CHAPTER 52 - HURT AND FIGHT

19.9K 324 34
                                    

CHAPTER 52 - HURT AND FIGHT

MICAH'S POV

"Hoy Cliff ano yan?!" panggugulat ko sa kanya kasi kanina pa yan parang may itinatago sa akin. Pangiti ngiti na parang timang lang.

"Wala lang to." sabay tago niya ng papel na kanina pa niya sinusulatan ng kung ano

"Tss. Ano ba kasi yang ginagawa mo?!"

"Wala lang to." tumayo siya at inilagay sa bag yung papel

"Alam mo, ang weird mo."

"Alam ko at mas lumalala ang pagiging weirdo ko dahil sa pagmamahal ko sayo." sabay lapit niya ng mukha niya sa mukha ko. Heto nanaman po tayo sa tunawan portion na yan.

"Parang ang init." sabi ko sabay tayo para makaiwas sa kanya

Siya naman pangiti ngiti na nakatingin sa akin. Nakakaloko talaga to, sinasadya niya talagang tunawin ako.

"Lagi mo talaga akong napapangiti." sabi niya while smiling at me. Parang gusto ko namang sumagot na lagi niya naman akong balak tunawin.

"Parang mas magandang sa labas muna ako magstay." sabi ko sabay lakad palabas pero bigla naman po akong inakbayan nitong si Cliff nang mapatingin ako sa mukha niya, ayan at nakangiti nanaman po sa akin.

"Kung nasaan ka, dapat nandun din ako." OMG! Kailan ba ako maiimmune sa mga ngiting yan?

"Ah talaga?"

"Oo, dapat ganun."

"Kahit sa girl's restroom?"

"Oo--I mean, pwede?"

"Shizz! Perv!" sabay lakad ko na

"I'm not a perv! Trinay ko lang naman baka sakaling pwede rin? Haha" natawa pa talaga siya. Tinignan ko ulit siya at ayun tumatawa pa rin talaga. I admit, napapangiti niya rin talaga ako. Napapangiti ako ng evil freak na yun.

Nasa restroom na ako. Napapadalas nga ang pagpunta ko dito, bakit? Simple lang naman, dito kasi ako nagiipon ng energy para pag harap ko kay Cliff hindi ako mahimatay sa kakiligan.

"No! Not this time! Hinayaan ko ng mawala siya sa akin. Sinunod ko kayo, pero ano? Nasaktan lang naman ako. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit yun." familiar voice na nanggagaling sa isa sa mga cubicle and I know that she's crying.

Natigil tuloy ako sa pagaayos ko dahil sa narinig na yun. Nakatulala pa ako ng biglang bumukas ang pinto ng cubicle at lumabas dun ang umiiyak na babae, dun ko naman napagtanto na kilala ko nga yung babae na yun.

"Anung tinitingin tingin mo?!" sigaw niya sa akin. Natauhan naman ako bigla sa sigaw na yun.

"Kung akala mo na hahayaan ko lang na maging masaya ka na kasama ang boyfriend ko, enjoyin mo na, kasi baka bukas sa akin na siya ulit, kaya ngayon palang sulitin mo na." hindi ko yata gusto ang mga sinasabi niya

Palabas na sana siya pero nagsalita ako bigla kaya napahinto siya.

"Umaasa ka ba na babalik pa siya sayo? Hindi kaya pinapagod mo lang ang sarili mo sa kakaasa."

"Feel na feel mo naman yang panliligaw niya sayo?! Hindi pa rin siya nakakamove on sa akin. Ako pa rin ang mahal niya."

Ngumiti ako ng napakatamis at sinabing "Nasa isip mo lang lahat yan. He's over you. Ako na ang mahal niya ngayon." napakasarap sa pakiramdam na maidown mo ang kalaban. Matagal ko ng gustong patulan ang babaeng feelingera na yan eh. Panira siya sa magagandang lahi ng pangalang Micah.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon