Chapter 33 - CONFUSED AND TRYING TO FIGURE IT OUT

24.5K 522 21
                                    

Chapter 33 - CONFUSED AND TRYING TO FIGURE IT OUT

Nick's POV

Maraming nagsasabi na kamukha ko yung Alex Marshall na yun.

Nakakaloko lang na kailangan kong iharap ang sinasabi nilang kamukha ko para mapatawad lang ako ni Carse?

"Hayyyyyyy ang hirap naman nito!"

Cliff: "Napano ka?"

Ako: "Si Carse kasi, mapapatawad niya lang daw ako kung dadalhin ko sa harapan niya si Alex Marshall."

Cliff: "Yung sa The Cab?"

Ako: "Oo."

Cliff: "Ano naman problema dun?"

Ako: "Problema yun, syempre paano ko gagawin?"

Cliff: "Edi dalhin mo sa concert nila. Nakalimutan mo bang may concert sila sa January?" oo nga pala!

Ako: "Cliff pare! Ang galing mo talaga! Mahal na kita!" napayakap pa ako kay Cliff sa tuwa kasi naman sa wakas mapapatawad na ako ni Carse

Sky: "Bromance?" sabi niya nakakapasok lang sa kwarto namin

Cliff: "Bro naman kasi! Ang bakla mo! Layo nga!"

Ako: "Pasyensya na. Masaya lang. Haha."

Sky: "Gusto mo ba na ba talaga siya?" nabigla naman ako sa tanong niya sa akin.

Hindi ako agad makasagot kasi sa totoo lang hindi ko naman alam kung kailan ba masasabing nagkakagusto ka na sa isang tao? Alam ko lang naman e yung pagkagusto ko sa mga musical instruments. Never pa kasi akong nagkagusto sa isang tao.

Ako: "Paano mo ba masasabing gusto mo na ang isang tao?"

Sky: "Aba malay ko. Wala akong panahon sa mga ganyang bagay. Yan si Cliff ang tanungin mo. Diba nainlove na yan?" pareho rin kami nitong si Sky, kaso nga lang, siya ayaw niyang magaya sa kambal niya na nahihirapan dahil sa bestfriend niya. Sabi nga niya nun, panggulo lang daw ng utak ang mga babae.

Ako: "Oo nga pala Cliff."

Cliff: "Paano nga ba?"

Ako: "Cliff naman, ikaw nga dapat makasagot niyan."

Bigla namang nagsalita si Max: "Kapag iniisip mo siya palagi. Kapag may ginagawa siya na kahit ano apektado ka. Kapag may lumalapit sa kanyang lalaki parang gusto mong patayin nalang yung lalaking yun. Kapag nakita mo siyang umiyak, parang gusto mong yakapin siya at masasabi mo nalang bigla sa sarili mo na gusto mo siyang protektahan. Ano pa ba?" ako naman napapaisip talaga sa mga sinasabi ni Max. Napansin ko naman na parang napapaisip din tong mga kasama ko. Nakakabiglang si Max ang nagsasalita niyan sa amin.

Eli: "Ganun pala yun."

Blue: "Wag mo sabihing ganyan ka na kay Daryll?"

Eli: "Parang." napangiti pa talaga si Eli nang sinabi yan

Yvo: "Bakit ako? Hindi ganun ang nararamdaman ko sa mga iba't ibang babae na nakakasama ko?"

Lei: "Simple lang naman yan, hindi sila special. Ganyan din ako sa mga chika babes ko."

Max: "Kapag ngumiti naman siya automatic ka rin napapangiti. Kapag nahawakan mo ang kamay niya parang may kuryente."

Ako: "Teka Max, nainlove ka na ba?"

Max: "Huh?! Hehehe hindi pa. Hindi mo naman kasi kailangang mainlove muna bago mo malaman yan. Nabasa ko kasi yan sa libro."

Ako: "Makapagbasa nga rin ng libro nang malaman ko."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon