Chapter 39 - NOW I KNOW WHAT'S WRONG WITH ME

22.3K 488 22
                                    

Chapter 39 - NOW I KNOW WHAT'S WRONG WITH ME

ASH's POV

Kanina pa ako nandito sa may tindahan. Tinatanong na nga ako nung tindero kung sino ba daw ang hinahanap ko. Hindi ko nalang siya pinapansin.

Mamaya kilala niya si Mille at palabasin niya pa dito.

Pero kaya nga ako nandito para makita siya diba? Hayy ewan! Napaface palm nalang ako sa pagiisip.

Bakit ba ako naduduwag pagdating sayo?

"Pabili po ng sparkle." teka! Parang boses niya yun. Anung gagawin ko?!

"Kilala mo ba yang lalaki na yan? Kanina pa yan nandito at parang may hinihintay." narinig kong sabi ng tindero. Naku naman eh!

Pakiramdam ko nakatingin siya sa akin ngayon.

"Hindi ko po siya kilala." buti naman at hindi niya ako nakilala

Narinig ko na yung yapak niya tsaka ko na inalis ang pagka face palm ko.

"AHHHHHHHHHH!" sigaw ko ng biglang pagtingin ko nasa tabi ko pala siya at nakatingin sa akin

"Pft!" parang matatawa siya at pinipigilan lang. Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapagsalita.

"Sabi ko na nga ba at ikaw yan." pero sabi niya kanina hindi niya ako kilala

"Siguro akala mo hindi talaga kita nakilala noh? Ako pa!" sabay ngiti niya. Bakit siya ngumingiti sa akin? Teka, dapat nga matuwa ako diba?

"Anung ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

"Ahmmm." anu bang sasabihin ko

"Gusto mo bang pumasok muna sa bahay? Mainit dito." mas lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya tsaka siya tumayo na

"Tara?" tumayo na rin ako para sumunod sa kanya

"Ayos lang ba sayo na pumasok ako sa bahay niyo?" tanong ko sa kanya

"Oo naman. May pagkain naman sa bahay kaya ayos lang. Kung walang pagkain dun, mahihiya akong papasukin ka."

"Hindi naman kailangan ng pagkain."

"Bisita ka kaya kailangan meron."

"Ah ganun ba." buti naman at tinanggap niya akong bisita

"Ma, may bisita po ako."

"Sino? Papasukin mo."

"Oh tara pasok na tayo?" para naman akong mas lalong kinabahan ng marinig ko ang boses ng nanay niya.

Pumasok na kami at nakit ko ang nanay niya na naghihiwa ng carrots.

"Ma, si Ash po. Classmate ko."

"Oh? Lalaki pala? Akala ko babae."

"Pasyensya na po sa istorbo. Magandang umaga po."

"Wala yun, madalang lang kasing may bisitang lalaki yang anak ko. Sige upo ka dyan. Pasyensya ka na at maliit lang ang bahay namin."

"Ayos lang naman po yun."

"Sige upo ka na." umupo na ako at pinagmasdan ang bahay nila. Maliit nga lang pero nang mapatingin ako sa mga pictures hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Teka? Pinagtatawanan mo ba yung mga pictures ko?"

"Ah, hi-hindi. Nakakatuwa lang makita."

"Cute ba?"

"Maganda." bakit ko sinabi yun? Napatingin naman ako sa kanya na parang nagulat sa sinabi ko.

"Marunong ka palang magjoke. Hahaha. Natawa ako." inakala niya nalang palang joke

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon