CHAPTER 63 - LOVE LIKE NO OTHER

18.4K 328 47
                                    

LHEI'S POV

Ang weird ni Lei. Sabi niya sa akin kagabi dapat daw akong magpunta talaga sa 2nd night, e talaga naman pupunta ako. Para siyang ewan na naninigurado talaga sa pagpunta ko.

Speaking of Lei, kanina pa ako nandito pero hindi ko pa siya nakikita. Mamaya nagpapacute nanaman yun sa mga babae dito, malalagot siya sa akin!

"Lhei." masayang panggugulat sa akin ni Mille

"Bakit ang saya mo yata? Anung meron? Masyado ka bang pinapakilig ni Dustin o ni Ash?"

"Haha! Ikaw ang dapat kong tanungin kung masaya ka ba sa piling ni Lei?"

"Kung makapiling ni Lei ka naman dyan, hindi pa nga kami ng malanding yun."

"Malandi talaga?"

"Subukan niya lang lumandi nanaman, naku masasaktan siya."

"Tsk tsk! Totoo nga ang sumbong sa akin ni Lei na sadista ka."

Tinignan ko naman ng masama si Mille.

"Yung lalaking yun tinawag nanaman akong sadista?"

"Haha! Nagmumukha na nga daw siyang masokista kasi daw pinapabayaan ka niyang gawin siyang punching bag."

"Loko yun! Nagagawa niya pa talagang magsumbong sayo. Makakatikim talaga siya sa akin mamaya."

"Hahaha! Nakakatuwa talaga kayo." baliw tong si Mille. Tawanan ba ako dito?

"Uy teka, para saan naman yang illustration board na hawak mo." napansin ko kasing may hawak siya na 1/8 illustration board

"Ah oo, muntik ko ng makalimutan ang tungkol dito. Pwedeng favor?"

"Anu nanaman?"

"Kung maka nanaman ka naman dyan. Simple lang naman, pakisulatan to ng isang malaking yes sa gitna tapos lagyan mo ng design sa paligid"

"At bakit ako pa ang magsusulat? Tamad mo nanaman!"

"Sige na kasi tapos iiwan ko muna yan sayo. May pupuntahan lang ako saglit. Sige na ha?" sabay abot niya sa akin ng 1/8 na illustration board at pental pen, tsaka na siya umalis na nagmamadali pa talaga.

Hindi kaya sasagutin na niya ang isa kina Ash at Dustin? Pero grabe naman si Mille at ako pa ang inutusan na gawin to.

Di bale, medyo bored din ako dito dahil wala akong kasama. Busy kasi ang mga kaibigan ko sa di ko malamang dahilan.

Sinulatan ko na to ng yes sa gitna tapos pinaglalagyan ko lang ng kung anu-anong designs sa paligid.

"Wow naman! Ang ganda naman ng designs niyan." pagharap ko si Max pala

"Oh napadpad ka dito?" tanong ko sa kanya

"Napagutusan ako na sunduin ka."

"Sunduin?"

Nagsmile siya bago magsalita ulit "Hindi ba nagiging mas masaya na ngayon ang pagsasama ng Moronsx at Fierce?"

Tumango naman ako "Tama ka, nagiging mas masaya nga."

"Tara na?"

"Saan ba?"

"Basta, sumunod ka nalang." sabi niya tsaka na siya naglakad

Anu ba naman yan? May bitbit pa tuloy ako na illustration board, kasalanan to ng katamaran ni Mille >_<

"Uy Max, anung gagawin natin dito?" para kasi kaming ewan na nakatayo dito sa gitna ng quadrangle.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon