Chapter 27.5 - DATE

25.1K 502 27
                                    

Chapter 27.5 - DATE

JESX' POV

Nasaan na sila? Si Aliss, Micah, Daryll, at Lhei bigla nalang nawala.

Tinignan ko si Carse tuwang tuwa siya sa pakikipagusap kay Nick. Tutoral session to pero parang hindi naman ganun ang nakikita ko sa dalawang yun. Mukhang ligawan session lang naman sila.

Si Mille naman at Ash hindi nagiimikan. Ang labo, paano kaya sila niyan?

"Nakakainis na talaga si Cherry. Bakit ikaw ang tinatawagan at hindi ako?" tanong ni Cloud sa kapatid niyang si Sky

"Malay ko dyan sa bestfriend mo."

Kanina pa sila ganyan. Si Cloud parang ewan na tanong ng tanong kay Sky.

"Nakakainis naman talaga!" asar nga talaga si Cloud

Inilabas ni Sky ang cellphone niya tapos ibinigay niya yun kay Cloud. "Oh ayan, sayo na yang cellphone ko."

"Hubby!" sigaw ni Cherry mula sa pinto "Kanina pa ako tawag ng tawag bakit hindi mo man lang sinasagot?"

"Aish!" tumayo bigla si Sky at tumingin sa akin? Gusto nanaman yatang makatikim ng sampal nito? "Come with me. Date tayo." sabi niya sa akin

"Huh?"

"Tara na." hinawakan niya ang kamay ko at pilit ako pinapatayo

"Ayoko."

"Hubby, tayo nalang nag magdate." sabi ni Cherry

"Oh ayan, kayo nalang daw magdate."

"Ikaw ang gusto ko, kaya tayo ang magdadate." hinila niya ako kaya napatayo na ako at nakalabas na kami sa room. Narinig ko pa talaga ang sigaw ni Cherry at sigaw ni Cloud.

Kinakaladkad na ako ni Sky. Nakakainis na talaga siya. Sampalin ko na kaya to?

"Anung bang problema mo?" hinila ko ng malakas ang kamay ko kaya nabitawan niya na to

"Bakit ba kasi ang arte mo? Pag sinabi kong magdate tayo, magdadate tayo!" makasigaw to >___<

*SAPOK*

"Aray!" hindi siya sa akin nakatanggap ng sapok, nakatanggap siya ng sapok sa ate niya. Yes biglang sumulpot ang ate niya dito.

"Ganyan ba ang tamang pagtrato sa babae?" sabi ng Ate ni Sky

"Anung ginagawa mo dito?"

"Nakakalimutan mo ba na hired as teacher na ako dito." teacher na daw siya dito?

"Bakit kasi dito ka pa nagapply?"

"Pakialam mo ba!" napansin naman ako ng Ate niya "Oh hello Jesx ^_^" naaalala niya pa pala ang pangalan ko

"Hello din po."

"Namiss kita sis." sabay yakap niya sa akin

"Eh? hehehe"

"Anung nakakatawa?"

"Wala po miss."

"Miss? Ate ang itawag mo sa akin at hindi miss."

"Ah opo miss este ate. ^_^"

"Hindi mo siya ate kaya wag mo siya tatawaging ate!" sigaw ni Sky

Tinignan naman siya ng masama ng ate niya. Ang weird din talaga niya pero infairness under si Sky at Cloud sa kanya.

"Wag ka ng kokontra dyan!" sigaw ng Ate niya

"Hmmm ate tama na po, madami na kasing nakatingin sa atin." tumingin naman siya sa paligid at nakitang marami na ngang estudyante ang nakatingin sa aming lahat

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon