CHAPTER 47 - STRESS

19.9K 347 4
                                    

CHAPTER 47 - STRESS

MICAH's POV

"Sa wakas! Malapit ng matapos ang paghihirap natin!" sabi ni Daryll habang naguunat pa.

Nandito kami ngayon sa library. Pahinga lang ng konti dahil mamaya sasabak nanaman kami sa pag-aaral. Masinsinan na to dahil bukas na ang competition.

"Bukas na. Ito na ang pinakahinihintay natin. After nun pwede na tayong bumalik sa ating daily routine." sabi ko naman sa kanila

Subsub na ang mga mukha namin sa table na to. Nakakastress kasi talaga.

"Wait. Diba next week naman ang foundation day?" tanong ni Mille.

Isa pa yang event na yan. Buti at di pa kami ginugulo about dyan kaso naman next week na yun kaya bukas after ng competition malamang e sabihan kami na planuhin na ang para sa Foundation day.

"Tayo nanaman ba ang magaabala para sa booth ng section natin?" tanong ni Aliss

"Nung nasa class A tayo, diba tayo ang nagorganize ng booth." sabi naman ni Carse

"Yeah, nung nasa class A tayo pero ngayon na nasa section tayo ng Fierce, hindi ba dapat wala silang booth? Ganun kaya sila every year." sabi ni Lhei

Tama naman siya dyan kasi ang section ng Fierce walang contribution sa Foundation Day.

"Ni hindi nga nagaattend ang mga yun." sabi naman ni Jesx

"Kung ganun, anung naisipan ng Miss Shy na magkaroon ng booth ang section nila? Kung kailan naman akala ko di tayo mapapagod para dun." sabi ko naman yan sa kanila

Sabay-sabay nanaman tuloy kaming napasigh sa pagiisip ng dadating nanaman na stress nito sa amin.

"Pwede bang matulog nalang? Tapos gisingin niyo nalang ako pag graduation na." sabi ko ulit sa kanila

"How I wish na pwede yun." sabi ni Mille

"Pwede naman yun. Tara tulog na muna tayo." sabi naman ni Daryll sabay patong ng ulo niya sa mesa

"Sweetdreams sa atin." sabi naman ni Jesx at lahat kami ay nagtry ng matulog.

Gisingin niyo nalang kami pag graduation day na namin. Okay?

"Ganito pala ang gawain ng mga scholar. Hahaha"

"Oo nga, mga pasaway din talaga."

"Pero halata naman kasing pagod na sila."

"Sino ba namang di mapapagod sa aral ng aral?"

"Kung ako nga niyan, mababaliw ako eh."

"Mas lalo naman ako. Hindi yata kaya ng kagwapuhan ko ang humarap sa libro ng matagal. Mas kakayanin ko pang humarap sa salamin at titigan ang gwapo kong mukha."

"Ayan ka nanaman sa pagbibida ng kagwapuhan mo."

"Gwapo naman talaga ako. Hehehe."

Sana hindi sila maingay noh? Kilala niyo naman siguro yang mga nagsasalitang yan diba?

"Oy! Parating na ulit si Mrs. Lion." narinig kong sabi ni Cliff. Tinutukoy niya yung masungit na teacher na nagtuturo sa aming mga Moronsx ngayon.

Agad naman kaming napaayos ng upo. Lumingon ako para makita si Mrs. Lion at ayun kausap ng Librarian.

"*Sigh* Graduation na ba?" tanong ni Lhei

"Hindi pa." asar naman na sabi ni Carse

Humarap naman ako sa Fierce Gangsters na nasa tabing table namin, nasa may likuran ko si Cliff.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon