Chapter 42 - HE's LEFT WITH HER

22K 405 12
                                    

Chapter 42 - HE's LEFT WITH HER

SOMEONE's POV

Habang may mga kaguluhan nagaganap sa Angeles City sa pagitan ng Moronsx at Fierce Gangsters.

Puntahan naman natin ang nag-iisang member na naiwan sa Manila.

"Nakakainis ka talaga Ulap! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nagbakasyon sa ibang lugar si Sky!" sigaw ni Cherry kay Cloud sabay hampas pa nito

"E bakit kailangan mo pang malaman? Tama na nga kakahampas!"

"I hate you! Sayang tuloy itong fruit salad na ginawa ko!"

"Hindi yan masasayang. Akin na nga. Nandito naman ako para kainin yan." sabay kuha ni Cloud sa dala ni Cherry

"Hindi yan sayo! Ginawa ko yan para kay Sky!"

"Wala si Sky dito kaya sa akin nalang to." tsaka na siya sumubo

"Ihhhhhh! Nakakainis ka talaga!"

"Wow! Ang sarap."

"Hmp! Talagang masarap yan dahil punong puno yan ng pagmamahal ko." pagkasabi nun ni Cherry napahinto naman si Cloud sa pagkain

Napansin naman siya ni Cherry "Anung nangyari sayo?"

"Ah wala." sabay lapag niya sa mesa nung fruit salad

"Oh akala ko ba sayo na yan?"

"Ayoko na. Hindi pala masarap. Umuwi ka nalang." tumayo na si Cloud at paakyat na sana sa kwarto niya nang habulin siya ni Cherry at yumakap mula sa likuran niya na sobrang kinagulat niya

"A-anung ginagawa mo?"

"Ulap."

"Ba-bakit?"

"Please."

"A-anu?"

"Please tulungan mo ko na mapansin ni Sky. Gustong gusto ko talaga siya at alam kong makikinig siya sayo dahil kambal ka niya."

Napa-sigh naman si Cloud sa narinig. Tama nga siya dahil si Sky nanaman ang dahilan. Lagi nalang si Sky. Minsan iniisip niya na sana siya nalang si Sky.

"Kailangan mo ba talagang yakapin pa ako? Kadiri ka Poste! Layo nga!" sigaw ni Cloud kay Cherry para mawala ang seryosong usapan nila

"Ganyan ka naman, madalang nalang akong maglambing sayo."

"Yun nga e, madalang na nga lang tapos tungkol pa lagi kay Sky."

"Alam mo naman diba?"

"Oo paulit ulit nalang tayo. Alam kong si Sky ang gusto mo, hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin yun."

"Galit ka ba Ulap?"

Napaisip naman si Cloud sa nabitawan niyang salita kaya pilit siyang ngumiti at sinabing

"Joke time! Hahahaha Ang dali mo talagang maloko."

"Tss sabi na nga ba, hind ka naman marunong magseryoso. Sabagay, hindi rin naman bagay sayo."

"Oo na po. Tutal nandito ka na rin, tara samahan mo nalang ako sa gig ko."

"Gig mo?"

"Oo. Dapat kasama dun sina Nick at Cliff kaso alam mo na kung nasaan sila ngayon."

"Osige sasamahan kita pero dapat tulungan mo ko."

"Halika na. Wag na muna nating pagusapan yan." sabay hawak ni Cloud sa kamay ni Cherry at lumabas na sila

Sa mga oras na to na hawak ni Cloud ang mga kamay ni Cherry, alam niyang hindi niya na gustong bitawan yun pero alam niya rin na ibang kamay ang gustong mahawakan ni Cherry.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon