CHAPTER 67 - GOOD DAY?

18.5K 299 14
                                    

JESX' POV

Umpisa nanaman sa gang fights ang Fierce Gangsters.

"Hindi niyo man lang ba aawatin sa pakikipagaway ang mga syota niyo?" tanong ko kay Micah, Carse, at Lhei

"Mahirap awatin ang mga yun." sabi ni Lhei

"Isa pa, yan na ang nakasanayan." sabi ni Carse

"Lalo na at napamahal na rin naman sa kanila ang pagiging gangster." sabi naman ni Micah

Sabagay tama nga naman sila. Yung mga gang lang naman ang lumalapit sa kanila kaya nagkakagulo eh.

"Bakit nga pala hindi kayo sinusundo?" tanong ni Mille sa kanila

"Sagutin mo kaya Mille yang tanong mo kung bakit hindi ka sinusundo ni Ash?" sabi ni Micah. Parang napaisip naman si Mille.

Hinatid nga nila kami pauwi, pero hindi nga nagsusundo. Bakit kaya? Nakakapagtaka nga naman.

"Good morning cheezycake! ^__^//" masayang bati ni Lei sa kanyang girlfriend na si Lhei

"Good morning din cheezycake." pagbati rin ni Lhei

"Buti naman at natapos na kayo sa exercise." sabi naman ni Micah kay Cliff

"Pampalaki lang naman yun ng triceps." sagot ni Cliff

"At pampadagdag ng abs. Haha." sabi naman ni Nick

"Sus snickers, abs? Baka kamo ab. Haha" sabi ni Carse

Exercise lang talaga ang tingin nila sa pakikipagbakbakan araw-araw.

"Aliss, kamusta si Orange?" tanong ni Yvo

"Sinong orange?" tanong ko naman sa kanila

"Yung unggoy yun. Ayun, nakahiga sa kama." sagot ni Aliss. Ah yung unggoy pala na dala niya kahapon.

"Good morning." sabi ni Ash kay Mille

"Good morning din." sagot naman ni Mille sa kanya. Nagkakahiyahan ba yang dalawa? Oh ganyan na talaga pagpapakita nila ng admiration? =__=

"Pasok na tayo!" sigaw ni Daryll sabay lakad

"Hoy! Hindi mo man lang ba ko papansin?!" sigaw yun ni Blue

"Wala akong naririnig." sabay takip ni Daryll ng tenga niya. Masasabi ko bang may improvement sa dalawang yan?

"Oy ikaw, tatayo ka nalang ba dyan!" sigaw naman sa akin ni Sky. Ang sweet niya noh? Nakakakilig =__=

"Kung maka hoy ha." sabay lakad ko at paglagpas sa kanya

"Ang tigas mo talaga." sabi ni Sky habang nakasunod sa akin

"Malambot ako. Kaya ko pa ngang ipatong ang legs ko sa ulo ko nang nakaupo." sagot ko sa kanya nang di tumitingin

"Maniwala sayo."

"Wala akong pake kahit di ka maniwala." pero totoo yung sinabi ko. Manghang mangha pa nga ang Moronsx nang makita yun na ginawa ko.

"Oy tabi!" sigaw ko sa kanya nang bigla siyang humarang sa harapan ko

Nakatingin lang siya ng diretsyo sa mga mata ko, yung dalawang kamay niya nakapasok sa bulsa niya tsaka siya naglean forward para lumapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Te amo." sabi niya na nagpalaki ng mata ko (O_O) Hindi niya sinabi yun nung Friday, ibig sabihin may alam pa siyang ibang language nang salitang I love you?

Bigla siyang nagsmile tsaka na naglakad ulit.

Adik ng lokong yun! Pinagtritripan niya ba ako? >///////////<

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon