Chapter 4 - BLACK STAR

43.7K 889 94
                                    

Chapter 4 - BLACK STAR

Maraming nangyari sa araw na to na di namin inaasahan.

Una, pinatawag kami ng Prinicipal

Pangalawa, kinausap kami ni Mrs. Empire at bigla kaming nagkatrabaho.

Pang huli, naasar at napagkatuwaan pa namin ang ilang miyembro ng Fierce.

Nakauwi na kami ngayon sa apartment na nirerentahan namin. Magkakasama kaming pito na nakatira dito.

"Nakakapagod ang araw na to." sabi ni Daryll na humiga agad sa kama

"Tama ka dyan." sabi ko naman na humiga rin sa tabi niya

"Hoy! Wag kayong umarte dyan na sobrang pagod. Baka nakakalimutan niyong kayong dalawa ang toka today sa pagluluto." sabi ni Jesx

Si Jesx talaga ang parang nanay namin sa grupo, mali, mayordoma namin yan. HAHA

"Jesx, baka nakakalimutan mo rin na di ako marunong magluto." sagot ko kay Jesx

"Ayy nako! Oo nga pala." sabi ni Jesx

"Ei girls, wala nanaman tayong stock ng itlog dito." sabi ni Lhei

"Gusto ko pa naman ng Omelet." sabi ni Carse

"Edi bumili kayo." sagot ni Micah

Ayan nanaman yang mga papilosopong usapan ng mga to. HAHA

"Mille, ikaw na. Tutal si Daryll na yang magluluto." sabi ni Jesx

"Kararating lang natin, lalabas nanaman ako? At tignan niyo oh gabi na, madilim na sa labas." sagot ko

"Meron bang gabing maliwanag?" sabi ni Aliss

"HAHAHAHA nasabon ka dun Mille." sabi ni Micah

Ito talagang si Aliss kahit tahimik yan, pag bumanat naman yan Wagas!

"Tss. Oo na ako na." sabi ko at tumayo na ko sa pagkakahiga

*SNOR*

May narinig akong humihilik na. Pagtingin ko kay Daryll mukhang nakatulog na yata.

"Hey Dah." sabi ko kay Daryll at ginalaw galaw ko pa siya

"Nagaarte lang yan para di makapagluto. HAHA" sabi ni Lhei

"Tomo! Tara daganan natin para magising." sabi ni Carse

At nilapitan na nila si Daryll at akton dadaganan

"WAAAAAAAAAHHHHH! Aray ko naman! Masakit!" sigaw ni Daryll

"HAHAHAHA ayan kasi nagtutulog tulugan ka." sabi ni Micah

"Sige na bibili na ako ng itlog. Isang tray ba? Yun lang bibilhin ko?" tanong ko sa kanila

"Oo tama na yung isang tray para may stock lang tayo." sagot ni Jesx

Palabas na sana ako ng pinto.

"Wait nga lang. Hindi niyo ba talaga ako sasamahan? :|" tanong ko sa kanila

Pero ayun silang anim, kunwaring walang narinig.

Kawawa tuloy ako, mag isang maglalakad sa dilim para lang bumili ng isang tray ng itlog dahil lang sa gusto nila ng Omelet ngayong gabi. Kawawang bata. (_ _)

Lumabas na ako ng bahay at nagpunta na sa pinakamalapit na grocery dito sa amin. Nakabili na rin ako ng isang tray ng itlog.

Tamang tama lang at makakauwi na ako. Lumabas na ako ng grocery store nang biglang

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon