CHAPTER 56 - SOLVED CONFUSION

18.5K 310 12
                                    

CHAPTER 56 - SOLVED CONFUSION

JESX' POV

"Moronsx, punta kayo bukas sa birthday party ng baby brother ko." sabay abot sa amin ni Yvo ng invitation

"Children's Party?" tanong ni Carse

"Oo, siguradong mageenjoy kayo dyan. Haha!" sabi nitong si Yvo na nagpasama ng tingin namin sa kanya "Hahaha! Joke lang naman!"

"Punta tayo!" sabi ni Daryll

"Wag na tayong pumunta." sabi naman ni Aliss

"Hihintayin ka ni Yno kaya dapat kang pumunta." pag-apila naman ni Yvo sa kanya

"Oo nga, pumunta na kayo. Masaya yun sigurado." sabi naman ni Lei

"Isip bata ka, kaya siguradong mageenjoy ka." sabi sa kanya ni Lhei

"Snickers, pupunta tayo ha. Matagal na akong di nakakaattend ng mga children's party." sabi ni Nick na nakaakbay kay Carse

"Sige ba, basta kasama ka snickers. Okay?" paglalambing na sabi ni Carse

"Naguumpisa nanaman po sila." sabi ko sabay lipat ng pwesto sa tabi ni Mille, katabi ko kasi si Carse kanina.

"Pupunta ka ba Mille?" tanong ni Ash na katabi ni Mille sa kabilang side

"Kung pupunta sila, pupunta ako."

"Susunduin ko kayo bukas." sabi ni Ash

"Oh ayan pala may service na tayo bukas, susunduin daw ni Ash si Mille kaya malamang kasama tayo dyan." pag-agaw ko sa eksena

"Jesx talaga." sabi ni Mille sa akin. Humarap naman ako sa kanya sabay ^__^V

"Ako nalang magsusundo sayo bukas." biglang sabi ni Cloud. Napatingin naman ako sa kanya at sa akin yata siya nakatingin?

"Ako bang kausap mo?" tanong ko sa kanya

"Oo ikaw. Sino pa ba Jesx? Basta, sabay tayong pupunta kina Yvo bukas." sabay ngiti niya sa akin

"Pwede rin ba akong sumama?" tanong naman ni Cherry na biglang nasa may pintuan na kasama si Jessica at Dustin

Napatingin naman kaming lahat sa kanila.

"Sige sama kayong tatlo." sabi naman ni Yvo

"Ulap, sasabay din ako sayo bukas." sabi naman ni Cherry kay Cloud

"Huh? Sa akin? Kay Sky nalang." sabi naman ni Cloud at bigla namang nag-iba ang expression ni Cherry

"Bakit naman sa akin siya sasabay? Sayo nalang Cloud. Sa akin nalang sasabay si Jesx bukas." biglang sabi ni Sky na nag agaw ng atensyon namin

"Hindi, ako ng bahala kay Jesx bukas. Kayo nalang ni Poste ang magsama." nakangiting sabi ni Cloud. Si Cherry naman umupo sa tabi ni Sky pero hindi yung usual na siya, yung ang energetic na didikit kay Sky, ngayon kasi parang naiinis pa siya na kay Sky siya pinapasabay ni Cloud.

"Uy Jesx! Pinagaagawan ng kambal na Yoon?" sabi ni Aliss

"Hoy bakit nandito ka?!" biglang sigaw ni Eli

"Paki mo!" sabay ngiti nitong si Jessica "Halika Kuya Dustin! Dun tayo sa tabi ni Mille." sabay hila ni Jessica kay Dustin

"Hi Jesx, pwedeng dyan umupo si Kuya Dustin?"

"Ah eh, sige." tsaka nalang ako tumayo at pinaupo dun ni Jessica si Dustin. Ayan tuloy ang peg ni Mille, torn between two handsome guys.

"Kamusta Mille?" tanong ni Dustin kay Mille

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon