CHAPTER 70 - ANSWERS

20.1K 324 20
                                    

JESX' POV

Nung Friday naging si Daryll at Blue na. Nakakatuwa na nagkasundo ang kabaliwan nila.

Another week nanaman. February 04 na, next week na ang Valentines Day. So anu naman? Bakit ba yan ang iniisip ko e busy ako sa pagtatago dito?

Hindi ako dapat mahanap ng lalaking yun. Hindi pwede! >_<

Sinong lalaki? Malamang, si Sky. Kainis! Mas mahirap pa to kaysa sa pagsagot ko ng mahabang equations ng mga physics at math problems. >_<

"Tinataguan mo si Sky noh?"

"Cherry? Paanong?" si Cherry yung nagsalita kanina, obviously! At paano nila nalaman na nandito ako? =__=

"Haha! Taguan daw ba ang kambal ko at dito mo pa naisip magtago." si Cloud naman yan. Laging magkasama yang magjowang Ulap at Poste.

"Anu bang masama kung dito ako magtago sa physics lab?" ito lang kasi ang alam kong lugar na di pupuntahan ng Sky na yun

"Sabagay, di nga naman yun magiisip magpunta dito." sabi ni Cherry

"At malamang wala namang balak na maghanap yun. Haha" sabi ni Cloud

"Teka, bakit kayong dalawa nandito?"

"Hinahanap ka kasi nitong Poste ko." sabi ni Cloud sabay akbay kay Cherry

"Oh bakit naman?"

"Kakausapin kita tungkol kay Sky." sabay ngiti pa ni Cherry sa akin

"Anung tungkol sa kanya?"

"Wala ka pa bang feelings para kay Sky? I mean, hindi pa ba nagiingay ang puso mo sa tuwing lumalapit siya sayo?" ano ba naman klaseng tanong yan ni Cherry? Bakit naman magiingay ang puso ko pag lumalapit si Sky?

Hmmmm, pero teka, bakit nga ba parang nagiingay ang puso ko? Dahil lang yun sa kaba diba? Tama ako diba?

"Hindi."

"Ang tagal nag isip tapos hindi naman pala." sabi ni Cloud

"Hindi naman talaga." hindi nga ba? Ang labo! Ang hirap naman kasi eh.

"Alam mo Jesx, madali lang yan malaman eh."

"Paano naman naging madali yun?" paano niya nagagawang sabihin yun? Nakakaloko na ha. >_<

"Siguro nga may naiisip ka ng sagot pero ayaw mo lang tanggapin sa sarili mo na yun na yung tamang sagot na hinahanap mo." sabi ni Cherry

Hindi ko nga lang ba tinatanggap sa sarili ko? E anu ba kasing sagot?

Pagkatapos nang paguusap namin nina Cloud at Cherry bumalik na ako sa room. Sa dami ng pwedeng unang makita, si Sky pa talaga agad.

Nandun siya sa labas ng room. Nakasandal sa pader habang naka cross arms.

Wag nalang siyang pansinin. Umarteng hindi nakita. *inhale.exhale*

"Umaarte ka bang hindi ako nakikita?" biglang sabi niya na nagpahinto sa paglalakad ko. Nabasa niya ba ang iniisip ko?

Napahinto lang ako at naglakad na ulit pero bago ako pumasok may narinig ako na nagpahinto sa paglalakad ko.

"Kung nahihirapan ka. Ititigil ko nalang to."

Totoo ba ang narinig ko kanina? Sabi niya ititigil niya na? Pero bakit imbis na matuwa ako, bakit nalulungkot ako? *sigh*

"May problema?" tanong bigla ni Max sa akin. Bakit ba biglang sumusulpot ang lalaking to?

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon