CHAPTER 57 - REVELATION

18.7K 301 19
                                    

CHAPTER 57 - REVELATION

LHEI'S POV

Ininvite kami ni Yvo, akalain niyo yun? Kaya ayun, pupunta kami bukas sa bahay nila para sa isang children's party.

"Excited na akong makasama ka bukas." pagpapacute nanaman po ni Lei

"Napapadalas ang pagpapacute mo sa akin. Hindi kaya?"

"Hindi kaya ano?"

"Hindi kaya may gusto ka sa akin?"

"Hahahaha! Posible yan Lhei." sabi niya with matching kindat pa

"Ewan ko sayo! Wag mo kong mapagtripan ha."

"Hindi naman kita pinagtritripan."

"Dapat lang dahil makakatikim ka sa akin ng Oppa Gangnam Kick!"

"Meron ba nun?"

"Imbento ko lang. Masama bang mag imbento?"

"Hahaha! Nakakatuwa ka talaga."

"Hindi ako clown."

"Alam mo bang simula ng maging close tayo, hindi ko na pinapansin ang mga chicks ko."

"Weh? Di nga?"

"Ikaw lang kasi ang gusto kong pansinin. Wala ng iba." sabay smile niya sa akin ng pagkatamis tamis. Tss! Wag magpapadala Lhei! Chill lang!

"Kakasabi ko lang wag mo kong pagtritripan eh!" sigaw ko sa kanya sabay walkout. Tactic number 1 yan! Pag kinikilig, hanggang kaya pa, umalis na agad sa sitwasyon bago ka pa magspazz dun. Mahirap na!

"Hey Micah!" pagtawag ko sa kanya na nakaupo dun sa favorite place namin under the tree, may kasama siyang lalaki.

"Oh Lhei, bakit bumababa ka?" tanong niya sa akin

"Tactic number 1." gets na yan ni Micah

"Ahhh yun ba. Kanino? Kay Lei?"

"Ewan ko sa abnormal na yun. Teka, sino siya?"

"Si Chester nga pala, bago kong kaibigan?" sabay tingin ni Micah dun sa Chester tsaka sila nagpalitan ng ngiti

"Kamusta?" tanong sa akin ni Chester

"Okay naman. Ako nga pala si Lhei. Nice meeting you."

"Nice meeting you din." sabay ngiti niya sa akin. May bago palang kaibigan tong si Micah at lalaki pa talaga ha. Tss. Alam na kaya to ni Cliff? Mamaya biglang magselos yun. Haha!

"Uy! Baka may magselos ha." panunukso ko kay Micah

"Wala yan." sagot niya sa akin

"Anung wala?"

"Wala na."

"Anung wala na? Uy Micah! Umayos ka nga ng sagot!"

"Nakikita mo yun." sabay turo niya at sinundan naman ng mga mata ko ang tinuro niya. Nakita ko si Cliff na may kasamang ibang babae. Naka patong ang ulo ng babae sa balikat ni Cliff habang holding hands sila.

Binaling ko naman ang tingin ko kay Micah at tinitignan ko kung okay lang ba siya. Mukhang okay naman.

"Sino yun?"

"Girlfriend niya." simpleng sagot ni Micah

"Girlfriend? Ganun nalang? Pagkatapos manligaw sayo iba naman pala ang girlfriend ngayon?"

Tumango nalang siya sa akin at maya-maya nakangiti na siyang nakikipagkwentuhan dito kay Chester. Ang labo ha!

"Lhei." napaharap ako sa tumawag sa akin at hindi nga ako nagkakamali, si Mart yun.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon