CHAPTER 50 - LOVE IS LIKE THE SUN

20.9K 396 41
                                    

CHAPTER 50 - LOVE IS LIKE THE SUN

SOMEONE's POV

Pagkatapos ng pagkapanalo ng Moronsx, alam niyo na sigurong kinaladkad sila ng Fierce diba?

"Nick pwede ba tayong mag-usap ng maayos?" tanong ni Carse kay Nick

"Mamaya nalang." sagot ni Nick tsaka pumasok sa Empire Academy

"*sigh* Dito lang pala kami pupunta. Dapat ko na talaga siyang makausap ng maayos." pumasok na rin si Carse pagkasabi nun

***

"Cliff, dito mo lang pala ako dadalhin sa school kailangan pang kaladkarin?" tanong ni Micah

"Dito lang naman talaga sa school." sabi ni Cliff

"Dapat hinayaan mo nalang---" hindi na natuloy ni Micah ang sinasabi niya kasi nagsalita na agad si Cliff

"Hindi ko gusto na sumama ka sa mga lalaking yun. I'm courting you, so please naman hayaan mo ko na ligawan ka, pero hindi ko sinasabi na hindi ka pwedeng magpaligaw sa iba, ang akin lang kasi--" tumalikod si Cliff at tumahimik saglit

"Anu yun?" tanong ni Micah

"Nakakaselos." pagkatapos nun agad ng naglakad si Cliff papasok sa Empire Academy

"Nakakaselos? Ibig sabihin, nagseselos si Cliff? KYAAAAAAAAAAAH! Anu ba yan?! Behave Micah, wag ka masyadong kiligin, pero? Yiiiiiiiii! KYAAAAAAH!" sabi ni Micah sa sarili tsaka na tumakbo para sundan si Cliff

***

"Busit ka Lei!" sigaw ni Lhei

"Hahaha ang bigat mo pala cheezycake."

"Ewan ko sayo!" sigaw ni Lhei tsaka na nauna sa pagpasok sa Empire

"Cheezycake, wag ka na magtampo! Kiss nalang kita." sabay habol ni Lei kay Lhei

***

"Ano bang trip to Blue?" tanong ni Daryll

"Manahimik ka nalang pwede."

"Nakakainis ka rin talaga! Asar!" nagdadabog na sabi ni Daryll at pumasok na rin sa Empire. Sumunod na rin sa kanya si Blue.

***

"Isang beses pa na kaladkarin mo ko, masasaktan ka na sa akin!" sigaw ni Jesx kay Sky

"Pasalamat ka nga at kinaladkad kita."

"At kailangan ko pa talagang magpasalamat? Ewan ko sayo!" gaya ng iba pa, pumasok na rin sa Empire si Jesx at kasunod din si Sky

***

"Mabuti at di ka nagsasalita." sabi ni Yvo kay Aliss. Di siya pinansin ni Aliss at dumiretsyo nalang sa pagpasok sa Empire.

"Inis na inis nga yata yun sa akin? Hindi man lang talaga nagsalita. Tss." sumunod na rin si Yvo sa kanya

***

"Ash, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Mille kay Ash

"Kung tungkol yan sa nangyari nung nakaraan, hindi na kailangan." tsaka na pumasok si Ash sa Empire

"*sigh* Hanggang ngayon ba sadyang mailap ka pa rin sa akin?" sumunod na rin si Mille sa kanya sa loob

Siguro nagtataka kayo kung bakit sa Empire Academy lang sila dinala ng Fierce Gangsters, ganito kasi yan.

"Asar! Nakakaasar si Blue!" sabi ni Eli habang nakaupo sa loob ng function hall ng Empire

"Dapat kasi inunahan mo." sagot sa kanya ni Cloud

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon