Chapter 27.7 - LOVE RAIN

25.2K 568 49
                                    

Chapter 27.7 - LOVE RAIN

MILLE's POV

Tama ba naman iwan nila akong lahat dito? Katabi ko si Ash pero hindi naman kami naguusap. Si Max naman nandun sa harapan nagbabasa ng libro. *sigh*

Napano kaya to? Baka naman nagalit siya dahil sa ginawa ko kaninang umaga. (_ _ )

*flashback *

"Salamat sa pagsundo at paghatid mo sa akin dito sa school ha." sabi ko kay Dustin

"Wala yun. Kahit araw-araw ko pa yun gawin. Ayos na ayos lang." sabay ngiti niya

"Hindi ba ako nakakaistorbo sayo?"

"Kulit mo talaga." sabay gulo niya sa buhok ko

"Anu ka ba? Pagintirisan ba ang buhok ko?"

*Ring.Ring.Ring*

"Wait Dustin, sagutin ko lang to."

"Sige."

"Hello. Nasa loob na ng school. Talaga? O sige pupunta na ako dyan."

"Anung meron?" tanong ni Dustin

"Ahh may something exciting kasi kaming gagawin. Oh siya aalis na muna ako. See you later."

"Sige ingat kayo."

Nagmadali na ako sa paglalakad, ayokong mamiss ang exciting na kalokohan na gagawin namin.

"Oops. Pasyensya na." sa pagmamadali ko nakabanggaan ko tuloy si Ash

"Nandito ka pala. Nasaan ang kasama mo?"

"Kasama ko? Ah teka nagmamadali pala ako. Alis na ako ha." maglalakad na sana ako nang hinawakan niya ko sa kamay

"Sandali." sabi niya ng seryoso ang mukha ko

"B-bakit?"

"Sinong boyfriend mo?"

"Boyfriend? Teka, kailangan ko na talagang umalis." inalis ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko tsaka na ako tumakbo palabas

* end of flashback *

Naalala ko pa rin yung serious look niya kanina. Sino ba kasing boyfriend ang tinutukoy niya? E wala naman akong boyfriend, ay meron pala, si Lee Min Ho kaso nga lang nasa South Korea siya kaya sexy, free, and single ako ngayon. ^____^V

"Ang sarap magbasa ng libro pag ganitong tahimik." pagbasag ni Max sa katahimikan sa room, bumalik naman ako sa katinuan

"Nga pala Mille, nagkita ba kayo ni Ash kanina?" tanong ni Max

"Ah oo."

"Nakita niya ba ang boyfriend mo? Nagulpi niya ba?"

"Ano kamo?"

*Blag!* anu yan? si Ash lang yan, napalakas lang ang pagsuntok niya sa desk niya. Yun lang naman yun. >_< Nakakatakot talaga siya >_< Si Max naman kasi pinaalala pa talaga yung tungkol sa boyfriend na yan. Sino ba kasing nagsabi sa kanilang may boyfriend ako?

"Ayos ka lang Ash?"

"Lalabas na muna ako." tumayo si Ash at sinabi yan

"Hindi na bro, ako nalang lalabas." sabi ni Max tapos agad siyang lumabas at sinara ang pinto, naglakad naman si Ash palapit sa pinto, nakita kong binubuksan niya yun pero hindi niya mabuksan.

"Sh*t!" napamura nalang siya bigla

"Bakit? Napano ka?" tanong ko sa kanya

"Nakalock."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon