CHAPTER 59 - LOVE IS LIKE A CLOWN

18.6K 310 19
                                    


CHAPTER 59 - LOVE IS LIKE A CLOWN

JESX' POV

Naalala niyo pa ba ang children's party ng baby brother ni Yvo? Today na yun at gaya ng usapan kahapon. Sabay daw kami ni Cloud pero alam niyo kung anung nakagulat sa akin paglabas ko ng gate?

"Sky???" siya lang naman ang nandito imbis na si Cloud

"Ready ka na ba?"

"Kay Cloud ako sasabay. Nasaan na ba siya?"

"Sa akin ka na sasabay."

"Tss. Ang labo niyo talagang kambal."

"Oh may sundo ka na pala." sabi yan ni Carse na malamang e sinabihan na ng snickers niya na papunta na.

"Dapat si Cloud, ewan ko ba kung bakit nandito to."

"Tara na?" tanong ni Sky pero tinignan ko lang siya ng masama "What?"

"What ka dyan! Tss."

Bigla nalang may nagstop na kotse dito.

*Beep Beep*

"Snickers ko!" sabi ni Carse sabay takbo papalapit sa kotse ni Nick. Bumaba naman si Nick at sinalubong ng yakap si Carse. Kung di lang yan si Carse, malamang kinilig na ako. =___=

"Jesx, mauuna na kami ni Nick, pakisabi nalang din sa kanila." sabi ni Carse sa akin at tumango nalang ako

"Aba Sky, nag iba yata ang ihip ng hangin?" sabi ni Nick

"Sige na umalis na kayo." pagsusungit ni Sky kay Nick

"Haha! Easy bro. Sige alis na kami." tapos umalis na nga ang naglalampungang magjowa

"Ikaw ba, wala pang balak umalis?" tanong sa akin ni Sky

"Ikaw ba si Cloud?"

"Hindi."

"O pwes umalis ka na. Si Cloud ang hinihintay ko." isasara ko na sana ulit ang gate nang biglang

*Beep Beep*

"Jesx." boses yun ni Cloud kaya naman napatingin agad ako. Lumabas sa kotse si Cloud at kasunod niya si Cherry. Sumama naman ang tingin ni Sky sa kanila.

"Pasyensya ka na at ngayon lang ako, ito kasing si Cherry ang kulit, sa akin niya gustong sumabay." pagpapaliwanag ni Cloud

Hinila naman ni Sky si Cherry tsaka sila nagusap ng medyo malayo sa amin. Halatang may tinatago ang dalawang yun.

***

CHERRY'S POV

Maaga talaga akong nagpunta sa bahay ng mga Yoon para kulitin tong si Cloud na sa kanya ako sasabay, kaso talagang pinagpipilitan niya na kay Sky nalang. Nakakainis na! T_T

"Diba napagusapan na natin to?" sabi nitong si Sky na bigla nalang akong hinila para lang pala kausapin tungkol sa napagusapan namin

"Oo nga, e ang kaso ayaw talaga ni Ulap."

"Tss! Sinisira mo naman ang plano natin."

"Hindi ko kaya sinisira ang plano natin. Ikaw nga dyan dapat nakaalis na kayo ni Jesx dito."

"E ayaw niyang sumama sa akin."

"Sana ginamitan mo ng charm mo."

"Buti sana kung umeepekto sa kanya kaso hindi eh."

"Karma mo yan! Ayaw mo kong pansinin nun, ayan tuloy at hindi ka rin pinapansin ngayon."

"Tigilan mo nga ako Cherry. Kung agad mo sanang narealize na si Cloud talaga ang gusto mo edi sana hindi yun nagkagusto kay Jesx, edi sana mas madali to. Slow mo naman kasi."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon