CHAPTER 60 - HAPPY?

18.5K 320 27
                                    

CHAPTER 60 - HAPPY?

MICAH'S POV

Ang saya ng birthday party ni Yno at nakakatuwa na si Cherry pa talaga ang nagtapat kay Cloud nung Saturday.

Bagong week nanaman. Bukas na ang start ng Foundation Day.

Busy sa pagprepare ng mga booths ang ibang klase, habang kami heto at chill lang.

"Mas masaya yata kung pati klase niyo may booth din." sabi nitong si Chester. Nandito kasi kami sa Gym kung saan inaayos ng mga iba't ibang klase ang mga booths nila.

"Okay na rin na wala dahil ayokong mapagod. Haha."

"Sabagay, tama ka dyan na nakakapagod nga. Bakit pala hindi mo kasama ang mga kaibigan mo?"

"Nasa room sila. Tamad magsibaba, e nabored ako dun kaya bumaba ako." di naman talaga yan ang dahilan ng pagbaba ko. Ayoko nalang sabihin sa kanya.

"Yun ba talaga ang dahilan? O baka naman kasi nandun sa room niyo sina Micah at Cliff?" di ko na nga sinabi, alam niya pa rin.

"Oo na."

"Affected pa rin?"

"Kung makapagsalita ka dyan akala mo ikaw hindi ka affected."

"Wala naman ng dahilan para maging affected. Masasaktan lang tayo." sabi niya ng nakangiti. Tingin ko tama nga siya, kasi parang ako lang ang nananakit ng sarili ko.

"Tama ka nga. Dapat di na ako maging affected." ngumiti naman ako pagkasabi ko nun. Isasagawa ko talaga yang sinabi ko.

"One way to have fun is to dance like no one is watching you." nakangiting sabi ni Chester tsaka siya tumayo, naglagay ng headphones sa tenga at nagumpisang sumayaw sa harapan ko.

Modern dance na may pagka hiphop. Infairness, magaling siyang sumayaw.

Napahinto naman sa pagaayos ng mga booths nila ang mga estudyante dito sa gym nang mapansin ang pagsayaw ni Chester. Lahat sila napatingin sa kanya.

Nagstop na siyang sumayaw. Ako naman todo palakpak.

"Ang galing mong sumayaw!" sabi ko ng nakangiti sa kanya

"Yan ang nagpapasaya sa akin." sabi niya sabay upo ulit sa tabi ko

"Wow! Looks like close na kayong dalawa." nang tignan ko kung sino ang nagsalita. Si Micah Michelle pala at as usual kasama niya si Cliff. Umalis nga ako sa room dahil nandun sila kanina, ngayon naman nandito sila.

"Oh Micah, kamusta?" tanong ni Chester sa kanya

"I'm happy, very much happy and inlove." abot tengang ngiti niya pa. Ako naman nakatingin lang sa kanila at pilit na naka smile.

"That's good. Masaya kami para sa inyo. Diba Micah?" sabay akbay sa akin ni Chester, napansin ko naman na napatingin si Cliff sa kamay ng pinsan niya nakaakbay sa akin.

"Oo naman, masaya kami. Lalo na ako, masaya ako for the both of you. Lalo na para sayo Cliff." sabay ngiti ko sa kanya. Napakaseryoso ng mukha niya. Simula nung araw na sinampal ko siya, di ko na siya nakitang ngumiti o baka naman ngumingiti naman di ko nalang nakikita o napapansin.

"Masaya din kami na masaya kayo para sa amin. Alam niyo bakit kaya hindi kayo magdate? Bagay kayo." sabi ulit nitong si Micah Michelle

"Really? Yun nga rin ang tingin namin diba Micah?"

Tumango naman ako "Oo nga, mas masaya ngang kasama si Chester. Kung bagay kami, ibig sabihin may chance tayo. Haha" kahit si Chester nakitawa na rin sa akin.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon