Chapter 27.2 - NOSE TO NOSE

26.4K 564 76
                                    

Chapter 27.2 - NOSE TO NOSE

MICAH's POV

"Saan pumunta si Aliss at di na siya bumalik?" tanong ni Carse

"Oo nga nuh, bigla siyang nawala." sabi naman ni Mille

Bigla nalang kasi siyang umalis kanina, malamang sinundan si Yvo. Saan na kaya siya nakarating?

"Makikinig ka nalang ba sa tsismisan ng mga kaibigan mo?" ay anu ba yan! bigla naman nagsalita tong katabi ko. Sino pa ba? Edi si Cliff. Kanina pa kami magkatabi pero hindi ko magawang magumpisa na kausapin siya, naaalala ko kasi yung kagabi sa ice cream store. Teka, hindi ko naman pala siya kailangang kausapin? Hindi nga ba?

"Tutorial to hindi ba? Mukhang tsismisan session yata ang gusto mo?" tanong niya ulit, oo nga, kalimutan ba naman kasi Micah >_<

"Ahmm---"

"Kalimutan mo na yung pinagusapan natin kagabi."

"Eh?" paano ko naman kakalimutan yun? e medyo sinaniban siya ng angel kagabi

"Basta kalimutan mo na yun." okay, back to evil freak na siya

"Fine! Let's start then."

Nagumpisa na nga akong turuan siya ng may mahagip ako mula sa bintana. I just saw her. I saw Cliff's ex, the worst is she wearing pur school uniform.

"Anung tinitignan mo dun?" tanong ni Cliff, lilingon na sana siya dun pero hinawakan ko yung mukha niya para di siya makaharap dun

"Wala lang yun, wag ka ng titingin."

Nakatingin pa rin ako dun sa labas habang hawak ko pa rin yung mukha niya. Nagulat nalang ako ng biglang mapatingin yung ex niya dito sa amin at hindi ko malaman kung bakit ko biglang nagawa to. >____< Automatic kasi akong humarap ulit kay Cliff tapos dalawang kamay ko na ang nakahawak sa magkabila niyang pisngi tsaka ko nilapit ang mukha ko sa mukha niya, nagkadikit pa nga ang mga ilong namin >////////<

Yung reaction ni Cliff --> O_____O ganyan siya

Samantalang ako ingat na ingat na wag ng tumama pa ang ibang parte ng mukha ko sa mukha niya. Alam kong mula sa anggulo ng ex niya siguradong aakalain niyang magkahalikan kami ngayon ni Cliff.

Ewan ko ba pero bigla ko nalang nagawa to. Para bang ayoko ng makita ni Cliff yung ex niya. Iniingatan ko ba siya?

Erase erase! Hindi ko iniingatan tong evil freak na to, ayaw ko lang na magdrama ulit siya sa akin at biglang maging anghel. Yun lang yun at walang ng iba.

"Wow! Halikan agad?" narinig kong sabi ni Nick. Naku naman. >___<

Medyo inilayo ko na ang mukha ko sa mukha niya at sumilip kung nandun pa ang ex niya, okay mukhang wala na.

"Okay na." sabi ko sabay bitaw sa mukha niya na kanina hawak ko

Napatingin naman ako ulit kay Cliff ng mapansin kong hindi siya umiimik.

"Hey, napano ka?" tanong ko sa kanya ng nakita ko siyang nakasteady lang, anyare?!

Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumayo. "Sa susunod na ulitin mo yun, hindi ko nalang alam ang magagawa ko sayo!" medyo malakas ang pagkakasabi niya nun, parang may halong inis. Tss. Nakuha pang magalit? Hindi ko naman siya hinalikan? Arte nun! ako pa nga ang lugi eh. >_<

Lumabas na lang siya bigla. Sus. >_<

"Hindi kasi basta basta humahalik yan kahit kanino." sabi ni Max

Napatingin naman ako sa kanya "Huh?"

"Bakit mo ba kasing biglang hinalikan yun Micah?" tanong naman ni Jesx

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon