Chapter 12 - MILLE and BLACK STAR

31.1K 704 36
                                    

Chapter 12 - MILLE and BLACK STAR

MILLE's POV

"Hindi mo ba ako naaalala? Ako yung tinulungun mo dun sa lasing na manong na bumasag ng mga itlog na binili ko. Salamat naman at nakita na kita ulit. ^____^"

"Huh?"

"Huh ka dyan. Hehe Ito pa nga yung bracelet mo."

"Sayo na yan."

"Really? Sa akin nalang to?"

"Oo sayo nalang."

"Sige sige, tutal cute naman tong bracelet mo."

"Ano nga palang name mo?"

"Mille ang name ko. At ikaw anong name mo?"

"I'm Dustin."

Dustin pala ang name ni black star. Pansin kong taga Westfield Academy siya dahil sa uniform na suot niya.

"Uuwi ka na ba? Gustong mo ihatid na kita?"

Aww <3 ang gentleman naman talaga ng taong to.

"Sure! Sigurado naman akong mapagkakatiwalaan kita. ^____^"

Ngumiti lang rin siya sa akin.

Hinatid niya ako sa gamit ang kotse niya.

Nandito na kami ngayon sa labas ng apartment, madilim pa sa loob ng bahay, wala pa yata sila?

"Ikaw lang nakatira dyan?" tanong ni Black Star este Dustin sa akin

"Hindi, kasama ko mga kaibigan ko dyan."

"Paano kita iiwan dito, mukhang wala ka pang kasama dyan sa loob?"

"Ayos lang naman ako. Sanay na ako dyan. Nakakahiya na sayo noh. Sige na umuwi ka na, malaki na akong istorbo sayo. ^__^"

"Istorbo? Hindi noh. It's good to see you again after a long time."

After a long time? E isang linggo lang nakalipas since that incident.

"Kung maka long time ka naman, one week palang nun ah. Hehe"

"Oh yeah, pero considered as long time na rin yun."

"Sige sabi mo eh. Hehe"

"Taga Empire Academy ka?"

Paano niya nalaman? Ay! Naka uniform pa nga pala ako.

"Oo ^____^"

"Kamusta naman ang makasama ang mga Fierce?"

Kilala niya sila? Sabagay, sikat naman pala talaga mga yun. Mga gangsters na ewan eh.

"Hindi okay. Actually, magulo mga yun, maiingay, mayabang, at takaw gulo."

"Kilalang kilala mo sila ah. Isa ka ba sa fangirls nila?"

"Eh? Fangirls? Hindi noh. Isa ako sa haters nila. Hehe."

"Ganun ka pa rin pala hanggang ngayon. ^__^" at nakita kong ngumiti siya

Pero paano naman niya nasabing ganun pa rin ako hanggang ngayon?

Para namang kilalang kilala ako nito. Hindi naman kaya stalker ko tong gwapo na to? Mwahaha! Haba naman ng hair ko ^____^V

"Hanggang ngayon? Parang kilalang kilala mo ko. Hindi kaya?"

"Hindi kaya ano?" sabi niya ng may pagtataka

"Hindi kaya, stalker kita!" sabi ko sa kanya ng sabay turo pa

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga!" sabi niya sa akin at ginulo pa talaga ang buhok ko

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon