CHAPTER 64 - END IT WITH A BLAST

18.6K 338 38
                                    

MILLE'S POV

1st night naging sina Micah at Cliff, 2nd night sina Lhei at Lei. Sino naman kaya ang susunod ngayong 3rd/last night ng Foundation Day?

Definitely not me! Undecided pa rin ako hanggang ngayon. Undecided nga ba? Aish! >_<

"Ang cool lang talaga ng Fierce para maisip ang ganitong klaseng gimik." sabi nitong si Jesx na katabi ko

"Oo nga. Akala ko walang booth ang section natin." sagot ko sa kanya

"Pero ang ending mas bongga pa sa bongga ang tinatawag nating booth." sabi ni Daryll

Sino ba naman kasi ang may ice skating rink sa Foundation Day ng school? Kami lang ang meron niyan! The best kasi ang Fierce especially si Max sa pagiisip ng mga ganyang bagay.

"Uy Jesx!" biglang pagtawag ni Cherry na palapit na sa pwesto namin ngayon. Himala at di niya kasama ang kanyang Ulap.

"Oh napano ka?" sagot sa kanya ni Jesx

"Bakit wala si Sky kagabi?" tanong ni Cherry

"Mukha pa akong hanapan ng nawawalang masungit na nilalang?" sagot ulit ni Jesx

"Sabi ko nga at hindi ka sasagot ng matino." sabi ni Cherry sabay upo sa tabi ni Jesx

"Ewan ko ba sayo. Alam mo naman pala tinanong mo pa ako." kapangbara talaga ni Jesx noh? Pansin niyo ba?

"What do we have here?" tanong ni Micah na palapit na rin sa amin

"Aba! Hindi mo yata kasam ang cookies mo?" natatawa pa si Aliss habang tinanong yan

"Ayun, kasama ang Fierce. Ikaw ha Aliss, wag mong tinatawanan ang endearment namin ni Cliff. Pero ewan ko ba dun, yun pa talaga naisipan niya." medyo natatawang sabi ni Micah

"Wag daw tatawa pero medyo natatawa ka dyan." sabi ko kay Micah.

Natutuwa ako sa pagiging inlove ng mga kaibigan ko. Ang hahaba pa ng mga buhok nila.

"Oy Lhei! Ikaw ba dyan ay nakarecover na sa ginawa mong pagsagot kay Lei kagabi?" tanong sa kanya ni Micah

"Oo naman. Yata? Medyo kinikilig pa rin kasi ako." sabi ni Lhei na napapangiti

"Asus! Di bagay!" sabay tulak sa kanya ni Carse

"Makatulak kang snickers ka ha!" sabay tulak din ni Lhei sa kanya

"Cheezycake!" sigaw ni Carse

"Snickers!" sigaw naman ni Lhei

Hindi pa po sila nagaaway niyan. Medyo lang po. Medyo lang talaga. Promise!

"Girls!!!!!" sigaw yan ng tumatakbo palapit sa amin na pinsan ni Dustin, si Jessica na kaaway ni Eli.

"Problema mo?" sita sa kanya ni Aliss

"Hmmm kasi anu. Ahmm! Ihhhhh!" kinikilig siya na parang ewan sabay hampas pa ng kamay niya kay Aliss

"Uy kung makahampas naman." sabi sa kanya ni Aliss.

"Ganyan talaga yang si Jessica, nanghahampas yan at nanunulak pag kinikilig." sabi ni Cherry na tawang tawa sa gestures ni Jessica

"Ano ba kasing meron?" tanong ko kay Jessica

"Ganito kasi yan--" hindi pa natatapos ni Jessica yung sinasabi niya ng biglang dumating si Dustin na may dalang tatlong lobo

"Sinong may birthday?" tanong ni Carse

"Pag may lobo birthday agad?" pangasar na sagot sa kanya ni Jesx

Nakangiti si Dustin na palapit sa amin, I mean, sa akin.

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon