CHAPTER 48.3

20.1K 350 13
                                    

CHAPTER 48.3

(Author's Note: Ito naman ang nangyari sa iba habang nagditch ng klase sina Daryll at Blue)

JESX' POV

"Anu ba naman to? Kailangan bang sundan natin yang si Sky? Dapat nagpapahinga ako ngayon dahil competition na bukas."

"Saglit lang naman to. Hihintayin lang natin na magstay dyan si Sky tapos tetext ko si Cherry na magpunta dito."

"Baliw ka talaga Cloud. Kung niligawan mo nalang yang si Cherry edi sana okay na. Di pa sana ako napapagod ngayon."

"Stop whining. Oh mukhang di na aalis yang si Sky, itetext ko na si Cherry." kung bakit naman kasi pumayag pa ako. Aist!

Maya-maya nga dumating na si Cherry na may dalang lunch box. Inabot niya yun kay Sky pero hindi siya pinapansin nito.

"Suplado talaga yang kambal mo."

"Ewan ko ba dyan. Wala talagang pakialam."

Pilit pa rin binibigay ni Cherry yung lunch box kay Sky pero tinignan niya lang yun tsaka tumayo at aktong aalis na.

"Sabi ko na nga ba wala tayong mapapala." sabi ko sabay tatayo na sana

"Oy oy! Saan ka pupunta? Dito ka lang!" sabay hila niya sa akin

"Pasaway nito! Tama bang hilahin ako?"

"Tignan mo hinarap niya ulit si Cherry." humarap nga si Sky kay Cherry tsaka kinuha yung lunch box tapos umupo ulit

"Improving ha."

Kumain na sila, sinusubuan pa ni Cherry si Sky at hindi naman siya umaangal kahit na poker face pa rin siya. Si Cherry naman ngiting ngiti.

Napatingin naman ako dito sa katabi ko, ayan at lungkot na lungkot ang lolo niyo.

"Oy! Ginusto mo to diba?" tumango lang siya

"E bakit ka nalulungkot dyan?" yumuko siya at napahawak sa likod ng ulo niya

"Hindi ko nga alam eh. Pero sana tuloy tuloy na yan."

"Ang bait mo rin talaga noh? Gusto mong tuloy tuloy na yan kahit nasasaktan ka dyan."

Ngumiti naman siya bigla at sinabing "Ganito siguro talaga pag mahal mo."

Ang hirap talagang intindihin ng mga ganyang salita. Hirap lang siguro ako dahil hindi ko pa naranasan at ayoko ngang maranasan yan. NEVER!

***

LHEI's POV

"Saan mo ba ako dadalhin? Alam mo bang pagod ako." sabi ko dito kay Lei na hila-hila ako. Dinala ba naman ako sa Mall. Oo, nagditch kami ng klase.

"Basta matutuwa ka sa pupuntahan natin."

"Lei naman! Nagditch pa tayo!"

"Di pa ba natutuyo yang utak mo?" sa totoo lang tuyong tuyo na

"Pero--"

"Wala ng pero pero cheezycake."

Nakarating na kami sa aming paroroonan. Napakatagalog lang noh? XD

"Sigurado mawawala ang stress mo dito. ^_^"

Agad na kaming pumasok. Nandito kami sa isang spa.

Ang bongga lang pinawhole body massage niya ako. Hindi na ako kumontra dahil gustong gusto ko naman. In facte tama nga to para mawala naman ang stress ko.

After namin magpamassage syempre kumain kami at nagpakabusog ako. Bawing bawi ako dito!

"Masarap ba cheezycake? ^_^"

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon