CHAPTER 52.2 - HURT AND FIGHT

19.1K 321 16
                                    

CHAPTER 52.2 - HURT AND FIGHT

MILLE'S POV

Mabilis ang takbo ng panahon. Next week, Wednesday to Friday ang Celebration ng Foundation Day namin. Nagtataka nga kami kung bakit hindi kami inaabala sa paggawa ng booth?

"Next week na ang foundation day. Bakit parang walang abala sa booth para sa section natin?" tanong ko sa kanila

"Malamang hindi na kasali ang section natin." masayang sabi ni Aliss

"Tama! Ibig sabihin niyan, hindi tayo mapapagod." sabi naman ni Daryll

"Masaya yun sigurado, mararanasan na natin na magenjoy lang." sabi naman ni Jesx

"First time yun sa apat na taon natin sa school na to." sabi naman ni Micah

"Naeexcite tuloy ako." sabi naman ni Lhei

"Ako din naeexcite!" pagsabat naman ni Carse

"Dun ka nalang sa snickers mo!" pagtataboy namin sa kanya

"Busit! Ang sama niyo talaga!" sigaw niya sa amin

"E bakit? Matamis naman ang paglalambingan niyo ng snickers mo diba?" sabi ni Daryll

"Alam mo Carse, yang pagkahilig mo sa chocolate, talagang napakinabangan mo at nagawa niyo pang tawagan." - Jesx

"Sana nilagyan mo pa ng almonds." - Micah

"Iniisip ko nga na gawing Almond Snickers ang tawagan namin." juskupo! Talagang iniisip niya pa talaga yan sa lagay na yan? Napaface palm nalang kami lahat.

"Inaaway niyo nanaman ang Snickers ko." biglang sulpot naman ni Nick at sabay pulopot ng dalawang kamay niya sa bewang ni Carse. Ang sweet ng dalawang yan. Singtamis ng chocolates.

"Kung magtatamisan lang kayong dalawa. Pwedeng lumayas kayo sa harapan namin?" - Lhei

"Kainis talaga kayo!" sigaw nanaman po ni Carse

"Nick, hindi ka ba nabibingi sa kanya?" tanong ko

"Medyo nakakabingi." sagot ni Nick na talagang nagpatawa sa amin at nagpasingkit naman ng mata ni Carse

"Ganun pala ha." - Carse

"Haha joke lang naman Snickers. Di ka naman mabiro."

"Joke mo mukha mo." sabay pout pa ni Carse

"Uy Carse! Nakakauyam ka! Please itigil mo yan!" sigaw sa kanya ni Jesx

"Tumigil ka ng kakagaya sa idol mong bibing mahaba ang nguso (donald duck)" - Micah

"Itigil mo yan bago pa namin tabasin yang nguso mo!" pagbabanta sa kanya ni Lhei

"Ang sasama niyo!" sigaw niya nanaman. Si Nick pangiti ngiting tinitigan ang girlfriend niya.

"Snickers ko don't worry maganda ka pa rin naman kahit na maging kamukha mo pa si Daisy Duck. Handa naman akong maging Donald Duck mo." sabay kindat niya pa kay Carse

"Tong mag jowa na to! Magsilayas nga kayo sa harapan namin!" sigaw ni Daryll sa kanila na nagpalakas ng tawa naming lahat

*Knock Knock*

"Oh Mille, mukhang may bisita ka." sabi ni Aliss

Nakita ko naman sa may pintuan ang nakangiting si Dustin na may hawak ng bouquet of red roses.

"Valentines ba?" tanong ni Lhei

"Tuwing valentines lang ba pwedeng magbigay ng bulaklak?" tanong naman ni Jesx

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon