Chapter 27.8 - THE OTHER SIDE

24.5K 478 11
                                    

Chapter 27.8 - THE OTHER SIDE

CLOUD's POV

Nakakainis! Lagi nalang bang si Sky ang nakikita nitong si Cherry. Bakit siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na nasasaktan ako sa tuwing naghahabol siya sa kakambal ko.

"Bitiwan mo ko Ulap!" sigaw niya dahil pinipigilan ko siyang lumabas dahil sigurado susunod nanaman siya kay Sky

"Poste, tumigil ka na nga."

"Fine! basta bitiwan mo na ako." binitiwan ko na siya at humarap naman siya sa akin "Anu ba kasing problema mo? Pigil ka nalang ng pigil sa akin. Hmp."

"Nakita mo naman diba? Gusto ni Sky si Jesx kaya wag ka ng makigulo sa kanila."

"Yeah, sinabi niya nga pero hindi naman yun ang nakikita ko. Parang hindi naman niya talaga gusto si Jesx and alam kong ayaw sa kanya ni Jesx kaya may pag-asa pa ako."

"Ganyan ka ba talaga ka desperate?"

"Desperate? I just love my hubby. *sigh*" nakakainis na talaga. Mahal niya ang kakambal ko kahit na simula palang pagkabata tinataboy na siya nun at ako lang ang laging nandyan para sa kanya

"Ganyan mo ba talaga siya kagusto at nasasabi mo ng mahal mo siya?"

"Oo. Kaya please naman Ulap, tulungan mo ko na mapalapit sa akin si Sky."

"Ginawa ko na yan dati diba?"

"Oo pero hindi pa yun enough."

*sigh* sobrang lungkot niya at ayokong nakikita siyang ganito. Di baleng ako ang masaktan, wag lang ang babaeng gusto ko. Wag lang si Cherry.

***

CHERRY's POV

Naiiyak na ako sa ginagawa sa akin ni Sky. Bakit siya ganyan? Bata palang kami alam ko ng gusto ko siya at sinabi ko na yun sa kanya pero bakit ayaw niya sa akin? Lagi nalang niya akong tinataboy. ( _ _)

Bestfriend ko si Cloud. Nung mga bata pa kami hindi ko pa talaga madifferentiate kung sino si Cloud at kung sino si Sky.

Naalala ko pa nung bata kami, sa kakalaro ko nasugatan ako sa daliri, iyak ako ng iyak noon. Iniisip ko nun na sana nandyan si daddy para patahanin ako, kaso si daddy nasa ibang bansa noon, tapos may lumapit sa akin na isang batang lalaki at sinipsip niya yung dugo mula sa daliri ko.

Yan ang ginagawa ng daddy ko sa akin sa tuwing nasusugatan ako. Hinipan niya pa yun gaya ng ginagawa ni daddy.

Nagkagusto ako sa batang lalaki na yun dahil sa ginawa niya at dahil sa kabaitan na pinakita niya.

Nalaman ko na si Sky yun. Bakit? Sinabi sa akin ng kambal niyang si Cloud. Kaya nagign bestfriend ko din yang si Cloud dahil sa gusto ko rin mapalapit sa kambal niya.

Kaso hanggang ngayon, ilag pa rin talaga sa akin si Sky. *Sigh*

"Sige, gagawa ako ng paraan para mas maging malapit kayo ni Sky." sabi bigla ni Cloud

"Totoo Ulap?"

"Oo."

"Yieeeeeeeh! Salamat Ulap! Salamat talaga." niyakap ko siya sa sobrang saya ko, naging stiff naman siya "Ayos ka lang ba?"

"Ah oo, ayos lang ako."

"Salamat talaga Ulap, pinasaya mo ko."

"Wala pa naman akong ginagawa kaya tsaka ka nalang magpasalamat."

"Kahit na. May assurance na ako from you kaya naman masaya na ako dun."

"Ganun mo talaga siya kagusto noh?"

"Hindi, mahal ko na si Sky, kaya gusto kong mahalin niya rin ako."

"Yan lang ba talaga ang magpapasaya sayo? Ang mahalin ka ng kambal ko?"

"Oo yun lang talaga. Alam mo naman yan noon pa."

"Pero paano kung sabihin ko sayo na ako yung batang lalaki na umihip ng sugat mo nun?"

"Hehe wag ka ngang palabiro ulap. Halika ka nga dito, hug nalang kita." tapos niyakap ko na si Ulap, thankful ako na may bestfriend akong gaya niya. Sobrang thankful talaga. Kung wala siya wala ng magpapagaan ng loob ko. Ang swerte ko talaga sa bestfriend kong to.

***

DUSTIN's POV

Alam na nilang dito na ako ulit sa Empire Academy nag-aaral, except for one person, Ash. Hindi pa niya alam na nandito na ako ulit. Hindi ko alam kung anung magiging reaction niya sa pagbabalik ko.

That's 3years. Lumayo ako ng tatlong taon, I think that's enough. Sapat na ang yun para sa kanya pero mukhang hanggang ngayon hindi pa rin niya nasasabi. Nasayang lang yata ang ginawa kong paglayo?

Nang makita ko siya ulit at malaman kong ganun pa rin ang tingin niya sa Fierce Gangsters alam ko ng dapat na akong bumalik. May pag-asa pa pala talaga ako. And this time hindi na ako magpaparaya. Hahamunin ko na siya ng one-on-one.

"May kasamang babae ang leader ng Fierce." narinig kong sabi nung kaklase kong babae

"Talaga?" - classmate2

"Oo, share pa nga sila sa payong. Pinapayungan siya ni Prince Ash."

"Sino naman?"

"Isa sa Moronsx."

Pagkarinig ko nun agad ako tumayo at tumingin sa baba. Nasa 2nd floor kasi ang room namin.

Tama nga ako. Si Mille ang kasama ni Ash.

Naglalakad sila nang mapahinto sila at mas mapalapit sa isa't isa. Mula sa anggulo ko kitang kita ko na magkatinginan sila ngayon.

Nakita ko yung kaklase kong lalaki na hawak ang eraser namin kaya kinuha ko yun mula sa kanya. Tapos hinagis ko yun malapit kina Ash at Mille. Nagulat sila kaya nawala na ang pagtitigan nila, agad naman akong lumayo para hindi nila ako makita.

I guess, tama lang ang ginawa ko.

Mukhang kumikilos na si Ash. Hindi ko hahayaan yun.

Tumingin ulit ako sa baba at nakita kong naglalakad na sila.

"May the best man win, Ashton Empire."

"At ganyan pala ang tactics ng pinsan ko." paglingon ko si Jessica pala yung nagsalita

"Anung ginagawa mo dito?"

"Ikaw lang ba ang pwedeng lumabas ng classroom?" sabay lapit niya sa akin "Alam na ba ng Fierce na bumalik ka na?" kilala niya rin kasi ang Fierce at alam niya rin ang mga nangyari noon

"Oo."

"Talaga? Anung reaction ni Kuya Ash?"

"Hindi niya pa alam."

"Ahh kaya pala hinahagisan mo ng eraser. Haha"

"Wag ka ngang maingay."

"Yung babae, siya ba?"

"Oo."

"Hayy nako. Bakit kasi hindi ka nalang dumamoves Kuya? Gwapo ka naman, kaso mas gwapo nga lang si Kuya Ash."

"Kanino ka ba kampi?"

"Kung sa kagwapuhan kay Kuya Ash, pero dahil pinsan kita, sige sayo nalang. Hehe"

"Puro ka kalokohan." tsaka ko ginulo ang buhok niya. Wala talagang magawa ang pinsan ko na yun kundi pagtripan ako. Porket alam niya kasi ang lahat kaya siya gumaganyan sa akin. Sira talaga siya.

Pero kailangan ko na talagang kumilos, tama rin naman siya. Kaya ako nandito ulit para sa babaeng gusto ko. Bago pa mahuli ang lahat, kikilos na ako.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon