

Pagtingin ko naman ng paper bag nakita ko ang isang t-shirt sa loob nun.

"T-shirt to ni Blue." sabi ni Eli sabay kuha nung t-shirt

"Oh e bakit binibigay niya sa akin?"

"Baka pinapahiram niya sayo."

"Bakit naman?" wait! di kaya napansin niyang di ko feel tong mga ipinapasuot ni Eli sa akin?

"Oh isuot mo nalang tong dress kaysa dyan sa t-shirt ni Blue."

"Hindi na. Itong t-shirt nalang, magbihis lang ako ah." sabay hablot ko sa t-shirt at pumasok na sa fitting room

Maganda naman tong t-shirt niya.

Hmmmm, infairness mabango.

Pero hindi naman to yung t-shirt na suot niya, saan niya galing tong t-shirt? extra shirt lang? e bakit ba kasi ang dami ko pang tanong. Isuot nalang kasi, mabango naman eh.

Pagkasuot ko agad na rin akong lumabas.

"Oh bagay sayo yang shirt ni Blue." sabi ni Eli

Wala lang masabi tong taong to. HEHE pero infairness at mabait naman pala.

"Kalokohan lang to tara na Eli." sabi ni sungit at lumabas na siya

"Tara sama ka sa amin." tanong ni Eli

"At saa--" Okay, wala na akong sinabi, di na ko pinatapos dahil agad agad akong kinaladkad ni Eli

Lakad

Lakad

Lakad

Kakapagod na (_ _ )

"Ang lambot pala ng kamay mo." biglang sabi ni Eli. Teka, tsaka naman ako napatingin sa kamay ko na hawak ni Eli. Kanina pa nga niya hawak ang kamay ko.

Magsasalita palang sana ako ng biglang magsalita naman itong si Blue "Itigil niyo nga yan. Kung bakit ba naman kasi sinama sama mo pa yang babae na yan." tss, ang init talaga ng dugo ng taong to sa akin, sabagay the feeling is mutual naman.

"Hayaan mo na yang si Blue, selos lang yan sa atin." bulong sa akin ni Eli. Bakit naman magseselos si Blue sa amin? Wala lang masabi tong si Eli.

At naglakad nanaman kami. Saan ba kasi talaga kami pupunta? Napapagod na kasi talaga ako sa paglakad. (_ _ )

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon