Chapter 37 - HE's HERE, NOT AGAIN

22.7K 455 35
                                    

Chapter 37 - HE's HERE, NOT AGAIN

ELI's POV

Sa wakas nandito na kami sa tapat ng bahay nina Daryll. Excited na ako.

Agad agad akong bumaba.

"Oh ingat kayo." sabi ko sa kanila tapos umandar na yung van, nakatingin pa rin ako sa van na hindi pa nakakalayo e huminto ulit.

Anung nangyari sa mga yun?

Bumukas naman ang pinto ng van at bumaba si Blue, tapos umandar na ulit yung van. Anung binabalak ni Blue?

Lumapit siya sa akin.

"Hoy! Bakit bumaba ka?"

"Gusto ko lang."

"Ano? Dahil gusto mo lang?"

"Kaysa naman hayaan kitang tuluyang mahulog sa amazonang yun."

"Hoy bro! Nakakahalata na ako sayo."

"Anong sinasabi mo?"

Tinignan ko siya ng masama at sinabing "Hindi kaya type mo ko?! Yuck Blue! Hindi ako pumapatol!"

"Siraulo!" binatukan ba naman ako bigla. E malay ko ba baka nagkakagusto na siya sa akin diba?

"Maganda na ang malinaw."

"Ewan ko sayo" tapos naglakad na siya palapit sa gate nina Daryll at kumatok. Wala kasing doorbell.

"Ano ba yan?! Ang tagal namang lumabas!" sabi ni Blue na asar na asar sa pagkatok

"Ako na nga dyan baka masira mo pa yang gate nila." at isang katok ko palang lumabas na si Daryll, ay este hindi pala si Daryll kahawig niya lang

"Asar ha! Pagdating sayo isang katok lang lumabas agad."

"Ganyan talaga Blue."

"Sino kayo? Sinong kailangan niyo?" tanong nung babae

"Si Daryll po. Ako po si Eli at siya si Blue, mga kakilala niya."

"Kakilala?"

"Ate April, tinatamad akong bumili ng pinapabili mo!" sigaw ni Daryll at lumabas na nga siya

"Edi pasama ka sa dalawang to." sabi naman nung babae

"Kayo?????"

"Kamusta Daryll?"

"Eli, bakit ka nandito? At kasama mo pa yang julalay mo?"

"Hmmm, wala lang naman, makikipasko? Haha."

"Ang advance ha. Akala ko ba nagbabakasyon kayo bakit dito ka nagpunta?"

"Gusto kasi kitang makita."

"Ayieeeee! Nabighani ba yan sa kagandahan mo? Hanggang Manila pala ang beauty mo." pangaasar sa kanya ng Ate niya

"Oo naman noh, ang ganda ko kaya, tignan mo hinabol pa ako hanggang dito tapos nagsama pa ng julalay. Haha."

"Tsss. Hindi ako alalay." sabi ni Blue na masama na ang tingin

"Hala! Nakakaintindi ng gay lingo?" sabi nung Ate

"Baka naman! Alam mo na! Hahahaha" at nagtawanan ang dalawa na di ko magets kung bakit tumatawa

"Sige papasukin mo na sila. Tapos bilhin mo na yung pinapabili ko."

"Akala ko pa naman makakatakas ako sa utos mong yan. Nako! Oh Eli pasok ka muna.

"

Napangiti naman ako at pumasok na tapos nakasunod sa akin si Blue na biglang hinarangan ni Daryll ng legs niya.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon